You are on page 1of 17

Yunit 3.

Batayang Kaalaman sa mga


Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa
Lipunang Pilipino
FILDIS, 2nd Sem: AY 2018-2019
Jovy Ann P. Valera, M.Sc.
Mga Topiko

 Teorya at Batayang Teoretikal


 Mga Diskurso sa Nasyonalismo
 Marxismo at Kritikal na Diskurso sa
Globalisasyon
 Teoryang Dependensiya
 Pag-aklas/Pagbaklas/ Pagbagtas
 Pantayong Pananaw
 Sikolohiyang Pilipino
 Pantawang Pananaw
 Bakod, Bukod, Buklod
Teorya at Batayang Teoretikal

 Magpaliwanag, magbigay ng prediksyon hinggil sa o makatulong sa pag-unawa sa


phenomenon
 Naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman
 estrukturang nagtatahi at sumusporta sa teorya ng pananaliksik
Teorya at Batayang Teoretikal

 3 Konsiderasyon ng pagpili ng teorya ayon kay Torraco (1997)


1. pagiging akma sa pananaliksik;
2. linaw at/o dali ng aplikasyon sa pananaliksik;
3. bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik
Teorya at Batayang Teoretikal

 4 na paraan na pagpapatibay ng pananaliksik ang batayang teoretikal:


1. Nasusuri nang mabuti ang pananaliksik;
2. Naiuugnay sa umiiral na kaalaman, sa pagsusuri sa tinitipong datos, at sa sagot sa mga
tanong;
3. Malinaw at hakbang-hakbang na pagsagot (swabeng transisyon);
4. Maging malinaw ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri ng datos, pagbuo ng
kaisipan/teorya
Nasyonalismo

 Pagmamahal sa bayan; pagtangkilik sa bayan; handang mamatay para sa bayan


 Ang edukasyong Pilipino ay dapat makabayan, sapagkat ang nasyonalismo ay hindi
lamang isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko
 Lisyan Edukasyon ng mga Pilipino (R. Constantino): kailangang itransform ang edukasyon
tungo sa pagiging makabayan.
Teoryang Dependensiya

 Nakaugat sa Amerika Latina


 Raul Prebisch at Theotonio dos Santos
 Definition: pinagsamantalahan ng mga bansang industriyalisado ang mga bansang mahirap
sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya na may malaking epekto sa sistemang
politikal at kultural ng bansa
 Halimbawa: higit na pinagtutuunang-pansin ang paggamit ng English sa mataas na antas
ng edukasyon
 Malawak na Pagbabasa: Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa edukasyon:
Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas ni San Juan (2013): “walang
saysay ang edukasyong hindi nasyonalista, kahit pa ito’y sumunod sa “pamatansang
global”, kontrolado ng mga dayuhan, walang pag-uunlad
Teoryang Dependensiya

Ayon kay San Juan (2014), ang mga pakinabang ng First World sa neokolonyal na sistema:
 Puhunan sa Third World ay tumutubo nang malaki
 Kontrolado ang mga pinansiyal na institusyong nagpapautang
 Kulang ang tulong sa teknolohiya at pagmamanupaktura: monopolyo
 Mababa ang halaga ng mga hilaw na materyales at semi-manupaktura
 Migrasyon ng mga manggagawa/propesyunal (human resource) tungo sa kanila
Globalisasyon:

 3 Aspeto: kultural, ekonomikal, pulitikal


 4 na Katangian:
1) Paglawak ng ating panlipunang relasyon
2) Pagtindi ng daloy at ng mga sistema ng komunikasyon at ng pagkakaugnay
3) Paglawak ng pakikisalamuha
4) Pag-iral ng mga pandaigdigang institusyon
Teoryang Marxismo

 Teoryang Marxismo: Karl Marx (walang lebel o klase sa lipunan; lahat ay pantay-pantay)
ang gobyerno ang kailangan kumontrol ng mga yaman ay resorses
 Friedrich Engels, katuwang sa pananaliksik sa kritiko ng sistemang kapitalismo
 Mga aplikasyon ng Teoryang Marxismo:
1. Pampanitikan (Pag-aklas/Pagbaklas/Pagbagtas ni Tolentino (2009))
2. Pangmidya: Lifestyle shift (kita hindi pagbabalita), transformasyon bilang entertainment;
3. Araling Pangkaunlaran (dev studies): sektor ng inaapi
Teoryang Marxismo at Feminismo

 Kapwa nagtatalakay sa pang-aapi o pagsasamantala


 Marxismo: sa ilang particular na uring panlipunan
 Feminismo: sa isang particular na kasarian (babae)
 Perspektibang “mga tinig mula sa ibaba” ni Teresita Maceda, ang mga tunggalian ng mga
uring panlipunann ay naririnig din sa mga awitin at simleng pahayag
Pag-aklas, Pagbaklas, Pagbagtas

 Pag-aklas bilang impetus (motibasyon) sa panunuring historical at panlipunan na susing


kawing (may koneksyon) ang panitikan
 Pagbaklas bilang pagbuwag sa naunang formalistiko at makasentrong-sining na
panunuring pampanitikan
 Pagbagtas bilang mapagpalayang pagdalumat sa panitikang pangunahing nagsasaalang-
alang ng makauring panunuri
Pantayong Pananaw

 Zeus Salazar (1997)


 Perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura at iba pa upang bigyang-diin ang
kahalagan ng diskursong internal hingil sa iba’t-ibang isyu
 Sistemang “closed circuit” pagka’t nagakakintindhan ang lahat
 Paggamit ng konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng
mga kahulugan, at sa isa’t-isa
 Pangkabuuang pag-uugnay at pagkakaugnay ng mga kahulugan, kaisipan at ugali
 Dapat magpokus ang Pilipino sa sarili nilang pagtanaw sa kanilang kultura at kasaysayan
at hindi sa tagalabas o dayuhan
 Mahalaga: iisang wika
Teorya ng Banga

 Prospero Covar (1993)


 Perspektibang nagsusuri sa pagkataong Pilipino
 Tagapagtaguyod ng Filipinolohiya
 Katawan ng tao bilang isang banga: labas, loob at lalim; at pinagagalaw ng tambalang:
budhi at kaluluwa
 Labas: sa mukha nasasalamin ang damdamin at kalooban ng pagkataong nililok ng
kulturang karanasan
 Loob: malalim at malawak ang pinag-uugatan; parang “sisidlan” na nilalagyan ng laman
Sikolohiyang Pilipino

 Perspektibang naglalahad ng kaisipan ukol sa paraan ng pag-iisip at kamalayan ng mga


Pilipino
 Virgilio Enriquez
1. pag-aaral sa sikolohiya na bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino at
2. pagpapaliwanag sa sariling paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pagpapakita ng damdaming
Pilipino, na sinasabing maaaring may kaibahan sa pag-iisip, pagkilos, at
3. pagpapakita ng damdamin ng iba pang mga mamamayan
Bakod, Bukod at Buklod

 Morales-Nuncio (2012)
Halimbawa: Ang siyudad ng mall
 Sangandaan ng konseptong Marxismo
 Bakod: Ang mga mall ay nakahiwalay (bakod) sa iba pang lugar
 Bukod: iba’t-ibang uring panlipunan depende sa mall at sa mga tindahan sa loob mismo ng
mall
 Buklod: pormasyon ng mga sabjek; etnisistasyon ng global na kultura, multiplikasyon ng
mga uri sa mall
Referens:

 Saliksik Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina. 2019. San Juan, DM, et al


 Globalisasyon, Kultura at Kamalayang Pilipino. 2007. Mabaquiao, NM

You might also like