You are on page 1of 2

Kabanata 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ay matatagpuan ang mga kaugnay na pag-aaral at literature na

may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik. Ito ay makakatulong upang mapagyaman

ang gagawing pagsusuri at higit na maunawaan ang suliraning tutugan sa pag-aaral na ito.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay isa sa mga isyu na matunog sa

ating lipunan hindi lamang sa kasalukuyang henerasyon, kung hindi maging noon pa

man. Ang mga trabaho noon pa man ay na nahahati na base sa kasarian ng isang tao. Ang

mga babae ay para lamang sa bahay at mag-alaga ng mga anak at pamilya samantalang

ang mga lalaki ay ang nangangaso, nagtratrabaho at ang dapat maghanap ng pagkain at

magprotekta sa pamilya. Maging noong sinaunang panahon pa man, ang mga tao ay

patuloy paring sinusunod ang paghahati ng responsibilidad na kinagawian na ng buong

mundo. Ang herarkiya at paghahati ay maliwanag sa parehong pampulitika at panlipunan

layunin. Maging sa Athenian nademokrasya, ang mga babae (at alipin) ay hindi kinikilala

bilang isang parte ng mamamayaan ng isang bansa Capaldi (2002).

Kaugnay na Pag-aaral
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral na kinalap ng

mananaliksik upang mapagtibay ang kalalabasan.

Ayon kay Ipaye (2006), ang kita ng mga magulang mula sa pagtatrabaho,

pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan at ang akademikong kasanayan ng

mga mag-aaral ay may ugnayan. Ipinapakita rin sa pag-aaral ni Ipaye (2006) na kapag

ang kita ng magulang ay hindi sapat para matugunan ang pansarili at pangunahing
pangangailangan, ang iba pang pangangailangan kaugnay ng edukasyon ay

naisasantabi. Ito ang nagiging dahilan kung kaya’t may mga mag-aaral na

napapahinto o di naman kaya ay tuluyan ng di nakapag-aaral.

You might also like