You are on page 1of 7

Kabanata 3

BUOD NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa lagom ng kinalabasan,

kongklusyon at rekomendasyon batay sa mga sinuring datos ng pag-aaral.

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay batayan ng mga mananaliksik sa

pagbuo ng kongklusyon at rekomendasyon na makatutulong sa mga mga-

aaral upang mas mahasa ang kakayahan at maging handa sa bagong

kalakaran ng pagkatuto.

BUOD

Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay upang matuklasan ang

kahandaan ng mga mag-aaral ng Master of Arts in Teaching Filipino sa

paaralan ng University of Bohol, Tagbilaran City sa bagong kalakaran ng

pagkatuto.

Hinahangad din sa pag-aaral na ito ang bigyang kasagutan ang mga

sumusunod na katanungan: 1) Ano ang propayl ng mga mag-aaral batay sa:

kasarian, gulang, kursong natapos at bilang ng taon sa pagtuturo; 2) Ano ang

antas ng kahandaan ng mga respondente sa bagong kalakaran ng

pagkatuto?; 3) Ano ang antas ng kakayahan ng mga respondente sa bagong

kalakaran ng pagkatuto?; 4) Nagkakaroon ba ng makabuluhang antas ng

pagkaka-ugnay sa pagitan ng antas ng kahandaan at kakayahan sa bagong

kalakaran ng pagkatuto ang mga respondente?; 5) Anong kaparaanang

pampagpabuti ang maimumungkahi batay sa kinalabasan ng pag-aaral?


Ang hipotesis sa pag-aaral na ito ay walang makabuluhang antas ng

pagkaka-ugnay sa pagitan ng antas ng kahandaan at kakayahan sa bagong

kalakaran ng pagkatuto ng mga respondente.

Ang ginamit na pamamaraan ay ang descriptive type of survey o

palarawang paraan ng pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng

talatanungan mula sa iba’t ibang sanggunian ng aklat at ang iba ay sariling

gawa.

MGA NATUKLASAN

Pagkatapos ng maingat na pag-aanalisa at pagpapakahulugan sa mga

nakalap na datos, natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa Kasarian. Natuklasan sa

pagsusuri na walang (0) lalaking mag-aaral at dalawampu’t-apat (24) na

babaeng mag-aaral naman o isang daang porsyento (100%) na may

kabuuang dalawampu’t-apat (24) na mag-aaral. Ito ay nangangahulugan na

lahat ng respondente ay mga babae.

Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa Gulang. Natuklasan sa pag-

aaral na ito na may pinakamataas na bahagdan ang gulang na nasa

dalawampu’t-lima hanggang dalawampu’t pito (25-27) na kung saan may

bahagdan na tatlumpu’t walo (38%). Samantalang ang pinakamababang

bahagdan naman ay ang apatnapu hanggang apatnaput dalawa (40-42) at

limampu’t dalawa hanggang limamput-apat (52-54) gulang na may apat na

may apat na bahagdan (4%). Ipinapahiwatig dito na ang pinakamaraming

bilang na respondente ay nasa dalawampu’t-lima hanggang dalawampu’t pito

gulang (25-27) na.


Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa Kursong Natapos. Makikita sa

pag-aaral na ito na ang may pinakamataas na bahagdan sa kursong natapos

ay ang kursong BSED-Filipino na kung saan may bahagdan na walumpu’t

walo (88%). Samantalang ang pinakamababang bahagdan naman ay ang

BSED-English, BSED-TLE, at BS-Accountancy na may apat na bahagdn

(4%). Ipinapahiwatig dito na ang mga respondente ay pawang kumuha ng

kursong BSED-Filipino.

Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa bilang ng taon sa pagtuturo.

Sa pag-aaral na ito, ang may pinakamataas na bahagdan sa bilang ng taon

sa pagtuturo ay ang tatlong taon na pagtuturo (3) na kung saan may

bahagdan na dalawampu’t lima (25%). Samantalang ang pinakamababang

bahagdan naman ay ang anim (6), siyam (9) at labintatlong taon (13) ng

pagtuturo na may apat na bahagdan (4%). Ipinapahiwatig dito na ang

pinakamaraming bilang na respondente ay nagtuturo na ng tatlong taon (3).

Antas ng Kahandaan ng mga Respondente sa Bagong Kalakaran

ng Pagkatuto. Batay sa pagsusuri ng resulta, natuklasan na sa kahandaang

nakapaloob sa sampung aytem, pitong aytem ang nakakuha ng

pinakamalaking weighted mean kung saan ito ay napabilang sa

“pinakamahusay”. Ang nakakuha ng pinakamataas na ranggo na napabilang

sa antas na pinakamahusay ay bilang isa(1) at sampu (10) na may weigted

mean na 3.63. May kahandaan ako sa makabagong kagamitang

pampagkatuto gaya ng computer, laptop, iphone at iba pa. May malaya akong

kahandaan na makagawa ng mga gawain na ibinibigay ng propesor kahit

walang face-to-face interaksyon at handa sa hamon na ibinibigay ng

makabagong pagkatuto. At ang nakakuha sa pinakababang ranggo ay ang

bilang dalawa (2) na may weighted mean na 2.79. May kahandaan ako na

software panlaban sa mga virus o software virus proteksyon . Ito ay


nagpapahiwatig na may pinakamahusay na kahandaan pa rin ang mga

respondente sa bagong kalakaran ng pagkatuto. Antas ng Kakayahan

ng mga Respondente sa Bagong Kalakaran ng Pagkatuto. Natuklasan

naman dito na sa kakayahang nakapaloob sa sampung aytem, walong aytem

ang nakakuha ng pinakamalaking weighted mean kung saan ito ay napabilang

sa “pinakamahusay”. Ang napabilang sa pinakamataas na ranggo ay ang

bilang dalawa(2) at tatlo (3) na may weighted mean na 3.71. May kakayahan

akong mag-upload ng aking gawain para maipasa sa google classroom o

messenger. May kakayahan akong magmanipula ng google meet pag-on at

mute ng mikropono, pagpagpakita ng camera, pagpasa at pagtanggap ng

email o attachments at iba pa. At ang napabilang sa mababang ranggo ay

ang bilang lima (5) na may weighted mean na 3.00 na napabilang sa

“mahusay”. May kakayahan akong gumamit ng advance internet gaya ng

pagkilala sa mapagkatiwalaang “search engine”, pagdownlod ng saktong

aplikasyon o software, makapagginstol at update ng software. Ito ay

nagpapahiwatig na may pinakamahusay na kakayahan ang mga respondente

sa bagong kalakaran ng pagkatuto.

Antas ng Pagkaka-Ugnay sa Pagitan ng Antas ng Kahandaan at

Kakayahan sa Bagong Kalakaran ng Pagkatuto ng mga Respondente.

Gamit ang T-test, natuklasan na tanggap ang walang bisang haypotesis.

Nagpapahiwatig na walang makabuluhang antas ng pagkakaugnay sa pagitan

ng antas ng kahandaan at kakayahan sa bagong kalakaran ng pagkatuto ng

mga respondente.

MGA KONGKLUSYON
Batay sa mga natuklasan na pagsusuri, ang mga sumusunod na mga

kongklusyon ay inilahad:

Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa Kasarian.

Ang mga respondente ay mga babae lamang.

Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa Gulang.

Pinakamarami ang bilang ng mga respondeteng mag-aaral ang nasa


gulang dalawampu’t-lima hanggang dalawampu’t pito.

Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa Kursong Natapos.

Karamihan sa mga respondente ay nagtapos sa kursong BSED-


Filipino.

Propayl ng mga Mag-aaral Batay sa bilang ng taon sa pagtuturo.

Pinakamarami ang bilang ng mga repondenteng nagtuturo sa loob ng


tatlong taon.

Antas ng Kahandaan ng mga Respondente sa Bagong Kalakaran ng


Pagkatuto.

May kahandaan ang mga respondente sa bagong kalakaran ng

pagkatuto.

Antas ng Kakayahan ng mga Respondente sa Bagong Kalakaran ng


Pagkatuto.

May kakayahan ang mga respondente sa bagong kalakaran ng

pagkatuto.

Antas ng Pagkaka-Ugnay sa Pagitan ng Antas ng Kahandaan at


Kakayahan sa Bagong Kalakaran ng Pagkatuto ng mga Respondente.

Walang makabuluhang antas ng pagkakaugnay sa pagitan ng antas ng

kahandaan at kakayahan sa bagong kalakaran ng pagkatuto ng mga

respondente.

Rekomendasyon
Batay sa mga naging resulta at konklusyon sa pag-aaral, ang mga

mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod na mungkahi o

rekomendasyon:

1. Para sa mga mag-aaral, kinakailangang sanayin ang sarili at mag

adopt sa bagong kalakaran ng pagkatuto lalo na sa mga makabagong paraan

ng pampagkatuto at pagtuturo dahil ito na ang bagong normal na paraan ng

pag-aaral.

2. Para sa mga tagapamahala kailangang magsagawa ng

oryentasyon bago magsimula ang pasukan para sa mga mag-aaral na may

kinalaman sa bagong at tamang paggamit ng makabagong kagamitang

pampagkatuto. Kung anong mga gagamitin sa klase kagaya ng (google

classroom, google meet, zoom, atpb), mga tamang asal sa pagdalo ng klase o

ang tinatawag ‘’ online classroom etiquette’’ upang maging mahusay ang

daloy ng talakayan. Imbitahan ang mga eksperto at “practitioner” sa pagtuturo

upang makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa makabagong kagamitan sa

pagkatuto.

3. Nararapat na magkaroon ng mabisang pagsasanay ang mga mag-

aaral sa paggamit ng google classroom, google meet at messenger nang sa

gayon ay hindi sila mahihirapang pumasok sa klase at mag presenta ng ulat

gamit ang Powerpoint presentation.

4. Sa mga internet provider gaya ng Smart, Globe at PLDT kailangan

palakasin ang pa nila ang pagsupply ng internet at paunlarin nila ang kanilang

serbisyo.

5. Sa mga eksperto sa IT kailangan magdebelop ng software kung

saan kapakipakinabang sa mga mag-aaral na hindi masyadong gagasto ng

malaki gaya ng pang-anti-virus.


6. Para sa mga mananaliksik sa hinaharap, nawa ay maging batayan

ang pag-aaral na ito upang mas malawak ang kanilang pananaw sa

makabagong paraan sa pagkatuto at pagtuturo.

You might also like