You are on page 1of 19

MG A MI Y E MBRO:

A l exi s B a l donado
S te phani e B ayl o n
I r i s C a gbaba nua
Da ni ca C atapang
Kaye C h armai ne G u i l l e r mo
Mi ca el a R a e Ma ñ aga
Rowe na Mi c u a
A n ge l i ca Pa n gani ban
FILIPINOLOHIYA: KALAGAYAN NG
KAHALAGAHAN BATAY SA
SITWASYONG PANGKULTURA,
PANGWIKA AT PANLIPUNAN SA
PILIPINAS AT IBANG BANSA
ANG FILIPINOLOHIYA
BATAY SA LIPUNAN
REALIDAD NG LIPUNANG PILIPINO
Noong 1896, sumiklab ang giyerang Pilipino-Espanyol. Nakilala ito
sa kasaysayan ng bayan na “sigaw sa Pugadlawin.” Nagtagumpay
ang Katipunan (kilusang mapagpalaya) sa himagsikang nilahukan
ng mga alipin. Idineklara sa Kawit, Kabite ang kalayaan ng mga
Indiyo—1898. Sa kabuluhang sosyo-pulitikal ang deklarasyon ng
kalayaan ay nagbigay buhay sa konseptong BANSA ng Pilipinas at
pagkabayan ng mga Pilipino.
Sa sosyolohiya, may kasabihan: walang taong isang pulo. Samantala
sa wisyo ng bayan isinasaad naman na ang sakit ng kalingkingan ay
iniinda ng buong katawan. Ang dalawang pilosopiyang sosyolohikal ay
maganda sa teorya (larangan ng mga ideya) ngunit paandap-andap na
liwanag na lamang, kung baga sa ilaw, kapag iniugnay sa buhay ng
lipunang Pilipino sa kasalukuyan. Dulot ito ng kaisipang makasarili na
nakabaon sa kamalayang panlipunang nakukulapulan ng oryentasyon
at simulaing kapitalismo at pyudalismo. Bago iba ako muna. Ito ang
nangingibabaw na diwa sa kamalayang panlipunan. Ang nabanggit na
diwa ay sinusuhayan pa ng paano naman ako?
ANG FILIPINOLOHIYA
BATAY SA WIKA
ANG PAGGAMIT NG DAYUHANG WIKA AY
SAGABAL SA PAGTUTURO
Ang wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pagkatuto at sa pag-
iisip dahil dapat munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at
mga bagong balangkas ng pangungusap. Nahihirapan siyang ipahayag ang
kanyang mga saloobin at ito’y bumabaog sa kanyang pag-iisip. Kaya, makikita
natin na marami sa ating mga kababayan ang hindi sanay mag-isip ng malalim.
Hindi natin ganap na nauunawaan ang mga aklat at peryodikong nakasulat sa
Ingles. Hirap na hirap tayong mag-usap sa wikang Ingles pero hindi rin tayo
makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ganap natin itong
napabayaan.
ANG SULIRANIN NG WIKA
Sa alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng
katutubong wika sa edukasyon.
Matagal nang nakikinikinita ni Rizal ang nakalulunos na
bunga ng kolonyal na edukasyon at sa pamamagitan ni
Simon, sinabi niyang:
“ Hinihingi ninyo ang pantay na karapatang mapa-Kastila, ang inyong mga
kaugalian, at hindi ninyo nakikita na ang inyong ipinaninikluhod ay isang
pagpapatiwakal, isang pagdurog sa inyong kabansaan, ang pagpuksa sa inyong
Inang Bayan, ang pagdakila sa paniniil! Ano ang kahihinatnan ninyo sa araw ng
bukas? Isang bansang walang kakanyahan, isang bayang walang kalayaan—
lahat ng taglay ninyo’y pawang hiram lamang, pati na ang inyong mga
kapintasan!... Anong paggagamitan ninyo sa wikang Kastila, kayong iilan na
nakapagsasalita nito? Maglalaho ang sarili ninyong pagkatao, paaalipin kayo sa
utak ng iba, at sa halip na palayain ang inyong sarili ay masasadlak kayo sa
ganap na pagkaalipin! Siyam sa bawat sampu sa inyo na nagkukunwaring mulat
ay mga taksil sa inyong bayan! Siya na nagsasalita sa wikang iyon ay malilimutan
ang kanyang sariling wika hanggang sa hindi na niya alam kung paano ito
gagamitin sa pagsulat at hindi na niya ito nauunawaan, at ilan na ang nakikita
kong nagkukunwaring hindi nila alam kahit isang kataga man lamang nito!”
PAGKUKUMPARA NG WIKANG FILIPINO
SA WIKANG INGLES
Pagiging Unibersal ng Wika

Kailangang maintindihan ng mga tao na ang ating wika ay hindi unibersal tulad ng
wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino, hindi pa rin ito
magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan ng ibang tao mula sa
ibang bansa. Subalit mali na buuin ang pananaw na ang edukasyon ng mga Pilipino
ay hindi maaaring maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa
kahusayan sa paggamit ng Ingles. Ang intelektuwalisasyon ng Filipino ay hindi
magiging kasinglawak ng sakop tulad ng sa wikang Ingles. Gayunpaman, marapat
lamang na sa sarili nating bayan ay maitaguyod ang pagkilala, at paglinang sa sarili
nating wika.
ANG FILIPINOLOHIYA
BATAY SA KULTURA
Ang mga kahinaan ng sistemang pang-edukasyon ang naging
dahilan ng pagkawala ng mga makabayang adhikain. Ang mga
Amerikanong pelikula at komiks, mga pahayagang Amerikano, ang
pag-aaral ng libre (fellowship) sa Estados Unidos, ay nakatulong
sa pagiging halos Amerikano ng ating pananaw. Hindi
makapangingibabaw ang kulturang Pilipino kapag hinayaan ang
pagbaba ng mga pangkulturang babasahin at panooring galing
Kanluran na tumatabon sa mga maliit nating pagsisikhay na
maisagawa ito.
“Ang kasaysayan ng Pilipinas ay
kailangang isulat muli batay sa
pananaw ng isang Pilipino.”
SISTEMA NG PAG AARAL
NG FILIPINOLOHIYA SA
IBANG BANSA
SISTEMA NG PAG AARAL NG
FILIPINOLOHIYA SA IBANG BANSA
NOON NGAYON
• Hindi gaanong pinahahalagahan ang pag aaral at • Binibigyang halaga na ng ibang mga bansa
pagkakakilanlan ng Filipinolohiya sa ibang ang pag aaral at pagkakakilanlan ng
bansa. Filipinolohiya.
• Ang tanging dahilan ng mga dayuhan sa • Patuloy ang pag aaral ng mga dayuhan sa
pagpunta ng Pilipinas ay para lamang sakupin kultura at wika ng mga Pilipino.
ito. • Kalat na sa iba’t ibang bansa ang
• Hindi makabuluhan para sa mga dayuhan ang pagkakaroon ng kasarinlan at kapayapaan
pagkakaroon ng kasarinlan ng bansang Pilipinas. ng mga Pilipino.
• Kahit may sariling wika, kultura at may kaalaman • Nabibigyang halaga na ang ating sariling
sa lipunan ang mga Pilipino ay mangmang, wika at kultura sapagkat Malaya na tayo sa
indio, busabos at walang karapatan pa din ang pagkakasakop ng ibang bansa.
tingin ng mga dayuhan sa mga ito.
GAANO PINAHAHALAGAHAN
ANG FILIPINOLOHIYA SA ATING
BANSA AT SA IBANG BANSA
BATAY SA SITWASYONG
KULTURA?
SA PILIPINAS

Pagtuturo at pagsasabuhay sa bagong henerasyon ng mga kulturang


Pilipino,kaugalian,paniniwala,kaisipan at iba pa.
Pagbibigay suporta sa mga aktibidad tulad ng mga kumbensyon na tumatalakay
sa Pilipinong Kultura
Pagbibigay ng oras matutunan ang mga kulturang Pilipino hindi lamang sa
paaralan kundi pati sa tahanan
MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAMAMATAY
ANG KULTURA
Kolonyal na mentalidad

Ang tinatangkilik lamang ang gawa at produktong dayuhan

Ang mga kabataan ay nahuhumaling sa teknolohiya kung kayat wala silang


panahon upang unawaing mabuti ang ating kultura
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG

You might also like