You are on page 1of 56

REPUBLIKA NG PILIPINAS

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

LUNGSOD NG CABANATUAN

ANG PAG-GAMIT NG MGA ESTUDYANTE SA LIBRENG KONEKSYON NG INTERNET SA


DEPARTAMENTO NG CICT

IPINASA NILA:
Alessandra Salvador
Angelou Dela Cruz
Kaesie Atim
Irish Kei Simeon
John Marlon Tungala
Julie Anne Quinday
Chester Corpuz
John Paul Simon
April Rosse Gabriel
Raffy Sanopo
BSIT 1-N

ABRIL 2019
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I

PANIMULA
KABANATA I

Panimula

Sa panahon ngayon ay hindi maikakaila ang kahalagahan ng

koneksyon sa internet sa buhay ng kahit na sino man lalo na sa mga

mag-aaral, hindi maiiwasan na gumamit ng internet at social media

dahil ang mga bata man o matanda ay namumuhay sa modernong panahon

kung saan laganap ang makabagong teknolohiya at ‘di rin maikakaila ang

laki ng naiambag nito sa lahat lalo na sa mga mag-aaral.

Mahalaga ang internet sa mga mag-aaral dahil ito ay laging maasahan at

marami itong naitutulong at napapadali ng internet ang mga gawain ng

mga magaaral. Sa tulong ng internet ay napapadali ang pagkuha ng mga

mag-aaral ng mga impormasyon na kailangan sa kanilang mga asignatura

at mga pananaliksik.

Ang internet ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang

makakonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter at iba’t iba

pang gadgets na dumadaan sa Iba’t ibang klase ng telekomunikasyon.

Sa makabagong henerasyon kung saan teknolohiya ang ginagamit ng

karamihan. Kung ito ay iisipin, nakapakaraming naidudulot na maganda

ang teknolohiya, napakalaking tulong nito sa mga gawain pati na rin sa

trabaho at pag aaral. Ito ay nagiging masama lamang kapag ito ay

ginagamit sa maling paraan kung saan inaabuso ito, lumalampas ang ilan

sa limitasyon at ginagamit ito sa maling pamamaraan.


Kapag sinabing teknolohiya, ang pinakamalaking nag iimpluwensiya

dito ay ang internet. Napakaraming tao ang gumagamit ng teknolohiya

dala na rin ng internet.

Hindi mahalaga kung gaano kagaling gaano kadami ang kaalaman ng

isang tao sa paggamit ng internet, ang mahalaga ay alam ng karamihan

ang salitang limitasyon at disiplina sa paggamit ng internet. Sa

panahon ngayon, napakalaki ng naitutulong ng internet sa mga trabaho

at lalong lalo na sa edukasyon.

Kung noon ay kinakailangan pang pumunta sa silid aklatan para

maghanap ng mga impormasyon para sa takdang aralin o nais malaman,

ngayon napakabilis na ng proseso gamit ang internet. Ita type na

lamang ang nais hanapin at lalabas na agad ang kasagutan sa tanong.

Ang magandang nadudulot naman nito ay, kahit walang libro na mapag

hahanapan ng sagot, pwede mag hanap sa site na pwede puntahan para

tulong sa pag-aaral.

Napapagaan nito ang mabibigat na gawain at ang isa pang benepisyo

ay mas nakatitipid ang mga tao sa oras. Sa panahon ngayon nauuso na

rin ang mga internet quiz o test kung saan ito ay napaka laking tulong

sa mga mag aaral na kagaya ng mga estudyante ng CICT.

Nakakatulong ang mga internet quiz sapagkat nakakapag aral ang

mga estudyante at na-eehersisyo ang utak. Mas napapalalim rin ng mga

internet quiz ang mga kaalaman sapagkat nakakakalap ang karamihan ng

mga impormasyon na hindi pa lubos na alam o naiintindihan. Nagbibigay


din ito ng impluwensya para ganahan ang isang estudyante na mag-aral

ng mabuti para makatapos.

Ang internet ay nakatulong din upang mapagana ang mga iba’t

ibang sites katulad ng google, kung saan halos lahat ng kasagutan sa

katanungan ay naka lahad na sa iba’t ibang pagpipilian. Youtube, ito

ay isang site na maaari kang manuod ng mga video tutorial. Halimbawa

may hindi ka naintindihan sa iyong paksa na matematika, maaari mong

hanapin sa youtube ang isang tutorial kung saan may mga nagtuturo kung

paano ang proseso ng pagsasagot at ito ay kabilang sa tinatawag na

educational vlog. Maaari mo rin hanapin sa youtube ang mga

dokumentaryo na kalimitang ipinapa- panood sa mga estudyante bilang

parte ng pag aaral ng mga nakaraang tao o kasaysayan.

At dahil ang mga estudyante ngayon ay namumuhay na sa modernong

panahon, karamihan sa mga kolehiyo ay may subject kung saan

nangangailangang gumamit ng internet. Mayroong pagkakataon sa mga

kolehiyong estudyante na hindi kinakailangan pumasok sa paaralan at sa

halip nasa bahay lamang ngunit pumapasok pa rin sa pamamagitan ng

internet. Ito ay halos kaparehas din ng home schooling. Isa rin sa

napakalaking naiitulong ng internet sa mga estudyante ay maaari mo

nang makita sa internet ang iyong mga marka.

Kinakailangan na lamang gumawa ng isang account at sa paraan na

ring iyon ay masusubaybayan ng estudyante at mga magulang ang pag

aaral at makikita nila kung ang estudyante ay nag aayos ng pag-aaral o

hindi. Kung noon rin ay sa mga dyaryo nakikita ang mga board passers,

ngayon ay sa internet na rin. Kung tutuusin napakaraming naiitulong ng


internet sa mga estudyante, napakadali nitong matutunan at napaka

tipid pa sa oras.
Paglalahad ng suliranin

Napili ng mga mananaliksik na pagtuunan ng pansin ang pag gamit

ng mga estudyante sa ipinagkaloob ng departamento ng CICT kung ito nga

ba ay nagagamit sa tama at wastong pamamaraan o kung ito ay nagagamit

na sa mali o hindi wastong pamamaraan na kung saan ito ay hindi na

nakakabuti sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng

paggamit ng internet sa mga estudyante ng departamento ng CICT sa

Nueva Ecija University of science and technology.

Ninanais ng pag-aaral na ito na masagot ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Saan ginagamit ng mga respondante ng CICT ang libreng

koneksyon sa internet?

2. Gaano katagal ginagamit ng mga respondante ang libreng

internet?

3. Ang mga negatibong epekto sa pag-gamit ng internet sa mga

estudyante ng departamento ng CICT sa Nueva Ecija University of

science and technology?

4. Ang mga positibong epekto sa pag-gamit ng internet sa mga

estudyante ng departamento ng CICT sa Nueva Ecija University of

science and technology?


BATAYANG TEORETIKAL

Ayon sa Teorya na “Kahalagahan ng Internet sa Pagaaral” ng taong

2017 ni Alyssa Palbacal, Tayo ngayon ay namumuhay sa makabagong

henerasyon kung saan teknolohiya ang ginagamit na karamihan. kung

iyong iisipin napakaraming naidudulot na maganda ang teknolohiya.

Napalaking tulong nito sa ating trabaho at pag-aaral. Ito ay nagiging

masama lamang kapag ito ay ating ginagamit sa maling paraan kung saan

inaabuso natin ito, lumalampas tayo ating limitasyon at ginagamit ito

sa maling pamamaraan. Kapag sinabing teknolohiya ang pinakamalaking

nagimpluwensiya nito ay internet. Napkaraming tao ang gumagamit ng

teknolohiya dahil sa internet.

Nagbibigay rin ito ng inmpluwensiya upang ganahan ang estudyante

na mag-aral ng mabuti para makatapos. Ang internet ay nakatulong din

para mapa- gawa ang ibat-ibang sites katulad ng google, kung saan

lahat ng kasagutan sa iyong katanungan ya nakalahad sa ibat- iabng

pagpipilian.
BATAYANG KONSEPTUWAL

Internet

Saan ginagamit
ang libreng
internet

Epekto

Mabuting Masamang
Epekto Epekto

Dapat ba na ipagpatuloy o hindi nalang

ang paglalaan ng libreng koneksyon ng

internet sa departamento ng CICT

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa paglalahad ng mga resulta ng

paggamit ng libreng internet connection na ipinagkaloob ng

departamento.

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa mga posibleng magiging epekto

ng paggamit ng libreng internet koneksyon at kung saan ginagamit ng


mga estudyante ang ipinagkaloob na libreng internet connection ng

departamento.

Dito ilalahad ng pananaliksik ang posibleng epekto ng ipinagkaloob na

libreng internet koneksyon sa mga nag-aaral na nakapailalim sa CICT


Saklaw at Limitasyon ng pag aaral.

Ang pag aaral na ito ay nakapokus sa paggamit ng mga Estudyante

sa libreng koneksyon ng internet sa departamento ng CICT sa NEUST sa

Sumacab kampus at naging pokus din ng pag-aaral na ito kung ito ba ay

may magandang epekto o di magandang epekto at kung nakakatulong sa mga

estudyante ng CICT ang libreng koneksyon sa internet kung ito ba ay

lubos na kapaki-pakinabang sa pag-aaral ng Estuyante ng CICT o sa iba

pang pamamaraan.

Nililimitahan ang pag aaral na ito sa mga magaaral ng CICT na

gumagamit ng libreng koneksyon sa internet. Mas lalo pang

nililimitahan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga Respondante sa paraan

ng convenience sampling mula sa mga magaaral na may kursong Bachelor

of Science in Information Technology.

Ang saklaw ng pag-aaral ay libreng koneksyon ng internet para sa mga

mag-aaral ng Nueva Ecija university of science and technology na nasa

departamento ng CICT ay limitado lamang ito sa paaralan at ang mga

nasabing mag-aaral lamang ang masasaklaw nito.

Napili ng mga mananaliksik ang pagkuha ng random angs bilang ng mga

respondante ay depende kung ilan lamang ang gumagamit ng internet sa

departamento ng CICT upang sagutan ang survey na inilaan ng mga

mananaliksik.
Layunin ng Pag-aaral

Naglalayon ang pananaliksik na ito na malaman ang mga positibo at

negatibong epekto ng paggamit ng libreng koneksyon ng intertnet sa

mga estudyante ng CICT na ipinagkaloob ng kanilang departamento.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ng mga mananaliksik ay

malaman ang epekto o nagagawa at kung saan ginagamit ng mga

estudyante ang libreng koneksyon ng internet sa departamento ng CICT.

Nais na malaman ng mga mananaliksik kung sa akademikong kapakinabangan

ba o sa pansarili lamang na interes ng mga estudyante ang paggamit

nila ng libreng koneksyon ng internet na ipinagkaloob ng departamento

ng CICT. Maraming indibidwal na ang napadali ang mga gawain sa

pamamagitan ng internet ganun narin sa mga estudyante. Nais malaman ng

mga mananaliksik kung karapat dapat nga ba pagkalooban ng libreng

koneksyon ng internet ang mga estudyanteng nakapaloob sa departamento

ng CICT.
Panimulang Haka o Haypotesis

Ang paggamit ng mga estudyante sa libreng koneksyon ng internet

ay nakatutulong upang mas mapabilis ang mg gawain ng mga estudyante sa

CICT tulad ng pananaliksik at pakikipag komunika gamit ang libreng

internet. Sa larangan ng pananaliksik ay malaki ang naitutulong ng

libreng koneksyon ng internet sa mga estudyante dahil hindi na

kailangan pang pumunta ng mga estudyante sa library upang manghiram ng

libro. At sa komunikasyon ay mayroon din positibong naitutulong ang

libreng internet gaya na lamang ng pakikipag komunika sa mga mahal sa

buhay na nasa malalayong lugar.

Dahil din sa paggamit ng libreng internet ay maaari rin na

magkaroon ng akses ang mga estudyante na makapasok sa website na hindi

angkop para sa edad nila. Kadalasan din dahil sa libreng internet ay

nahihikayat ang mga estudyante na tangkilikin ang online games na kung

saan ay kinaaadikan o kinahuhumalingan ng mga estudyante. Nagiging

makampante rin ang mga ito dahil mas napapadali ang kanilang gawain sa

eskwela dahil may roon naman na libreng internet. Alam naman ng lahat

na halos lahat ay gumagamit na ng Facebook, Instagram, Twitter at iba

pa na kung saan nakakapag post ang ilan sa atin ng mga bagay na walang

kahulugan tulad ng mga litrato at chismis na maaaring makasira sa

proseso ng pananaliksik ng isang tao.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Estudyante- Ang magiging kahalagan ng pag-aaral o panananliksik ng

matututunan ng mga estudyante na magbigay kahalagahan sa sa libreng

koneksyon ng internet na ipinagkaloob ng departamento sa pamamagitan

ng kanilang pag katuto ng mga estudyante sa mali at tamang pag gamit

ng internet na ipinagkaloob ng departamento ng CICT. Ang pag-aaral na

ito ay may posibleng magkaroon ng ambag sa kaalaman ng bawat

estudyanteng nakapaloob sa departamento ng CICT. Matututunan ng mga

estudyanteng maging responsible sa pag gamit ng libreng internet

koneksyon na ipinagkaloob ng kanilang departamento. Makakatulong ito

upang magbigay ng importansya ang mga estudyante sa pag gamit nila ng

libreng koneksyon ng internet, matutunan nilang huwag abusuhin ang

ipinagkaloob ng departameto upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa

pang akademikong ikauunlad ng mga kabataan. Magsisilbi itong

limitasyon upang abusuhin ng mga kabataan ang internet.

Pamunuan ng CICT- Ang magiging kahalagahan ng pag-aaral o pananaliksik

sa pamunuan ng CICT ay magkakaroon sila ng kaalaman kung saan nga ba

ginagamit ng mga estudyante ang kanilang ipinagkaloob na libreng

internet connection. Malalaman nila kung ito nga ba ay nakabubuti sa

akademikong perpormans ng mga estudyanteng nakapaloob sa kanilang

pamunuan kung ito ba ay marapat na ihinto at limitahan na lamang. Ang

pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki sa pagtuklas sa Di-wasto at

Wastong paggamit ng libreng internet ng mga mag-aaral ng CICT.

Hangarin ng pag-aaral na ito na tiyakin ang paggamit ng libreng


internet sa mga mag-aaral ng CICT sa Nueva Ecija University of Science

and technology.

Guro- Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa guro upang magkaroon ng

kaalaman patungkol sa kung ano ang kaganapan sa kaniyang mga

estudyante at kung ang internet connection ay nakatutulong sa kaniyang

estudyante patuon sapag aaral nito.

Sa mga susunod na mananaliksik- Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

sa mga susunod na mananaliksik sapagakat magkakaroon ang mga susunod

na mananaliksik ng karagdagang kaalaman patungkol sa nabanggit na

paksa, at upang maiwasan ng mga susunod na mananaliksik ang mga dapat

iwasan at sunudin ang mga dapat sunudin upang magkaroon ng mas maayos

na kalalabasana ng magiging pananaliksik o pag-aaral.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

INTERNET

- Ang internet ay ginamit ng mga mananaliksik upang maghanap ng

karagadagang kaalaman na magagamit sa kanilang pananaliksik.

- Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang

mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa

iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon.

ESTUDYANTE

- Ang estudyante ay ang mga tao na ginawang respondante ng mga

mananaliksik sa kanilang pag-aaral, sila ang pangunahing target ng

pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik

- Tao karaniwang bata at kabataan na pumapasok sa paaralan o kamukuha

ng leksiyon at kurso bilang paghahanda sa isang gawain

KOLEHIYO

- Dito isinagawa ang pananaliksik ng nabanggit na pag-aaral.

- Nangangahulugang institusyon o gusali na nag-aalok ng edukasyon sa

isang dako o larangang mas pinopokusan. Ito ay ang mas mataas na

edukasyon at pagkatuto o pagkuha ng kaalaman kaysa sa elementaryo (K-

12 Curriculum).

CICT (College of Information Communication Technology)

- Ang kurso ng mga estudyanteng nabanggit upang gawaing respondante.


- Isang uri ng kurso na tungkol sa pag aaral ng kompyuter at

Teknolohiya.

SOCIAL MEDIA

- Ang social media ay nagamit din upang makapaghanap ng karagdagang

kaalaman sa mga mananaliksik.

- Ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa buong mundo sa

pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng komputer, cellphone,

tablet at iba pa na pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga

larawan, musika, mga aktibidad, mga gusto at ayaw, mga video at marami

pang iba na pwede mong maisip. Napakabilis ng pamamaraang ito sa

pagpapadala ng mensahe at impormasyon anupat ang ilang mga tao ay

ginagamit ang social media upang iparating sa iba ang maski ang

kanilang hinanaing at mga gustong ibalita sa lahat ng kanilang mga

kaibigan sa social networks.

TUTORIAL

- Nagamit ito ng mga mananaliksik upang mas labis pang matutunan ang

pananaliksik at madagdagan ang kaalaman na ibinahagi sa kanila ng

kanilang guro, upang mapagyabong ang kaalaman sa nabanggit na

pananaliksik.

- Isang paraan upang maibahagi o maibigay ang kaalaman na nararapat

malaman ng isang indibidwal na kanyang magagamit upang maging isang

mas kapaki-pakinabang na indibidwal. Sa pamamagitan ng pagtuturo,

naipapahayag ang tiyak na gagawin na inaasahang maipakita ng mga mag-


aaral. Ginagamitan ang pagtuturo ng iba't ibang estratehiya na wasto

para sa bawat mag-aaral upang sila ay matuto.

SITE

- Ito ang pinupuntahang ng mga mananaliksik upang maghanap ng mga

impormasyon na kanilang kailangan sa pananaliksik na nabanggit

- Isang koleksiyon ng mga magkakaugnay na web page, na tipikal na

matatagpuan sa isang partikular na domain name osubdomain. Ang isang

websayt ay bahagi ng World Wide Web na isa sa mga serbisyong gumagamit

GOOGLE

- Ang google ay ang ginamit ng mga mananaliksik upang gamitin na

panghanap ng mga impormasyon na kinakailangan sa pananaliksik.

- Isang klase ng search engine sa internet na naghahanap ng

impormasyon ukol sa pangangailangan ng isang tao.Ang isang educational

blog ay nilikha para sa mga layuning pang-edukasyon. Ang mga Edublogs

archive ay suporta sa mag-aaral at pag-aaral ng guro sa pamamagitan ng

pagpapadali ng pagmuni-muni, pagtatanong sa sarili at sa iba,

pakikipagtulungan at pagbibigay ng mga konteksto para sa pag-iisip ng

mas mataas na pag-iisip. Lumaganap ang mga edublog kapag ang

arkitektura ng pag-blog ay naging mas pinadali at pinaghula ng mga

guro ang potensyal na pagtuturo ng mga blog bilang isang online na

mapagkukunan.
KABANATA II

https://alyssapalbacal.wordpress.com/2017/11/04/first-blog-post/

Mahalaga ang pagkakaroon ng internet bilang kaagapay sa pag-aaral

sapagkat ito ay nakatutulong sa indibidwal upang higit na mabilis na

makapangalap ng impormasyon o kaalamang kailangan,dagdag pa dito ay

napadadali ng internet angpagpapalitan ng impormasyon at ideya sa

tulong ng social media. Ang internet ay nag-uugnay sa libu-libong

networks sa buong daigdig, sa tulong nito ang gumagamit ay maaaring

makapagsaliksik at makapangalap ng mga napapanahong kaalamang

panlipunan.

Naging dahilan ng paggamit ng internet ay pagkakaroon ng mga mag-

aaral ng higit na mabuting pag-unawa sa kanilang mga aralin sa

pamamagitan ng pananaliksik. Sa tulong naman ng social media,isa sa

mga produkto ng internet,ang mga mag-aaral ay malayang

nakapagpapalitan ng kanilang mga ideya sa pamamagitan ng mga group

chats o pakikipag interaksyon sa kanilang kapwa mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ay makasasabay sa ganitong pamamaraan sa

pamamagitan ng paglimita sa kanilang mga sarili sa mga gawaing hindi

naman kaugnay ng kanilang pananaliksik gaya na lamang ng hindi wastong

paggamit ng social media habang nag-aaral,paglalaan ng sapat na oras

sa paggawa ng kanilang mga aralin. Higit rin na makatutulong ang

pagpili ng wastong lugar na paggagawaan ng kanilang pananaliksik gamit

ang internet.
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral na gumagamit

ng internet sa kanilang pag-aaral ay ang mga bagay na kanilang

ginagawa sa social media na hindi kaugnay sa kanilang aralin habang

sila ay nananaliksik. Kabilang na rin sa mga suliraning ito ay ang

kawalan ng internet connection sa kanilang mga tahanan.

Anumang bagay dito sa mundo ay may mabuti at hindi mabuting

epekto. Sa paggamit ng internet sa pag-aaral,ang mabuting epekto na

nakalap ng mga mananaliksik ay nakatutulong ito sa mga mag-aaral upang

maunawaan ang mga aralin. Sa kabilang dako naman,ang hindi mabuting

epekto ng internet sa pag-aaralay nakalilimutang bigyang halaga ng mga

mag-aaral ang paggamit ng mga aklat.Mga TagubilinAng edukasyon ay isa

mga susi sa pag-unlad,at isa ang internet sa mga bagay na maaaring

makatulong tungo sa higit na epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral sa

makabagong panahon. Kinakailangang maunawaan nang mabuti ang wasto at

naaayong paggamit nito sa pag-aaral.

Malaki na rin ang naging tulong nito sa pag-aaral ng mga

estudyante. Dito nagpapalitan ng mga mensahe na may kinalaman sa pag-

aaral ang mga estudyante. Nagiging daan ito para makahabol sa mga

aralin ang mgamag-aaral. Nakakakuha din sila ng mga bagong impormasyon

dito na nakakatulong sakanilang pag-aaralPero, hindi lahat ng nagiging

epekto nito ay positibo. Minsan, nagiging sagabalito sa pag-aaral at

nagiging sanhi ng pagbaba ng grado ng mga estudyante.Nahuhumaling ang

ilan sa paglalaro ng mga games at ang iba naman ay napupuyat sawebsayt

na ito na nagiging sanhi ng pagliban at pagkahuli nila sa klase.


Minsan ay nagiging sanhi rin ito ng ‘cyberbullying’, kung saan ang mga

kabataan ay berbal nainaabuso.

https://blogtungkolsainternetatsocialmedia.wordpress.com/2016/11/10/ak

ademikong-tulong-ng-internet-o-social-media-sa-mga-mag-aaral-sa-

kasalukuyan/

Maraming naidudulot na magandang epekto at hindi magandang epekto

ang Internet sa kabataan. Nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan

sa mga kabataan, ang Internet lalo na, sa kanilang mga research

papers, mga project at mga takdang aralin. Halos lahat na ng kailangan

ng isang tao ay masasabi nating nasa Internet na o masasagot na sa

Internet sa isang click lamang. Pero dahil sa pagiging kampante na

nasa Internet naman lahat ang dapat kailanganin, tatamarin na ang mga

kabataan na aralin ang kanilang mga leksyon. Halos lahat ng estudyante

ay gumagamit ng iba’t ibang mga teknolohiya upang kanilang matapos ang

kanilang mga gawain. Sigurado namang lubos na limitado ang mga

impormasyon na ating makikita sa isang libro.

Ang mga estudyante ngayon ay hindi lang pag aaral ang inaatupag

sa ngayon kundi pati ang pag lalaro ng mga internet game, sino nga

naman ang hindi maeenganyo sa napaka ganda at makukulay na character

na ginagamit dito. hindi na nga maawat ang mga nag lalabasang ganitong

games, pero ang dami ng mga bata ang sinira at naadik sa ganitong

laro, kaylan ba nila maiintindihan na walang magandang epekto ang

ganitong klaseng paraan ng pag nenegosyo. At ang nakakalungkot pa rito

ay nakalimutan na at unti-unti ng nawawala ang mga tradisyon na laro

ng ating lahi!katuland ng tumbang preso, tagu-taguaan, mata-mataya,


takip-silim at marami pang iba. paano na ang mga susunod na henerasyon

ng ating lahi, kung tuluyan ng mawawala ang ganitong klase ng laro.

mganda ang epekto sa katawan kung ganitong klase ng laro ang kanilang

kalalalakihan, mas magiging malakas at matalas ang kanilang isipan

dahil sa ganitong klase ng laro.

https://eamariaj.wordpress.com/2016/11/09/positibo-at-negatibo-na-

epekto-ng-internet-at-social-media-sa-larangan-ng-pagaaral-

pagsasaliksik-at-komunikasyon/

PAANO NGA BA NAKAKATULONG ANG INTERNET SA MGA ESTUDYANTE ?

Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga

pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet.

Mayroon silang tinatawag na computer laboratory kung saan natitipon

ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito, mas naging maginhawa at

madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas epektibong naibabahagi ng

mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng

iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan

nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin

hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring

makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit

sa hindi tamang paraan.

Malaki ang naitutulong nito sa larangan ng pagaaral at

nagdudulot ito ng magandang kapakinabangan sa mga magaaral sapagkat

napapadali ang kanilang paghahanap ng mga bagay na kailangan nilang


malaman gaya na lamang ng mga bagay na hindi pa nila alam , mga

takdang aralin, research paper, mga proyekto at iba pa. Kung mayroong

magandang kapakinabangan ay mayroon din na hindi magandang epekto ito

sa mga kabataan at isa na roon ang pagiging matamarin ng mga

estudyante dahil mas mapapadali ang kanilang gawain sa eskwela dahil

mayroon nang internet, pagbubukas ng mga websites na hindi angkop sa

kanilang edad gaya na lamang ng mga pornograpia at scandal at

pagkakalulong sa mga online games.

Sa larangan naman ng pagsasaliksik ay may positibong naitutulong

ang internet gaya na lamang ng una, hindi aksaya sa oras ang

paghahanap ng mga bagay na kailangan dahil pindot lamang ang kailangan

sa isang kompyuter ay lalabas na ang iyong kailangan. Pangalwa, hindi

na kailangan pang magaksaya ng pagod pumunta sa library at humiram ng

sandamakmak na libro. Panghuli, imbis na tungkol sa leksyon sa klase

ang isasaliksik ay mga bagay na walang kahulugan ang inuuna gaya na

lamang ng pagpopost ng mga walang kahulugan na mga litrato at chismis

na maaaring makasira sa proseso ng pagsasaliksik ng isang tao.

Ang internet ay nakakatulong sa karamihan upang mapabilis ang

proseso ng pagaaral, pagsasaliksik at pakikipagkomunika sa iba ngunit

ginagamit ito sa masasamang paraan. Kailangan magingat sa paggamit

nito sapagkat madami na ang mga taong nasisira ang buhay at namamatay

dahil sa mga social media na kanilang kinaaadikan na hindi naman

nakakatulong sa kanila. Gamitin natin ang Internet sa pagpapaunlad ng

ating sarili upang umunlad din ang ating bansa.


http://michaelvale19.blogspot.com/2014/02/mga-epekto-ng-social-

networking-sites.html

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng ibat-ibang

Social Networking Sites sa pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga mag-

aaral sa kolehiyo ng edukasyon ng Parido State University Goa Campus

sa akadimikong taon 2012-2013. Ang pananaliksik ay isinagawa mula

Enero hanggang Marso sa mga piling estudyante ng Koleheyo na siyang

nagging respondent sa pag-aaral. Ang mga datus ay nakalap sa

pamamagitan ng talatanungang gawa ng mgamananaliksik at inanalisa sa

pararang poresyento/bahagdan, at diskriptiv. Ayon sa resulta ng

masusing pag-iinterpreta sa mga datus na nakalap mula sa mga

respondent, lumalabas na ang Facebook at Yahoo ay ang pinkapatok na

Social Networking Site sa mga mag-aaral.

Lumalabas naman na positibo ang epekto ng pagkakaroon ng account

sa nasbing site kung pakikipagkapwa ng mga mag-aaral ang isasa-alang

alang.Ayon sa resulta, dahil sa mga Social Networking Site, ang mga

mag-aaaral ay maraming nakikilala,nakakakuha ng bagong kibigan at

nakakapagpahayag ng malayang saloobin. Sa pag-aaral naman, lumalabas

na ang mga Networking Site ay nakakatulongupang ang mag-aaralay

magkaroon ng madaling kumunikasyon sa kapwa sa kapwa mag-aaral,

makakakuha ng mahahalagang impormasyon at mapadali ang palitan ng mga

dokumeto ng mga dukumento, hal.e-mails.” Mula sa mga nakuhang resulta

at nalutas na suliranin naipakita ang kabutihang dulot ng mga social

networking site sa pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga estudyante ng

koleheyo ng Edukasyon kayat inenerikumenda ng mga mananaliksik na


mapagtuunan ng pansin ang pagtutro sa Unibersidad na maaaring magbigay

kamalayan sa mga mag-aaaralsa mas responsable at tamang paggamit ng

makabagong teknolohiya.

https://justinemarananstem4.wordpress.com/2017/11/06/paano-

nakakatulong-ang-internet-sa-mga-estudyante/

Paano nakakatulong ang internet sa mga estudyante?

Ano ba ang internet?

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na

maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipápadala ang mga datos

sa pamamagitan ng packet switching na gámit ang inayunang pamantayan

na Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado,

pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga network na may lokal

hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay sa pamamagitan ng mga

kawad na tansô, kawad na fiber-optic, wireless na koneksiyon at iba

pang teknolohiya. Dinadalá nito ang mga iba’t ibang impormasyon at

serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at magkakaugnay na

mga pahina ng web ng World Wide Web

Paano ba ito nakakatulong sa mga estudyante?

Ang Internet ay isang mahusay na paraan upang magsagawa ng

pananaliksik para sa pangunahin at pangalawang layunin. Dahil ang

serye ng mga ensiklopedya ay magagamit na ngayon sa internet sa halip

na naka-print na mga form. Sa halip na gumagasta ng libu-libong mga

pera para sa pagbili ng mga may-katuturang libro, ang dvd, ang mga

estudyante ngayon ay namamahala sa lahat ng bagay sa internet. Halos


bawat bagay ay magagamit sa internet karamihan sa mga ito ay magagamit

sa libreng mapagkukunan. Dahil sa malawak na materyal na magagamit sa

internet, kailangan ng maraming oras upang mahanap ang mga perpektong

bagay ayon sa mga hinihingi.

Linguistic

Mayroon ng maraming software ng wika upang gawing eksperto ka sa

wika. May mga software, na nagtuturo sa iyo ng iba pang mga wika pati

na rin. Din sila ay nagbibigay sa iyo ng kumpletong pag-unawa tungkol

sa wika. Halimbawa mayroong ilang software, tulad ng Ginger, na

magagamit sa patunay na basahin ang mga bagay para sa iyo. Ang mga

software na ito ay nagbibigay sa iyo ng libreng trabaho. Ang mga error

na tulad ng pambalarila, istraktura ng pangungusap at pagbabaybay ay

tuluyang natutunaw sa nakaraan. Ang mga grammar at spells checker ay

magagamit halos sa bawat Personal na Computer

Online na Pag aaral

Ginawa ng internet ang pag aaral nang mas madali dahil wala nang

paggamit ng murang DVD ng pag-aaral, dahil ang pag-aaral ng distansya

ay naroroon, ang lahat ng materyal ay magagamit na ngayon kasama ang

mga video. Sa isang ugnayan matutunan ang anumang mga bagay na maaari

mong isipin. Mayroong PowerPoint na magagamit para sa iyong kurso sa

trabaho, ang mga graph ng impormasyon ay nariyan, at maaari mong

matutunan ang linya ng panahon ng Kasaysayan. Mayroong maraming mga e-


libro na magagamit sa bawat paksa, gawin ang iyong sariling

pananaliksik at mahanap ang iyong sariling konklusyon.

Audio Visual na Pag aaral

Nagbibigay din ang Internet ng mga mag-aaral na may iba’t ibang

mga tool na nagbibigay ng pag-aaral na mas nakakaakit at masaya.

Halimbawa, ang mga aralin sa pamamagitan ng mga animated na video at

mga lektyur ng audio ng mga bantog na tagapagturo ay nagdaragdag ng

interes ng mga estudyante sa pag-aaral ng isang bagay, kumpara sa mga

tradisyonal na pamamaraan ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa.


KABANATA III

A. Disenyo ng pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik ng mga mananaliksik ay ang tinatawag

na convenience sampling, kung saan nakukuha ang mga impormasyon sa

pamamagitan ng abeylabilidad ng mga random na tao. Kung saan kukuha ng

maliit na porsyon ng populasyon ang mga mananaliksik upang magisagawa

ng pananaliksik ayon sa nabanggit na paksa.

Ang pananaliksik na ito ay mag sasarvey upang matuklasan ang

paggamit ng libreng internet ng mga mag-aaral ng CICT makakatulong ng

malaki sa pagtuklas kung ito ba ay ginagamit sa hindi wasto at wastong

paraan. Napili ng mga mananaliksik ang mga estudyante na mismong

gumagamit ng libreng internet sa departamento ng CICT.

B. Respondante

Tinutukoy ang mga respondente ng sarbey, kung ilan sila at paano at

bakit sila napili. Sila ang sasagot sa sarbey o talatanungan.

Iskala

Ang lebel ng pagsang-ayon ng mga repondente sa iskala ay ayon sa

mga sumusunod:

5 – Lubos na sumasang-ayon

4 – Sumasang-ayon

3 – Bahagyang sumasang-ayon
2 – Hindi sumasang-ayon

1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

Berbal na Interpretasyon

Ang pagitan ng mga sagot ay ayon sa mga sumusunod na

interpretasyon:

Mga Pamimilian Pagitan Berbal na Interpretasyon

5 4.20 – 5.00 Lubos na sumasang-ayon

4 3.40 – 4.39 Sumasang-ayon

3 2.60 – 3.59 Bahagyang sumasang-ayon

2 1.80 – 2.79 Hindi sumasang-ayon

1 1.00 – 1.19 Lubos na hindi sumasang-ayon

C. Tritment ng mga datos

Ang Istatistikal na tritment na ginamit sa pag aaral na ito ay

pagkuha ng porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag aaral

na ito.

%
𝑭= 𝑵
𝒙 𝟏𝟎𝟎

F= Raw Score

N= total number of respondents

%= Porsyento
D.Instrumento ng pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa

pag aaral ay isang sarbey o talatanungan. Ang mga mag aaral ng NEUST

sa departamentong CICT.

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionaire

bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit

sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang

profile at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang sarbey ay ang

pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian,aksyon, o opinion ng

malaking grupo ng mga tao na tumutukoy sabilang isang populasyon o

malawak na sakop ng pananaliksik ay binubuo ng ibat ibang istilong pag

hahanap kabilang ang pagtatanong sa mga respondent.

Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang

komposisyon ng mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

PAGGAMIT NG MGA ESTUDYANTE SA LIBRENG KONEKSYON SA INTERNET SA

DEPARTAMENTO NG CICT

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pag-aaral na may pamagat na

“PAGGAMIT NG ESTUDYANTE SA LIBRENG KONEKSYON NG INTERNET SA

DEPARTAMENTO NG CICT”. Ang mga katanungan sa iba ay magsisilbing gabay

upang malutas ang mga suliranin sa pag-aaral. Hinihiling naming na

sagutin ang mga tanong nang may katapatan.


Pangalan (optional):_______________________ Edad:_________

Kasarian:___________________

Saan madalas ginagamit ng mga respondante ang CICT ang libreng

koneksyon ng internet?

Ang kadalasan ng paggamit ng mga respondent sa libreng koneksyon ng

internet sa iskala ay ayon sa mga sumusunod:

5 – Madalas

4 – Minsan

3 – Madalang

2 – Saglit

1 – Hindi kailanman

Saan ginagamit 5 4 3 2 1

1. Ginagamit ko ang libreng koneksyon ng

internet sa aking pagaaral

2. Ginagamit ko ang libreng koneksyon ng

internet sa online games

3. Ginagamit ko ang libreng koneksyon ng

internet sa social media


Ilang oras ang inilalaan ng respondante sa paggamit ng libreng

koneksyon ng internet kada araw?

Lagyan ng Tsek ✔ ang napiling sagot.

() 30 minutos – 1 oras

() 2 oras – 3 oras

() 4 oras – 6 oras

() 7 oras – 10 oras

Ano ang mga positibong epekto sa paggamit ng internet sa mga

estudyante ng departatmento ng CICT sa Nueva Ecija University of

Science and Technology?

Ang lebel ng pagsang-ayon ng mga respondent sa iskala ay ayon sa mga

sumusunod:

5 – Lubos na sumasang-ayon

4 – Sumasang-ayon

3 – Bahagyang sumasang-ayon

2 – Hindi sumasang-ayon

1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

Lagyan ng Tsek ✔ ang napiling sagot.

Mga tanong 5 4 3 2 1
1. Lubos na nakatulong ang pag-gamit

ko ng libreng koneksyon internet sa

aking pag-aaral.

2. Nakatutulong ang internet sa

paggawa ko ng aking mga takdang

aralin.

3. Napapadali ang paggawa ko sa aking

proyekto dahil sa libreng koneksyon ng

internet.

4. Dahil sa libreng koneksyon ng

internet napapadali ang paggawa namin

ng aming pananaliksik.

5. Nakakatulong ang internet sa pag-

akses ng mga impormasyon na aking

kailanagan.

6. Nakakapag-aral ako ng maaga dahil

sa libreng koneksyon ng internet.

7. Napapadali ang paghahanap ko sa mga

sagot sa katanungan sa aking

pangangalap ng impormasyon gamit ang

libreng koneksyon ng internet.

8. Nakatutulong sa aming mga mag-aaral

na walang konekyon ng internet sa

bahay ang libreng koneksyon ng

internet sa paaralan.
9. Nakatutulong ang libreng koneksyon

ng internet sa mabilisang paghahanap

ng mga sagot sa mga mahihirap na

katanungan

10. Nakatutulong ang libreng koneksyon

ng internet sa paghabol pag kami ay

napagiwanan ng aralin.

Ano ang mga positibong epekto sa paggamit ng internet sa mga

estudyante ng departamento ng CICT sa Nueva Ecija University of

science and technology?

Ang lebel ng pagsang-ayon ng mga respondent sa iskala ay ayon sa mga

sumusunod:

5 – Lubos na sumasang-ayon

4 – Sumasang-ayon

3 – Bahagyang sumasang-ayon

2 – Hindi sumasang-ayon

1 – Lubos na hindi sumasang-ayon

Lagyan ng Tsek ✔ ang napiling sagot.

Mga tanong 5 4 3 2 1

1. Mas Malaki ang oras na aking


nailalaan sa paggamit ng internet

kaysa sa paggawa ko ng aking takdang

aralin.

2. Napababayaan ko na ang aking sarili

dahil sa lubos na paggamit ko ng

libreng koneksyon ng internet.

3. Bumababa na ang aking mga grado ko

dahil sa lubos kong paggamit ng

libreng koneksyon ng internet.

4. Nakakatamadan ko na gawin ang aking

mga dapat gawin dahil sa lubos kong

paggamit ng libreng koneksyon ng

internet.

5. Hindi ko na nagagawa ang mga dapat

kong gawain sa paaralan dahil sa lubos

na paggamit ko ng libreng koneksyon ng

internet.

6. Napapabayaan ko na aking mga pag-

aaral dahil sa lubos na paggamit ng

koneksyon ng internet.

7. Nawawalan na ako ng oras sa aking

pag-aaral dahil sa lubos na paggamit

ng libreng koneksyon ng internet.

8. Hindi na ako nakakapasok sa klase

upang gumamit na lamang ng libreng


koneksyon ng internet.

9. Mababa ang nakukuha ko na iskor sa

aking mga pagsusulit dahil sa lubos ng

paggamit ng libreng koneksyon ng

internet

10. Pababa ng pababa ang aking iskor

sa aking mga proyekto dahil sa lubos

na paggamit ng libreng koneksyon ng

internet.

Ang lebel ng pagsang-ayon ng mga repondente sa iskala ay ayon sa mga

sumusunod:

5 – Lubos na sumasang-ayon

4 – Sumasang-ayon

3 – Bahagyang sumasang-ayon

2 – Hindi sumasang-ayon

1 – Lubos na hindi sumasang-ayon


Lagyan ng Tsek ✔ ang napiling sagot.

Mga tanong 5 4 3 2 1

1. Malaking tulong ang pag-gamit ng

internet sa aking pag-aaral.

2. Ginagamit ko lamang ang internet

sa pang-akademiko.

3. Ginagamit ko ang internet sa

aking mga takdang aralin.

4. Ginagamit ko ang internet sa

paggawa ng aking mga proyekto.

5. Dahil sa libreng internet

nagagawa naming ng aking mga

kagrupo an gaming pananaliksik.

6. Ginagamit ko ang internet sap ag

akses ng mga impormasyon na gusto

kong malaman.

7. Nakakapag-aral o nakakapagbasa

ako ng maaga patungkol sa aming mga

aralin sa pamamagitan ng internet.

8. Ginagamit ko ang libreng

internet upang makipagkomunikasyon

o makipagusap sa mga malalayong


mahal ko sa buhay.

9. Ginagamit ko ang libreng

internet upang malaman ang mga

balita.

10. Nagagamit ko ang libreng

internet upang malaman ang mga pag-

aaral na

11. Dahil sa libreng internet hindi

na kailangan humiram ng sandamakmak

na libro sa library.

12. Dahil sa libreng internet

napapadali ang aking pag-aaral.

13. Dahil sa internet napapadali

ang paghahanap ko sa mga sagot sa

aking mga katanungan.

14. Dahil sa libreng internet

nadadagdagan ang aking kaalaman

patungkol sa panglabas na mundo.

15. Dahil sa Libreng internet ang

aking kamalayan ay namulat.


Mga tanong 5 4 3 2 1

1. Nakalilimot na ako ng aking mga

dapat gawain dahil sa libreng

internet.

2. Mas inuuna ko ang online games

dahil may roon libreng internet.

3. Napababayaan ko ang aking pag-

aaral dahil sa lubos na paggamit ng

libreng internet.

4. Dahil sa libreng internet

nagkakaroon ako ng akses sa mga

site na hindi angkop sa aking edad.

5. Halos hindi na ako pumapasok sa

klase sapagkat nahahaling ako sa

lubos na paggamit ng libreng

internet

6. Hindi na ako nag aadvance

reading dahil sa mga games na

maaaring malaro sa internet.

7. Mas inuuna ko ang paglalaro

online kaysa sa gawain ko na pang

paaralan.

8. Mas malaki ang oras na inilalaan


ko sa paggamit ng internet kaysa sa

pag gawa ko ng aking mga takdang

aralin.

9. Napababayaan ko na ang aking

sarili dahil sa lubos na paggamit

ng libreng internet.

10. Ginagamit ko lamang ang libreng

internet sa social media.

11. Ginagamit ko lamang ang kibreng

internet upang panoorin ang aking

sinusubaybayang palabas o K-drama

12. Dahil sa libreng internet ay

bumababa ang aking mga grado.

13. Tinutuon ko lamang ang pag

gamit ko ng libreng internet sa

sikat na larong mobile legends.

14. Ginagamit ko lamang ang libreng

internet 40ap ag dadownload ng mga

movies.

15. Nagiging tamad na ako sapagkat

mas inuuna ko ang pag gamit ng

libreng internet.
Kabanata IV

Pagsusuri, Interpretasyon ng Datos at Mga Rekomendasyon

Ang kabanatang ito, ipinapakita ang pagsusuri at pag iintindi ng

mga datos na nakuha batay sa instrumentong ginamit sa pag-aaral. Ang

pagtatalakay sa ma sagot ay ibinatay sa pagkakaayos ng mga katanungan

sa unang kabanata.

Oras na nilaan ng mga Kalimitan Bahagdan

respondante sa pag (%)

gamit ng libreng

koneksyon

30minutos-1oras 14 46.6

2oras-3oras 8 26.6

4oras-6oras 8 26.6

7oras-10oras 0 0

kabuuan 30 100%

Talahanayan 1.Ano ang mga positibong epekto sa paggamit ng internet sa

mga estudyante ng departamento ng CICT sa NEUST?

1. Lubos na nakatulong ang pag-gamit ko 32 56 6 3 3

ng libreng koneksyon internet sa aking

pag-aaral.

2. Nakatutulong ang internet sa paggawa 10 59 26 3 2


ko ng aking mga takdang aralin.

3. Napapadali ang paggawa ko sa aking 20 48 25 4 3

proyekto dahil sa libreng koneksyon ng

internet

4. Dahil sa libreng koneksyon ng 22 48 26 2 2

internet napapadali ang paggawa namin

ng aming pananaliksik.

5 Nakakatulong ang internet sa pag- 15 52 23 3 2

akses ng mga impormasyon na aking

kailanagan.

6. Nakakapag-aral ako ng maaga dahil sa 12 66 18 2 2

libreng koneksyon ng internet.

7. Napapadali ang paghahanap ko sa mga 21 46 21 5 7

sagot sa katanungan sa aking

pangangalap ng impormasyon gamit ang

libreng koneksyon ng internet

8. Nakatutulong sa aming mga mag-aaral 30 49 14 4 3

na walang konekyon ng internet sa bahay

ang libreng koneksyon ng internet sa

paaralan.

9. Nakatutulong ang libreng koneksyon 15 71 7 2 5

ng internet sa mabilisang paghahanap ng

mga sagot sa mga mahihirap na

katanungan

10. Nakatutulong ang libreng koneksyon 7 65 22 2 4


ng internet sa paghabol pag kami ay

napagiwanan ng aralin.

Sa tanong na “Nakatutulong ang libreng koneksyon ng internet sa

paghabol pag kami ay napagiwanan ng aralin.” 7% na respondante ang

lubos na sumasang-ayon, 65% sumasang-ayon, 22% Bahagyang sumasang-

ayon, 2% sa hindi sumasang-ayon at 4% sa lubos na hindi sumasang-ayon.

Talahanayan 2.Ano amg mga negatibong epekto sa paggamit ng internet sa

mga es estudyante ng departamento ng CICT sa NEUST?

1. Mas Malaki ang oras na aking 27 48 19 4 2

nailalaan sa paggamit ng internet kaysa

sa paggawa ko ng aking takdang aralin.

2. Napababayaan ko na ang aking sarili 20 48 19 4 3

dahil sa lubos na paggamit ko ng

libreng koneksyon ng internet.

3. Bumababa na ang aking mga grado ko 28 56 16 0 0

dahil sa lubos kong paggamit ng libreng

koneksyon ng internet.

4. Nakakatamadan ko na gawin ang aking 25 63 7 3 2

mga dapat gawin dahil sa lubos kong

paggamit ng libreng koneksyon ng

internet.

5. Hindi ko na nagagawa ang mga dapat 12 61 23 2 2

kong gawain sa paaralan dahil sa lubos

na paggamit ko ng libreng koneksyon ng

internet.
6. Napapabayaan ko na aking mga pag- 10 67 19 2 2

aaral dahil sa lubos na paggamit ng

koneksyon ng internet.

7. Nawawalan na ako ng oras sa aking 20 48 25 4 3

pag-aaral dahil sa lubos na paggamit ng

libreng koneksyon ng internet.

8. Hindi na ako nakakapasok sa klase 15 33 39 8 5

upang gumamit na lamang ng libreng

koneksyon ng internet.

9. Mababa ang nakukuha ko na iskor sa 13 71 9 4 3

aking mga pagsusulit dahil sa lubos ng

paggamit ng libreng koneksyon ng

internet

10. Pababa ng pababa ang aking iskor sa 15 58 23 2 2

aking mga proyekto dahil sa lubos na

paggamit ng libreng koneksyon ng

internet.
Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay nirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga

taong kinasasangkutan nito partikular na ang mga estudyante ng

departamento ng CICT sa NEUST Sumacab kampus na kung saan mga

nakikinabang sa pinagkaloob ng departamento na libreng koneksyon ng

internet na gamitin lamang ito sa tama at wasto o hangga’t maaari ay

sa pang akademiko lamang .

Ang mga mananaliksik ay gusto din na ipagbigay alam sa mga propesor at

authoridad ng iba’t ibang unibersidad ang epekto ng pag kakaroon ng

libreng koneksyon ng internet sa isang paaralan na ito ay malaking

tulong para sa mga estudyante sa kanilang pag aaral.

Ang pananaliksik din na ito ay nagbibigay kaalaman na ang mga

estudyante ng departamento ng CICT sa NEUST Sumacab kampus ay nagpapa

tunay na ayon sa konklusyon ay mas nagagamit sa tama at wasto ang

libreng koneksyon ng internet na pinagkaloob ng departamento.


Curriculum vitae
I. PERSONAL INFORMATION

Name: Alessandra Savador

Email address: alessasalvador02@gmail.com

Contact Number: 09069731681

Date of Birth: July 2,2000

Place of Birth: PJG Hospital

Home Address: Brgy Kalikid sur purok 2,Cabanatuan city

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: Camp Tinio National High School

Junior High School: Camp Tinio National High School

Elementary: Luis O. Reñon Memorial School


I. PERSONAL INFORMATION

Name: Angelou R. Dela Cruz

Email address: angelu0027@icloud.com

Contact Number: +63 926 884 5359

Date of Birth: August 27, 2000

Place of Birth: Gallego hospital Cabanatuan City, Nueva Ecija

Home Address: Brgy. Talipapa, Cabanatuan City, Nueva Eciaja

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Secondary:

Senior High School: College of the Immaculate Conception

Junior High School: College of the Immaculate Conception

Elementary: Talipapa Norte Elementary School


I. PERSONAL INFORMATION

Name: April Rose Gabriel

Email address: aprilgabriel49@yahoo.com

Contact Number: 09650836537

Date of Birth: April 04, 2000

Place of Birth: Purok II, Barlis Cabanatuan City

Home Address: Purok II Barlis Cabanatuan City

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: La Fortuna College

Junior High School: Mayapyap National High School

Elementary: Batlis Elementary School


I. PERSONAL INFORMATION

Name: Irish Kei Simeon

Email address: irishkeisimeon@yahoo.com

Contact Number: +639955195418

Date of Birth: October 17, 1999

Place of Birth: Cabanatuan City

Home Address: #07 Purok1 Barangay Isla Cab. City

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: St. Nicholas Senior High School

Junior High School: Nueva Ecija High School

Elementary: Lazaro Francisco Elementary School


I. PERSONAL INFORMATION

Name: John Marlon Tungala

Email address:tungalamarlon@gmail.com

Contact Number: 09358165501

Date of Birth:June 1992

Place of Birth: cabanatuan city

Home Address: Villa Ofelia Cab City

Civil Status:Married

Nationality:Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

College: College for Research and Technology

High School: Good Samaritan Colleges

Elementary: J.P Melencio Memorial Elementary School


I. PERSONAL INFORMATION

Name:Julie Ann E. Quinday

Email address:esquivelanne@yahoo.com

Contact Number:09056903793

Date of Birth:July 09 2000

Place of Birth:Cabanatuan City

Home Address:Brgy. Isla Cab. City

Civil Status:Single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: St.Nicholas Senior High School

Junior High School: NEHS

Elementary: Lazaro Francisco Elementary School


I. PERSONAL INFORMATION

Name: Kaesie D. Atim

Email address: Kaesie_atim19@yahoo.com

Contact Number: 09556551667

Date of Birth: Sept. 19,1999

Place of Birth: Zaragoza

Home Address: Camp tinio Cab. City

Civil Status: single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: Camp tinio Nat'l High School

Junior High School: Camp tinio Nat'l high school

Elementary: camp tinio elem. School


I. PERSONAL INFORMATION

Name Raffy F sanopo

Email address Raffyfajardo@ymail.com

Contact Number 09456903682

Date of Birth Nov 26 1999

Place of Birth Cabanatuan city

Home Address Aduas centro cab city

Civil Status single

Nationality Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: Nueva Ecija High School

Junior High School: Nueva Ecija High School

Elementary: Padre Gregorio Crisostomo Elementary School


Name: Chester R. Corpuz

Email address: chestercorpuz72@yahoo.com

Contact Number: 09502170830

Date of Birth: May 12, 1997

Place of Birth: Quezon City, Manila

Home Address: 214 Brgy. Poblacion Norte Licab, Nueva Ecija

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: Exequiel R. Lina National High School

Junior High School: Exequiel R. Lina National High School

Elementary: Lagro Elementary School


I. PERSONAL INFORMATION

Name: John Paul P. Simon

Email address: simonjohnpaul71@gmail.com

Contact Number: 09266769786

Date of Birth: October 18, 1999

Place of Birth: Poblacion Norte Licab, Nueva Ecija

Home Address: Poblacion Norte Licab, Nueva Ecija

Civil Status: Single

Nationality: Filipino

II. EDUCATIONAL BACKGROUND

Senior High School: Exequiel R. Lina National High School

Junior High School: Exequiel R. Lina National High School

Elementary: San Cristobal Elementary School

You might also like