You are on page 1of 16

GRADUATE STUDIES AND APPLIED RESEARCH

Maizel C. Pabellano
MAED-Filipino
EDUC 201 – Methods of Research

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA MABISANG PAGKATUTO NG BALARILANG FILIPINO NG


MGA MAG-AARAL SA IKAANIM NA BAITANG SA PRIBADONG PAARALAN NG
SARIAYA INSTITUTE CHILD DEVELOPMENT CENTER

Kabanata I
ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO
Panimula

Ang Wikang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Ito ang inaasahang wikang
magbubuklod tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Bilang lingua franca, ito ang wikang
inaasahang nauunawaan at kayang salitain ng lahat ng tao saanmang pulo ng Pilipinas siya
naninirahan. Ito rin ay sumisimbolo sa pagkakaisa at identidad ng mga Pilipinong naninirahan sa
Pilipinas. Gayunpaman, mas magiging mabisa lamang ito kung ang bawat isa ay may malawak
na pagkaunawa at pagkatuto sa paggamit ng Wikang Filipino. Magiging wasto lamang ang gamit
ng Filipino kung angkop ang mga salitang ginagamit sa kaisipang ipapahayag. May mga salitang
maaring tama ang kahulugan ngunit hindi angkop sa isang partikular na teksto.

Upang matuto sa murang edad , elementarya pa lamang ay itinuturo na sa mga mag-aaral


ang mga araling nakapaloob sa asignaturang Filipino, partikular na ang tungkol sa balarila—isang
mahalagang instrumento ng wika na tumatalakay sa pag-aaral sa sistema ng pagkakaugnay ng
mga salita sa pagpapahayag pasulat man o pasalita. Habang tumataas ang antas ng isang mag-
aaral, patuloy pa ring nagsasagawa ng pagbabalik-aral sa mga araling nakapaloob sa asignaturang
Filipino, naging malalim lamang ang pagtalakay at talasalitaan, subalit ang pangunahing paksa sa
pag-aaral ay iyon pa rin. Gayunpaman, may mga mag-aaral pa rin ang mabababa ang marka sa
Filipino.
Ayon sa isang pag-aaral ni Fernandez et. al., (2010), ang dekalidad na edukasyon ay
makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong upang paunlarin ang
performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay responsibilidad ng guro. Dapat niyang
malaman kung ano-ano ito at nang sa ganoon ay makapag plano siya ng mga estratehiya na
makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktibong resulta sa performans ng mga mag-
aaral.

Maraming salik ang nakaaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Sa kasalukuyan,


panahon kung saan talamak na ang paggamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya, napakaraming
kabataan ang nahihilig at gumugugol ng mahabang oras sa paggamit ng internet upang
magkaroon ng access sa mga sikat na social media, mga websites kung saan maaring
makapanuod ng mga bagay-bagay na kapupulutan ng mga aral, mabuti man o
masama.Gayunpaman, nariyan pa rin ang mga guro, nakikisabay sa agos ng makabagong
teknolohiya upang gumabay at makapagbigay ng iba’t ibang dulog at istratehiya na maaaring
gamitin upang mas maging masaya at makabuluhan ang proseso ng pagkatuto.

Sa pananaliksik na isinagawa ni Domiquez (2010), sinasabing ang guro ang tagahubog ng


mamamayang bubuo sa isang sa isang progresibong bansa. Ang maging epektibong guro ay
hangad ng bawat isang edukador at sa paglinang ng kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral.

Napalaki ng impluwensiya ng isang guro upang maging epektibo sa pagtuturo. At upang


mas maging mahusay at produktibo sa larangang ito ay kailangan mas paunlarin pa ang sa pinag-
aralan, pagdalo sa mga seminar at workshop, pag-uugali, at positibong pananaw sa buhay.

Kaya naman, minarapat ng mananaliksik na pag-aralan ang mga salik na nakaaapekto sa


mabisang pagkatuto ng Balarilang Filipino ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ng pribadong
paaralan ng Sariaya Institute Child Development Center.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ayon kay Andaya (2012), sa pananaliksik ni Acuno, kaugnay ng Pambansang Ortograpiya


ang wika ay itinuturing na pinakamahalagang instrumento sa mabisang komunikasyon. Dapat
maging maingat at mahusay sa paggamit nito. Ang pag-aaral ng wika ay nakatuon sa kasanayang
nililinang ng mga guro sa loob ng paaralan. Mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan ng pagsulat
maipahahayag ang damdamin at iniisip at ito rin ang susi upang ang bawat tao saan mang panig
ng mundo ay magkakaunawaan at magkakaintindihan.

Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng mga tao maging ang isang bansa sapagkat ito
ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikipagkomunikasyon, at pakikipagtalastasan ng bawat
mamamayan. Kaya nararapat na ang bawat isa ay magkaroon ng wastong kaalaman ukol sa
mabisang gamit ng Balarilang Filipino upang mas mapaunlad pa ang wikang pambansa ng
Pilipinas.

Ang pagkatuto ay isang walang hanggan at katapusang proseso, hindi ito natatapos sa
pamamagitan lamang ng paghahangad na magkaroon kaalaman at pagtatamo sa mga
karunungan na ninanais ng isang tao. Itinuturing na edukasyon din ang magiging daan sa
pagkamit ng mga pangarap ng isang indibidwal, dahil dito, siya ay inaasahang matuto ng mga
bagay na may kaugnayan sa kanyang inaabot na pangarap na may kapakinabangan dito.

Kaugnay ng mga nabanggit, narito ang mga dahilan kung bakit ito ang napiling paksa ng
mananaliksik. Nais ng mananaliksik malaman kung may makabuluhang kaugnayan ba sa
mabisang pagkatuto ng Balaring Filipino ang mga kabatirang pansarili ng mga tagasagot at kung
may makabuluhang kaugnayan ba sa mabisang pagkatuto ng Balaring Filipino ang mga salik na
nabanggit.

Batayang Teoritikal

Ayon kay Bolanos (2007) sa pang-araw-araw na gawain ng mga guro para sa pagkatuto ng
mga mag-aaral, ang malawakang kaalaman para sa mabisang paglalahad ng paksa o asignatura
at pagpapaunlad nito ay sadyang kinakailangan upang madaling maunawaan ng mga mag-aaral
ang paksang tinalakay. Walang isang pamamaraan lamang ang masasabing mabisa para sa lahat
ng uri ng paksang-aralin o isang pamamaraan na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon. Kaya
ang guro ang nagpapasiyaa sa pamamaraan na kanyang gagamitin na angkop sa bunga ng
pagkatuto na nais niyang makamtan ng mag-aaral.
Ayon kay Villafuerte, (2012) isang katotohanan na ang kabataan natin ay gumugugol ng
maraming oras sa panonood ng mga palabas sa telebisyon. Subalit hindi natin tiyak kung may
natutunan nga ba ang mga mag-aaral sa panood ng iba’t-ibang palabas. Kaya ang mga kabataan
ay nangangailangan nang sapat na gabay at patnubay sa kung ano man ang kanilang pinapanood,
nilalaro o ginagawa.

Ayon kay Jean Piaget ang mga bata ay dumadaan sa isang proseso ng pagkatuto na kung
tawagin ay adaptasyon na kung saan siya ay may abilidad na makiayon sa mga bagay na nasa
kanyang paligid at matuto mula roon. Si Vygotsky naman ay naniniwalang ang pakikisalamuha ng
bata sa mga taong nakapaligid sa kanya ay nakadaragdag nang malaki para sa kanilang pagkatuto.

Ayon kay Socrates ang pagbibigay ng mga estratehiya ay intensyong tulungan ang mga
batang estudyante na tumuklas ng mga bagay sa sariling paraan. Kaya ang mga guro ay malayang
pumili at magplano ng mga gawaing huhubog sa husay ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Balangkas Konseptuwal

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga salik na nakaaapekto sa mabisang pagkatuto ng


Balarilang Filipino ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan ng Sariaya Institute Child
Development Center.

Ang paradima ay binubuo ng malaya at di-malayang baryabol. Nakapaloob sa malayang


baryabol ang mga katangian o kabatirang pansarili ng mga mag-aaral, ang kanilang edad,
kasarian, seksiyon, at paaralang pinapasukan. Nakapaloob din dito ang pananaw ng mga
tagasagot hinggil sa mga salik na nakaaapekto sa mabisang pagkatuto ng Balarilang Filipino gaya
ng guro, mga pasilidad ng paaralan, kaasalan at gawi ng mag-aaral, at paggamit ng Wikang
Filipino. Samantalang nakapaloob naman sa di-malayang baryabol ang marka ng mga mag-aaral
sa Asignaturang Filipino at ang pagkakaroon ng mabisang pagkatuto sa Balarilang Filipino.

Paradima
Malayang Baryabo l Di-Malayang Baryabol

1. Kabatirang pansarili ng mga


mag-aaral:

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 Sekyon

Pagkakaroon ng mabisang
2. Mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa Balarilang Filipino
mabisang na pagkatuto ng ng mga mag-aaral sa ikaanim
Balarilang Filipino: na baitang ng Sariaya Institute
Child Development Center
2.1 Guro

2.2 Mga Pasilidad ng


Paaralan

2.3 Kaasalan at Gawi ng


mga Mag-aaral

2.4 Paggamit ng Wikang


Filipino

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang iba’t ibang salik na
nakaaapekto sa mabisang na pagkatuto ng Balarilang Filipino ng mga mag-aaral sa ikaanim na
baitang sa pribadong paaralan ng Sariaya Institute Child Development Center

Nilalayon nitong malaman ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga kabatirang pansarili ng mga tagasagot na mga mag-aaral sa pribadong
paaralan ng Sariaya Institute Child Development Center.

1.1 Kasarian

1.2 Edad
1.3 Sekyon?

2. Ano-ano ang mga pananaw ng mga tagasagot hinggil sa mga salik na nakaaapekto sa
mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Balarilang Filipino?

2.1 Guro

2.2 Mga Pasilidad ng Paaralan

2.3 Kaasalan at Gawi ng mga Mag-aaral

2.4 Paggamit ng Wikang Filipino?

3. May makabuluhang kaugnayan ba sa mabisang pagkatuto ng Balaring Filipino ang


mga kabatirang pansarili ng mga tagasagot?

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 Sekyon?

4. May makabuluhang kaugnayan ba sa mabisang pagkatuto ng Balaring Filipino ang


mga sumusunod na salik:

2.1 Guro

2.2 Mga Pasilidad ng Paaralan

2.3 Kaasalan at Gawi ng mga Mag-aaral

2.4 Paggamit ng Wikang Filipino?

Haypotesis
Narito ang nabuong pagpapalagay:
1. Walang makabuluhang kaugnayan ang mga pansariling kabatiran ng mga tagasagot sa
mabisang pagkatuto ng Balarilang Filipino.

2. Walang makabuluhang kaugnayan sa mabisang pagkatuto ng Balarilang Filipino ang mga salik
gaya ng guro, mga pasilidad ng paaralan, kaasalan at gawi ng mga mag-aaral, at paggamit ng
Wikang Filipino.

Saklaw at Limitsyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sasaklaw sa tatlumpung (30) mag-aaral na nasa ikaanim na baitang
sa pribadong paaralan ng Sariaya Institute Child Development Center.

Sa pag-aaral na ito ay tatalakay ang mga ispisipikong bahagi ng pag-aaral: (1) pansariling
kabatiran ng mga mag-aaral at (2) mga salik na nakaapekto sa mabisang pagkatuto ng Balarilang
Filipino ng mga mag-aaral

Sa pangangalap ng datos, ang pamamaraang gagamitin ay talatanungan. Gagamit din ng


pakikipanayam at pagsusuri sa mga datos upang makakalap ng mas mahalaga at napapanahong
impormasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong nang malaki sa mga sumusunod:

Sa pinuno ng paaralan, ang kalalabasan ng ng pag-aaral na ito ay magiging kaaangkapan upang


gumawa ng hakbang tungo sal ubosna pagkatuto ng mga mag-aaral sa Balarilang Filipino bilang
paghahanda sa mga darating pang panahon. Ito rin ay maaari nilang gawing batayan sa
pagpaplano ng pagbabagong nais nila sa kurikulum ng pagtuturo ng balarilang Filipino sa
pribadong paaralan. Madali nilang maisasaayos ang mga bagay na may kinalaman sa
pagpapatupad ng mabuting pagtuturo ng mga guro upang matamo ang hinahangad na
edukasyong may mataas na uri.
Sa mga guro ng asignaturang Filipino, magagamit nila ang pag-aaral na ito upang iayon sa antas
ng kakayahan ng mga mag-aaral ang bagay na kanilang itinuturo ayon sa mabisang paggamit at
pagtuturo ng Balarilang Filipinosa ikaanim na baitang.

Sa mga mag-aaral, ang pagkakahawan ng mga salik na nakaaapekto sa pag-unawa o pagkatuto


sa Balarilang Filipino ay magdudulot nang mabilis na pagkatuto ng aralin. Makatutulong din ito
at makahihikayat sa kanila upang magsikap na mapaunlad ang kakayahan sa mga itinakdang
gawain ng may kaugnayan sa Balarilang Filipino.

Para sa LSPU, paaralang gradwal, ito ay magsisilbing ambag sa pagpapaulad ng kalidad ng


pananaliksik sa pamantasan.

Mananaliksik at magsasaliksik, ito ay makapagbibigay sa kanila ng ibayong kaalaman ukol


sapagtuturo ng Balarilang Filipino.

Katuturan ng mga Katawagan

Narito ang mga pananalitang ginamit sa pag-aaral na ito:

Balariala-Ito ay tinatawag ding gramatika. Tumutukoy ito sa pag-aaral ng isang wika na


kinabibilangan ng morpolohiya, sintaks, ponolohiya, semantika, at ng etimolohiya. Ito rin ang
kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, at sugnay.

Filipino- Ito ay asignatura sa kurikulum ng elementarya at sekondarya. Tinutukoy sa asignaturang


ito ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa wika, mga uri ng pananalita at kahit na nag mga
mahahalagang pangyayari sa ating bansa gamit ang Wikang Pambansa bilang midyum na
instruksyon sa pagtuturo.

Guro- Ito ang pangunahing nagsasagawa ng pagtuturo sa klase at iba pang kaugnay na tungkuling
may kinalaman sa pagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan at kaasalan na kinakailangan ng mga
mag-aaral upang sila’y maging responsible at produktibong mga mamamayan ng isang
demokratikong lipunan.
Mag-aaral – Ito ay tumutukoy sa taong nag-uukol ng kanyang panahon na matuto sa loob ng
klase, kung saan napapaunlad niya ang kanyang mga kasanayan at kaalaman upang magamit niya
sa hinaharap.

Pagkatuto- Ito ay pagkuha ng mga kaalamn o impormasyon, kakintalan, at pagsasagawa ng mga


kaisipan, kasanayan, at iba pang uri ng bagong tugon.

Salik- Ito ay tumutukoy sa mga dahilan o sanhi na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Wika- Ito ay tumutukoy sa wikang pambansang ginagamit sa Pilipinas—ang Filipino.

Kabanata 2
MGA KAUGNAY NA LIERATURA AT PAG-AARAL
Sa pamamagitan ng pagbabasa, ang mananaliksik ay nakatipon ng iba’t-ibang literature
at pag-aaral na may kaugnayan sa isinagawang pananaliksik. Nakatulong ito nang lubos upang
magkaroon ng mga datos na nagpatibay sapag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ayon sa pag-aaral ni Binay, salig kay Gaerlan batay sa eksperimento at pag-aaral sa


“General Psychology”, ang mga babae ay may kakayahan sap ag-alalasa paraang pasalita (verbal),
istilo ng pasulat at pagpapahayag sa literature at sining. Samantalang ang mga lalaki ay may
kakayahan sa pangangatwiran maging pasaklaw o pabuod man.

Ang kasarian ay nakaaapekto sa kakayahan ng mga mag-aaral sa lahat ng aspeto ng


kanilang buhay, sa sex oriented roles, sa gawaing kanilang kinabibilangan at ang inaasahang
bunga ng kanilang ginagawa. Si Bustos, et. Al., ay nagpaliwanag na magkaiba ang lalaki at babae
sa kanilang kognitibong pananaw kung saan may malaking epekto ito sa kanilang pag-iisip. Ang
mga lalaki ay nakapag-iisip nang mabutina magkahiwalay o malikhaing pag-iisip (divergent
thinking). Samantalang ang mga babae ay nakapag-iisip nang mabuti sa parang convergent na
nagangahulugang pagtitipun-tipon ng mga kaalaman at bagay na pangkaraniwan lamang.

Ito’y nagpapakita ng malaking kaibahan ng mga mag-aaral na lalaki at babae. Natuklasan


na mas mahusay ang lalaki sa paglutas ng suliranin na nangangailangan ng katalasan ng isip at
wastong pangangatwiran mapa-verbal o mapatitik man.

Gulang ang isang salik na gagamitin sa pag-aaral na ito. Ito ay isa sa nakaaapekto sa
performans ng isang tao. Ayon kay Piaget mula sa pag-aaral ni Alibutod (2008), habang tumataas
ang gulang ay tumataas din ang performance. Sa makatuwid ang gulang ay nakaaapekto rin sa
kakayahang sumulat.

Batay sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Sek 6: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantlang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral sa
Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Mahalagang bagay ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang
maitutulong nito sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Masasabing ang paggamit ng isang
katutubong wika sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis ng proseso ng
edukasyon. Kung ang sasalitaing wika sa pagtuturo ng kaalaman ay ang wikang alam ng lahat,
tiyak na mabilis ang maayos itong mauunawaan.

Ayon kay Darilag (2002), na isang manunulat, ang wika ang


pinakamabisang sandata sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin, nalalaman, iniisip, natutuklasan
at kung ano-ano pa. Ngunit mas mabisa ang isang sulatin kung ito ay madaling maunawaan ng
babasa at tama ang pagkakagamit ng mga salita, pagbabaybay at iba pa. Sa pagkahumaling ng
tao sa kompyuter, ang tuntuning itinuturo sa paaralan sa tamang paggamit ng wikang Filipino ay
hindi naisasakatuparan. Batay sa pag-aaral, ang maling gamit ng mga titik ay nagging epekto ng
madalas na paggamit ng kompyuter.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga babanggiting pag-aaral ay nagbibigay ng malinaw na pang-unawa hinggil sa


kasalukuyang pananaliksik na ginawa ng mananaliksik.

Lumalabas sap ag-aaral ni Pavino (2003), na walang kaugnayan ang gulang ng mag-aaral
sa performans ng kanilang pag-aaral na pinatotohanan naman ng kasalukuyang pag-aaral ngunit
pinalabulaanan ito ng pag-aaral ni Abuel (2003), na ayon sa kanya ang gulang ng mga mag-aaral
ay may kaugnayan sa lebel ng kahalagaahan ng araling Filipino.

Pinatutuhanan ito ni La Flores (2005), na nakahihigit ang sukat ng pananaw ng mag-aaral


na lalaki sa wika samantalang ang mga babae naman ay higit na mataas ang antas sa pananaw ng
panitikan mapa-verbal o mapatitik na may pagkakatulad din sa ginagawang pag-aaral. Ang
pagkakaiba lamang ay gumagamit ng mga produkto ng makabagong teknolohiya sa kasalukuyang
pag-aaral ang mananaliksik.

Sa kinalabasab ng pag-aaral ni Abuel (2003), mahalaga ang araling Filipino sa pananaw ng


mga mag-aaral na lalaki sapagkat ito ay lumilinang sa mahusay na pakikipagtalastasan sa kapwa
at nakatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang talasalitaan. Ang araling Filipino ay mahalaga
naman sa pananaw ng mga mag-aaral na babae sapagkat sa pamamagitan ng araling ito
napapaunlad an gating panitikan maging ito man ay sa paraang pasaliat o pasulat man.

Sa pag-aaral ni Ichico (2004) natuklasan na ang kamalian ng mga mag-aaral sa pagsulat sa


asignaturang Filipino ay ayon sa: a. malubha ang kamalian ng pagbabaybay ng mga salita, b. ang
paggamit ng mga bahagi ng pananalita ay hindi nagsasaad na di malubha ang kamalian sa
gramatika, c. malubha rin ang pagkakamali sa paghahati ng mga salita ng mga mag-aaral, d. ang
paggamit ng bantas ay may 31 bahagdan (2.46) na nagsasaad na may kalubhaan ang pagkakamali
ng mga mag-aaral dahil ilan lamang sa mga bantas ang ginagamit ng mga mag-aaral.

Sa ginawang pag-aaral ni Castillo (2009), na isinalig kay Calub, natuklasan niya na


napakarami ng mga kamaliang nagaganap sa Ingles sa mga pook na hindi Tagalog. Sinuri ang mga
kamalian ng pangalawang sulating pormal, inuri at pinaghambing ang mga kamalian.
Pagbabaybay, maling gamit ng mga salita, gamit ng malaki at maliit na titik, maling kabuuan ng
pandiwa, nawawalang salita at pagpapantig ang mali sa Ingles. Sa Filipino naman ang kamalian
ay palabaybayan, gamit ng malaki at maliit na titik, bantas, maling gamit ng mga salita at palugit.
Natuklasang halos magkapareho ang nagiging pagkakamali ng mga mag-aaral sa Ingles at Filipino.

Sa pananliksik ni Castillo (2009), salig sa natuklasan ni Jaraplasan tungkol sa pag-aaral niya


sa mga sulatin ay napansin niya ang mga sumusunod: ang mga mag-aaral sa ika-anim na bahagi
ay ang mahinang kakayahan, bunga nito ang mga sulatin ay di gaanong napapansin ng
kinauukulan, maraming salita ang nakaligtaang lagyan ng kaukulang bantas dahilan sa kakulangan
ng karunungan sa gamit nito.

Kabanata 3
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Naglalahad ang kabanatang ito ng disenyo ng pag-aaral, mga tagasagot, pamamaraan ng
pangangalap ng datos, instrumenting gagamitin sap ag-aaral at pagsusuring istatistikal.
Disenyo ng Pag-aaral

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang deskriptibong pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay


akma sa pangangailangan ng pag-aaral. Layunin nitong malaman ang mga salik na nakaaapekto
sa mabisang pagkatuto ng balarilang Filipino ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ng Sariaya
Institute Child Development Center.

Mga Tagasagot

Gagamiting tagasagot sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ng


Sariaya Institute Child Development Center. Ang populasyon ay binubuo ng tatlumpung (30) mag-
aaral, (15) babae at (15) lalaki. Ang mga tagasagot ay pipiliin gamit ang random sampling. Sa
gagawing pagsisiyasat, ang mga pipiliing mag-aaral ang sasagot sa katanungan ng mananaliksik
at magbibigay ng kanilang palagay at pananaw hinggil sa mga salik na nakaaapekto sa mabisang
pagkatuto ng balarilang Filipino.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ay liliham sa punungguro na humihingi ng pahintulot na


maisakatuparan ang gagawing pag-aaral upang magamit din ang ilang mag-aaral bilang mga
tagasagot ng mananaliksik sa pag-aaral. Pipili rin ng tatlong (3) tagasuri sa talatanungang ginawa.
Aayusin at rerebisahin ang talatanungan batay sa komento ng mga tagasuri. Matapos mabigyan
ng pahintulot ng tagapamahala ng paaralan, ipamamahagi ang talatanungang inihanda. Matapos
masagutan ng mga mag-aaral, ibabalik ito sa mananaliksik upang makuha ang datos. Itatala,
aayusin, aanalisahin at susuriinnang nakalap na datos.

Instrumentong Gagamitin sa Pag-aaral

Bubuo ng talatanungan ang mananaliksik bilang kagamitan sa pagkalap ng datos.


Nilalayon ng talatanungan na tuklasin ang mga salik na nakaaapekto sa mabisang pagkatuto ng
balarilang Filipino ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ng Sariaya Institute Child Development
Center. Ang talatanungan ang pangunahing instrument sa pangangalap ng mga impormasyong
kailangan sa pananaliksik kaya mahalaga ang sagot ng mga mag-aaral.

Pagsusuring Istatistikal

Gagamitin sa unang bahagi ng pag-aaral ang frequency at percent upang maanalisa ang
profayl ng mga tagasagot tungkol sa kanilang edad, kasarian, at seksiyon. Gagamit naman ng
weighted mean sa pagsukat ng mga tugon ng mga tagasagot sa pananaliksik na isasagawa.

1. Pagkuha ng Bahagdan

P = f/n x 100

Kung saan: P = Porsyento

F= frequency

N= bilang ng mga tagasagot

2. Pagkuha ng “Weighted Mean

WM=∑ Fw/n

F= frequency

W=weight

N= bilang ng mga tagasagot

3. Numero ni Pearson Product Moment (Correlation Coefficient)

𝑛Ƹ𝑋𝑌−(Ƹ𝑋)(Ƹ𝑌)
rxy= [𝑛Ƹ𝑋2−(Ƹ𝑋)2][𝑛Ƹ𝑌2−Ƹ𝑌2]

where r- Numero ni Pearson-Product Moment

x- unang baryabol

y- kalawang baryabol
Ƹ𝑋-kabuuan ng unang baryabol

Ƹ𝑌-kabuuan ng ikalawang baryabol

n- bilang ng tumugon

4. Pagsukat ng Kahalagahan ng Numero ni Pearson-Product Moment (T-Test Analysis)

𝑁
T=r 1−𝑟2

Kung saan:

r-Numero ni Pearson-Product Moment

n- bilang ng tumugon

BIBLIOGRAFIYA
AKLAT
Santiago,Alfonso O., et. al., at Tiangco, Norma C., Makabagong Balarilang Filipino, Rex
Bookstore, Claro M. Recto Avenue, Manila, Binagong Edisyon 1991.
Gonzalez, Garcia, Dr. Lydia., Makabagong Gramar ng Filipino, Sampaloc, Manila Rex Bookstore,
1999
Tiamson—Rubin, Regala, et. al.,Wika, Kultura, at Lipunang Filipino sa Panahon ng
Impormasyon, Rex Book Store, Manila, 2002
Villavicencio, Victoria B., Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, MMRC Publication, 2006

TESIS
Caigoy, Gilanes Jane C., “Kasanayan sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng
Paaralang Sekundarya.” Marso 2006.
Monteagudo, Dancel H., “Salik na may Kaugnayan sa Kalagayang Pang-akademiko sa
Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa Ikalawang Antas ng Plaridel NHS,” San
Pablo City, Oktubre 2008.
Bonafe, Vilma A., “Antas ng Kamalayan at Kakayahan sa Paggamit ng Mga Teknolohiyang
Pangkomunikasyon at Kaugnayan nito sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral sa
Grade 9: Implikasyon sa Epektibong Pagkatuto,” Abril 2015.

You might also like