You are on page 1of 16

Panghuling mga Pangangailangan sa Asignaturang

FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ipinasa ni : Antonette M. Agonia

Ipinasa kay: Bb. Marie Fhe Uichangco

Seksyon: BSED-2B MASIKHAY

Ipinasa noong: HUNYO 01, 2020


YUNIT 3
Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o
Mula sa Lipunang Pilipino
(Pahina 71)
Mga Tanong:

1. Bakit mahalaga ang batayang teoretikal sa pagpapatibay ng pananaliksik?

Ang batayang teoretikal ay mahalaga sa isang pananaliksik dahil ito ay


nagsisilbing suporta sa pagpapatibay ng mga pagbuo ng konsepto at mga kaisipan sa
isang pananaliksik. Gayundin, nakatutulong ito sa mas malawak na kaalaman ng
pagpapaliwanag upang makapagbigay prediksyon sa pag-unawa ng mga penomenon o
iba’t iba pang sitwasyon na bubuo sa isang pananaliksik.

2. Paano sinusuri sa pamamagitan ng dulog na Marxista ang isang teksto sa


pelikula?

Inilahad na sa ating bansa ay may pitong (7) mga pangunahing batayang


Marxista ang ginagamit upang gamitin sa pagsusuring pampanitikan katulad sa mga
pelikula, narito ang mga sumunod:

1) Anu-ano ang uring panlipunan ang nasa teksto, pelikula at iba pa?
2) Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula atbp?
3) Sino ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan sa teksto,
pelikula at iba pa?
4) Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o
inapi ang nagsamantala o ang pinagsamantalahan?
5) Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga
karakter?
6) Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
7) Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli?

Ayon naman kay San Juan (2010) sa kanyang artikulong “Kontra Gahum:
Pagsipat sa Tema, Pilosopiya at Ideolohiya ng Piling Kontemporaryong Tulang Radikal
Tungo sa Kontekstwalisasyon ng Kritisismong Marxista”, naglahad siya ng tatlo pang
karagdagang batayan na taong sa pagsusuring Marxista:

a) Sa anong paraan nagsisilbing propaganda ng status quo ang katha; o ito


ba’y nagtatangkang sumalansang sa status quo?
b) Ano ang sinasabi ng katha ukol sa pagsasamantala; o isinasantabi ba nito
ang mga tunggalian sa lipunan o dili kaya’y isinisisi sa ibang bagay?
c) May solusyon bang inihahapag ang katha sa mg suliraning inilalahad nito?
3. Sang-ayon ka ba sa pagbibigay pokus sa Teoryang Dependensya sa
neokolonyalismo sa ekonomiya, kultura at politika? Bakit o bakit hindi?
Pangatwiranan.

Sa aking palagay ay sumasang-ayon ako sa konsepto ng Teoryang


Dependensya kaugnay sa pokus na ibinibigay nito hinggil sa usaping neokolonyalismo.
Kung susuriin ang neokolonyalismo na aming napag-aralan, tumutukoy ito sa hindi
direktang kontrol ng isang bansa sa iba pang mga bansa sa pamamagitan ng
kolonisasyon ng mga kaisipan o gawi, halimbawa ay ang pagdodomina ng mga
produktong dayuhan na syang tatangkilikin ng mga tao sa bansang iyon. Kung gayon,
naiiwan sa pag-unlad ang mga lokal na produkto o sa isang banda ay nalilimutan ang
sariling atin. Sa tulong ng Teoryang Dependensya nagkakaroon ng kaalamang
pagsusuri ang mga mamamayan ukol sa tunay na kalagayan ng pagpapahalaga sa
sariling atin. Nagsisilbi itong kagamitan upang lalo nating mabuksan ang isipan ng
nakararami na makita ang mga posibleng epekto ng makabanyagang pagtangkilik sa
aspetong pang-ekonomiya, pangkultural at pampolitika na nagdudulot sa kawalan ng
nasyonalismo sa ating sariling bansa.

4. Bakit sinasabing magkaugnay ang nasyonalismo sa Teoryang Dependensya?

Kaugnay sa unang pahayag na aking nabanggit, ang nasyonalismo ay nauugnay


sa Teoryang Dependensya dahil ito ang magsisilbing susi sa pagpigil sa gawing
neokolonyalismo. Sa paaran ng nasyonalismo, nagiging makabayan ang mga tao sa
isang bansa na nagiging daan sa pagkakaroon ng pagmamahal sa sariling mga
kinagawian o di kaya’y mga kaisipan o mga produkto. Sa paraang ito nagkakaroon ng
paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan ang mga tao na syang
magdadala sa kaunlaran ng mas nakararami. Sa gayo’y nabibigyang pansin ang mga
sektor na dapat pagtuunan upang magkaroon ito ng pag-unlad na magbibigay buhay sa
pagiging maka-Pilipino ng bawat isa.

5. Sa inyong opinion, ano ang pinakamahalagang ambag ng mga perspektiba


gaya ng pantayong pananaw sa Sikolohiyang Pilipino?

Ginagamit na paraan ang pantayong pananaw upang mas lalong malinang at


mapalalim ang mga kaisipan na nakapaloob sa Sikolohiyang Pilipino. Sa pamamagitan
nito nagagawa nating balikan ang ating nakaraan o kasaysayan na nagbibigay buhay
sa ating diwang makabayan. Nabibigyang pansin sa mga pababalik aral ang ugat ng
ating mayamang kasaysayan. Nasasariwang muli ang ating nakaraan na nagbubunsod
ng masining na pagpapaliwanag ng ating pinagmulan. Sa makatuwid ay nagkakaroon
tayo ng kamalayan at mas malalim na pagkakaintindi sa kung paano maipaliliwanag
ang anomang mayroon tayo sa panahong ito, kung bakit ganito ang ating pagkilos, pag-
iisip o di kaya ay naman ay sa ating pag-uugali at mga paniniwala.
6. Paano nagkakaiba ang konseptong “bakod” at “bukod” ayon kay Morales-
Nuncio?

Ayon sa pagpapaliwanag ng pagkakaiba ng “bakod” at “bukod” ayon kina


Morales-Nuncio, sa madaling salita ay tumutukoy ito sa pisikal at di-pisikal na
paghihiwalay. Ang “bakod” ay siyang tumutukoy sa pagiging pisikal. Sinasaklaw nito
ang kaanyuang geometriko, halimbawa ay sukat ng lupa o di kaya naman ay
hangganan ng sakop ng isang lugar. Karaniwang mayroon tayong bakod sa ating mga
tahanan na nagtatakda sa kung hanggang saan laman ang sakop ng ating pagmamay-
ari at awtoridad. Ang “bukod” naman ay ang di-pisikal na pagkakahiwalay. Nagkakaroon
dito ng kategorya na siyang magiging batayan sa paghihiwalay ng mga bagay.
Halimbawang madalas nito ay ang kalagayang panlipunan at ang mga antas ng mga
taong naninirahan dito. Mayroon tayong klasipikasyon sa mga tao tulad ng mga
mayayaman, mga sinasabing may kaya sa buhay o middle class at ang mga
maituturing na mga nasa laylayan ng ating lipunan o ang mga tinatawag na mahihirap.

(Pahina 72)

Gawain A. Paglikha ng Dayagram na Nagbubuod ng mga Konsepto

Pagtanggap ng suhol kapalit ng


pagpoprotekta sa mga ilegal na
gawain.

KORUPSIYON

Awtoritaryanismo o
Bulok na sistema ng sentrong kapangyarihan at
hustisya sa bansa. limitadong mga kalayaan
sa pulitika.
Dayagram na Nagpapakita ng Ilang Sanhi ng Pagkakaroon ng Korupsiyon sa Isang Bansa
(Pahina 75)

Gawain C. Pagtukoy sa mga Katangian ng Nagsasariling Komunidad na


Pangkomunikasyon sa Disiplinang Araling Pilipino

1. Ginagamit ang konsepto ng salitang lahat sa pakikipagtalastasan.


Nangangahulugan na ang nagsasalita ay isinasama ang lahat ng kausap kahit
na iyong wala subalit ipinapalagay na kabahagi sa kabuuang kinabibilangan ng
nagsasalita at mga kausap.
2. Ito ay maituturing na sistemang sarado o closed circuit. Pag-uusap ng hinggil sa
sarili at sa isa’t isa kung saan nagkakaintindihan ang lahat nang hindi na dapat
tukuyin ang iba pang bagay na nasa labas o panlabas.
3. Ito ay “trans-rehiyonal” o mga wikang sinasalita sa higit sa isa o sa pagtawid ng
mga rehiyon sa Pilipinas.
4. May mataas na prestihiyo, may malawak na p
5. anitikan, tinitingala, itinuturo sa eskuwelahan at pinapalaganap ng
masmidya.Lumilikha ito ng sariling mga teorya, konsepto, at metodo ng
pananaliksik.

Gawain E. Pagkompleto ng Akrostik

Banga ang teoryang nagpapahayag na may ideya na ang tao ay may labas, loob at ilalim

Anyong Marxismo ang batayang kaisipang ginagamit sa antas at kalagayang panlipunan

Lipunan ang pokus ng Marxismo tulad ng pantukoy sa pang-aapi o pagsasamantala sa loob nito

Anyong Feminismo ang batayang teoretikal na pokus ay ang usaping pangkababaihan

Nasyonalismo ang damdaming makabayan ng mga Pilipino na ipinaiiral sa lipunan

Ginagamit ang “pantawang pananaw” sa pokus ng katutubong pagsipat sa paraan ng pagapapatawa ng mga
Pilipino

Konseptong Bakod, Bukod, at Buklod ang pisikal at figurative na konsepto ng paghihiwa-hiwalay

Ang Pantayong Pananaw ay may konsepto na nakapokus sa pagtanaw ng mga Pilipino sa sariling
kultura at kasaysayan ng hindi nakabatay sa pananaw ng mga dayuhan

Sikolohiyang Pilipino ang kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip at/o kamalayan ng mga Pilipino
YUNIT 4
Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Metodolohiya
sa Pananaliksik-Panlipunan
(Pahina 113)
Mga Tanong:

1. Maari bang magsama-sama sa isang pananaliksik ang iba’t ibang


pamamaraan? Ipaliwanag.

Oo, maaring magsama-sama sa isang pananaliksik ang iba't ibang pamamaraan


kung kinakailangan gumamit ng maraming paraan sa pananaliksik at kung magiging
mabisa at magiging angkop ang paggamit ng nito sa pananaliksik.

2. Paano nagkaiba ang nakikiugaling pagmamasid at participant observation,


batay sa mga tagapagtaguyod ng nakikiugaliang pagmamasid?

Ang nakikiugaling pagmamasid ay isang aspeto ng participant observation kung


saan niyayakap ng mananaliksik ang paraaan ng pag-uugali at pamumuhay ng pinag-
aaralang komunidad at bukas ang pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad
na iyon. Sa isang banda ang participant observation naman ay paraan kung saan ang
nag-oobserba ay aktibong nakikilahok sa mga aktibidad ng mga ino-obserbahan o di
kaya’y sinusubukang maranasan ang mga gawain o trabahong pinag-aaralan.

3. Bakit mahalaga sa pananaliksik ang pagkakaroon ng akmang pamamaraan?

Ang akmang pamamaraan ay kinakailangan sa alinmang mga pananaliksik


sapagkat ito ang magsisilbing tulay sa maayos at balidong resulta ng sinasaliksik. Kung
mayroong akmang pamamaraan ay mas magiging maayos ang pagkalap ng mga datos
na hinihingi sapagkat may tugmang kagamitan na susukat o magdedetermina sa
tamang mga impormasyon na gagamitin sa pagbuo ng pananaliksik.

4. Paano ginagamit ang video sa bilang uri ng pananaliksik?

Ginagamit ang video sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagrererkord ng tunog


at imahe na karaniwang nilalagyan ng musika habang may nagsasalaysay. Sinasabing
karaniawang ginagamit ang metodong ito sa mga makasaysayang pananaliksik
karaniwan na ang mga dokumentaryo na naipapalabas na ating napapanood ngayon.
5. May mga proseso ka pa bang maidaragdag sa mga prosesong konektado sa
pananaliksik na inisa-isa ni Walliman? Ipaliwanag.

Kung may idaragdag man ako sa mga prosesong ibinigay ni Walliman maaring
imungkahi ko ang pagkakaroon ng “dobleng pagsuri” sa ginawang pananaliksik. Ito ay
maaring makatulong teknikal sa sinaliksik sa paraang mababalikan ang mga
konstruksyon nito halimbawa na lamang ang pagsusuring gramatika o di kaya naman
ay “typographical error”. Sa gayon makatutulong ito sa ginawang pananaliksik na mas
maging maayos ang kalidad sa ideyang nilalaman at sa teknikalidad na pagkakabuo.

6. Sa inyong opinion, ano ang mas mainam, ang mamili ng isang pamamaraan
lamang o ang magsabalikat ng kombinasyon ng mga pamamaraan?
Pangatwiranan.

Sa aking palagay kahalintulad ng aking naging kasagutan sa unang katanungan,


maaring dumipende ang isang mananaliksik sa isang pamamaraan lamang kung sa
palagay niya ay makasasapat na ito upang mahanap ang mga kinakailangang datos o
impormasyon na hinihingi ng isang pananaliksik. Kung sa isang banda naman ay
mayroong kakulangan sa mga estratehiya na kinakailangan na magdagdag ng
pamamaraan ay maaring gumamit ng higit pa sa isa kung saan makatutulong ito sa
mas balido at konkretong pananaliksik.
(Pahina 114)

Gawain A. Pagsulat ng Konseptong Papel

Pamagat ng Pananaliksik: “Kabisahan ng Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Wikang


Opisyal sa Aktibong Partisipasyon ng mga Mamamayag Pilipino”

Pangunahing Layunin:

Nilalayon ng pananaliksik na ito na maipakita ang kabisahan ng paggamit ng


wikang Filipino sa mga opisyal na talastasan ng pamahalaan upang makuha ang
atensyon ng mga Pilipino na makisangkot sa mga isyu at pangyayaring pambansa.

Mga Tiyak na Layunin:

1. Maipakita ang bisa ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang opisyal sa


aktibong partisipasyon ng mga mamamayag Pilipino.
2. Maibahagi ang mga pamamaraan kung paano maaring gamitin ang wikang
Filipino upang mas maraming Pilipino ang makaunawa sa mga pangyayring
nagaganap sa bansa.

Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research
Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga
datos.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon kay dating Assisstant Secretary for Presidential Communication Celso


Santiago Jr. (2015), hangga't hindi nauunawaan ng karaniwang masa ang wika ng
batas polisiya, pangagasiwa, at pamamahala, hindi natin naibibigay sa kanila ang
kapangyarihang maging mga aktibong mamamayang may pakikisangkot sa
pamamahala at pagpapatakbo ng bansa.

Dagdag pa niya na masasabing opisyal ang wika kung ito ang gamit sa mga
opisyal na talastasan sa pamahalaan. Aniya, sinimulan na rin kahit papaano ng
kasalukuyang pamahalaan na dalasan ang paggamit ng Filipino bilang wikang opisyal.

Gayundin ay sinambit niya na ang wikang opisyal ang pangunahing magdidikta


sa kapangyarihan ng isang wika at lalo itong mapaiigting sa paggamit at pagsasalin nito
sa pang-araw araw.
Ayon naman kay Funtecha (2008)  ang wikang Filipino ay ang nalalabing diwa ng
ating damdaming makabayan at pambansang pagkakaisa at kailangan natin itong
bigyan ng kaukulang pagpapahalaga.
Sang-ayon naman dito, sinambit ni Virgilio Almario (2014) sa pagdiriwang noon
ng buwan ng wika na  sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, mas
naisasaloob nila ang diwa na naroon sa mga salita.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan,2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilingual at multicultural, nagbubuklod an gating mga watak-watak na isla ng iisang
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t ibang rehiyon kundi
gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Sa makatuwid hindi matutumbasan
ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang
bansa.

Ayon kay Bienvenido Lumber (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat sandal
ng buhay natin ay nariyan ito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng
wika upang kamtan ang kailangan natin”. Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng
bawat indibidwal kabilang na ang mga pulitiko propesyonal, at mga simpleng
mamamyan ay nakakakabit na sa kanila ang paggamit ng wika sa tuwing
makikipagtalastasan upang kanilang makamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan.
Pinatunayan lamang nito na kapag ginagamit at pinapalaganap ang Wikang Filipino
kasabay ng modernisasyon sa kasalukuyan maipalalaganap din ang produkto, kultura,
at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.

Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha, malinaw na ang wika ay isang mahalagang
kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at
damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa
kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at
maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan.
YUNIT 5
Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Iba pang
Kaugnay na Larangan
(Pahina 155)
Mga Tanong:

1. Ano-anong kurso ang nagamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo at


talakayan sa klase? Ginagamit din ba ang Filipino sa mga kurso mo rito sa
kolehiyo? Sa anong mga pagkakataon ninyo ito nagagamit?

Ayon sa mga nabanggit sa konteksto ay may ilang mga propesor ang gumagamit
ng wikang Filipino sa kanilang pagtuturo at ito ay ginagamit nila sa kursong kanilang
itinuturan. Ilan sa mga ito ay ang tungkol sa mga aralin sa pilosopiya at pananaliksik
gayundin naman sa ibang salik ng humanidades at agham panlipunan. Bilang nasa
kolehiyo ay patuloy na nagagamit sa aming talakayan ang wikang Filipino ngunit mas
lalo itong gamitin sa mga kursong may kinalaman sa mga talakaying sadyang laan sa
Filipino. Halimbawa nito ay ang aming natapos na kurso na “KOMFIL” o
“Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino” at ang amin ngayong kasalukuyang
pinag-aaralan na “FILDIS” o “Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina”.

2. Sa mga klase mong Ingles ang pangunahing gamit bilang midyum ng


instruksiyon, posible bang gamitin ang Filipino sa mga ito? Ano ang mga
konsiderasyon kaya ang dapat mong isaalang-alang o ng mga guro bago simulan
ang paggamit nito?

Posibleng gamitin ang wikang Filipino sa aming mga talakayan sa klase na ang
pangunahing midyum sa kurso ay Ingles. Karaniwan na sa aming mga talakayan ang
ganitong ayos sapagkat hindi maiiwasan ang paggamit nito. Higit sa lahat ay mas
mabilis maunawaan ang pagpapaliwang ng nasabing konsepto sa isang aralin kung
naipapaliwanag ito sa ating sariling wika. Bilang guro ang aking nakikitang maaring
isaalang-alang na konsiderasyon sa paggamit ng ganitong uri ng estratehiya sa
pagtuturo ay ang pagkonsidera kung ang akmang gamitin ang pagsasalin sa Filipino ng
Ingles sa kanilang talakayan. Maaring kasing sa isang banda na ang saling Filipino ay
mas maging malalim kumpara sa orihinal na salin nito na maaari ring makaapekto sa
mismong kahulugan nito sapagkat may ilang mga terminolohiyang Ingles na mahirap
isalin o di kaya’y sadyang walang katumbas na salin sa ating wika.
3. Magbigay ng isang kursong kinuha mo sa larangan ng agham panlipunan,
sining o humanidades. Sa kursong ito, anong paksa ang maari mong saliksikin
na maisusulat mo sa Filipino? Talakayin nang bahagya. Ibahagi din ang naiisip
na pamagat ng pananaliksik.

Ang kursong kaugnay ng agham panlipunan na partikular sa politika ang sa


aking palagay na maari kong gawan ng pananaliksik gamit ang wikang Filipino. Aking
napagtanto na maaaring mas magiging makabuluhan ang pananaliksik ukol dito
sapagkat napapanahon ang ganitong mga usapin sa ating bansa. Mas makabubuti na
kung magkakaroon ng ganitong paksa ng pananaliksik ay nakalathala ito sa sarili nating
wika sapakat magkakaroon ng mas madaling pagkaintindi ang mga mambabasa nito.
Kung sa magdadaan naman na mga panahon at mabigyan ako ng pagkakataomn na
maituloy ang ganitong pananaliksik, maaring maging ganito ang magiging pamagat:
“Epekto ng Pulitikal na Pagkilos sa Pagkakamit ng Demokratikong Pakikilahok sa
Usaping Panlipunan”.

4. Magpakita sa ilustrasyon kung paanong nagtatagpo ang paggamit ng Filipino


sa pagtuturo, paglilimbag ng mga pananaliksik, at materyales sa Filipino, at
pagsasalin sa Filipino para maisulong ang Filipino bilang pangunahing wika sa
agham panlipunan, humanidades, at mga kaugnay pang larangan. Talakayin.

Sa aking opinion ang wikang Filipino ay kapansin-pansin na tumatagpo sa


pangangailangan sa pagtuturo, paglilimbag ng mga pananaliksik, at materyales sa
Filipino, at pagsasalin sa Filipino sa paraan ng uri o kalagayan ng paksang tinatalakay
ng agham panlipunan, humanidades, at mga kaugnay pang larangan.
Nangangahulugan na ang wikang Filipino ay tumutugon sa kung ano ang hinihingi ng
isang konsepto. Maaring maging halimbawa nito ay kung mas aplikableng gamitin ang
wikang Filipino upang mas maging balido o mas mauunawaan ang isang pananaliksik,
pagtuturo o paglilimbag ng mga babasahin at iba pang kaugnay na uri nito. Sa madaling
salita, ang wikang Filipino ay tumatagpo sa katugmaan ng paggamit nito sa isang
pangangailangan ng pagkakataon o kaangkupan.
(Pahina 160)
Mga Tanong:

1. Tukuyin ang dalawa o higit pang artikulo na nabanggit ni Sicat na sa palagay


mo ay magkaugnay. Gumawa ng Venn diagram na magpapakita sa pagkakatulad
at pagkakaiba ng mga ito.

“Mula Tsismis Hanggang Panata: Filipino “Kaya Nakikinig ang Lupa at Lumilipad Ang
Bilang Multidisiplinal at Interdisiplinaryong Balita: Ang Tsismis at ang Tunggalian ng Uri
Larangan” sa Lipunang Pilipino”

May pangkalahatang layunin na Malawak ang Nagbubukas ng posibilidad sa mas


magdulot ng bagong kaalaman at hangganan ng paksa maunlad na pananaliksik na mulat
mas progresibong pagsusuri sa na nagbabatay sa na tumatangan sa tunggalian ng
iba’t ibang paksa sa larangan ng kaligiran ng sa ng lipunan bilang batayan ng
Filipino at mga kaugnay na gamit panlipunan ng pagpapakahulugan.
disiplina. wika.

2. Base sa mga nabasa mong maikling introduksiyon ng bawat artikulo, ano-ano


ang maari mong magamit sa ginagawa mong pananaliksik/planong gawing
pananaliksik. Magbigay ng maikling paliwanag kung paano ito maiuugnay sa
inyong pananaliksik.

Sa mga ideolohiya at mga estratehiya na ipinaliwanag sa bawat artikulo, maari


kong magamit sa mga gagawin kong pananaliksik ang kaalaman ukol sa panlipunang
pagsasaalang-alang sa gagawing pananaliksik. Kinakailangan na maging masuri at
malawak ang kaalaman ukol sa kaligiran at gamit ng mga datos sa isang pananaliksik.
Akin ding napagtanto na kinakailangan ng masining na pagtuklas sa gagawing
pananaliksik sa paraang may maayos, konkreto at katanggap-tanggap na basehan o
saligan ang mga impormasyon na gagamitin upang mas maging balido at may
kahusayan ang kalalabasan ng pananaliksik.
YUNIT 6
Filipino sa Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, Matematika,
at Iba pang Kaugnay na Larangan
(Pahina 187)
Mga Tanong:

1. Sa anong mga pagkakataon, nagagamit ang Filipino sa intelektwal na


pamamaraan? Maliban sa mga nabanggit, mayroon pa bang maaaring
paggamitan sa larangan ng Agham at Teknolohiya?

Sa karagdagang impormasyon, unti-unti naring nagagamit ang wikang Filipino sa


larangan ng medisina. Sinisikap ng mga propesyunal o may kaalaman sa larangan na
ito na mas mapadali ang pagpapaliwanag ng kondisyon ng isang pasyente upang mas
maunawaan nila ang ibigsabihin ng kanilang kalagayan. Dahil sa kalaliman ng mga
ginagamit na terminolohiya sa larangang ito, hanggang sa makakaya ng mga eksperto
ay ginagawan nila ng paraan na maisalin sa maayos at naiintindihang paraan ang mga
ito para sa mas malawak na kaunawaan ng nakararami na may limitadong kaalaman
ukol dito.

2. Nakita mula sa mga halimbawa at pag-aaral na nagagamit nang mahusay,


bagama’t limitado pa, ang Filipino sa Agham at Teknolohiya. Paano kung gayon
ang dapat na lapit sa intelektwalisasyon nito? Mula sa mga ahensya ng
gobyerno, halimbawa ay CHED o kongreso, patungo sa mga gumagamit
(estudyante, propesor, propesyonal) o mula sa mga gumagamit nito pataas sa
may mga katungkulan?

Para sa akin upang mas mapalawak ang paggamit ng wikang Filipino sa mga
aspetong nabanggit o sa mga sumusunod na ahensya ay marapat lamang na sanayin
ang natin ang ating mga sarili na paunti-unting ilagay sa ating sistema ang paggamit ng
sarili nating wika sa mga ito. Magandang suhestiyon na gamitin ang wikang Filipino
bilang wikang opisyal sa ating bansa. Sa paraaang ito mas mailalapit natin ang mas
nakararami sa malawakang paggamit ng ating sariling wika at higit pa roon ay magiging
tulay ito upang magkaroon tayo ng mahusay na kasanayan sa pagtangkilik at paggamit
ng wikang Filipino.
3. Magbigay ng mga dokumento at/o sitwasyon na personal mong
naranasan/nakita ang paggamit ng Filipino sa mga diskurso siyentipiko-teknikal?
Ano ang pagtaya mo sa karanasang ito?

Maibabahagi ko ang karanasan ko kung saan nagamit ang wikang Filipino sa


siyentipiko-teknikal noong dumalo ako sa isang seminar noong ako’y nasa ika-10
baitang pa lamang na tumalakay sa kaalaman tungkol sa “STD” o “Sexual Trasmitted
Disease”. Kapuri-puri ang naging pagpapaliwanag ng naatasang tagapagsalita dahil
maayos niyang nailatag ang mga pahayag na kailangang malaman ng mga tagapakinig.
Sinikap na gawing mas nauunawaan ang bawat pahayag na maglalarawan sa mga
impormasyong ginagamitan ng mga siyentipikong mga terminolohiya. Masasabi kong
naging epektibo ito sa paraan naging magaan ang bawat pagtalakay na nag-iwan ng
makabuluhang kaalaman sa lahat ng mga dumalo sa seminar na iyon.

4. Paano makatutulong ang pagsasaling siyentipiko at teknikal sa layuning


intelektwalisasyon ng Filipino? Dapat bang magkaroon ng kasanayan dito ang
mga propesyonal?

Tulad ng mga nabanggit kong kasagutan sa mga naunang tanong, malaking


tulong ang pagsasalin sa wikang Filipino ng mga kaalamang siyentipiko at teknikal dahil
sa mas malawak na pagkaunawa na maidudulot nito sa mga Filipino. Kung ang mga ito
ay isasalin sa sariling wika natin, hindi ba’t mas nagiging madali sa atin ang
maintindihan ito sapagkat mas nabibigyan natin ng mas maayos na interpretasyon ang
mga pahayag dahil malalim at marami ang nagagamit nating bokabularyo sa pag-intindi
rito. Sumasang-ayon ako na magkaroon ng kasanayan ang mga propesyunal ukol sa
usaping ito dahil sila ang may kasanayan sa larangang ito kung gayon ay sila rin ang
mas maayos na makapagpapaliwanag nito.
(Pahina 193)
Gawain B.

Pahayag Mula sa Orihinal na Akda Salin sa Filipino


Provides important information  Nagbibigay ng mahalagang
impormasyon
Never allow a battery pack to become wet  Huwag na huwag hayaang mabasa ang
baterya
Disposal of Used Battery Pack  Pagtatapon ng gamit na baterya
Indicates a potentially hazardous situation  Palatandaan ng maaaring panaganib na
which, if not provided, could result death idulot kung hindi masusunod ay maaring
or serious injury. magdulot ng kamatayan o malubhang
pinsala.

Pahayag Mula sa Orihinal Pahayag sa Bersiyong


Balik-Salin
na Akda Salin (Matapat)
Provides important  Provides valuable Nagbibigay ng
information information. mahalagang impormasyon
Huwag kalian man
Never allow a battery pack  Never let the battery get
hayaang mabasa ang
to become wet wet
baterya
Disposal of Used Battery Pagtatapon ng Gamit sa
 Battery Disposal
Pack Baterya
Nagpapahiwatig ng isang
Indicates a potentially  Indicates a potential
potensiyal na panganib na
hazardous situation which, danger that will inevitably
kung hindi maiiwasan ay
if not provided, could result result in death or serious
magdudulot ng kamatayan
death or serious injury. harm
o matinding kapinsalaan

Orihinal na Pahayag Pinal na Salin


Provides important information  Nagbibigay ng mahalagang
impormasyon
Never allow a battery pack to become wet  Huwag hayaang mabasa ang baterya
Disposal of Used Battery Pack  Pagtatapon ng gamit na baterya
Indicates a potentially hazardous situation  Nagpapahiwatig ng isang potensyal na
which, if not provided, could result death mapanganib na sitwasyon na kung hindi
or serious injury. ibigay, ay maaring maging resulta ng
kamatayan o malubhang pinsala.
(Pahina 193)
Gawain C. Photo Essay

https://www.lazada.com.ph/products/oregano-plant-i471480287.html

“Galing ng Oregano”

Sino nga ba ang hindi makakakilala sa halamang gamot na ito? Isa sa


pinakasikat na halamang gamot sa Pilipinas ang “oregano”. Sa tuwing makararanas
tayo ng sipon at ubo, ang madaliang solusyon sa sakit na ito ay kayang-kayang pitasin
kahit sa ating simpleng bakuran. Karaniwan na ang halamang gamot na ito ang
madalas na irekomenda ng mga nakatatanda sa atin sa paniniwalang may bisang
taglay ito upang makapagpagaling. Pinaniniwalaan na ito ay may taglay na anti-
inflammatory properties at antioxidant o mga deskripsiyon ng panlaban sa mga sakit.
Ayon din sa ibang mga nagsasabi, ito rin daw ay nakatutulong sa pagpapalakas ng
ating immune system o pagpapasigla sa ating katawan para iwas sakit. Bagaman
walang pang konkretong pagpapatunay, ang gamot na ito ay sinasabing maari ring
gamitin bilang anbiotics o mabisang panlaban sa bactera. Kaya naman ginagawang oil
ang katas ng halamang ito. Sinasabing mabisa ito kung kakatasin at ihahalo sa
maligamgam na tubig at saka ay iinumin. Bagama’t wala pang tuwirang patunay sa bisa
ng halamang gamot na ito ay ligtas naman ito upang inumin o kainin.

You might also like