You are on page 1of 3

MGA KWENTO NI LOLA BASYANG

1.ang palasyo ng mga duwende


buod: Umiikot ito sa mag-amang nawalan ng ilaw ng tahanan. Nang magpakasal nang muli ang hari, ito ay
sa isang matapobreng babae, si Lota. Namasyal ang mag-asawa sandali at walang paligoy-ligoy ay itinulak ni
Lota ang hari sa bangin! Pagbalik niya sa kaharian at nagsinugaling siya at sinabing aksidenteng nahulog ang
kanyang asawa. Tila nawasak ang puso ni Yani, ang anak ng hari, nang marinig niya ang balita.

Mula noon, inaalipusta at inaalila na ni Lota at ang kanyang na si Impaya, si Yani dahil wala na naman
ang ama nito. At para makuha ng tuluyan ang trono, sinubukan ni Impaya na gawin din ang ginawa ng ina sa
nakaraang hari kay Yani, itulak din siya sa bangin. At iyun nga ang ginawa niya.

Lingid sa kaalaman ni Yani, sa ilalim ng bangin ay ang palasyo ng mga duwende. At nang kanyang
alalanin, nahulog din ang kanyang ama sa bangin na ito, kaya maaaring buhay pa siya! Tinanong niya ang mga
duwende kung alam ba nila kung nasaan ang kanyang ama. At tama nga ang hinala niya; nang mahulog daw
ang hari, may tumulong ditong diwata at ginamot ang kanyang mga sugat. Ngunit may ipinainom itong
pampatulog kaya hindi na ito magising. At ang tanging paraan para mabalik ito sa kamalayan ay ang sabuyan
ang mukha niya ng tubig na ginamit ng mahiwagang ibon sa kanyang paligo. At meron pa siyang isang misyon,
dapat siyang humila ng isang balahibo ng mahiwagang ibon para maalis ang sumpa ng diwata sa kanyang
ama.

Sa tulong ng mga duwende, nakita ni Yani ang ama na naka-higa sa isang kama na inaayos ng diwata.
Matapos ang ilang sandali ay nawala din ang diwata. Niyakap ni Yani ang ama ng napaka-higpit dahil gustong-
gusto na niyang makasamang muli ang ama. Bigla-bigla namang dumating ang isang napaka gandang ibon at
dumapo ito sa kwartong kanilang kinalalagyan. At pagkatapos nito ay nagpunta sa batis upang maligo,
sinundan ito ni Yani at sumalok ng tubig gamit ang isang panyo at dali-dali nitong ipinahid sa mukha ng ama.
Sa wakas, nagising na ito; pero parang wala parin siyang pakiramdam. Nagbalik and ibon at nagpalipad-lipad
sa kuwarto. Sa tulong muli ng mga duwende, sinundan ni Yani, mula sa likod, ang ibon at nang siya’y maka-
kuha ng tamang tiyempo, humatak siya ng isang balahibo mula sa buntot nito, at bigla siyang nag-anyong tao!
Isa pala itong prinsipe.

Matapos ang lahat ay itinuro ng mga duwende ang lagusan pabalik sa kaharian nila at nagbalik na ang
mag-ama at ang prinsipe sa palasyo, kung saan nagrereyna-reynahan si Lota at Impaya. Nais nang palayasin
ng hari ang dalawa mula sa kaharian lalo na nang malaman niya ang ginawa sa anak ngunit pinigilan siya ni
Yani dahil napatawad na raw niya ito. Matapos ang kaguluhan sa mag-ina ay nagpa-kasal si Yani sa prinsipe.
At mula noon, sila ay namuhay ng mapayapa.

2.LABINDALAWANG MASASAYANG PRINSESA:

buod: Tungkol sa isang hari na may labindalawang anak na babae. Nag-aalala siya dahil baka wala siyang
mahanap na labindalawang prinsipe para ipakasal sa kanyang mga anak. Ang hindi alam ng hari ay sa pagsapit
ng gabi, sila ay lumalabas ng palasyo at nagsasayaw sa isang hardin. Dito sa hardin na ito naghihintay ang
kanilang mga kapares na lalaki para sumayaw. Subalit walang kapares sa pagsayaw ang isa at ito ay si Prinsesa
Juana, ang pinakamatanda sa magkakapatid. Pinapanood at binabantayan niya lamang ang kanyang mga
kapatid na sumasayaw. Isang gabi, isang prinsipe na nagngangalang Sylvio ang napadaan sa kanilang munting
kasiyahan, at agad na nahulog ang loob nito kay Juana.
Kinabukasan, agad na nagpunta si Prinsipe Sylvio sa palasyo ng mga prinsesa. Nang muling makita ng
prinsipe si Juana, naglahad agad ito ng pagmamahal dito, at ganun din naman ang dalaga. Para naman
mapatunayan ng prinsipe ang pagmamahal niya sa anak ng hari at maipakita nito na siya ay responsable at
mapagkakatiwalaan, inatasan siya ng hari na banatayan ang magkakapatid at ilayo mula sa kapahamakan.

Ngunit sa tuwing matutulog na ang lahat, may ipinapainom ang mga prinsesa sa kanilang mayor
doma upang makatulog ng mahimbing. Para sila ay makalabas ng kuwarto at magsayaw muli para sa
kanilang kaligayahan. At sa pagkakataong ito, kailangan din nilang patulugin si Sylvio. Subalit, may lumapit na
isang matandang babae at binigyan nito ang prinsipe ng isang pagkain para kontrahin ang pampatulog at
mahiwagang balabal para maitago nito ang kanyang sarili.

Kinagabihan, kinain nga ni Sylvio ang ibinigay ng matanda. Pinagpasa-pasahan naman ng


labindalawang prinsesa ang bote para mapainom ang prinsipe ng pampatulog. Aba! Totoo nga ang sabi ng
matanda, hindi siya naka-tulog at nasundan niyang muli ang mga prinsesa sa hardin para magsayaw. Pumitas
siya ng bunga mula sa isang puno para may maipakita siyang pruweba sa hari at umalis. Nagpunta siya sa
palasyo para isama ang hari at ang mayor doma papunta sa lugar ng kasiyahan ng mga prinsesa. Laking gulat
ng dalawa nang makita nila ang mga prinsipeng kasayaw ng mga prinsesa.

Matapos ang lahat, ipinaubaya na ng hari ang mga prinsesa sa mga kapares nilang sumayaw upang
maging asawa at si Prinsesa Juana naman ay ipinakasal kay Prinsipe Sylvio. At mula noon, namuhay na sila ng
masaya.

3.ANTING ANTING:
buod: Ang pangunahing tauhan dito ay si Juan. May gusto siyang babaeng kanyang nais na paibigin, ngunit
sa kanilang bayan, kilala siya bilang, madisgrasya, mapag-biro at hindi maaasahan. At ang lalaking iniibig ng
babaeng kanyang napupusuan ay matipuno at napaka tapang. Sa bayan nina Juan, pinaniniwalaan na kung
ikaw ay may anting-anting, magkakaroon ka ng lakas at tapang na humarap sa kahit ano; ikaw rin daw ay
magiging isang matipunong lalaki. Nang malaman ito ni Juan, tumakbo agad siya sa matandang ermitanyo sa
kanilang bayan.

Sa kasawiang palad, sabi ng ermitanyo kay Juan ay naubos at nawala na daw ang mga anting-anting sa
kanilang lugar. At kung meron naman, imposible namang makuha ito ng isang tulad niyang mahina ang loob.
Nagmakaawa si Juan sa matandang ermitanyo upang tulungan siyang maghanap pa ng isa para makuha na
niya ang babaeng kanyang napupusuan. Noong una ay mapilit si Juan at sa huli ay tila baga’y pinapaalis na
siya ng ermitanyo. Ngunit napilit niya rin ang matanda at ibinigay na nga nito ang gagawin para makakuha ng
anting-anting.

Sinunod nga ni Juan ang utos ng matanda. Nagtungo siya sa isang sementeryo at naghintay ng ililibing.
At sakto naman at may batang inihatid sa huling hantungan. Natulog muna siya sa gilid at hinintay na maka-
alais ang pamilya nito. Nasa bangkay daw ang anting-anting. Nang magising ay dali-dali siyang nagpunta sa
katawan ng npatay na bata, makalipas ang ilang sandali ay biglang bumangon ang mga bangkay na nasa
sementeryo! Lahat sila, kasama na ang batang kanyang hinahanapan ng anting-anting. Kumaripas ng takbo si
Juan papalayo sa mga bangkay ngunit hindi siya nakawala sa dami ng mga ito. Patago-tago pa siya sa likod ng
mga puntod pero kinalaunan, lumaban din siya sa mga ito. Sinuntok at sinipa niya ang mga bangkay papalayo
sa kanya; at nang malapit na siya sa labasan ng sementeryo ay patuloy-tuloy na siyang dumiretso sa kanilang
bayan. At saka na lamang niya napag-tanto na hindi mo kailangan ng anting-anting para mapaibig mo ang
gusto mong babae o maging malakas ka, ang kailangan mo lamang ay lakas ng loob. At mula noon, namuhay
na siya ng matiwasay.

You might also like