You are on page 1of 2

ELAINE JOY M.

PONGASE 10 - A

REAKSIYON SA KORAPSYON
KORAPSYON. Ito ay tinuturing na isang sakit sa lipunan o distraksyon sa mga
mamamayan. Gaano na nga ba ito ka lala? Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema
ng pulitika ditto sa pilipinas. Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang
“politika” ang “korapsyon”. Halos magkahulugan na nga ang dalawa. At hindi kaila sa
atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at
pumapasok parin ang “korapsyon”. Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi
matatagpuan sa indibidwal na tao. Ang bawat isa ay may “protency” o kakayayahan
para makgaroon ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema
nito.
“Pare! Malapit na yung eleksyon sino bobotohin niy? “ iyan ang karaniwang
tanong ng mga mamamayan sa kasalukuyan, “pare may narinig ako doon sa kabilang
kanto na may ipinagbibigay raw na pera si *** na isa sa mga tatakbong Presidente ng
bansa, punta tayo doon pare! Makiisa tayo! Siya na lang yung botohin natin! BIG TIME
ITO” wika ng isang taong natinag sa perang sa paningin niya ay hindi nanggaling sa
kaban ng bayan kinha. “OWRAYT PARE! ROCK & ROLL TO THE WORLD! TARA!” ito namang
taong ito’y tila nabilog rin ang isipan ng kanyang kaibigan. Ang mga pahayag na iyon
ayay nagpahiwatig ng pambibilog ng mga politiko sa mga mamamayang Pilipino na
siyang gagamitin nila uapang manalo at saw alas ay maisakatuparan nila ang kanilang
mgaa masasamang plano. Ginagawa nilang mga kawawa at laruan yung mga Pilipino
sa kanilang ginagawa sapagkat niloloko lang nila ang mamamayan na matutulungan
nila ang mga tao kung darating yung araw na mahahalili sa kanilang kinau-ukulan.
Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapanilis ang transaksyon, ang
simpleng pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property,
ito ay maliit na form ng corruption. Pwede kang maniwala, pwedeng hindi.
Ano ang punto ko? Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa
iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo
ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat ay
magtutulungan, kung lahat tayo ay maging bantay laban sa korapsyon, mawawala at
masusugpo natin ang korapsyon.
Sa likod ng KORAPSYON may KAHIRAPANG magaganap sa ating nasyon.
Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay
mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa
na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga
korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang kaban o pondo ng ating bansa na
para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng
mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang
kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas
ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga
pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na antin kayang tustusan? Isa
pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga
Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao.
Wala silang tyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat
ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay
nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa
kahirapan? Kalian pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay? kaya
hamon ko sa mga kabataan gawin natin ang nararapat. huwag tularan ang mga
bulakbong patakaran upang ating masugpuan ang korapsyon ng pamahala na siyang
magdudulot ng kahirapan sa ating lippunan. MABUHAY TAYONG MGA KABATAAN.

You might also like