You are on page 1of 2

Edukasyon sa gitna ng pandemya, sa panahon na ito marami ang nagbago,

hindi natin inaasahang may uusbong na isang panganib na syang nagbalot


ng takot at kalungkutan sa buong mundo, tumigil ang galaw ng mundo
nang dumating ito, lahat ay naapektuhan, at maraming tao ang namatay
dahil sadyang mapanganib ito.

Ang lahat ng tao ay nanibago kasama na dito ang mga mag-aaral,


nagpatupad ang Pangulo ng community quarantine dahil sa pagpasok at
palaganap na Covid-19 sa Pilipinas. Dapat ang pagbubukas ng
eskwelahan ay noong ika-24 ng Agosto pero dahil may umusbong na isyu
ay naisantabi ito at ipapagpatuloy sa oktobre batay sa DepEd.

Hindi hinayaan ng DepEd at ng Pangulong Duterte na hindi matuloy ang


balik eskwelahan ng mga estudyante kaya kahit may Covid-19 pandemic
ay naka isip parin sila ng paraan upang magpatuloy ito. Isinagawa ang
modular at online learnings, sa pasok ng school year ay hindi naging
madali sa mga estudyante ang bagong sistema ng pagkatuto, malungkot
isipin na maraming hindi nakapag-aral dahil sa kakulangan ng mga
kagamitan (tulad ng laptop, internet connection, cellphone, at iba) at
pagkakulang at pagkahirap na naisasagawang independent learning. Hindi
naging madali sa mga tao na maging komportable sa bagong ngayon,
tayong lahat ay sinubok, maraming bagay ang nabago at maraming din
hindi na natin nagagawang mga bagay, ang tanging kasiyahan ng mga
mag-aaral ay pumasok sa kani-kanilang paaralan na may baong pagkatuto
na nakikita nila ang kanilang mga kaibigan.

Maraming mga tao ang nagsasakripisyo sa gitna ng pandemya, ang mga


guro ay abala sa pag-gawa ng modules at pag-aasikaso sa matututunan
ng mga estudyante, habang ang mga estudyante namang ay natututo sa
loob ng bahay. Maraming magagandang bagay ng pwedeng gawin sa loob
ng bahay upang ikaw ay hindi na mainip, ito nalang ang mga gawin mo at
mas pagtugunan ang mas mahalaga sa buhay mo, tiyak na ikaw ay maaliw
na hindi nag-uuwi ng sakit sa loob ng bahay mo.

Katulong natin ang mga gobyerno, magulang at ang mga tao, naghahanda
tayo hindi lang sa pagpasok sa paaralan kundi sa mga hamon sa buhay. Sa
kabila ng paghihirap, ang virus na ito ay isang sa ipakamatinding pagsubok
na kinakaharap ng buong mundo, araw-araw ay mas tumitindi ang
sitwasyon, lumalaganap ang sakit, kakulangan sa salapi, at kawalan ng
determinasyon ng mga tao pero hindi dapat ang palagi nating iniisip ay
puro negatibo mas maganda kung ang nating isasapuso ay ang mga
positibong bagay. Marahil maraming nahihirapan sa sitwasyon na ito pero
nandyan ang pag-asa na makabalik ang dating pamumuhay, dapat tayo ay
mag-tulungan upang mapuksa ang virus.

Laging tandaan na lahat ay malalagpasan basta kasama ang Panginoon sa


buhay.
Manalig, manampalataya at maniwala sakanya.

You might also like