You are on page 1of 14

Calumpit National High School

Taong Pang-Paaralan 2017-2018

Kahalagahan ng Wastong Paggamit ng Oras ng mga Mag-aaral sa ilalim ng


Academic Track: General Academic Strand sa Pang-akademikong Gawain

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nagbibigay ng Prosisyon:

Vicente, Pietro Paolo T.

Pagdanganan, Trixie Jarmaine

Gania, Charles

Grade 11- Osprey (STEM)

Guro:

Bb. Marjorie Calugay

Bb. Julliane Vivas

Marso, 2018
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Mula sa artikulong pinamagatang Kahalagahan ng oras at panahon (2012) Oras ang


pinakamahalagang kayamanan ng tao, isang napakagandang gawain ang pagbibigay ng halaga sa
bawat minuto at oras na lumilipas sa buhay natin.

Ang pamamahala sa oras ay isang essential na abilidad para maayos at maiplano ang oras
na gagamitin sa bawat aktibidad sa isang araw. Ang mabisang pamamahala sa oras ay
nagdudulot ng pagtaas ng pagiging epektibo at produktibidad. Ito ang susing aspekto ng
pamamahala sa proyekto at kasama nito ang mga kasanayan tulad ng pagpaplano, pagtakda ng
mga layunin at pagbibigay ng prayoridad sa mas magandang pagganap. Ang kakulangan sa
mabisang paghahati ng oras ay maaaring magtaglay ng negatibong epekto sa isang proyekto.
Nakakaapekto rin sa gastos at saklaw ang oras. Sa karamihang pagkakataon ang oras ay totoong
pera. Nakakapag-ambag din ang time management sa pagtaas ng stress at frustration sa mga
namumuno at miyembro ng isang proyekto. Mas malala pa ay magkaroon ng labis na pisikal o
mental na sakit sa sobrang pagtatrabaho o stress. Ang susi sa mabisang pamamahala ng oras ay
hindi ang magtrabaho ng marami, kundi magtrabaho ng mas mainam.

Mahalaga ang oras sa bawat nilalang sa mundo. Dahil sa kahalagahan ng oras ay marami
na rin ang mga pag-aaral ang naisagawa upang matulungan ang mga tao sawastong
pangangasiwa ng kayamanang ito. Ang time management ay pinagsama na mga panuntunan,
mga pagsasanay, mga abilidad, mga instrumento at mga pamamaraan na tumutulong sa tao
upang epektibong magamit ang oras sa layuning mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay nito.
Lahat ng tao ay pare-parehas lamang na 24 oras ang meron sa isang araw. Nasa tao na kung
gaano karami ang gagawin sa isang araw. Pwede natin gamitin ang konsepto ng ekonomiks dito
at ilugar ng maayos ang mga oras sa loob ng isang araw. Kapag gumagamit ng Time
Management hindi na kailangan mag habol sa mga deadline. Kapag nasanay na sa ganto, ibang
aspeto rin ng buhay ang maapektuhan kung saan ito ay nakakapigil sa pagkamit ng mga
pangarap. (Mula sa artikulong pinamagatang 7 na Rason Kung Bakit Mahalaga ang Time
Management, 2016)

Ang mga estudyanteng may matataas na marka ay mahusay sa pagbalanse ng mga oras
nila. Ang mahusay na paghahati-hati ng oras ay nangangailangan ng importanteng bahagi ng
pagtuon sa mga aktibidad hanggang sa resulta: ang pagiging abala ay malayo sa pagiging
mainam. Ang paggamit ng oras sa isang deliryong aktibidad ay nagreresulta sa mas mababang
posibilidad na mapagtagumpayan ang mga ito, dahil hinahati nito ang atensyon ng isang tao sa
gitna ng tambak tambak na mga ideya. Ang mabuting paggamit ng oras ay tumutulong na gawin
ang mga trabaho ng mas mainam at matalino kaya mas madali na natatapos ang mga gawain sa
mas madaling panahon.( Ayon sa artikulong pinamagatang What Is Time Management? Working
Smarter to Enhance Productivity, 2018)

Kahit saan lumingon bakas ang pagbago ng teknolohiya sa mundo at kasabay nito ang
malaking pagbabago ng kabataan. Halos hindi mabitawan ang mga gadgets na mas madaming
oras pa ang inilalaan kaysa makipag interaksyon o gumawa ng mas makabuluhang bagay. Ang
simpleng pakikipag-usap sa ating pamilya ay hindi na rin natin maisagawa sanhi ng mga gadgets
na mas pinagtutuunan natin ng atensyon at oras. (De Vero, 2017)

Kung pagbabasehan ang kasalukuyang panahon nawawalan ng pagpapahalaga sa oras ng


mga kabataan ngayon. Mapapansing mas binibigyang pansin ng kabataan ang mga bagay na para
lamang sa kanilang kasiyahan, katulad na lamang ng paggamit ng mga gadyets ng labis,
pagbigay ng oras sa social media kaysa sa mga pang-akademikong gawain, at marami pang iba.

Dahil sa mga ito, gumawa ang mga mananaliksik ng isang pag-aaral sa pamamahala ng
oras ng mga mag-aaral patungkol sa paghahati hati ng oras sa mga pang akademikong gawain.
Layunin ng Pag-aaral

1. Mailahad ang kahalagahan ng wastong pamamahala ng oras ng mga mag-aaral sa


pangka-akademikong gawain.

2. Manghikayat na gamitin ng tama at wasto ang oras sa pangka-akademikong gawain.

3. Makapanghalina na magsagawa ng pag-oorganisa sa paggamit ng oras sa pangka-


akademikong gawain

Mga Tanong na nais sagutin ng papel

Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong paggamit ng oras ng mga mag aaral sa
Senior High School sa ilalim ng Academic Track; General Academic Strand sa pangka-
akademikong gawain.

1. Ano-ano ang mga bagay na kinakailangang isa alang-alang sa wastong paggamit ng


oras na makaka -apekto sa pangka-akademikong gawain.

2. Ano ang epekto ng wastong paggamit ng oras ng mga mag-aaral sa pangka


akademikong gawain.

3. Ano ang importansya sa pagkakaroon ng pag-oorganisa ng oras sa pangka-


akademikong gawain?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga sumusunod.

Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito makatutulong ito sa mga mag-aaral lalo na


sa pagkakaroon ng disiplina sa sarili sa paghahati-hati ng oras.

Guro. Makakapag-ambag ito sa mga guro bilang mag-oorganisa sa kanilang mga gawain sa
paaralan.
Susunod na Mananaliksik. Makakatulong ito sa mga susunod na mananaliksik sa paraang
makakapag-ambag ito sa kasalukuyang kaalaman.

Sakop at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa kahalagahan ng wastong paggamit ng oras sa


mga piling mag-aaral ng Senior High School sa ilalim ng Academic Track; General Academic
Strand sa pangka-akademikong gawain. Ang pananaliksik na ito ay gagawin mula Pebrero
hanggang Marso 2018

KABANATA II

PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA TEORYA, PAG-AARAL AT


LITERATURA

Pamamahala sa oras sa buong sangkatauhan. Basta’t ang paggamit ng oras ay nasa wasto,
makatutulong ito upang mabalanse ang oras sa lahat ng gawain. Nakapokus ito na maunawaan at
mas bigyang pansin ang mga pangangailangan upang higit itong mabigyan ng sapat na oras.
Inilalarawan lamang sa teorya na ito na dapat mabalanse ang lahat ng gawain upang mabigyan at
mapagtuunan ito ng sapat na oras.

Katulad ng sinabi sa Maslow’s Theory, mahalaga ang pagkakaroon ng wasto at


pamamahala sa oras dahil makakatulong itong maisaayos ang mga gawain ng nasa oras na
itinakda. Naglalayon ang pag-aaral na ito na matugunan ang kawalan ng pagbabalanse o
pamamahala ng tama sa oras.

Ang pagkakaiba lamang ng Maslow’s Theory sa pag-aaral na isinasagawa ay binibigyang


pansin ng teoryang ito ang mga gawain na angkop para sa lahat. Samantala, sa pag-aaral na ito
ay pinagtutuunan ng pansin ang mga mag-aaral hinggil sa pang-akademikong gawain.
Nagkakaugnay naman ang teoryang ito sa pag-aaral na isinasagawa sa nais nitong
iparating tungkol sa kung gaano kahalaga ang magkaroon ng sapat na pamamahala sa oras. Dahil
isa ito sa mga kailangang matutunan ng bawat tao.

Pickle Jar Theory. Ang isa pang teorya sa pamamahala sa oras na madaling intindihin
at isagawa ay gamit ang garapon. Kapag kumuha ka ng walang laman na garapon at nilagyan mo
ito ng mga bato, magmumukha itong puno. Hanggang sa lagyan mo rin ito ng mga graba. Ang
mga mas maliliit na butil ang pupunan sa mga pagitan ng mga bato, at maaari pang pagkasyahin
ang buhangin , atsaka ang tubig. Pero kung uunahin mo ang tubig o buhangin, hindi mo na
mailalagay ang bato. Sa perspektibo ng pamamahala sa oras, pareho mong maaring matapos ang
mga hindi importante sa mga bakanteng oras sa pagitan ng ito at pagkatapos ng mga malalaking
proyekto o gawain. Pero kung hahayaan mong ang mga walang kabuluhan bagay ang kumuha ng
buong araw mo, walang sapat na oras ang matitira sa iyo para magawa ang mga bagay na
talagang mahalaga.

Kaugnay sa teoryang ito, dapat ay unahin ang mga mahahalagang gawain at ihuli ang
mga gawaing hindi naman karapat dapat na bigyang halaga. Nais ng pag-aaral na ito na
matulungan ang mga mag-aaral na maiwasan ang maling pamamahala ng oras sa pamamagitan
ng pagbigay ng prayoridad sa mga mahahalagang gawain.

Ang pagkakaiba lamang ng teoryang ito sa pag-aaral na ito ay nakapokus ang pag-aaral
na ito sa mga mag-aaral lalo na sa mga may maling pagbibigay ng prayoridad sa mga gawain
nila sa na nakakaapekto lamang sa pang-akademikong gawain.

Nagkakaugnay ang teoryang ito sa pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng nais matulungan


ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na maiwasan ang pagbigay ng prayoridad sa mga walang
kabuluhang gawain. At matugunan ang mga gawain na dapat na mas bigyang prayoridad.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Nasrullah & Khan (2015) Ang impact ng pagkakaroon ng time management ay
sumusukat sa kung paano mag-aaral ng wasto ang isang mag-aaral, kung ang isang mag-aaral ay
may pagpa-plano sa lahat ng gawain sa paaralan ay may tsansang mataas ang makukuhang
marka nito sa klase. Ibig sabihin, kung wasto at nakaplano ang lahat ng gawain sa paaralan ay
hindi mahuhuli sa pagpasa ng gawain at may tsansang makakuha ng mataas na marka.

Nagkakapareho ang pag-aaral ni Narsullah at Khan sa pag-aaral na ito sa pamamagitan


ng nais nitong maisaayos at maiwasto ang pamamahala sa oras lalo na sa pang-akademikong
gawain. Katulad na lamang ng layunin ng pag-aaral na ito na nais nitong makatulong sa mga
mag-aaral na nahihirapan sa pamamahala ng oras.

Subalit, nagkakaiba naman ito sa magiging impact nito sa mga mag-aaral at sa pag-aaral
naman na ito ay ang magiging epekto nito sa gawain sa eskwelahan.

Nagkakaugnay naman ito sa nais nito na pahalagahan ang oras lalo na sa mga gawain.

Ang wastong paggamit ng oras ay kaugnay ng pang-akademikong gawain, na may


magkaibang paraan ng paggamit sa oras ang mga mag-aaral sa sekondarya at mga kolehiyo. Ang
pamamahala sa oras ay hindi lamang kakayahan na nararapat na malaman, kundi matutunan din
na mai-apply ito sa sarili. (Miqdadi, et.al, 2014)

Nagkakatulad ang pag-aaral ni Miqdadi sa pag-aaral na ito na binibigyang diin ang pang-
akademikong gawain sa wastong paggamit ng oras.

Nagkakaiba naman ito sa mga respondents kung saan pinagkumpara ang paggamit ng
oras ng mga mag-aaral sa sekondarya at kolehiyo sa pang-akademikong gawain, at mas
binibigyang pansin ng pag-aaral na ito ang Senior High School .

Ayon kay Burrus et.al, (2013) Ang wastong paggamit ng oras ay susi tungo sa tagumpay
ng buhay. Sa paghahati-hati ng oras, paggamit ng oras at pag-estruktura ng oras sa lahat ng
gawain ay magiging daan tungo sa tagumpay at mithiin s buhay. Inilalarawan lamang sa pag-
aaral na ito na ang wastong paggamit ng oras sa mga gawain sa buhay ay posibleng maging daan
upang makamtan ang nais makamtan sa buhay.

Nagkakapareho lamang ang teoryang ito sa pag-aaral na ito sa layunin ng pag-aaral na ito
na nais mabigyan ng idya ang mga mag-aaral kung paano nila maaring mapaghati-hati ang oras
sa mga iba’t ibang gawain.
Nagkakaiba naman ang teoryang ito sa pag-aaral na ito na mas binibigyang pansin ang
lahat ng gagawin sa buhay, at binibigyang pansin ang pag-aaral na ito ang mga gawaing pang-
akademiko.

Nagkakaugnay naman ang teoryang ito sa pag-aaral na nais nitong iparating, na ang
paghahati ng oras sa mga gawain kung saan may makukuha kang benepisyo kung mayroon kang
tamang pamamahala ng oras.

Ayon kay De Guzman (2008) Napakahalaga ng mabisang pamamahala ng oras o time


management kung may sinusunod sila. Sapagkat ang oras ay di na maibabalik, dapat gamitin ito
sa produktibong paraan na posible. Kung ang isang tao ay may sinusunod na metodo ng
pamamahala ng oras, kung saan magkakaroon ng gabay kung ano ba ang dapat unahin o
prayoridad na dapat tapusin nang sa gayon maiwasan ang pagkahapo o stress at matapos ng nasa
takdang oras. Inilalarawan lamang ng teorya na ito na kung may pamamahala o wastong
paggamit ng oras ay magkakaroon ka ng pundasyon upang mas pagtuunan ng pansin ang mga
bagay na kailangan unahino prayoridad sa lahat ng gawain.

Nagkakapareho lamang ang teorya na ito sa pag-aaral na ito ay sa pamamahala ng oras


kung saan binibigyang pansin nito ang kahalagahan ng pamamahala ng oras. Katulad ng layunin
ng pag-aaral na ito na nais nitong maturuan o mabigyang ideya ang mga mag-aaral kung gaano
kahalaga sa bawat indibidwal ang pamamahala sa oras ng wasto’t may kasiguraduhan.

Nagkakaiba naman ng teorya na ito sa pag-aaral na ito na mas binibigyang diin nito na
alamin ang dapat bigyang prayoridad. Sa pag-aaral na ito ay nagsasabi na dapat bigyang pansin
ang gawain sa paaralan.

Nagkakaugnay naman ang teorya na ito sa pag-aaral na isinasagawa sa maaari itong


makatulong hinggil sa nais nitong bigyang prayoridad sa mga gawain. Kaugnay ng pananaw ni
De Guzman na mahalaga ang mabisang pamamahala ng oras.

Mga Kaugnay na Literatura

Kung magagawa na ngayon ay huwag nang ipagpabukas pa. Isang napakagandang


gawain ang pagbibigay ng halaga sa bawat minuto at oras na lumilipas sa buhay natin. Ang mga
nagdaang sandali sa buhay ng bawat isa ay hindi na kailan pa man maibabalik pa. Ibig sabihin
lamang nito ay bawat minuto at oras na lumilipas ay kailangang pahalagahan ng bawat isa sa atin
sapagkat ito ay hindi na maibabalik pa. (Bengue, 2016)

Nagkakapareha ang ideya na ito sa pag-aaral ng mga mananaliksik sa kung gaano ito
kahalaga ang oras sa bawat isa. Binibigyang diin nito na ang bawat minuto na lumilipas ay
kinakailangang pahalagahan.

Nagkakaiba naman ito sa nais nitong iparating na sa lahat ng gawain ay napakahalaga


nito. At sa pag-aaral na mga mananaliksik ay kung gaano ang magiging epekto nito sa pang-
akademikong gawain kung may wastong paggamit ng oras ang mga mag-aaral, binibigyang
pansin din ng papel na ito ang pagkakaroon ng wastong pamamahala sa oras ay may maiidudulot
ba itong maganda sa pangka-akademikon gawain ng mga mag-aaral.

Nagkakaugnay naman ang pananaw ni Bengue sa pag-aaral na ito sa nais nitong iparating
ang magandang epekto ng pagpapahalaga sa oras gayundin sa lahat ng gawain, sapagkat
mabibigyan ito ng sapat na oras upang gawin ang isang bagay.

Ayon kay Reez (2013) Ang bawat tao ay may kani-kaniyang palagay hinggil sa oras. Ang
oras ay ginto na hindi nararapat na aksayahin lamang sa mga walang kabuluhang bagay, bagkus
ay dapat gamitin sa mga makabuluhan at kapaki-pakinabang na gawain. Ipinapaliwanag lamang
dito na mas bigyang pansin ang mga bagay na makabuluhan o mga bagay na puwedeng
pakinabangan.

Nagkakahawig sa pananaw ni Reez sa pag-aaral na ito na ang oras ay hindi nararapat na


aksayahin sa walang kabuluhang bagay, na kinakailangan ay may nakasentro o pokus ang iyong
oras sa mga makabuluhang bagay.

Samantala, sa pag-aaral naman na ito ay mas binibigyang pansin nito ang lahat ng bagay,
bawat gawain mapa bahay, trabaho o mga bagay na mahalaga ay ipinapaliwanag tungkol dito.

Tulad ng pananaw ni Reez, ang bawat tao ay may kanya-kanyang paggamit o


pamamahala ng oras, kaya naisipan naman ng mga mananaliksik na isaalang-alang ang pagpokus
sa pagbibigay-aral sa mga mag-aaral tungkol sa mga bagay o gawain na dapat na higit na
bigyang pansin.
Ayon kay White (2016) Ang pagkatuto at pagpapanatili ng pagkakaroon ng wastong
paggamit ng oras ay makatutulong upang makahanap ng kalayaan at hindi gahol sa oras. Ang
taong mayroong kakayahan na ito ay magiging mas produktibo, hindi makakaabala sa iba pang
dapat gawin at mas magkakaroon ng oras upang magkaroon ng oras na mag-relax o makapag
libang na nakaiiwas sa pagka stress at anxiety. Sinasabi lamang na maging organisado sa
paggamit ng oras upang mayroon pang panahon sa pagrerelax at bigyang oras pa ang ibang
bagay.

Nagkakatulad ang pananaw ni White sa pag-aaral na ito sa pagbibigay ng sapat na


kahalagahan sa oras, bawat gawain ay nabibigyan nito ng sapat na oras. Katulad na rin ng pag-
aaral na ito na magbibigay ng aral sa kung gaano kaimportante o gaano kahalaga ang tamang
pamamahala ng oras.

Subalit, nagkakaiba naman ito sa pagpapanatili nito sa sarili na magkakaroon ka pa upang


magkaroon ka pa ng oras sarili. Samantala, sa pag-aaral na ito ay mas pagtutuunan pansin ang
kahalagahan nito sa mga gawain pangka akademiko ng mga mag-aaral.

Magka-ugnay ang ideya ni White sa pag-aaral na ito sa iisang hangarin na mabigyang


halaga ang pagkakaroon ng wasto at matalinong paggamit ng oras, hinggil sa mga gawain.

Hinuran ni Arnidison (2016) ang pagkakaroon ng maling paggamit o pag-aaksaya ng oras


ay isa sa mga kinasasangkutang suliranin na ikinahaharap ng mga tao. Kung ang isang tao ay
marunong mag manage ng oras, pag-oorganisado nito at wasto ang pagkakagamit nito ay
makatutulong ito sa panandaliang mga gawain at hindi naghahabol sa oras sa iba pang mga
gawain. Makatutulong ito na magkaroon ng time management skills. Ibig sabihin lamang ang
pag-oorganisado ng oras sa lahat ng gawain ay mas mapa-dadali ang lahat ng gawain.

Nagkakapareho ang ideya ni Arnidison sa pag-aaral na ito kabatiran nitong maging


organisado sa pag-gamit ng oras, binibigyang pansin nito ang may mga makabuluhang oras ,
kung kaya kinakailangan ng pag-oorganisa ng oras.

Subalit, nagkakaiba ito sa pananaw ni Arnidison na makakapagbigay benepisyo ito sa


sarili hinggil sa pag-oorganisa ng oras kung kaya ay hindi gahol sa gawain at sa pag-aaral na ito
na makaka apekto pangka akademikong gawain.
Nagkaka-ugnay ang ideya ni Arnidison sa pag-aaral na ito sa kung bakit mas lalong
nahihirapan ang mga tao dahil sa kanilang kawalan ng pagdidisiplina sa sarili, katulad sa pag-
aaral na ito na ang hangarin ay magkaroon ng disiplina at pagpapaunlad sa sarili.

Ayon kay Tran (2015) ang oras ay pangangailangan ng tao, na sa sobrang kailangan nito
ay konting oras lamang ang mayroon ang isang tao. Huwag tularan ang White Rabbit in Alice in
Wonderland, na hindi organisado sa oras kung kaya laging nale-late, bagkus tipirin ang oras at
dapat magkaroon ng wastong paggamit ng oras. Ibig sabihin lamang walang naka pokus o hindi
binibigyang pansin nito ang mga bagay na dapat ay pahalagahan.

Nagkakapareho ang pananaw ni Tran sa pag-aaral na ito sa higit na pangangailangan ng


bawat indibidwal ang oras. Katulad ng pag-aaral na ito na siyang naglalayon na ipaliwanag o
magbigay linaw sa mga mag-aaral kung bakit mas lalong umiiksi ang oras na limitado lamang.

Nagkakaiba naman ang pananaw ni Tran sa pag-aaal na ito sa binibigyang pansin nito
ang trabaho na hindi nito nabibigyang ng sapat na oras. Samantalang sa pag-aaral na ito ay
bibigyan nitong halaga na mabigyan ng sapat na oras ang pangka-akademikong gawain.

Nagkaka-ugnay naman ito sa kinakailangan pa na bigyan ng sapat na oras ang mga


gawain hinggil sa mga makabuluhang bagay.

Konseptong Balangkas

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng konseptwal na balangkas, na kung saan ipininapakita


ang mga prosesong inihanda ng mga mananaliksik.

INPUT PROCESS OUTPUT


 Edad: 17-18  Sarbey  Epekto ng kahalagahan
 Kasarian: Babae at  Pag-aanalisa ng wastong paggamit
Lalaki  Dokumentado ng oras sa pang-
 Katayuan: Mga piling akademikong gawain
mag-aaral ng Senior
High School sa ilalim
ng Academic Track:
GAS ng CNHS

Ang mga piling mag-aaral ng Senior High School sa ilalim ng Academic Track;
General Academic Strand, mapa-babae o lalaki na may edad 17-18 taong gulang pagsasagawaan
ng sarbey. Ang sarbey ay aanalasahin ng mga mananaliksik at ido-dokumento ang kahalagahan
nito.

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Essential – mga gawain o bagay na higit na dapat bigyang importansya.

Social Media – isang uri ng media na kung saan ay maari kang makipagkilala sa iba’t ibang dako
ng mundo.

Impact – maaring makaapekto o makaimpluwensiya sa isang tao o bagay.

Stress – isang uri ng pakiramdam na mabigat at maaring maging sanhi ng pagsakit ng ulo at
pagkawalan ng gana sa mga iba’t ibang uri ng gawain.

Frustration - isang emosyonal na estado o reaksyon ng pagiging galit o inis, lalo na dahil sa
kawalan ng kakayahan na baguhin o makamit ang isang bagay.

KABANATA III
METODOLOHIYA

Nilalaman ng kabanata na ito ang mga naging metodo o kaparaanan ng mga


mananaliksik sa pagkuha ng mga datos sa isinagawang pag-aaral. Nakapaloob din dito ang
disenyo ng pananaliksik, instrumento sa pananaliksik, gayon din ang katumpakan at kahusayan,
at istatistikal tritment.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isang Qualitative na pag-aaral. Naglalayon ang pag-aaral na


ito na malaman ang epekto ng pagkain sa Academic Performans ng mga mag-aaral at makatuklas
ng mabibisang solusyon upang mapabuti ang Academic Performans ng mga mag-aaral.

Instrumento sa Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay aktwal na makikipanayam sa mga piling mag-aaral na nasa


baitang 11 sa ilalim ng Academic Track particular sa General Academic Track na silang napiling
respondente ng mga mananaliksik. Ang mga respondente ay pinili batay sa kanilang edad at
kasarian upang hindi maging bias ang resulta at maging makatotohanan ang pag-aaral na ito.

Batay sa resulta, may malaking epekto ang pamamahala sa oras sa Academic


Performance ng mga mag-aaral. Lumabas sa resulta na mas maraming tao ang nahihirapan sa
pamamahala ng oras dahil sa maling pagbibigay ng prayoridad. Ang mga mag-aaral na walang
tamang pamamahala sa oras ay nagresulta sa pagbaba ng kanilang Academic Perfromance. Ibig
sabihin ay mas dapat bigyang halaga ng mga mag-aaral ang mga mas makakabuluhang bagay o
gawain at bigyan ito ng importansya kaysa sa mga bagay o gawain na wala namang kabuluhan
upang makatulong sa pagpapabuti ng kanilang Academic Performans.

Katumpakan at Kahusayan

Ang pananaliksik ay inaprubahan at sinuri ng mga guro sa Filipino upang masubukan ang
kahusayan nito.

Istatistikal na Tritment
Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng deskriptibong metodolohiya. Ang
metodolohiyang ito ay angkop sa pag-aaral dahil ginagamitan ito ng pagsasarbey na pamamaraan
ng pagkalap ng malinaw na mga datos mula sa mga napiling respondente.

Reperensya

De Vero, C. (2017). Teknolohiya: Kaibigan o Kaaway ng Modernong Henerasyon?

Retrieved from: https://medium.com/@deverocarlacamille/teknolohiya-kaibigan-o-kaaway-ng-


modernong-henerasyon-5b08117afb9a

Kahalagahan ng oras at panahon. Retrieved from: http://www.remate.ph/2012/11/kahalagahan-


ng-oras-at-panahon/

7 na Rason Kung Bakit Mahalaga ang Time Management. Retrieved from:


https://tulungantayo.wordpress.com/2016/12/17/7-na-rason-kung-bakit-mahalaga-ang-time-
management/

White, D. (2016). 6 Tips to Improve Your Time Management Skills. Psych Central. Retrieved on
March 8, 2018, from https://psychcentral.com/lib/6-tips-to-improve-your-time-management-
skills/

You might also like