You are on page 1of 11

Iligan City National High School

Mahayahay, Iligan City


Self-Learning Activities – Grade 10

Pangalan: ___________________________________________________ Iskor: ______


Baitang at Seksyon: ___________________________________________ Araw: ______
Markahan 4 Linggo 7
Sanggunian: Marasigan, Emily V. 2015. Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2
https://elfilibusterismo2013.weebly.com/mga-tauhan-sa-filibusterismo.html
Paalala: Mababasa ang mga katangian ng bawat tauhan sa link na ito pati na rin ang buong nobela.

Aralin
4.1
Nobela: El Filibusterismo

ILANG BAHAGI NG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Ayon kay Mario Odulio de Guzman,
binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang
isinulat pa niya ang Noli. Habang isinulat ni Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga kaibigan at
pamamasyal sa magagandang lugar sa Europa. Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t naisipan
niyang lumipat muna sa Brussels, Belgium, upang matutukang mabuti at mapag-isipang lubusan ang pagsulat ng
nobela. Kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino ay nanirahan sila roon. Nanggamot din siya upang matugunan ang
mga pangangailangan niya roon. Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinulat niya ang El Fili.
Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinusulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos nang isinulat na niya ang El
Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya
ng kanyang mga alahas upang matustusan niya ang pagsusulat. Matindi ang pagnanais niyang tapusin na agad ang
nobela dahil maging sa kanyang pagtulog ay napapanaginipan niyang may namamatay sa kanyang mga mahal sa
buhay. Iniwasan niyang kapusin ng panahon sa pagsulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kanyang obra
kung hindi siya lamang. Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upang matapos ang nobela.
Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya, at sa mga kaibigan. Nakarating sa kanyang kaalaman ng
ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Mababakas ang pighati
niya sa pangyayaring ito sa El Fili sa bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.
Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol
dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag-alala sa mga mahal niya sa buhay sa Calamba,
Laguna.Maiuugnay ito kay kabesang Tales El Fili na may ipinaglalabang usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa
ng mga prayle kahit wala silang katibayan ng pag-aari bagkus ay nakuha pang manghingi ng buwis sa may-aring si
Kabesang Tales. Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Ganito
rin ang pangyayari sa buhay ni Simoun nang nag-urong-sulong siyang isagawa ang katuparan ng kanyang plano.
Nakita niya ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga kasama niya sa La
Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na
sila sanang pag-asa ng nakalugmok na mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa samo’t saring sulisaning naranasan, naisip
ni Rizal na sunugin na lamang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya napigilang
inihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga alalahanin.
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at ginising ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-
aapi at pang-aabuso sa pamahalaang Espanyol at pinagtibay niya ang kanyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin
ang nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya. Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng
murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer van Loo sa Ghent, Belguim ay ipinadala niya ang manuskripto sa
kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang-palad, hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang
pahina pa lamang ito nang maipahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad mula sa salaping kanyang natipid at
nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang
kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong tulong sa paglilimbag ng nobela.
Sa oras ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang kaibigang si Valentin
Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy ang nahintong paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891. Dahil
mabuting kaibigan si Rizal ay inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang
nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin
Ventura.. Ipinadala ni Rizal sa Hong Kong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas
napunta pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juna Luna, Marcelo H. Del Pilar, Graciano
Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa kasamaang palad, nasamsam sa Hong Kong ang mga aklat na ipinadala
ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng
nobela, subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong
naantig at nagising ang damdamin ng mga Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin
ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan, nakatulong naman nang Malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa
Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong
Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling
hinala ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-alala sa kanilang sakit at hinagpis na inihandog niya ang nobela.
Ayon sa pag-aaral hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa pag-aalsa sa Cavite.
Hindi rin pinayagang muli ng mga Espanyol na mabuksan ang kanilang kaso upang hindi na lumabas pa ang
katotohanan.

Layunin: Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang kasaysayan nito (F10PT-Iva-b-82)
Gawain I: Talasalitaan
Panuto: Kilalanin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa mga parirala sa
pamamagitan ng pagpili ng sagot sa mga nasa kahon. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

a. hinahabol ng batas f. nakuha


b. kinausap upang mapapayag g. natuwa, nasiyahan
c. kopya h. sagabal, hadlang
d. mawala, maalis, matanggal i. sumala
e. naging delikado j. umalis

1. nanganib sa mga prayle 6. lumisan ng Pilipinas


2. naaliw sa ganda ng Paris 7. balakid sa pagsusulat
3. pamilya’y pinag-uusig 8. lumiban sa pagkain
4. lumiban sa pagkain 9. nasamsam na mga kopya
5. sipi ng mga nobela 10. maiwaksi sa isip

Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa


mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda. (F10PB-Iva-86)
Gawain II Pagtukoy sa Kondisyon
Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang pangyayari ay tumutukoy sa mga kondisyon
sa panahong isinulat ang El Filibusterismo at ekis ( x ) kung hindi.

_______1. Si Gobernador- Heneral Emilio Terrero ang namumuno sa bnsa nang sinimulan ni Rizal
ang pagsusulat ng ikalawang nobelang El Filibusterismo.
_______2. Higit na madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.
_______3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinulat niya
ang nobelang ito.
_______4. Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbibigay inspirasyon sa kanyang tapusin na
ang kanyang nobela sa lugar na ito.
_______5. Mas maraming pahina ang tinanggal,nilagyan ng ekis, binura o hindi isinama ni Rizal sa
Noli kaysa mga pahinang hindi niya isinama sa El Fili.

Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagpapatunay ng


pantukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda (F10PB-Iva-b-85)
Gawain III Paglalahad ng Layunin o Adhikain Dumaan sa napakaraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang
matapos at mailimbag ang
nobela subalit hindi siya sumuko dahil sa matitinding layunin niya sa pagsulat na ito. Base sa
mga nabasa mong kaligirang pangkasaysayan.
Panuto: Punan ang kahon sa ibaba.

Mga Layunin o Adhikain ni Rizal sa Pagsulat ng El Filibusterismo

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Layunin: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterism (F10PN-Iva-b-83)

Gawain IV Paglahad ng kaisipan at damdamin


Panuto: Bilang pagpapahalaga ay ilahad ang inyong kaisipan at damdamin hinggil sa
kasaysayan ng pagkakabuo ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagkompleto sa
sumusunod na pahayag.
 Ang mga pagpapahalaga o gintong aral na aking natutunan sa mga pinagdaanang pagsubok ni Rizal
maipalimbag lamang ang El Filibusterismo ay
________________________________________________________________________________________
 Para sa akin, mahalagang mabasa at mapahalagahan ng lahat ng mga Pilipino ang nobelang El Filibusterismo
sapagkat
_________________________________________________________________________________
 Ang mga ito ang mga katangian ni Dr. Jose P. Rizal na dapat kong tularan upang ako ay magwagi:
________________________________________________________________________________________

Layunin: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El


Filibusterismo (F10PS-Iva-b-85)
Gawain V. Pagsasalaysay
Panuto: Magsalaysay o maglahad ng magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo base sa sumusunod na sitwasyon o pangyayari.

Mga balakid na naranasan ni Rizal sa


pagsulat ng El Filibusterismo

1._________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________

Mga hakbang na ginawa ng mga Espanyol


upang mapigilan ang pagsulat, paglathala, at
pagdating ng nobela sa kamay ng mga
Pilipino
1._________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________

Layunin: Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang


timeline (F10PU-Iva-b-85) ( Awtput Bilang 4.1 Isulat sa long bond paper)
Gawain VI. Pamantayan sa Pagganap
Panuto: Pagsulat ng Buod ng Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang
timeline

Pormat

Pangalan: __________ Baitang at Pangkat: _____

Layunin: ____________ Petsa: ___________


Awtput Blg. 4.1

*TIMELINE*

Taon Tauhan Pangyayari

Aralin
4.2
Basilio: Buhay, Pangarap, Mithiin, Paniniwala at Saloobin

Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang matalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela sa


pamamagitan ng pagbibigay na halimbawa.(F10PT-IVb-c-83)
Gawain I. Pagpapakahulugan
Panuto: Upang higit na mag-isip ang mga mambabasa, gumamit si Rizal ng mga imahen at matalinghagang salita.
Inilalarawan niyang mabuti ang kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng matatalinghagang pahayag. Bigyang
kahulugan ito sa tulong ng mga gabay na tanong.

1. “Ang imahen ay mukhang dakilang santo, isang matandang lalaki na may pinakamahabang balbas, nakaupo sa
binggit ng isang hukay sa ilalim ng punong hitik sa lahat ng klaseng pinatuyong ibon.”
 Sino ang matandang lalaki?
 Bakit sa may bangin siya nakaupo?
 Ano ang sinisimbolo ng punong may napakaraming bunga?
 Sino-sino ang iba-ibang uri ng pinatuyong ibon?

Kahulugan: _________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Layunin: Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng pagtunton
sa mga pangyayari; pagtukoy sa mga tuggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan at pagtukoy
sa wakas (F10PB-IVb-c-87)
Gawain II. Ladder Organizer
Panuto: Ilapat ang iyong kasagutan upang mailarawan mo ang buhay ni Basilio at mahulaan mo sa huli
ang mangyayari sa kanyang buhay. (basahin: Kabanata VI)

Si Basilio sa Ateneo,________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
wakas
________________________________________________________
________________________________________________________
Si Basilio sa Maynila, gutom, nanlilimahid, kalaban ang________________________
____________________________________________________________________
gitna
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Si Basilio sa kagubatan, kalaban ang lipunan nang sila ay maparatangan at ang bunga ang kasawian ng
kanyang magulang._______________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
simula
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Layunin: Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng
pagkakasulat ng akda (F10PD-IVb-c-82)
Gawain III. Pag-uugnay sa kasalukuyan
Maraming isyung panlipunan ang natalakay sa akda. Isa sa mga lumutang ang siyu ng pangangamkam o pag-
agaw sa lupaing minana at pinagyaman ng mga taong walang kakayahang ipangtanggol ang kani-kanilang mga
karapatan.
Panuto: Panoorin ang video clip mula sa YouTube sa link na nakasaad sa unang hanay. Iugnay ang mensahe ng video
sa isyung tinalakay sa akda. Bumuo rin ng mahalagang kaisipan pagkatapos.
Usapin sa Lupa at kaugnay na Video Suliraning Suliranin ni Pagkakatulad Kongklusyon sa
Tinalakay sa kabesang at Pag-uugnay
Video Tales pagkakaiba
NTG: “Casiguran march for justice,”
nananawagang ihinto ang Apeco project

https://www.youtube.com/watch?
=OVXM9DOjU9K(retrieved Nov.9,2014)

Lupa at Hustisya: Hacienda Luisita


https://www.youtube.com/watch?
v=2jyAB7So5Yc(retrieved Nov.9,2014)

Layunin: Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata (F10PU-IVb-c-86)

Gawain IV. Pagsulat ng Buod

Naunawaan mo ba ang nilalaman o mensaheng nais ipaabot ng unang sampung kabanata ng El


Filibusterismo? Sumulat ng buod na lalagom sa mahahalagang kaisipang taglay ng mga ito gamit ang hindi bababa sa
sampung pangungusap. Nararapat gamitin sa gagawin mong pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat ng tulad ng
tamang baybay, bantas, gayundin ang wastong pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa bawat talata.

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Iligan City National High School
Mahayahay, Iligan City
Self-Learning Activities – Grade 10

Pangalan: ___________________________________________________ Iskor: ______


Baitang at Seksyon: ___________________________________________ Araw: ______
Markahan 4 Linggo 8
Sanggunian: Marasigan, Emily V. 2015. Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2

Aralin
4.3
Si Kabesang Tales

Layunin: Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda.
(F10PN-IVd-e-85)
Gawain I. Pagpapahayag ng paniniwala
Namayani sa iba’t ibang kabanata ng araling ito ang ilang kaisipang sakit pa rin ng lipunan natin hanggang
ngayon. Baon ang sarili mong paniniwala at pagpapahalaga ay umisip ng mga paraan o solusyon kung paano ka
makatutulong upang mawala na ang ganitong sakit ng lipunan.
Sakit ng Lipunan Paraan o Solusyon upang Mawala na ang
Sakit ng Lipunan
Maling Sistema ng Edukasyon
Pandaraya at Panunuhol

Layunin: Nasusuri ang mga kaisipang luting sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang) (F10PB-IVd-e-88)

Gawain II. Pagsusuri sa kabanatang ito ay lutang na lutang ang kadayaan. Maaaring hindi ito tuwirang napatunayan
ngunit naisagawa naman. Sa lipunan natin ay maraming pandarayang nangyayari. Nakalulungkot isipin ngunit ito ay
nagging parte na ng ating buhay. Ngayon ay iisip ka ng isang isyu o pangyayari sa lipunan na nabahiran ng pandaraya.
Isulat ito sa graphic organizer sa ibaba at isulat mo rin ang iyong reaksiyon ukol dito.

Isyu o Pangyayari na Nabahiran ng Ang Iyong Reaksiyon


Pandaraya

Pagsasanib ng Gramatika:

Pang-uri: Ito’y mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng tao,


bagay, lugar, hayop o pangyayari.
Tayutay: ay isang salita o isang pahayag na ginamit upang bigyang-
diin ang isang kaisipan o damdamin.
Matalinghagang salita: ay mga salitang may malalim na kahulugan,
ito ay kadalasang binubuo ng tambalang salita na ang kahulugan ay
naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
Layunin: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamain
(F10WG-IVg-h-82)
Gawain III. Paglalarawan
Panuto: Gawan ng masining na paglalarawan ang tauhang nakalahad sa ibaba gamit ang pang-uri,
tayutay, at matalinghagang salita. Ilahad na rin ang iyong damdamin para sa pangyayaring
kinasangkutan niya.

Si Juli ay inilalarawan bilang isang babaeng


maganda, mahinhin, mabuting anak at kasintahan
subalit mahina. Isang pangkaraniwang larawan ng
babae sa panahong iyon

Gamit ang iyong imahinasyon. Baguhin mo ang paglalarawan kay Juli na magpapabago rin sa galaw ng
pangyayari upang hindi siya humantong sa ganoong masaklap na wakas. Gawing masiningang iyong paglalarawan
upang kalugdang basahin at maaaring kapulutan ng aral ng iba pang babae upang hindi sila basta umiyak, maging
mahina, at gumawa ng ikapapahamak nila kapag naharap sa isang pagsubok.

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Aralin
Huli, Bilang Simbolo ng Kababaihang Pilipino noon at ngayon
4.4

Layunin: Nabigbigyang kahulugan ang matalinghagang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa


(F10PT-IVd-e-84)

Gawain I. Sa bawat bilang ay may matalinghagang pahayag na ginamit sa mga kabanatang iyong babasahin. Hanapin
ang kahulugan ng mga ito at gamitin sa pangungusap. Isulat ang kahulugan at pangungusap sa graphic organizer.
Matalinghagang pahayag Kahulugan Pangungusap
magsunog ng kilay
bukang-liwayway
ibigay kay Ceasar ang para kay Ceasar
Layunin: Nagagamit ang mga angkop na salitang naghahambing sa mga simbolo ng tauhang nakilala sa nobela.
(F10WG-IVg-h-81)
Gawain II. Gamit ang iyong natutunan tungkol sa pang-uri at mga tayutay ay bumuo ng mahusay na pangungusap na
maghahambing sa mga pangunahing tauhan sa kabanata batay sa nakasaad sa bawat bilang.

1. Maputi at maganda ang katawan ng mananayaw na si Pepay. Lagi at paulit-ulit siyang humihingi ng pabor kay
Don Custodio na lubhang nagigiliw sa kanya. Ihambing si Pepay sa isang linta:
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Matangos ang ilong ni Padre Irene. Natutukoy agad siya ng mga tao dahil dito.
Ihambing ang ilong ni Padre Irene sa isang bagay na alam mong higit na makapaglalarawan sa kanya:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Layunin: Naipapaliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng: karanasang pansarili,
gawaing pangkomunidad; isyung pambansa; at pangyayaring pandaigdig (F10PN-Ivf-90)

Gawain III. Mababakas ang sidhi ng pagnanais ng grupo ng estudyante na makamit ang kanilang hinihiling. Inisip
nila ang lahat ng posibleng solusyon upang mapagbigyan sila ng kapitan heneral. Isa na rito ang pagnanais nilang
lumapit sa mga kilalang tao upang magpatulong. Mayroon pa bang ganitong pangyayari sa kasalukuyang panahon?
Ang tawag natin sa ganitong sistema sa kasalukuyang panahon ay humahanap ng padrino. Umusip ng mga pangyayari
na iyong naranasan, nabalitaan, nabasa, napakinggan tungkol ganitong Sistema at kung ano ang iyong damdamin ukol
dito. Ilahad ito sa graphic organizer sa ibaba.
Sistema ng Paggamit ng Padrino sa: Pangyayaring iyong naranasan, Ano ang iyong naging
nabalitaan, narinig, nabasa, o napanood damdamin ukol dito?

Karanasang Pansarili
Isang pangyayari sa Paaralan
Gawaing Pang-komunidad
Isyung Pambansa

Layunin: Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari sa


kasalukuyan (F10PB-IVh-i-92)

Gawain IV. Sa pamamagitan ng Thinking Balloon ay ipinakita ang pagkamakatotohanan ng akdang binasa. Pumili ng
mga panyayari mula sa mga kabanatang natalakay sa araling ito na maiuugnay mo sa panyayari sa kasalukuyang
panahon. Gitnang balloon ay ginawa na para sa iyo.

Ang isang mag-aaral


ay nagkakaroon ng
suliranin sap ag-aaral

Aralin
Si Isagani at Padre Florentino
4.5
Layunin: Naipaliliwanagang kahulugan ng mga salitang-hiram sa Wikang Espanyol (F10PT-IVg-h-85)
Gawain I. Ano ang kahulugan ng salita o mga salitang-hiram na nakasalungguhit sa pangungusap? Piliin ang titik ng
kahulugan nito at pagkatapos ay ipaliwanag ang iba pang kahulugan nito.
a. klerk b. parokya c. mahal na araw d. salakot
______1. Pupunta sa parroquia si Placido upang makipag-usap sa prayle.
Paliwanag: __________________________________________________________________
______2. Nagtitika at nangingilin ang karamihang katoliko tuwing cuaresma.
Paliwanag: __________________________________________________________________
______3. Ang mga reverendos sa simbahan ay patuloy na naniningil ng buwis sa mamamayan.
Paliwanag: __________________________________________________________________

Karagdagang Kaalaman: Ilan sa mga Teoryang Pampanitikan

 Romantisismo--- ay isang teorya na nagpapakita ng kahalagahan ng damdamin ng


isang tao.
 Humanismo --–-- nakasentro ang teoryang ito sa tao.
 Naturalismo ----- ito’y teoryang nag-uugnay ng syentipikong pamamaraan sa pamamagitan ng
paniniwalang lahat ng nilalang at panyayari ay natural at lahat ng
karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri.

Layunin: Nagagamit ang angkop na salitang naghahambing (F10WG-IVg-h-81)


Gawain II. Gamit ang iyong natutunan tungkol sa pang-uri at mga tayutay ay bumuo ng mahusay na pangungusap na
maghahambing sa mga pangunahing tauhan batay sa nakasaad sa bawat bilang.
1. Si Tiyo Kiko ay masipag. Naghahanapbuahy pa siya kahit siya ay may edad ha. Gumamit ng angkop na mga
salitang maihahambing siya sa katangian ng kalabaw sa paggawa.
___________________________________________________________________________
2. Maputi at maganda ang katawan ng mananayaw na si Pepay. Lagi at pauli-ulit siyang humihingi ng pabor kay
Don Custodio na lubhang nagigiliw sa kanya. Ihambing si Pepay sa isang linta.
___________________________________________________________________________
3. Matangos ang ilong ni Padre Irene. Natutukoy agad siya ng mga tao dahil dito. Ihambing ang ilong ni Padre
Irene sa isang bagay na alam mong higit na makapaglalarawan sa kanya.
___________________________________________________________________________
Layunin: Naisusulat ang paglalarawan ng mahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit
ng may-akda sa salitang paglalarawan (F10PU-IVi-j-89)
Gawain III. Ano-anong mahalagang pangyayari sa kabanatang ito (kab.28) amg labis na tumimo sa iyong isipan?
Gamit ang matalinghagang salita, tayutay, at mahuhusay na salitang panlarawan, pumili ng isang ilalarawan gamit ang
graphic organizer upang mas epektibong maiparating ang mensaheng nais ipabatid ni Rizal.

Nangyari ito sa__________ Nagawa ito ng tauhan sapagkat________

Ang pangyayaring tumimo sa aking


isipan Iguhit dito

Ang pangyayaring ito ay ______________ Upang mailarawan ng malikhain ni Rizal ang pangyayaring ito,
gumamit siya ng mga_______________________

You might also like