You are on page 1of 1

Layunin ng may akda

Sa sanaysay ni Gordon Fillman na pinamagatan niyang "Usok at Salamin:Tagapaglingkod at


Pinaglilingkuran"naihayag niya ang kaniyang saloobin. Naimulat niya ang mga nakabasa ng
kaniyang akda sa mga kasalukuyang nangyayari sa kaniyang lipunan. Nagamit niya ang
kaniyang malikhaing guni-guni para maihayag ang kinahaharap na suliranin ng kaniyang
bansang pinagmulan.

Ang sanaysay na “Usok at Salamin: Tagapaglingkod at Pinaglilingkuran” ay tungkol sa isang


tao na nakatira sa Israel,sa Jerusalem, na may mga kapitbahay na nagmula sa iba’t ibang mga
lugar. Ang akdang ito ay tumatalakay sa tradisyon, kultura ng iba’t ibang mga lahi, na
nahahaluan ng pagdidiskiriminasyon, pagkekwestyon sa mga gawain at higit sa lahat tungkol sa
tagapaglinkod at ang pinaglilingkuran ng mga lahing nabanggit.Batay sa mga detalye sa akdang
ito, ang nangingibabaw na damdamin ay pagkainis at lungkot.Ito'y maaaring katulad ng mga
saloobin ng mga taga Israel noong kapanahunan ni Gordon Fillman o maaari ding ito ang
kaniyang mismong nararamdaman. Nakamit ni Gordom Fillman ang kaniyang layuning imulat
ang kamalayan ng mga mamamayan sa mga kasalukuyang nagaganap sa kanilang bayan na lubos
na nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.

Mahihinuha natin sa akda na napakahusay ng pagkakalarawan ng mga pangyayari sa akdang


sanaysay ni Gordon Fillman. Kaya naman masasabing nagawa niya nang mahusay ang kaniyang
layunin na gamitin ang damdamin ng mga mambabasa para sila'y magkaroon ng mulat na
kamalayan sa mga nangyayari o maaaring mangyari sa kani-kanilang lipunan.Na maaaring ito
ang nagbigay daan para maging maalam sila sa mga kaganapan sa kani-kanilang bansa at
makiisa sa paglutas ng mga suliraning kinahaharap o darating pa lamang.

You might also like