You are on page 1of 2

Gawain 4

Madalas tayong nagkakaroon ng pagkakataon para tulungan ang ating mga kaibigan lalo na
kapag may problema sila.

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magtala ng mga maaaring gawin upang ang suliranin
sa kuwento ay malutas.

Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si Clarissa. Wala silang


lihim na itinatago sa isa’t isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban sa klase, nakita ni Bing si
Clarissa na umiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa kantina ng paaralan upang mag-
usap.Hinayaan lang ni Bing na magsalita si Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya nagugustuhan
ngayon ang kaniyang hitsura at hindi siya maunawaan ng kaniyang ina ngayon. Naiisip ni
Clarissa na maglayas. Nararamdaman ni Bing na may mas mabigat pang dahilan kung bakit
ganoon si Clarissa.

Inamin ni Clarissa na hindi na siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa niya, sa mga
nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng malalaswang salita at
marami na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot siyang sa mga susunod ay mas malala pa
ang gawin nito sa kaniya.

Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti-unting naaabuso ng nobyo ng kaniyang ina


ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina. Hinikayat siya ni Bing na gawin ang
pagsabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di nagtagal, nagkasarilinan ang mag-ina at
sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga naranasan sa nobyo nito. Subalit sinabi ng ina ni Clarissa na
binibiro lang siya ng nobyo nito kaya huwag niyang masyadong seryosohin.

Mga Tanong:
1. Ano sa tingin ninyo ang dapat gawin ngayon ni Clarissa?
2. Tama kaya ang gagawin niyang pasiya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Bakit kailangan niyang gawin ang pasiyang naiisip niya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
GAWAIN 5

Panuto: Gamit ang sitwasyong nabanggit sa Gawain 4, buuin ang pasiyang maaari mong gawin
kung ikaw ay nasa parehong sitwasyon. Gabay mo ang graphic organizer sa ibaba, kopyahin ito
sa iyong kuwaderno at ilagay dito ang iyong mga sagot.

Mga Tanong:
1. Ano ang naging posisyon mo sa suliranin ni Clarissa?
2. Ano ang naging batayan mo sa paggawa ng posisyon o paninindigan?
3. Tama at mabuti ba ang nagawa mong posisyon? Pangatuwiranan

You might also like