You are on page 1of 5

A.

Bakod, Bukod, Buklod

Maituturing naman na sangangdaan ng ilang konseptong Marxistang at ng mga


konseptong pangsariling atin ang pagdadalumat ni Morales-Nuncio (2012) sa konseptong
Bakod/Bukod/Buklod sa aklat na Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang
Espasyo at Biswal mula sa Tabuan hanggang SM City North EdSA. Batay sa aklat na ito,
ang mga mall ay pisikal na nakahiwalay (may bakod) sa iba pang lugar, at may figurative
din na bakod- ang paghihiwalay sa may kakayahang mag-mall at sa walang pambili ng
produkto rito, kaya nagbubukod din ang mall. Nagbubukod-bukod sa iba’t ibang uring
panlipunan depende sa mall at sa mga tindahan sa loob ng mall mismo. Makikitasa
talahanayn 3.1 na nagbubuod sa pagdadalumat na ito na itinala sa tesis na “Konseptong
Bakod, Bukod at Buklod sa SM The Bay, Mallof Asia ni Valerie Lopz (2015)

Bakod- karaniwang iniuugnay sa salitang pader at nagpapahayag ng pagiging sarado. Ito


ay naririnig natin sa ganitong paraan, “mataas ang bakod ng kanilang bahay.”

Bukod - sa literal na salita, kadalasan ang ibig-sabihin ay ihiwalay tulad ng simpleng


pagsabi ng “ibukod mo ang mga puti sa may kulay” o “Ibuklod mo ang mga lalaki sa
babae”

Buklod – ito ay may kahulugang pamigkis na nangangahulugang pagkakasama o pakiki-


isa na naririnig nating “ito ang wikang magbubuklod ng bansa

Malling - “Ang malling ay nagsaad ng paghihiwaly, pagsasara at pagkakaisa.”

Malling sa usaping Bukod, Bakod at Buklod

Sa itsura pa lang ng isang mall ay nagpapahiwatig na ito ng isang saradong lugar. Ngunit
pati sa loob nito ay isang malaking lugar ng mga bakod. Maraming iba-ibang maaring
mapuntahan kung saan kaunti lamang ang nakakapasok sa bakod na ito. Ang mga high class na
tao na lamang ang may kakayahang magtagal sa kahariang bukas sa lahat ngunit hindi para sa
marami. Samakatuwid ang bakod sa usaping malling ay hindi lamang pisikal na sagabal ngunit
isa rin itong sagabal sa pagbubuklod-buklod ng mga tao kung kaya’t nagkakaroon ng
pagbubukod sa mahihirap at sa mga mayayaman.
Subalit hindi lamang kamalian ang maaring matunghayan sa malling dahil hindi naman
lahat ay may maling intesyon sa kapwa tao. Ang bakod ay nagsisilbing proteksyon pisikal man o
emosyonal na pangangatawan ng tao. Pisikal dahil kaya nitong protektahan sa mga maduming
hangin at maiiniit na panahon. Emosyonal dahil ito ay nagbibigay ng buhay sa mga taong may
mga hinanakit sa kanilang puso na kung saan ang pagmomall ay nagbibigay saya at ginhawa.
Ang kabutihang dulot ng pagbubukod sa malling ay mabilis na mahanap ang mga bagay bagay
dahil ang magkakaparehong gamit ay nasa iisang sector o lapag lamang. Ang malling ay
napagbubuklod ang mga tao sa iisang okasyon lalo na kapag may sale event ang mall. Hindi
lamang sa sale event natutunghayan ang pagbubulod ng mga tao kundi pati na rin sa mga mall
show.

Gayunpaman, ang pagiging maka – isa ng mga mamamayan ay naipapakita sa mall lalo
na kapag ito ay patungkol sa mga gawaing makabayan o hindi kaya nakaka-aliw tulad na lamang
ng panonood ng basketball o hindi kaya ay ang pag atenda ng samba sa loob ng mall. Kung
gayon, ang malling sa usaping bakod bukod at buklod ay may kamalian mang dulot ay meron pa
rin itong kabutihang dulot sa pagpapamalas ng interaksyon ng tao sa syodad Sapagkat, iba-iba
man ang dulot nito sa tao, ay nakadepende pa rin sa lahat kung paano nito tatanggapin at
isasakilos ng tao.

Bakod- Karaniwang naiuugnay sa salitang pader at nagpapahayag ng pagiging sarado na, maaaring
gawa sa kahoy, bato, lupa, o halaman. Kadalasan ito ay naririnig natin sa ganitong paraan, “mataas ang
bakod ng kanilang bahay.”

Halimbawa: (Malalim na pagpapakahulugan)


 Patakaran ng segregasyon batay sa dibisyon ng mga uri sa lipunan.
 Mga bakas ng espasyo ng dating pamilihan.
 Bakuran ng mall na ipinahihiwatig ng biswal at pisikalna kinalalagyan nito sa siyudad.
 Pananda ng kaunlaran at konsumeristang lipunan habang ballot ng suliranin at kahirapan
ang labas ng mall.
 Katulad sa mall, kapag ikaw ay nagpunta ng CR pagtapos mo pumasok sa loob ay isasara
mo ang pintuan. Ang pintuan ang nagsilbing “bakod” upang walang pumasok pansamntala
habang ikaw ay nasa loob.
 Kapag nag-sasara na ang mga department store o ang mismong mall, ginagamit nila ang
“storefront security gates” bilang isang panharang o bakod upang maiwasan makapasok ang
mga magnanakaw sa pagpuslit ng ano mang mga kagamitan galling ditto,

Bukod - Sa literal na salita, kadalasan ang ibig-sabihin ay ihiwalay tulad ng simpleng pagsabi ng
“ibukod mo ang mga puti sa may kulay” o “Ibuklod mo ang mga lalaki sa babae”.

Halimbawa: (Malalim na pagpapakahulugan)


 Epekto ng pagbabakod ang pagbubukod.
 Nailulugar sa ganitong pagbubukod ang sentral at laylayang kinalalagyan ng mga tao at ang
maselang epekto nito sa konstruksiyon ng kanilang identidad at lokasyon ng kanilang
kapangyarihan.
 Ang mga palikuran sa mall, kung ating titignan nakabukod ang palikuran ng mga babae sa mga
lalaki, at kung minsan meron din para sa mga PWD.
 Sa mga department stores, nakabukod bawat kategorya ang ating mga bilihin. Nakabukod ang t-
shirts sa mga long-sleeves, ang pantalon sa mga shorts, ang mga sapatos sa mga medyas.
 Habang sa mga grocery stores, nakabukod ang mga karne ng mga manok sa baka, nakahiwalay ang
mga gamit panlinis sa mga pagkain (minsan na sa bandang likod pa). kapag naglalagay tayo sa cart
ng mga bilihin, binubukod/hinihiwalay natin ang ga pagkain sa mga sabon upang hindi ito
mangamoy o mahaluan ng kemikal o lasa na maaring makasama sa atin.
 Kapag papunta namann tayo sa pag-checheck out, nakabukod ang lang ng mga senior citizens,
PWD, mga may big-carts, or basket lang ang gamit.
 Kapag tayo ay magbabasura na ating mga pinagkainan, ihinihihiwalay natin ang plastic sa mga
naububulok at recyclable.

Buklod – Ito ay may kahulugang pamigkis na nangangahulugang pagkakasama o pakiki-isa na


naririnig nating “ito ang wikang magbubuklod ng bansa.

 May epekto ang pagbabakod, pagbubukod sa pagbubuklod ng mga uri ng tao sa mall at sa lipunan.
 Mula sa biswal at spatial sa kayarian, naikakahon ang gender, pananaw-mundo, at uring panlipunan
ng mga tao.
 Namumutawi ang etnisitasyon ng mallang pagkakakilanlan sa identidad- Pilipino at ang global na
pagkilos ng umahen nito sa iba’t ibang panig ng bansa at lokalidad.
 Sa pamamagitan ng imitasyon, kompetisyon, at distinksyon ng mga uri nagiging dinamiko ang
konsyumer/ shopper/ maller.
 Sa malling nagkakaroon ng pagkakaisa o pagbubuklod dahil dito ang lugar kung saan na mamasyal
ang mga mag-papamilya, magkakaibigan, at mga magkakanak kung saan sila ay nagba-bonding
mamili, magsalo-salo, manuod ng sine, at iba pa.
 Ma mga mall din na may simbahan so loob nito, nagkakaisa at sabaysabay ang mga tao sa
pagsamba sa Panginoon.
 Ang pagmo-mall ay pwede sa lahat, kahit ano pa ang kasarian, edad, lengwahe, at relihiyon mo.
Tayo ay pumupunta ditto upang magrelax, mamasyal, bumuo ng mga bago at masayang alala
kasama ang mga mahal natin sa buhay.

You might also like