You are on page 1of 1

Name: Marsha A.

Requiron Date: November 09, 2023


Course: BSED-FILIPINO 3B

ARTIFICIAL INTELLIGENCE

Bakit nga ba na sa ating buhay lahat ay may pagbabago? Bakit kinakailangan na ang ating
mga pangangailangan ay dapat na iangkop sa kung ano ang mga napapanahong mga uso? Sa tingin
mo, malaki ba ang naging epekto nito sa ating mga buhay? Itong mga tanong ang karamihang
sumasagi sa ating isipan kapag narinig natin ang salitang Artificial Intelligence o AI. Ang ating mga
buhay ay nakadende na sa mga teknolohiya na lumaganap sa ating bansa ngayon. Ngayong araw ay
ating tunghayan ang aking pagpapahayag tungkol sa paksang ito. Tatalakayin natin kung anon ga ba
ang naging epekto natin ito sa ating buhay ngayon.
Karamihan na ngayon sa ating mga ginagamit ngayon ay may kinalaman na sa teknolohiya.
Ang ating mga araw-araw na mga gawain ay napapadali dahil sa mga makabagong teknolohiya na
nabuo sa makabagong panahon. Lahat ng ating kailangan ay napapadali dahil sa gamit nito. Ngunit
sa lahat ng bagay ay hindi mawawala ang pagkakaroon ng positibo at negatibong epekto nito sa
ating buhay. Hindi natin maikakaila na malaki ang tulong nito sa ating buhay ngunit kung labis natin
itong gamitin at wala limitasyon sa paggamit ay maaaring ito rin ang makakasira sa atin. Sa dami ng
mga gamit ng teknolohiya ngayon ay isang halimbawa nito ay ang Artificial Intelligence na kung saan
ito ay isang makina na isagawa ang mga pag-andar na nagbibigay-malay na iniuugnay natin sa
isipan ng tao, tulad ng pagdama, pangangatwiran, pag-aaral, pakikipag-ugnayan sa isang
kapaligiran, paglutas ng problema, at maging ang paggamit ng pagkamalikhain. Ang pundasyon ng
artificial intelligence ay software na maaaring gamitin upang pag-aralan ang input at gumawa ng
output. Ang AI ay nagbigay ng pakikipag-ugnayan na tulad ng mga tao sa software at mag-aalok ng
suporta sa pagpapasya para sa mga partikular na gawain, sa kabila ng katotohanang hindi ito kayang
humawak ng malaking halaga ng data at walang kapasidad na humawak ng maraming data.
Karamihan na sa ating mga mag-aaral ngayon ay nakadepende na sa machine na ito. Mayroon ng
mga online apps na maaaring magamit upang mapadali ang kanilang mga gawain sa paaralan. Dito
na sila kumukuha ng mga sagot na makikita agad dito. Hindi na sila sanay na ibahagi ang kanilang
mga ideya dahil alam nil ana may magagamit na sila na kung saan hindi na sila mahihirapan na
maghanap pa ng sagot dahil nandon na lahat. Isa lamang ito sa negatibong epekto ng AI sa ating
mga buhay lalo na sa mga mag-aaral. Nagpapakita ito na nagbabago na talaga ang ating panahon at
mayroon ng mga bagay na umuusbong na tumutulong upang mapunan ang ating mga
pangangailangan sa pang-araw-araw.
Kahit na maraming mga teknolohiya ang lumaganap sa ating panahon ngayon, kinakailangan
nating tandaan na bago pa ito dumating ay may mga bagay na ating nakasanay na gawin na kahit
hindi it madali ay nakatulong pa rin sa ating buhay. Alam naman natin na iba na talaga ang mga
nakagawian na ng mga tao ngayon kaysa noong sinaunang panahon, ngunit hindi natin kalimutan na
bigyan ng halaga ang mga nakagawian nain noon. Ang mga teknolohiya na ating ginagamit ngayon
ay malaking tulong sa atin ngunit huwag sana nating kalimutan na dapat mayroon tayong limitasyon
sa paggamit nito dahil alam naman natin na kahit nakakatulong ito sa atin ay may negatibong epekto
pa rin ito sa atin. Lagi nating tandaan na maging responsible sa paggamit ng mga makabagong
teknolohiya.

You might also like