You are on page 1of 27

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay

pinamagatang, “Bakit Karamihan sa mga Estudyante ay Mayroong

Mababa at Bagsak na Marka sa Eskwelahan”. Inihanda at iniharap ang

pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn

Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos

Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at


inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan


sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________
Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)

_____________________________
Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)
PASASALAMAT

Ang sulating pananaliksik na ito ay hindi maisasagawa kung hindi dahil sa


ilang taong tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Nais kong pasalamatan ang aming guro sa Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges,
na gumabay sa aming mga estudyante habang isinasagawa ang
pananaliksik. Sa lahat ng oras ay alam naming lahat na nariyan siya upang
kami’y tulungan.

Ibig ko ring pasalamatan ang lahat ng estudynate at mga kapwa ko mag-


aarala na laging nariyan para tumulong sa akin. Dahil sa kanilang mga
mungkahi, talaga namang nakatulong sila sa aking pananaliksik at para
mapabuti ito.

Nais ko ring magpasalamat sa aking mga magulang na walang sawang


sumusuporta sa akin. Nais ko rin silang pasalamatan sa patuloy nilang pag-
gabay sa akin.

At matapos ang lahat ng ito, isang malaking pasasalamat sa Diyos ang nais
kong ibigay. Ang pagkakagawa ng sulating pananaliksik na ito ay hindi
maisasakatuparan kung hindi dahil sa tulong Niya.
TALAAN NG NILALAMAN
PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”


A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

D. MGA SULIRANIN

E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

F. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”


A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. METODOLOHIYA

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. MGA RESPONDENTE

E. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “KONKLUSYON”
A. KONKLUSYON

BIBLIOGRAPIYA
KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
A. INTRODUKSYON

Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay, personalidad, at


kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay
tumatalakay sa isang simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya.

Kadalasan, ang mga nakakalap nating impormasyon ay nag-mumula


sa mga libro, dyaryo, telebisyon, radyo, at mga sulating pananaliksik tulad
na lamang nito.

Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at


palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas
naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa nasabing
paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang ilang paksa,
kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol dito ay mga maling
sabi-sabi lamang.

Ang sulating pananaliksik na ginawa ko ay may layuning bigyan ng


kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante
sa kanyang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga
kaalaman tungkol sa ilang suliranin ng mga estudyante.

Ang pokus ng sulating pananaliksik na ito ay ang tinatawag na, “Bakit


karamihan sa mga estudyante ay may mababa na marka o grade sa
eskwelahan?” Ito ay mga dahilang kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral
kapag sila’y nasa eskwelahan.

Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga


impormasyong nakalap namin sa internet at sa sarbey na aking ginawa.

Bakit karamihan sa mga estudyante ang bumabagsak sa mga Major


subjects? Anu-ano ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito? - ang
lahat ng kasagutan ay nasa nilalaman ng pananaliksik na ito.

Halina’t tuklasin ang mga bagay na ito sa pananaliksik na ito.


B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang mga pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay:


1.  Mahikayat ang mga kabataang gumawa ng mga bagay na nakakabuti
sa kanila sa pag-aaral sa loob man o labas ng paaralan.
2.  Maging mapili sa lipunang papasukan dahil maaring
makaimpluwensiya ito sa mga kabataan na nag-aaral. Maaring ang
mga impluwensya na ito ay masama o makakabuti.

Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay:


1. Malimitahan ng mga mag-aaral ang ibang bagay sa pag-aaral sa
tamang oras.
2. Mamulat ang kanilang (mga mag-aaral) mga mata sa mga maaaring
masamang maidulot ng mga bagay, kaibigan, lipunan, at marami pang
iba sa kanilang pag-aaral.
3. Malaman ng mga mag-aaral ang masama at mabuting naidudulot ng
mga ginagawa nila habang sila ay nag-aaral sa kanilang sarili.

C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat an


gang mga estudyante na mag-aral ng mabuti. Mahalagang malaman din nila
ang ilang mga kasagutan nila katulad ng:

 Ano nga ba ang pag-aaral?


 Ano ang kahalagahan ng pag-aaral?
 Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?
 Paano ko mapapataas ang aking mga marka?
 Anu-anong mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na ako
bumagsak pang muli?
 Paano ko mababago ang sarili ko?

Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito.


Ang isa pang posibleng kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang mahubog
ang mga mag-aaral na panatilihing maging maayos ang kanilang pag-aaral.
D. MGA SULIRANIN

1. Di pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral

Ilan lamang sa mga mg-aaral ang nag seseryoso sa kanilang pag-


aaral, ang iba naman ay hindi. Ilan sa kanilang dahilan: “tinatamad”,
maraming humahadlang sa kanila katulad ng computer games,
panliligaw, walang interest sa pag-aaral, interesado sa ibang bagay, may
problema sa pamilya at kung anu-ano pa.

Madalas itong nangyayari sa mga pampublikong paaralan na mas


mababa pa sa section 5 (lima), ngunit hindi lamang ito nangyayari sa
mga pampublikong paaralan dahil nararanasan din ang ganitong suliranin
sa mga pribadong paaralan.

Sa pampubliko isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mga


bagay na umaagaw sa kanilang atensyon sa kanilang pag-aaral at sa
parehong pribado at pampubliko ang dahilan nila ay katamaran.

2. Katamaran sa Pag-aaral

Karamihan na nga sa mga mag-aaral o sa mga estudyante ang tamad


at isa sa kanilang dahilan ay ang mahirap na subject.

Ayon sa mga nakalap kong impormasyon sa mga eskwelahan (4 th


year) ang pinakamahirap na subject sa kanila ay ang Math.
P in akam ah irap n a su b ject

10 % 10 %
F ilip in o
1 0%
Math
Scie nce
En glish
MAPEH/MSEP
TLE
AP/Histo ry
40 %
CLE
3 0%
Comp uter

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga guro sa Math ang ganitong


sitwasyon. Sa aking palagay, wala namang mahirap na subject kung
pagbubutihan lang ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral at kung
pagtutuunan natin ng pansin ang mga subject na nahihirapan tayo.

---

Isang artikulo mula sa “Ang Blag ni Sarimau”

WALANG TAONG BOBO… TAMAD, MERON

Marahil ay kahit papaano’y nabuhayan kayo ng loob sa nabasa ninyong


pamagat lalo na iyong mga taong hindi biniyayaan ng angking talino, sabihin na
rin nating iyong mga taong natutulog noong nagsabog ang Diyos ng mga
talento, galing at karunungan sa mundo. Iyong mga taong hindi pinapansin ng
karamihan, mga taong hindi masyadong pinahahalagahan. Iyong mga taong ni
minsan sa buhay nila ay hindi nagkamit ng karangalan dahil sa
nakamamanghang kakayahan. At daqhil saw ala silang natatanggap na kahit na
ano, at puro kapalpakan na lamang ang kanilang natatamo, naweawalan na sila
ng pag-asang tumayo sa pinagkakalagpakan nilang putik na madikit at may
amoy na animo’y luom ng kabiguan. Pilit nilang isinasara ang kanilang mga
isipan sa mga bagay na hindi nila aakalaing kaya at magagawa nila, mga bagay
na magagawa nila para sa sarili nila. Ayaw na nilang pilitin pang alisin ang dikit
ng putik sa kanilang katawan at ang amo’y na hindi matanggal-tanggal at
magpursiging abutin ang mga pinapangarap nilang magawa at upang makuaha
ang karangalan na lagi nilang pinagdarasal.

Habang ako’y nag-i-internat sa aming bahay, may nabasa akong mga


blogs sa isang forum site tungkol sa talino ng isang tao. Nasasabi doon na lahat
ng tao’y matalino, nakukuha ang talino ng tao depende sa kung paano niya ito
gagamitin. Sabi ng mga matatanda noon, kumain dawn g mani during exams
para pumasa. Meron namang naniniwala na kapag ipinagbubuntis ka pa lang at
alaga ka na habang nasa tiyan ka pa lamang, lalabas din daw ang katalinuhan
pag isinilang. Meron namang likas talaga ang talino o tinatawag na gifted child.
May naniniwala din na sa genes ng angkan nanggagaling ang talino na tao kaya
swerte mo kapag ang pamilya mo’y matatalino at mga nakatapos na at
professionals na ngayon. Pero tunay nga ba ang mga ito o sadyang pamahiin
lang nating mga Pilipino dala ng sarili nating kultura?

Sa mga nalaman kong iyonj, ang tao na rin ang nagsabing walang taong
bobo, mayroon tayong angling mga talino. At kahit sa genes man o sa kinakain
o sa kahit ano pa mang pamahiin nating pinaniniwalaan nanggagaling ang
katlinuhan nating tinataglay, tayo pa rin ang mgasasabi kung kaya ba natin ang
isang bagay o hindi. Nasa sa ating mga kamay kung patuloy tayong
magbubulag-bulagan o magigising na sa katotohanan na kaya din natin yan.

Kilala mo ba iyong batang estudyante sa third year na kasama sa honor


roll ng section 1? Siya ay isang mag-aaral na puro talento ang napapaloob sa
kanyang pagiging isang indibidwal. Marunong siyang mag-sketch at mag paint
gamit ang kanyang maliit na lapis. Kasama siya sa mga pumupunta ng school
tuwing Miyerkules ng umaga sa principal’s office upang mag-ensayo ng mga
awitin sa kadahilanang miyembro siya ng choir. Nakasama na rin siya minsan sa
mga quiz bees gaya ng Science Quiz Bee noong Riprisa Meet noong second year
siya, First Angono Quiz Bee tungkol sa History nito at sa iba’t-ibang
kumpetisyon na idinaraos sa magkakaibang lugar. Ngayon ay nagsusulat siya sa
school paper na hindi niya malaman kung marereject ba ang gawa niya.
Marunong din siya sa pagbuo ng rubik’s cube at konting pitik lang aybuo na niya
ito kaagad . ANo pa? Lahat na ay abot kamay na niya sa dami ng kaya niyang
gawin. Maiisip nating isa siya sa mga gising na nakakuha ng maraming perlas ng
kahusayan noong nagsabog ang Diyos nito mula sa kanyang paraiso.

At ngayon, natutuhan na niya ang ilang mga bagay dahil sa mga


naranasan niyang pagsubok sa buhay na kung saan siya sumuko at natikman
ang kalupitan ng kabiguan.

Minsan na siyang nawalan ng ganang magpursigi sa tanging yaman na


maipapamana ng kaniyang magulang sa kanya.

“Ayoko na..puro kamalian ang aking nakukuha. Ang hirap naman kasi…”

Nawalan na siya ng ganang mag-aral dahil sa alam niyang nagagawa


naman niya ang mga bagay-bagay ngunit nagkakamali pa siya. Ang mga tao ay
ganyan, nagkamali lang, umaayaw na. Nbigo lang, ayaw nang ipagpatuloy ang
nasimulan. Diyan niya natutunan na isa lamang iyang pagsubok para mas lalo
pa niyang maintindihan ang halaga ng buhay.

Minsan na siyang nawalan ng pag-asa at bumangon ulit gamit ang sarili


niyang mga paa.
“Bahala na nga kung ano ang kalalabasan niyan. Ewan. Wala na siguro kong
magagawa pa…”

Ganyan ang mga tao. Madaling sumusuko, Kapag nakaramdam na siya ng


pagkareject, pang-aapi at kamalasan, hindi na niya magawa pang tapusin ang
mga bagay na dapat niyang matutuhan. Kaya humahantong tayo sa mga
sitwasyong ito, hindi bukas ang ating mga isipan sa mga bagagay na kayang
gawin Diyos. Hindi kasi tayo nagdadasal. Magpasalamat tayo sa kaniya at lagi
natin siyang unahin sa lahat ng bagay at puro tagumpay an gating matatamo.
Effective yan.

Minsan na siyang nabigo at nalungkot dahil sa resulta ng kanyang


pagsisikap na nauwi lamang sa wala.

“Wala na.. Natalo na ako kaya next time na lamang ako babawi…”

Ang pagkabigo ay hindi hudyat ng pagsuko bagkus ay hudyat ng mas


malaki pang tagumpay. Noong nasa gradeschool pa lamang siya ay hindi siya
nagkamit ng kahit anong posisyon sa outstanding pupils ng Angono Elementary
School. Pero sa kasalukuyan, ay pilit niya ngayong ginagawa ang lahat ng
kanyang makakaya upang mapanatili niya ang mga karangalan na kaniyang
natatamo. Tandaan natin na ang kabiguan ay pinaparanas sa atin upang tayo’y
maging matatag sa pagharap ng mas matindi pang mga problema at upang mas
lalo pa nating maintindihan ang buhay at ang mga bagay-bagay na sumusunod
dito.

Minsan na niyang naramdaman na wala na siyang magagawang tama sa


lahat ng oras. Naging sarado ang isip niya katulad ng mga taong wala ng
pakialam dahil sa tingin nila ay wala na silang kayang gawin. Ito ang
pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa isang tao. Kapag isinara na niya ang
kanyang isipan sa lahat ng bagay, hindi na niya maiintindihan ang kahulugan ng
mga ito. Lalo pa niyang makakalimutan ang nasa taas at hindi rin niya
malalaman ang dahilan kung bakit nangyayari iyon.

Ngayong kasalukuyan, naintindihan na ng batang iyon ang mga bagay na


hindi niya lubusang matanto kung papaano niya natutuhan ang tunay na
kahulugan niyon. Mga bagay na dapat nating isaisip, isapuso at higit sa lahat,
isagawa. Mga bagay na nagdala sa atin sa isang kaliwanagan na pilit Niyang
ipinapamukha. Ang batang iyon ay masaya na sa kanyang buhay kahit sa kung
ano lamang ang mayroon siya at kuntento na siya sa kung anon a siya ngayon.
Maraming kaibigan. At ikaw, sana’y kahit papaano ay maintindihan mo ang
tunay sa buhay ng tao. WALANG TAONG BOBO…TAMAD LANG!!! Nawawalan
lang ng ganang mag-aral, parang baril, nauubusan din ng bala. Iba na kasi
kapag tinablan ka na ng katamaran. Nadadamay na ang lahat ng bagay. Kaya
ang maipapayo ko sa iyo, kapatid, at sa mga taong nawawalan ng pag-asa at sa
mga taong sumusuko na, mag-aral ka lang ng mabuti. Kung walang dumarating
na achievements, ibig sabihin lamang ay kulang pa ang pagpupurisgi sa pag-
aaral.
Kilala niyo ba ang batang iyon? Hindi niya nais na magyabang bagkus ay
gusto niyang ipaalam sa inyo ang pinagdaan niya sa pagtahak sa buhay at
magsilibi na rin aral sa mga kabataan ngayon.

---

Mga bagay na pinagkaka-abalahan ng mga estudyante na walang


kinalaman sa pag-aaral

Isang artikulo mula sa mga estudyante:

EPEKTO NG IPOD, LAPTOP, CP, AT PSP SA


kabataang Pilipino
  Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka.
Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay
dahil marami silang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang
napakalayo na ng narating ng teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong
kagamitan. Ang mga makabagong kagamitang ito ay ang mga
kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng Pilipinas. Ito an
gaming o ang paglalaro sa computer na piniling pagtuunan ng pansin sa
kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa klase, na imbes libro at bolpen
ang dala ng mga mag-aaral, ang mga dala nila ay PSP, iPod, Laptop at
Cellphone.

Ang K-Zone ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito


malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls
ngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong “What’s
Hot?” na nagpapakita ng mga sikat na makabagong kagamitan ngayon at
mga nalalaos na. Mapansin na kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga
magasin, maraming kabataan ngayon ang bumibili ng K-Zone dahil na rin
sa “What’s Hot?” naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa
kung anung bagong kagamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral
patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na
nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa
problema sa pamilya, lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang
tinatawag na study habit, etc. Ngunit dahil ngayon lamang lumabas ang
PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala pang pag-aaral ang naglayong alamin
ang mga epekto ng mga makabagong kagamitang ito sa mga mag-aaral.
 
Ang kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ng
makabagong kagamitan imbis sa pag-aaral. Dati ay sinasabing ang
edukasyon lamang ang hindi mananakaw sa isang tao. Ngunit sa pagsulpot
ng mga makabagong kagamitan ngayon, hindi ba’t ninanakaw na nito ang
oras na dapat sana’y sa edukasyon nakalaan?
KABATAAN ---> ORAS SA PAG-AARAL---> PAGPAPAHINGA
|
TEKNOLOHIYA
|
MAKABAGONG KAGAMITAN
|
MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT
 
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabtaan ay
napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang
pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o
matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa
kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone
o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang
ito na hatit ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting
epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto
dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng
mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at
PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon
imbis na mag-aral.

Sa pag-aaral na ito, kami ay nagsagawa ng sarbey sa tatlong


institusyon sa Metro Manila. Sa Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay,
Espaňa. Dahil ito ay pampblikong paaralan, nais malaman ng pag-aaral na
ito kung naaapektuhan ba ang pag-aaral nila ng mga makabagong
kagamitan. Sa St. James College of QC. Isa itong probadong paaralan at
nais malaman ng pag-aaral na ito kung ano ang epekto ng mga
makabagong kagamitan sa mga mag-aaral ng hayskul. At ang huli naming
pinagkuhanan ng sarbey ay ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo
Tomas, Kolehiyo ng Komersyo sa seksyon ng 1H-am. Dahil karamihan ng
mga mag-aaral sa seksyong ito ay nagdadala ng mga makabagong
kagamitan sa mismong paaralan.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral ng


Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay, Espaňa, St. James College of
QC, at Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersyo sa seksyon ng
1H-am na may edad 13 hangang 19. Mga nasa ikalawang taon sa hayskul
hanging unang taon sa kolehiyo.
 
Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang cellphone. Ito
ang isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain kapag
ginagamit. Marami rin itong modelo na mas lalong naghihikayat sa mga
kabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga features ng cellphone ay
ang usong-usong text messaging. Sa ngayon kasi ito na ang pinaka-mabilis
na komunikasyon. Naipapadala sapamamagitan nito ang lahat ng gusto
mong sabihin sa iyong kausap kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din
ay mayroon na ngayong multimedia. Na kung saan pati litrato ng mga tao
ay pwede na rin maipadala sa kausap nito. Talagang marami nang
magagawa ngayon kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung
anu-ano ang mga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagong
modelo nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live mong
mapapanood ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saan
all in one cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa
iisang modelo. At video phone na kung saan magagamit mo ito na parang
video camera. Ito ang mga ilang positibong bagay na naidudulot ng
pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din naming negatibo itong dala sa
bawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, nagiging dahilan o mitsa
na ng buhay natin ang cellphone. Marami na kasi ang mandurukot na
gagawin ang lahat makuha lang ang kagamitan na ito. Madali kasing
mabenta. Isa pa sa mga negatibong bagay ay ang pagkasira ng
kinabukasan ng mga kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang halos
lahat ng oras nila na sana’y sa pag-aaral na lang. ginagamit kasi ang
cellphone sa hindi mabuting paraan kagaya na lamang ng panliligaw. Madali
kasi na paraan ang naidudulot nang paggamit ng cellphone. Ang
pangalawang patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos lahat ata
ng mga tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isang
kompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang
pagbibigay ng internet. Alam naman nating lahat na halos lahat ng
impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga libro na
ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag ng
impormasyon. Ang kompyuter din ay mayroong mga Microsoft Word,
Powerpoint, Excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng mga
research work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis kasi ang
paggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang kompyuter din
ay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games. Ito’y patok na patok
lalo na sa mga kabataan. Nadadownload na kasi ang halos lahat ng mga
laro sa kompyuter kaya maraming kabataan ang nahihikayat na maglaro
nito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ng kompyuter. May
mga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas ay
puro laro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba din
naman ay masyado na ring dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sa
internet kaysa sa mga libro. Na nagdudulot minsan ng plagiarism o
pagkopya ng ibang gawain.

Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na nauuso


sa mga kabataan ngayon. Malamang ay maraming kabataang katulad ko na
pilit kinukulit ang mga magulang na bilhin ito. Marahil isang dahilan kung
bakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito dahil sa marami itong
“features” na nakakaakit sa mga kabataan. Ang ilang “features” nito ay ang
Multimedia Playback kung saan ay maaaring makapanood ng mga pelikula.
Audio Player kung saan ay may maaaring makinig ng mga musika. Camera
kung saan ay maaaring makakuha ng litrato. Wireless Networking dahil ang
PSP ay nakakakonekta sa “wireless network” sa pamamagitan ng W-IFI na
kung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang
“multiplayer gameplay”. Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato
mula sa isang PSP papunta pa sa isa pang PSP. Internet Connectivity na
kung saan ay nagagawa nitong makagamit ng internet sa pamamagitan ng
wireless connection at maaaring makapanood ng live television broadcast.
At Games kung saan maaaring makapaglaro ng iba’t- ibang klase ng laro.
Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga gumagamit nito at nakakatangal ng
pagkabagot. Halimbawa nalamang kung ikaw ay isinama ng magulang mo
sa isang selebrasyon na wala kang kainteres interes ay maaari mo itong
gamitin. Ang PSP ay napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-
friendly nito kaya madaling gamitin. Hindi rin naman mawawala na may
mga magaganda at masasamang dulot ang gadget na ito. Ang isa sa mga
mabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang may-ari
sa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal ang
kagamitan na ito. Natututo na magipon at magtipid para makabili nito. Sa
ngayon ay hindi natin maikakaila na maraming kabataan ang mayroon ng
PSP, tulad na lamang sa mga eskwelahan at unibersidad. Dahil sa madalas
na paglalaro ng PSP ay masasabi din nating may naitutulong ito. Tulad ng
pagpapatalas ng isip sa pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upang
matapos ang laro. Ang isang halimbawa ay ang mga RPG games.
Magandang tulong din ng PSP ay nakakabuo ng pagkakaibigan dahil sa
kaalaman sa gadget na ito o dahil sa mga bagong lagay na laro, kanta o
pelikula sa PSP. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa
impluwensiya ng droga dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kung
mayroong magandang dulot… Malamang ay may masama rin ito. Tulad ng
dahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga ito.
Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaring
kalabasan nito ay magkaroon ng malaking posibilidad ng maging obese ang
mga kabataan. Nakakasira sa kalusuagan lalo na sa mata. Alam nating
maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na magkaroon nito…
Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat sa
kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan ito ng
pagnanakaw. At higit sa lahat ay naisasantabi nila ang kanilang pagaaral.
Halimbawa nalamang na mas inuuna nila itong gawin kesa sa paggawa ng
kanilang takdang aralin o kaya naman magaral para sa mga pagsusulit. Isa
pang gadget na patok sa mga kabataan ay ang IPOD na tila ay hindi nila
maiwan iwan sa bahay kapag umaalis o bumabyahe. Tulad ng PSP ay may
magagandang “features” ito kaya sobrang lakas ng hatak nito sa kabataan.
Ang mga “features nito ay Games na kung saan ay nakakapaglaro ng iba’t-
ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay ang mag
numero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mga
importanteng gawain. At ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock, Photos
kung saan ay makikita ang mga ilang larawan na inilgay at Stopwatch. At
ang pinakamahalagang feature nito ay ang Music, dito nakalagay ang
madaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga kabataan. Hindi natin
matatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay
masasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na
magkaroon nito. Nakakaalis din ito ng pagkabagot at nagsisilbing libangan.
Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ito upang
magsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng
oras ang mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataang
mayroon nito ay naaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at sila
ay lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa pagangat at
pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mga
magandang dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong magipon
ang mga kabataan upang makabili ng ganitong kagamitan o nagiging
dahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at nagiging maingat at
responsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit. Nakakabuo ng
pagkakaibigan at nakakadagdag sa paghahalubilo sa iba’t-ibang tao. Ang
mga masamang dulot naman ng IPOD sa mga kabataan ay nagdudulot ito
ng pagkabingi sa dahil sa malakas na volume. Nagiging adik din ang mga
ito sa sobrang paggamit. Hindi alam ng mga kabataan na dahil sa paggamit
ng IPOD ay lumiliit ang kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes na
bumili ng orihinal na album o cd’s ay nagdadownload nalang ang mga
kabataan sa limewire o itunes.
  
Bilang konklusyon, masasabi natin na napakarami ng naitulong ang
teknolohiya sa ating buhay. Lahat ng sektor sa ating komunidad ay
madarama ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pang araw-
araw na pamumuhay. Kahit na ang mga trabahador na nasa ibang bansa
ay madali lamang makausap ang kanilang mahal sa buhay, at madali ding
makaratingang pera para sakanilang mga pamilya. Ang mga imposible dati
ay kaya nang gawin ngayon. Ang mga sakit na dati ay napaka hirap
gamutin ay madali lamang mapagaling dahil sa sobrang bilis ng teknolohiya
sa medisina. Kailangan lamang ay magkaroon ng disiplina ang bawat isa
upang lalo tayong umunlad. Sa ngayon ay marami pa tayomg gusting
gawin na teknolihiya kagaya ng kloning. Nagawa na natin ito sa hayop
subalit gusto pa natin magkloning ng tao mismo. Kung magtatagumpay
ang paggawa ng tao sa pamamagitan ng cloning, ano nalamang ang mga
mangyayari sa mundo. Kaya ang Vatican ay nagsabi na ito ay malaking
kasalanan sapagkat ang mga tao ay para nang gusting lampasan ang Diyos.
Kaya ang tao ay kailangan magkaroon ng hangganan ang pagiisip ng mas
abgong teknolohiya, isipin natin kung ito ay may itutulong bas a ating
kapwa at sa ating mga kapaligiran.
E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay kinakailangan ng mga estudyante, lalo na sa


mga estudyanteng hindi alam ang kanilang ginagawa.
Sa pananaliksik na ito maaring malaman nila ang dapat gawin sa kanilang
pag-aaral.
Ang edukasyon ay ang tanging makakapagbigay sa atin ng
karununang sa araw-araw na pamumuhay.
Mahalagang mapag-aralan nating ang mga bagay na nasa paligid natin
lalo na sa ating mga paaralan o eskwelahan.
Ang kahalagahan din nito ay ang maipa-intindi sa bawat mag-aaral na
hindi biro ang pag-aaral.
Isang posibleng kahalagahan nito ay ang maipaalam sa bawat
estudyante na hindi dapat nila bale walain ang pag-aaral, dahil para sa akin,
bilang isang mag-aaral ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay
kaya tayo nakakapag-isip at nakakagawa ng kung anu mang kaya nating
gawin.

F. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga bagay na may kaugnayan


sa pag-aaral na ito katulad ng mga pangyayari sa eskwelahan at sa
estudyante.
Ang hangganan nito ay sa mga estudyante, sa mga magulang at mga
taong hindi matanto ang tunay na kahulugan ng edukasyon.
Ang hangganan nito ay pumapaligid sa paaralan at tahanan ng bawat
mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyanteng hirap sa
pag-aaral kaya sila bumabagsak. Ang pinakapunto o ang sentro ng pag-aaral
na ito ay ang mga bagay na pumapaligid sa mga mag-aaral.
Limitasyon na nito ay ang buhay na kinakaharap ng estudyante
habang sila ay nasa paaralan o nasa eskwelahan.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
KABANATA III
DISENYO AT METODOLOHIYA NG
PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong


metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang
Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey
questionnaire) para makakuha ng mga datos. Naniniwala nag-aaral ng
pananaliksik na ito na angkop ang disenyong ito para dito dahil mas
mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa mga
sumagot ng sarbey na isinagawa. Sa ginawa kong sarbey nagtanong ako sa
mga estudyante ng Flos Carmeli, Sta. Lucia High School, at sa ilang
estudyante na nasa kolehiyo na.

B. METODOLOHIYA

Nagbigay ako ng sampung (10) tanong sa bawat tao para sa


isinasagawang pananaliksik.  Sa 100 talatanungan,hindi lahat ay umangkop
sa aking pag-aaral. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mag-
aaral tungkol sa mga marka ng mga estudyante.  Unang tanong nito ay
tungkol sa mga mababang grado ng mga estudyante at sa kung anong
subject sila merong ganitong grado o marka.  Nagtanong din ako kung sa
anong paraan nakakaapekto ang pagiging mababa ng grado ng estudyante,
kung sa paaralan, sa pamilya at mga kaibigan o sa lipunang kanyang
ginagalawan, at ang kanilang dahilan kung bakit nila nasabing naapektuhan
ang mga bagay na ito.  Huli, tinanong ko kung may ginagawa bang hakbang
ang mga estudyante upang masmapabuti pa nila ang kanilang pag-aaral.
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na tanong ang pag-aaral na


ito. Naghanda ng sarbey ang mananaliksik na naglalayong din makangalap
ng mga datos upang malaman ang persentaston at damdamin ng mga
respondente sa pagkuha ng mga datos tungkol sa mga salik na naka-
aapekto sa pagaaral ng mga estudyante at kung anu-anong mga suliranin
ang maaring makaapekto sa kanila.

Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyon


sa internet upang makakuha pa ng iba pang mahahalagang karagdagang
impormasyon ukol sa iba pang mga suliranin.

Kasabay nito, nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyon


tungkol sa iba’t-ibang kalagayan sa ibang eskwelahan.

D. MGA RESPONDENTE

Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang mga mag – aaral ng


iba’t-ibang paaralan sa kasalakuyang taon ng 2010.

Ang mga estudyanteng napili ay ang mga taong madalas nakakaranas


ng mga nasabing suliranin. Ang mga estudyante ay nabibilang sa iba’t-ibang
antas.

Mga paaralan na pinagkuhanan ng datos:

 Flos Carmeli Institution


 Sta. Lucia High School
 Ilang estudyante sa iba’t-ibang paaralang pang Kolehiyo
E. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng epekto kung


bakit mababa o bagsak ang mga grado ng estudyante sa iba’t-ibang
asignatura, kaya naman hindi ito nangangailangan ng mga numerikal na
datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang pamanahong papel ng
wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa interbyu at sarbey na
sinagutan ng mga respondente.

Mula sa mga sagot na makukuha sa mga respondente, pipiliin lamang


ang mga sagot na mahalaga at may kinalaman sa pananaliksik o sa
ginawang pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga pagkakapareho at
pagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos
at impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at maaring mga maging
rekomendasyon.
KABANATA IV
PRESENTASYON, PAGSUSURI AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Mga bagay na umaagaw sa atensyon ng mga estudyante

Legend:
1: Kompyuter - 20%
2: Cellphone- 20%
3: Makabagong Teknolohiya- 10%
4: Mga Kaibigan- 30%
5: Telebisyon- 10%
6: Pag-ibig- 5%
7: Problema sa pamilya- 5%

            Sa limampu(50) na estudyanteng binigyan ng sarbey, halos lahat sila


ay nagsasabing kompyuter ang madalas umagaw ng kanilang atensyon. Sa
dami ng mga computer addict at parami ng parami ang mga nagiging
computer games ‘di nakapagtatakang Kompyuter ang unang bagay na
umaagaw sa atensyon ng estudyante.

Mga dahilan kung bakit nahihirapan sa pag-aaral ang


ilang estudyante
  1. katamaran sa pag-aaral
2. maraming bagay na kumukuha ng atensyon nila
3. hindi naiintindihan ang tinuturo ng mga guro
  4. (sa kolehiyo) hindi nagtuturo ang ilang propesor
5. may mga problema silang kinakaharap
  6. hindi kayang balansihen ang kanilang oras

<
 

   Ayon sa talaan na nasa itaas, makikita dito na ang nauunang dahilan


ng mga estudyante ay ang katamaran. Mas nagiging tamad dang ilang
estudyante ngayon kaysa noon. Hindi maaring maging dahilan ang
katamaran sa pag-aaral.
Ilan pang mga katanungang nakapaloob sa sarbey:

BAKIT MARAMING ESTUDYANTE ANG


Tanong:
TAMAD MAG-ARAL?
 Boring approach ng educators
 Pakiramdam nila wala silang
natututunan
 Dahil may iba silang iniisip
 Absent-minded
Sagot:  Depende sa guro kung paano
magturo
 Inuuna ang mga mahal nila
 Mas masayang maglaro

 Walang makabuluhang nangyayari


BAKIT MARAMING ESTUDYANTE ANG
Tanong: HINDI NAKIKINIG SA MGA GURO NILA PAG
NAGTUTUTRO?
 Nakakatamad ang leksyon
 Hindi makontrol ng estudyante ang
sarili na magdaldal
 Hindi interesado ang mga estudyante
Sagot:
sa tinatalakay
 Nakakaantok

 Wala ring ganang magturo ang guro


Kadalasang dahilan ng mga estudyante ang mga guro pag nasa harap
na sila ng kanilang mga magulang. Pero sa opinyon ko, Walang guro ang
hindi ginagawa ang kanyang propesyon.
KABANATA V
KONKLUSYON
A. KONKLUSYON

Ipinapakita lamang dito sa pag-aaral na ito ang mga bagay o mga


dahilan kung bakit ang mga marka o ang mga grado ng mga estudyante
ngayon ay mababa.

Nais lamang maipahayag ng pag-aaral na ito sa mga estudyante ang


importansya sa pag-aaral. Bilang estudyante rin na gumagawa ng ganitong
pag-aaral, nakikita ko sa aking sarili ang mga bagay na ginagawa ko na
hindi dapat gawin habang nag-aaral.

Napakahalaga ng eduksyon at pag-aaral sa ating buhay dahil kung


walang edukasyon siguro’y mangmang o walang alam ang bawat tao ngayon
sa kanilang buhay.

Ginawa ko ito para maipalabas ang tunay na kahulugan ng edukasyon


bilang isang pundayon na bumubuo sa ating buhay. Kahit ito’y isang
konkreto lamang napakalaking bagay na sa atin ang matutunan ang bawat
detalye na maari nating gamitin sa araw-araw.

Ang pag-aaral na ito ay nagtatapos sa konklusyong “Ang estudyante


na mismo ang gumagawa ng dahilan kung bakit bagsak o mababa ang
kanilang mga marka.”
BIBLIOGRAPIYA

“Walang taong bobo…tamad lang” – Ang blag ni Sarimau

“Epekto ng ipod laptop cp at psp sa kabataang Pilipino”- mula sa mga


estudyante

Ano ang pangunahing problema ng mga estudyante? - Pinoy Henyo.mht

Estudyanteng Tamad.mht

You might also like