You are on page 1of 92

FILIPINO BILANG

LARANGAN AT
FILIPINO SA IBA’T
IBANG DISIPLINA
PAGLINGON SA MGA
NAGLAGAK NG
MUHON 2
Pinagsisimula kay Rizal ang kamalayang Pilipinista, at
kaakibat nito’y ang artikulasyon ng pag-aaral at pagkilala
ng/sa sarili bilang integral at pundamental na bahagi ng
kabansaan . Taong 1887 pa lamang (isang dekada at
dalawang taon bago pasinayaan ang Republika ng Pilipinas
sa Malolos), ay naipahayag na ni Rizal kung ano ang dapat
na maging tunguhin ng mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas:
pag-aaral nating mga Pilipino tungkol sa atin at para sa
atin. Lalong lilinaw ang tunguhing ito nang mabigo ang
proyekto niyang maitatag ang isang internasyonal na
samahan ng mga Pilipinista, ang Association
Internationale des Philippinistes (AIP) sa Europa noong
1889. 3
Napagtanto niyang wala nang ibang tunay na maaaring magmalasakit sa
bayan kundi ang sarili ring mga kababayan. Aniya, ang pag-aaral sa Pilipinas ay
dapat maging “isang pag-aaral…ng kaniyang mga anak sa konteksto ng kaniyang
kaisahan at identidad”. Kahibla ng pagsasabansa hindi lamang ang paglaya sa
anumang opresyon kundi lalo’t higit ang pag-unawa sa sarili (self-understanding)
at sariling pagtatakda (self-definition) (305). Ang “sariling” ito ang tinutukoy na
“loob” ng lipunan at kalinangang Pilipino. Sinimulang tunghayan ni Rizal ang “loob”
na ito sa dalawa niyang pangunahing hakbang matapos mabigo ang planong AIP.

4
Una: Kinomentaryuhan niya ang Sucesos de las Islas ni Antonio de
Morga (1609) bilang pagkilala sa mahalagang papel ng pag-aaral ng
kasaysayan upang lubos na maunawaan ang sarili.
Ikalawa: Sumapi siya sa La Solidaridad—samahan at pahayagan ng
mga Propagandistang nagsusulong ng repormang sosyo-politikal para
sa Pilipinas. Sa huli, kinilala niya ang halaga ng “pakikipag-usap” at
pakikiisa sa mga kababayan bilang integral na bahagi ng “Sarili.” Kung
gayon, mababanaag sa mga sinabi ni Rizal sa itaas ang birtud ng
katutubong kawikaang “Sa atin manggagáling ang ating ikagagalíng;
sa atin din magmumula ang ating ikasasamâ.” 5
1989
Itinatag ang “Pilipinolohiya” sa UP Dalubhasaan ng Agham
Panlipunan at Pilosopiya (DAPP o CSSP) bilang isang eskuwela ng
kaisipan at programang doktoradong nagpunyaging bumalikwas
mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma,
kaisipan, at metodolohiya ng noo’y “maka-Amerikanong Philippine
Studies”. Pinuna ang umiiral na “Philippine Studies” bilang isang
“araling pang-erya” (area studies) na tumitingin sa Pilipinas bilang
isang larang lamang ng “unibersal” na paksain sa panahon ng Cold
War.
6
PILIPINOLOHIYA

Ipinakahulugan ito bilang “pagsusuri sa


mga Pilipino at bagay-Pilipino mula sa
labas” at hindi katakatakang “para sa mga
espesipikong interes at problema ng mga
taga-labas”.
7
Kung tutuusin, mas maaga pa,
naipahayag na ng noo’y presidente ng UP,
Carlos P. Romulo, sa kaniyang talumpati sa
pulong ng University Council noong 18 Agosto
1966, ang pangangailangan para sa
nasyonalisasyon ng kaalaman. Aniya:
8

By 1970, the University must be prepared to offer a full-
scale program of graduate and post-graduate studies,
and the program itself conducted by Filipino teachers
and experts. This calls for nothing less than the
nationalization, as it were, of knowledge. Expertise and
competence need not be exclusively based, for us, in
American universities, but should be made available
here, promoted by Filipino scholarship, Filipino
discipline, Filipino passion for truth.

9
CULTURAL LEADERSHIP
Itinakdang gampanin para sa nasabing Akademikong Taon
bilang “Year of the University and the Nation”. Isa sa mga
kongkretong hakbang tungo rito ay ang institusyonalisasyon
ng ekstensibong programa ng mga kurso sa Philippine Studies
sa layong paunlarin ang kurikulum alinsunod sa
pangangailangang patingkarin ang karakter ng UP bilang isang
“Filipino institution of higher learning...”
10
Kung kaya sa esensiya, wika ni Salazar,
ang indihenisasyon/Pilipinisasyon ay
kilusan sa “pagsasawikang-P/Filipino ng
edukasyon, lalo na sa mga unibersidad sa
pangunguna ng UP”
11
Paano magiging makabuluhan? Ito ang pangunahing
katanungang nag-udyok sa mga Pilipinong iskolar/propesor
upang paglimian ang kaangkupan ng mga teorya at
metodolohiyang mula sa labas. Pag-uugat sa sariling realidad–
kasaysayan, lipunan at kalinangan–ang itinugon. At dahil sa
wika nasasalalay ang artikulasyon ng realidad na ito, nanawagan
sila para sa paggamit ng sariling wika sa pamantasan.

12
AGHAM PANLIPUNANG PILIPINO

Programatikong naratibong
magsisilbing gulugod ng isang
“nagsasariling talastasang
Pilipino”/”talastasang bayan” sa
pamantasan.
13
NAGSASARILING TALASTASAN: ANG KOMUNIDAD
NA PANGKOMUNIKASYON SA AP
▰ May larangan ng talastasan ang AP sa wikang Filipino at may larangan
ng talastasan (at tradisyon) ang AP sa wikang Ingles.
▰ Ang ugnayan ng pakikipagtalastasan ng dalawang larangan ng
produksiyon ng AP sa wikang Ingles at Filipino ay binubuo ng iba’t ibang
anyo ng pagtatagpong berbal at nakasulat (pagsasalin).
▰ makikita na ang iskolarsyip na Pilipino sa wikang Ingles ang
pangunahing daluyan ng mga sangkap ng dominanteng agham
panlipunan na Europeo-Anglo-Amerikano papaloob sa komunidad na
pangkomunikasyon
▰ lumilitaw na rehiyonal na sentro ng Araling T imog-Silangang Asya ang
Pilipino. 14
NAGSASARILING TALASTASAN: ANG KOMUNIDAD
NA PANGKOMUNIKASYON SA AP

▰ Posibilidad ng pagbubuo ng mga larangan ng talastasan sa ibang mga


wikang “trans-rehiyonal” (o mga wikang sinasalita sa higit sa isa o sa
pagtawid ng mga rehiyon sa Pilipinas) katulad ng Cebuano (d) at
Ilokano.
▰ Ang pangunahing wikang nagagamit ng mga Cebuano at Ilokano (at
maging ng iba pang mas maliliit na wika) sa akademikong konteksto ay
Ingles o Filipino.
▰ maaaring magsilbi ang Filipino at Ingles bilang mga magkapantay na
“conference language” sa mga komunikasyon at talastasan kung kaya’t
mas inaaasahan na ang mga ito ang magiging mga wikang pantawid sa
pagitan ng Cebuano at Ilokano. 15
NAGSASARILING TALASTASAN: ANG KOMUNIDAD
NA PANGKOMUNIKASYON SA AP

▰ Kasalukuyang 24 ang opisyal na wika sa European Union ngunit tatlong


“conference language” lamang talaga ang ginagamit: Ingles, Pranses, at
Aleman.
▰ Ang mga wikang trans-rehiyonal lamang na ito ang masasabing
kasalukuyang may sapat na populasyon, rekurso, at tradisyon upang
praktikal na makapaglunsad ng ganitong proyekto bilang mga wikang
akademiko sa AP sa mga pamantasan sa Kabisayaan at Ilocos.
▰ Dapat idiin muli na ang mga wikang akademiko na pinag-uusapan dito ay
nangangailangan ng institusyonalisasyon, istandardisasyon, at mahusay
na interkomunikasyon na, kahit pa alinmang bansa sa daigdig ang
tingnan, hindi talaga magagawa para sa lahat ng wika. 16
NAGSASARILING TALASTASAN: ANG KOMUNIDAD
NA PANGKOMUNIKASYON SA AP

▰ Gayunpaman, nababawasan ang kompleksidad ng sistema dahil hindi “fully connected


network” ang nasa representasyon. Dulot ito ng posibleng pangkalahatang paggamit ng
mga wikang Filipino at Ingles bilang mga wikang pantawid.
▰ Upang mapatatag ang multilingguwal (o kwadralingguwal) na kabuuang ito,
kakailanganin ang mga sumusunod:
▻ (a) mga sistema ng pagsasalin (hindi lamang ng mga pamagat at abstrak kundi ng
buong mga artikulo at akda);
▻ (b) pagbubuo ng pisikal at digital na mga database ng mga pananaliksik at
materyales; at
▻ (c) mga pormal na programa ng pag-aaral ng wika upang mapalawak ang mga
kakayahang pangwika ng mga iskolar ng AP. 17
NAGSASARILING TALASTASAN: ANG KOMUNIDAD
NA PANGKOMUNIKASYON SA AP

▰ Ang papatindi at papahigpit na integrasyon ng lahat ng mga bahagi ng


komunidad na pangkomunikasyon ay maaaring humantong sa isang yugto ng
estabilidad at katatagan ng awtonomo, at bukas na talastasan sa AP na
magtitiyak ng mas pangmatagalang institusyonalisadong pag-iral ng AP sa
Pilipinas.
▰ Ang kabuuang komunidad na pangkomunikasyon na ito ay ang paraan ng
pagsasarilingatin ng samu’t saring kaalaman tungkol sa ating mga sarili bilang
isang bansa.
18
Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino
bilang mga wikang akademiko at intelektuwal

▰ Maunlad na paggamit ng Bahasa Indonesia sa mga talastasan sa agham


panlipunan at “Araling Indonesia” sa Indonesia
▰ Malayo na ang naabot ng Bahasa Indonesia, hindi lamang bilang wikang
pambansa na halos “milagro” (kasus ajaib) ang nakamit na tagumpay, kundi bilang
isang seryosong wika ng intelektuwal at akademikong produksiyon.
▰ Ilang datos:
▻ Ayon sa Index Translationum ng UNESCO, ang Indonesia ang ika-50 sa lahat
ng mga bansang may bilang ng mga salin na 4,384 mula 1979 hanggang
2015.
▻ Sa Pilipinas, 437 lamang ang mga librong isinalin sa parehong panahon.
▻ Itinanghal ang Indonesia bilang Guest of Honor sa 2015 Frankfurt Book Fair. 19
Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino
bilang mga wikang akademiko at intelektuwal

▰ Upang masukat ang antas ng integrasyon ng komunidad na pangkomunikasyon sa


agham panlipunan sa Indonesia hinggil sa isang partikular na paksa ay maaaring
ihambing ang mga wika ng mga nakatala sa mga bibliograpiya ng tatlong librong
pambungad sa kaisipan ni Karl Marx.
▰ Marx sa wikang Aleman: 20% ang nasa ibang wika (i.e., Ingles); 9% lamang ang
mga salin sa wikang Aleman; may 71% ng mga akdang binanggit ang orihinal na
nasa wikang Aleman.
▰ Sa wikang Pranses ni Étienne Balibar: La philosophie de Marx (1993): 4% ang
binanggit na akdang nakasulat sa ibang wika (i.e., Italyano at Aleman); 25% ay mga
salin na mula sa iba’t ibang wika patungong Pranses; Orihinal sa Pranses ang 71%
ng mga binanggit na akda.
20
Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino
bilang mga wikang akademiko at intelektuwal

▰ Akda ni Andi Muaiyah Ramly na pinamagatang Karl Marx: Materialisme Dialektis


dan Materialisme Historis (2004) ; 51% ng kabuuan ay nasa ibang wika (i.e.,
Ingles); 20% ay nakasulat nang orihinal sa Bahasa Indonesia; ang ibang natitira ay
mga salin mula sa iba’t ibang wika.
▰ Kapansin-pansin din sa halimbawang ito ang pambihirang antas ng integrasyong
monolingguwal ng gawaing intelektuwal ng Pransiya, na maaaring siyang modelo
at ideyal ng habambuhay na pagsisikap ni Salazar na maglatag sa Pilipinas ng
nagsasariling talastasan.
▰ Kapansin-pansin din ang relatibong mataas na antas ng panloob na integrasyon
nang naaabot ng akademikong komunidad na pangkomunikasyon ng Bahasa
Indonesia sa agham panlipunan at Araling Indones kumpara sa kasalukuyang
kalagayan ng AP. 21
Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino
bilang mga wikang akademiko at intelektuwal
▰ Tungo sa iba pang halimbawa, kapuna-puna na sa akda ni James Francis Warren
na Iranun and Balangigi: Globalization, Maritime Raiding and the Birth of Ethnicity
(2002), wala ni isang akdang binabanggit sa bibliograpiya na nakasulat sa
alinmang wika sa Pilipinas
▰ Kung tutuon naman sa panloob na integrasyon ng AP sa kontekstong Pilipino
lamang, magandang ilahad sa bahaging ito ang ilang datos hinggil sa paggamit ng
wikang Filipino sa mga digri ng MA at Ph.D. sa AP sa Asian Center (AC) at sa
Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) (UP Diliman).
▰ 12% ng mga tesis/disertasyon sa AC ang nakasulat sa Filipino samantalang 73%
naman ang sa KAL.
▰ Ang mga akda na nakasulat sa wikang Filipino sa mga tesis/disertasyon sa AC ay
napakaliit na 2% lamang samantalang ang sa KAL ay 13.8%
22
Paghahambing sa Bahasa Indonesia at Wikang Filipino
bilang mga wikang akademiko at intelektuwal

▰ (66%) ng mga tesis/disertasyon sa AC ay walang kahit ni isang akda sa wikang Filipino


na nakalista sa bibliograpiya samantalang 12% naman ang bilang ng sa KAL.
▰ Ang 33 masteradong tesis/disertasyon ng AC na walang banggit na akdang nakasulat
sa Filipino ay nakasulat lahat sa wikang Ingles.
▰ Halos walang diyalogong nagaganap sa iskolarsyip sa wikang Filipino.
▰ Mapalalakas ang kabuuang integrasyon ng sistema ng produksiyong intelektuwal na ito
hindi sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga “mentalidad” na kailangang pagkaisahan.
Sapat na ang pagkakaisa sa usaping pangwika.
▰ Maaaring imungkahi ang pagbubukas ng talastasan hindi lamang sa loob ng iisang
partikular na wika kundi maging sa pagitan ng mga wika. Kaya marahil, imbes na
“talastasan” ang pag-usapan, ay mas angkop ang ideya ng multilingguwal na
“komunidad na pangkomunikasyon”. 23
Sa agham panlipunan, tatlong nasyonalistang iskolar
ang naglagak ng pundasyon ng “Pilipinisasyon”:
1. Virgilio G. Enriquez ng UP Departamento ng
Sikolohiya
2. Prospero R. Covar ng UP Departamento ng
Antropolohiya
3. Zeus A. Salazar ng UP Departamento ng
Kasaysayan. 24
VIRGILIO ENRIQUEZ

Nanguna sa paggamit ng
sariling wika bilang midyum
ng pagtuturo sa pamantasan
noong 1965.

25
SIKOLOHIYANG PILIPINO

“Sikolohiyang bunga ng karanasan,


kaisipan at oryentasyong Pilipino” (6) at
“sikolohiyang malaya”/ ”mapagpalaya”
(Liberation Psychology).

26
DALAWANG TUNGUHIN NG PAGDADALUMAT

(1) “Indihenisasyon mula sa loob,” i.e., paggamit ng


sariling kultura bilang bukal ng kaalaman at mga
konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng
pananaw-sa-daigdig ng mga Pilipino
(2) “Indihenisasyon mula sa labas,” i.e., pag-aangkin ng
mga konseptong mula sa banyaga sa pamamagitan ng
pagsasalin, pag-aandukha at kultural na asimilasyon ng
mga ito sa karanasan ng mga Pilipino
27
PANTAYONG PANANAW

▰ Pangunahing ambag ni Zeus Salazar sa


larang ng Pilipinong pagdadalumat.
▰ Sentral dito ang sariling wika bilang
pangunahing tagapagpahayag ng nasabing
kabuuang pangkalinangan
28
Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa
Pantayong Pananaw
▰ May iba’t ibang diin, lalim, at direksiyon
▰ Nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at paguugnay ng mga katangian,
halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan
ng isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag
sa pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling
talastasan/diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan.
▰ Sa lahat ng mga wikang Pilipino, matatagpuan ang mga konseptong katumbas
ng sa Tagalog o P/Filipinong “kayo”, “kami”, “sila”, at “tayo”. Tinutukoy nitong
huli ang nagsasalita at ang lahat ng kausap, kasama kahit na iyong wala subalit
ipinapalagay na kabahagi sa kabuuang kinabibilangan ng nagsasalita at mga
kausap. 29
Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa
Pantayong Pananaw

▰ Isang wikang nauunawaan ng bawat isa.


▰ Sistemang sarado o closed circuit—isang “nakapinid na pag-
uugnayan/pakikipag-ugnayan” ng isang lipunan-at-kalinangan ay may
“pantayong pananaw” lamang kung ang lahat ay gumagamit ng mga konsepto
at ugali na alam ng lahat ang kahulugan, pati ang relasyon ng mga kahulugang
ito sa isa’t is.
▰ Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang code o “pinagtutumbasan ng mga
kahulugan”
▰ Mahalaga (at pundamental pa nga) rito ang pagkakaroon ng iisang wika bilang
batayan at daluyan ng pang-unawa at komunikasyon. 30
Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa
Pantayong Pananaw

▰ May pagkakahawig ang nosyon ng iskolar na Malaysian na si Syed Farid Alatas


(2006) ng “awtonomong agham panlipunan” sa isinusulong ni Salazar na
“nagsasariling talastasan/diskurso”.
▰ Ibinalangkas ni Alatas ang mungkahi bilang isa sa mga tunguhin ng
“pagsasakatutubo” (indigenization) ng agham panlipunang may “kabuluhan”
(relevance) para sa sariling bansa at kultura.
▰ Ang tradisyon sa agham panlipunan na nagsasarili bilang yaong
independiyenteng nagpapalitaw ng mga problema, lumilikha ng mga konsepto,
at mapanlikhang gumagamit ng mga metodolohiya samantalang hindi
intelektuwal na nadodomina ng ibang tradisyon.
31
Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa
Pantayong Pananaw

▰ Nakikita ni Alatas ang tradisyong “natibista”(sa kabila ng paghahanay din niya rito bilang isang uri
ng “alternatibong diskurso”) bilang isang reaktibong pagbabaligtad lamang ng Eurosentrikong pag-
iisip at hadlang sa isang ganap na nagsasariling agham panlipunan.
▰ Iginigiit niya na dapat seryosong harapin ang mga “hindi-Kanluraning” batis ng mga ideya at
konsepto sa agham panlipunan kasabay ng tuloy-tuloy na pagkritika at pagsusuri ng kabuluhan ng
mga konsepto mula sa Kanluran.
▰ Gumamit si Alatas ng balangkas na neo-Marxista upang magagap at maunawaan ang penomenon
ng dominasyon ng Kanluran sa pandaigdigang agham panlipunan.
▰ Maibubuod sa gayon ang awtonomo o nagsasariling agham panlipunan batay sa sumusunod na
mga katangian: (1) lumilikha ito ng sariling mga teorya, konsepto, at metodo ng pananaliksik; (2)
lumilikha ito ng sariling mga problema at adyenda ng pananaliksik; at (3) kritikal itong humahalaw
ng mga konsepto, metodo, at mga problema mula sa tradisyon ng agham panlipunan ng Kanluran.
32
Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa
Pantayong Pananaw

▰ Importanteng makitang may relatibong pagkakabukas ang PP sa ordinaryong


mamamayan na hindi nag-i-Ingles kumpara sa dominanteng agham panlipunan
sa Ingles.
▰ May relatibong pagkasarado naman ito, hindi lamang sa mga akademikong
nag-i-Ingles, kundi kahit sa mga akademikong nagfiFilipino na itinuturing na
hindi tinatablan o tinutubuan sa kamalayan ng nararapat na “mentalidad”.
▰ nagfi-Filipino nga pero hindi pa rin nakakawala sa mga binabansagang
dayuhang teorya at konsepto o dili kaya’y parang Pilosopo Tasyo na ibang-iba
talaga ang dating ng pag-iisip na taliwas sa “nakararami”.
33
Zeus Salazar: Pakikipagtalastasan sa
Pantayong Pananaw

▰ dahil tila hindi nabigyan ng sapat na pagpapahalaga ni Alatas ang usaping


pangwika sa sariling paglalahad, nagpapakita ng malaking bentahe si Salazar
sa aspektong ito.
▰ masasabing natuklasan ni Salazar ang isang mahalagang anyo at mekanismo
para sa pagbubuo ng isang nagsasariling agham panlipunan na hindi sapat na
nabigyang-pansin ni Alatas.
▰ binansagan ni Lily Mendoza ang PP bilang “communication-based framework”.

34
PROSPERO COVAR

▰ Unang nagtakda ng kahulugan at saklaw ng


Pilipinolohiya
▰ Tagapag-ugnay ng Programang Doktorado sa
Pilipinolohiya ng DAPP noong 1989
▰ nagpanukalang palitan ang pangalang “Araling
Pilipino” patungong “Pilipinolohiya.”
35
DAMBUHALANG PAGKAKAHATING
PANGKALINANGAN (DPP)

▰ “Pinakaproblema” aniya, sa pagbubuo ng bansang Pilipino


▰ Binalangkas ni Salazar ang konseptuwal na duwalismong
kakikitahang muli ng sentralidad ng papel ng katutubong wika sa
diskursong akademiko: “kasaysayan” laban sa
“historía”/”history”/”historya,” “bayan”/”Inang Bayan” laban sa
“nación”/ ”nation”/”nasyon,” “himagsikan” laban sa
“revolución”/”revolution,” “kabihasnan” laban sa “civilización”/
“civilization,” “kalinangang bayan” laban sa “kulturang nasyonal,”
at “bayani” laban sa “héroe”. 36
PROGRAMANG DOKTORADO SA UP DAPP

Proyekto ng pagpapalaganap at
pagpapalalim ng Pilipinolohiya bilang
“pinakahaliging adhikain” hindi lamang ng
kaniyang panunungkulan kundi ng pagbubuo
ng Kabihasnang Pilipino.”
37
KABUUANG KASAYSAYAN

Isinusulong ng Bagong Kasaysayan ang


paggamit ng inter/multi/trans/kros-
disiplinaryong pamamaraan, lihis sa
positibistang tradisyong nakapako lamang
sa empirisismo ng mga nakasulat na
dokumento.

38
PILIPINOLOHIYA

Hinango ito sa dalawang pinagdugtong na salita:


“Pilipino” at “lohiya” na sa kabuuan ay
nangangahulugang “sistematikong pag-aaral” sa tatlong
larangan ng Kapilipinuhan: (1) kaisipan; (2) kultura
(kasama na ang wika, iba’t ibang larang ng sining,
pilosopiya at relihiyon); at (3) lipunang Pilipino.

39
BAGONG PORMALISMONG FILIPINO

▰ Nilinang ni Virgilio S. Almario bilang


isang “malikhain at makabansang
paraan ng pag-aaral sa panitikan”
▰ Ehemplo rin ito ng pag-aangkin ng
pormalistang kritisismo sa kontekstong
Pilipino.
40
ISINUSULONG NG BAGONG PORMALISMONG FILIPINO

1. Umugat at magbigay-daan sa mga “partikular na


problema sa panitikang pambansa”;
2. Magkaroon ng “matalas na pag-unawa sa
kasaysayan ng panitikan at lipunang Pilipino”;
3. “Lumihis sa mga lumang bitag at kanal ng pag-iisip
na dulot ng banyagang edukasyon at metodolohiya.”

41
KAPANTASANG PILIPINO: TALABAN
NG WIKA AT KAALAMAN
SA PROGRAMA NG PHILIPPINE
STUDIES/ARALING PILIPINO/
PILIPINOLOHIYA 42
Ang mga produksiyon ng tesis at disertasyon ang magsisilbing batayang
materyal ng pagsipat. Anupa’t sa mga nasabing produksiyon matutunghayan
ang dalawang uri ng pagbabanyuhay ng nasabing larang: una, ang pagbabago
ng kapookan o rekontekstuwalisasyon nito mula “araling pang-erya” (sa
internasyonal na akademikong komunidad) tungong “Araling
Pilipino”/”Pilipinolohiya”–pag-aaral ng mga Pilipino tungkol sa mga Pilipino
para sa lipunan-at-kalinangang Pilipino; at ikalawa, ang paglinang at paggamit
ng mga kaisipan (konsepto/teorya) at pamamaraan (metodolohiya at praktika)
na tuwirang hinango sa loob ng lipunan at kulturang Pilipino o di kaya nama’y
hinalaw mula sa labas, subalit matagumpay na naangkin ng mga Pilipino.
43
PRODUKSIYON SA ANTAS DI-
GRADWADO:
ANG KARANASAN NG B.A.
ARALING PILIPINO 44
1955
Itinatag ang Bachelor of Arts in Philippine Studies sa noo’y
Institute of Asian Studies (IAS) ng College of Liberal Arts (CLA)
Bilang isang interdisiplinaryong programang idinisenyo upang
makalikha ng lugar para sa mga Pilipino at di-Pilipinong estudyante
na mapag-aralan ang mga institusyon at kulturang Pilipino, nilayon
nitong tugunan ang pangangailangan ng isang “pinagugnay- ugnay
na pag-aaral” (“integrated study”) ukol sa Pilipinas batay sa
humanidade at mga agham panlipunan.
45
1960

itinatag ang College of Arts and Sciences (CAS) o


Kolehiyo ng Sining at Agham (KSA), mula sa dating CLA
upang saklawin ang lahat ng di-gradwadong antas sa
humanidades, agham panlipunan, agham, matematika at
mga wika, upang bigyang-daan ang mga digring Bachelor
of Arts at Bachelor of Science.
46
Sumulong ang programang di-gradwado kakawing
ng mga pangunahing adhikain at paninindigan ng
DPPL. Bukod sa pagbibigay ng abanseng instruksiyon
sa wika at panitikang Pilipino, nilayon ng
departamento na maisagawa rin ito sa “mas malawak
na larang ng Philippine Studies.”4 Muling
pinangalanan ang departamento noong 1976 bilang
Department of Filipino and Philippine Literature
(DFPL). 47
ANTAS GRADWADO: ANG
KARANASAN NG MASTER (M.A.) AT
DOKTORADO (PH.D.) SA ARALING
PILIPINO / PILIPINOLOHIYA /
PHILIPPINE STUDIES 48
Ganito ang karaniwang makikita sa pamagat na pahina ng
mga akdang nabuo sa ilalim ng mga programang gradwado:
“Araling Pilipino,” “Araling Filipino,” “Aralin sa Pilipinas,”
“Pilipinolohiya”/”Filipinolohiya6 at “Philippine Studies”—patunay
sa kawalan pa ng estandardisadong pangalan ng programa,
gayundin ng kasalimuotan ng kasaysayan ng pag-unlad nito.
Mababanaag dito ang dinamikong tagisan, tunggalian at
pagsasanib, isang mayamang talaban ng mga kolehiyo at/o
akademikong institusyong kumupkop sa programa sa agos ng
panahon. 49
Philippine Center for Advanced Studies (PCAS)

Naging instrumento ng pagsasanay at paglikha ng mga “kadreng”


magsisilbi sa estado bilang lokal na katumbas ng mga “academic
mandarin” ng Tsina sa panahon ni Mao Zedong. , isang semi-
awtonomong unit sa UP System, bilang “think tank” ng rehimen, at
ipinailalim ang IPS dito. Tampok sa programang doktorado ng PS ang
tatlong pangunahing larangan na maaaring pagkadalubhasaan ng
mga estudyante: (1) Philippine bureaucracy, (2) Philippine external
relations, at (3) Philippine society and culture
50
Pre-Daparture Orientation Seminars (PDOS

Pagsasanay na ito ay bahagi


lamang ng mas malawak na
programa ng “Cultural Liberation
Program” ng PCAS.
51
1974
Itinatag ang programang doktorado sa CAS
sa ilalim ng administrasyon ni Dekano
Domingo Salita. Tiningnan ito bilang isang
alternatibo ng kaguruan ng kolehiyo para
makapagtapos ng kanilang doktorado sa
loob ng bansa.
52
1993
Naaprubahan ng BOR ang “single Ph.D.
Philippine Studies Program” na may iisang hanay
ng “core courses” at rekisitong pang-akademiko
na pinagkasunduan ng tatlong kolehiyo.
Gayumpaman, kaniya-kaniya pa rin sila sa
pangangasiwa ng nasabing programa hanggang
taong 2000. 53
2001
Naglabas si Vice-Chancellor Amelia P.
Guevarra, sampu ng mga dekano ng CAL, CSSP, at
AC, mga tagapangasiwa ng Ph.D. Philippine
Studies ng bawat kolehiyo, at University Registrar
ng borador na pinamagatang “Proposed Merger of
the Ph.D. in Philippine Studies Program.”
54
Programang Philippine Studies/Araling
Pilipino/Pilipinolohiya

Nakikibaka sa deskolonisasyon, kontra-


dominasyon, at pagsasakapangyarihan sa larang ng
pagteteorya at ng kaakibat nitong pagbuo ng
makabuluhang metodolohiya. Mula sa winikang ito,
pinagmumuni-muni tayo kung hanggang saan na nga
ba nakaabot ang mga asersiyon para sa ganap na
Pilipinisasyon ng programa.
55
Dalawang Pangkalahatang
Kalakaran ang Ipinapalagay
na Rekontekstuwalisasyon
at Rekonseptuwalisasyon.
UNA: Ang katutubong pagdadalumat (i.e.,
paggamit at paglinang ng mga taal na
konseptong gumagagap sa partikularidad ng
ating mga karanasan.
IKALAWA: Ang pag-aangkin ng mga
banyagang kaisipan/teorya at metodolohiya.
57
Hindi lamang ito natatapos sa paglaya at pagpapalaya
ng Pilipinong kaisipan, nagsasanga ito tungo sa pagbubuo
ng bansa at pagbabangong dangal ng lahing Pilipino
hanggang maabot nito ang estado ng matatag na
kakanyahang makapag-aambag din sa diwa ng
unibersalismo. Pamaya’t mayang iginigiit na ang
paggamit ng wika-at-kulturang Filipino sa produksiyon ng
kaalaman ang magiging ambag natin sa unibersal na
agham o siyentipikong tradisyon ng sandaigdigan.
58
KONKLUSYON
▰ Ang hinahangad na “ institusyonalisasyon” ng komunidad na pangkomunikasyon ng
AP ay hindi tumutukoy sa iisang institusyon lamang kundi sa pag-uugnayan at
paglalangkapan sa iisang network ng iba’t ibang mga institusyon sa lateral na
antas.
▰ Ang ganitong Sentro ng Araling Pilipino ay makakakalap ng sapat na suporta para
sa mga mag-aaral sa usapin ng iskolarsyip at gawad saliksik at makapagpapatayo
ng kumprehensibong aklatan at mayamang digital resource ng mga materyales sa
larangan ng AP.
▰ magkakaroon ng isang sentro o hugpungan sa pagpapatatag ng komunidad na
pangkomunikasyon ng AP sa pambansang antas; maliban pa rito, may mga linkage
sa iba’t ibang mga sentro ng Araling Pilipino at Araling Timog- Silangang Asya sa
buong daigdig. 59
Mga Isyu at Problemang
Kinakaharap at Kakaharapin pa
ng mga Mananaliksik sa
Pilipinas sa mga susunod na
Dekada at Siglo
MGA HAMON SA INDIBIDWAL NA ISKOLAR
SA LARANGAN NG AP
▰ Dapat pagsikapang balanseng talakayin, suriin, gamitin, at pakinabangan
ang mga naisulat ng mga Pilipino sa larangan ng AP sa wikang Filipino man
o Ingles (o iba pang wika) sa mga sariling pananaliksik.
▰ Dapat pagsikapang hubugin ng bawat iskolar sa AP ang kakayahang
magsulat ng mga pananaliksik, libro, at artikulo sa wikang Filipino
▰ Kailangan ding magsanay sa paggamit ng wikang Filipino sa mga
akademikong forum at talakayang nilalahukan sa Pilipinas.
▰ Sa bahagi ng mga guro, dapat tiyaking may bahagi ng mga babasahin sa
kanilang mga klase na nasa wikang Filipino.
▰ Kapag seryosong isinagawa ng bawat iskolar sa AP makabubuo ito ng
isang critical mass na mahalaga sa patuloy na pag-iral at pagsulong ng AP. 61
MGA HAMON SA INDIBIDWAL NA ISKOLAR
SA LARANGAN NG AP
▰ Malaki pa rin ang bilang ng mga iskolar sa AP na monolingguwal sa wikang
Ingles sa pagbabasa at pagsusulat.
▰ Maraming iskolar na ipinagmamalaking binabasa nila si Michel Foucault
ngunit hindi makatagal sa pagbabasa ng mga akdang akademiko sa wikang
Filipino.
▰ Dapat isaisip na kung ang pagbabasa kay Foucault at iba pa ay
nangailangan ng pagsasanay, ganito rin ang pangangailangan ng
pagsasanay ng sarili sa pagbabasa ng mga akdang akademiko sa wikang
Filipino.
▰ Sa pagsasanay na ito, unti-unting magiging madali at mabilis ang
akademikong gamit sa Filipino 62
1
Lupa, Politika, At Iba Pa

63
Sa sitwasyong napakaraming bahay na walang tao at taong walang bahay,
bukod pa sa mga taong walang lupa at lupang walang tao, tuloy sa buong mundo
ang pakikibaka ng mga kilusang Occupy (Lubin, 2012; Castañeda, 2012). Tipikal
ang taktika ng Movimento dos Trabalhadores Sem Terra (MST) o Kilusan ng Mga
Manggagawang Walang Lupa sa Brazil (Azevedo, 2016) – direktang okupasyon ng
mga latifundia – o hacienda sa konteksto ng Pilipinas – gaya ng ginawa ng mga
magsasaka at manggagawang bukid sa “Bungkalan” sa Hacienda Luisita sa
Tarlac (Bolos, 2005), at ang Occupy Bulacan ng Kalipunan ng Damayang
Mahihirap (KADAMAY) sa Pandi, Bulacan, sa dalawang lalawigan na kasama sa
mga unang nag-aklas sa kolonyalismong Espanyol.
64
2
Araling Pangkalikasan:
Imperatibo sa Pagliligtas ng
Mundo
65
Sa gulo at relatibong “kababawan” ng at/o
labnaw ng diskursong intelektwal sa politika sa
bansa, hindi kataka-takang bihirang mabigyang-
pansin ang iba pang mahahalagang usapin gaya
ng larangan ng araling pangkalikasan.
Humantong na ang mayorya ng sangkatauhan
sa realisasyon na finite, may katapusan at
nauubos ang maraming resources sa mundo.
66
3
Ugnayang Panlabas
at Usaping Panloob
67
Sa pagtalikod ng gobyerno ng Estados Unidos sa mga mahahalagang
internasyunal na kasunduan gaya ng Paris Accord na naglalayong
limitahan ang carbon emissions ng mga bansa, malinaw na ang mga
usaping pangkalikasan ay may koneksyon din sa ugnayang panlabas at
ugnayang multi/transnasyunal. Sa larangan ng international affairs,
kailangang sipatin ang feasibility ng daigdig na wala nang veto power sa
United Nations (UN) Security Council tungo sa sistemang isang bansa,
isang boto. Kailangan na ring paghandaan ng Pilipinas ang realignment
ng mga bansa, batay sa paglakas ng tambalang China-Russia na
nagtatangkang tumapat sa tambalang USEurope-Japan-South Korea-New
Zealand-Australia. 68
4
Paggawa,
Dependensiya, at
Globalisasyon 69
Sa dinami-dami ng negatibong epekto ng Labor Export Policy (LEP), baka
maaaring itigil na ang pagpapadala sa OFWs kung saan-saan? Sundan ang
pananaliksik ni San Juan (2014) hinggil sa LEP at kumustahin ang mga pamilya ng
OFW. Nabawasan na ba ang may ibang asawa at/o ibang pamilya sa ibayong dagat?
Gaano na kalala ang iba pang social cost ng labor export? Gaano na katindi ang
brain drain at deskilling sa bawat propesyon, sa panahong nagkakasambahay sa
Malaysia, Singapore, at Hong Kong ang maraming gurong Pilipino, at nagkukumahog
ding umalis sa bansa ang mahigit 5,000 skilled workers at professionals kada araw
noong 2015, batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration
(POEA).
70
5
Pagsasalin ng Mga Di
Pinangangahasang Isulat
sa Filipino
71
Sa kabila ng mga negatibong aspekto ng globalisasyon, dapat
samantalahin ng mga mananaliksik ang mga positibong epekto nito sa mabilis na
paglaganap at sa (halos) instant availability ng mga makabuluhang akda mula sa
ibang bansa. Dapat nang isabalikat ang pagsasalin o pagpaparami pa ng salin ng
mga sinulat ni Thomas Piketty, Alejandro Lichauco, Ha-Joon Chang, Wolfgang
Streeck, Albert Einstein, Samir Amin, Eduardo Galeano, John Bellamy Foster, Ian
Angus at iba pa upang ma-expose naman sa mga (mas) bagong ideya ang mga
mamamayan ng bansa. Halimbawa, panawagan ni Piketty (2013) sa Capital in the
Twenty-First Century ang global tax on wealth (taunang pagkumpiska sa parte ng
yaman ng pinakamayamang 1% ng populasyon ng mga bansa, bukod pa sa regular
na buwis na binabayaran nila), at iniisip na ni Streeck (2014) sa “How Will
Capitalism End?” ang hindi kayang tanggapin ng mga mayayamang Pilipino.
72
6
Paglilinaw sa Malalabo:
Pagsipat sa Lenggwahe
ng Globalisasyon
73
Sa konteksto ng patuloy na globalisasyon, panahon na rin na i-replicate
ang mga pag-aaral na gaya ng “The Language of Globalization” ni Marcuse na
lumabas noong 2000, gayundin ang “Bankspeak: The Language of World Bank
Reports” ni Moretti at Pestre (2015). Nagbabago ang lenggwahe ng
panlilinlang kaya’t pana-panahon dapat itong pag-aralan. Ang “budget cut” ay
naging “austerity.” Ang “lenders” ay naging “partners,” o “institutions.” Ang
sagad-sagaring “privatization” ay ginawang “PublicPrivate Partnership” para
hindi halatang mas malaki pa rin ang pakinabang ng mga korporasyon kaysa
sa publiko na nirerepresenta supposedly ng gobyerno.
74
7
Matatapang na
Solusyon sa
Malalalang Problema 75
Kung solusyon sa problema, pwedeng subukin ang mga inobasyon sa
geoengineering laban sa climate change, genetic engineering laban sa
kagutuman, at stem cell treatment laban sa mga sakit. Kaugnay ng
geoengineering, sinusubukan na ang pag-spray ng particles sa atmosphere para
madeflect ang ilang porsyento ng init ng araw, gaya ng saliksik ng mga saliksik
ng Cargenie Climate Geoengineering Governance Initiative, Huwag naman
sanang pumalya at magresulta sa global freezing ang sinusubukang solusyon
sa global warming, gaya nang nangyari sa nobelangnaging-pelikulang Le
Transperceneige ni Jacques Lob at Jean-Marc Rochette (1982) o Snowpiercer ni
Bong Joon-ho (2013).
76
8
Wika, Kultura,
Panitikan, At Iba Pa
77
Sa larangan ng wika at kultura, bawat araw, may wikang namamatay dahil
sa homogenisasyong dulot ng modernisasyon at globalisasyon. Ano ang
nawawala sa pagkawala ng mga wika? Idokumento ang lalim at lawak ng mga
wikang nabubura, ang mga konseptong walang katumbas sa mga wikang
dominante, ang sariling paraan ng pagpapahayag ng sarili, pagtukoy sa oras,
paglalarawan sa kalikasan na hindi kayang saklawin at sapulin ng mga wikang
dominante. Tungkulin ng mga mananaliksik na ipreserba ang mga wikang ito sa
abot nang makakaya sa pamamagitan ng pagtatala sa lahat ng maaaring itala, at
idokumento rin ang paghihingalo ng mga wika.
78
9
Pagbabahaginan ng
Kaalaman Tungo sa Daigdig
na Walang Hanggahan
79
Kaugnay ng intellectual property rights, talamak ang
pamimirata ng libro at halos wala namang nagdedemandang may-
akda. Mababait ang mga awtor na Pilipino at marahil ay naniniwala
sa ideya ng sharing. Samantala, todo-demanda ang mga
multinational pharmaceutical firms sa mga Pilipinong generic
brands na nagpoprodyus ng mas murang bersyon ng mga
mamamahaling dayuhang gamot, gaya ng ginawa ng Pfizer sa
Unilab (Pedroche, 2010). Baka panahon nang ipawalang-bisa ang
patent ng mga gamot, kahawig sa kalakaran sa India (Anand, 2015).
80
10
Kritikal na
Perspektiba sa
Pedagohiya 81
Hinggil sa pedagohiya, napatunayan na ni Mangen (2014) ang
superyoridad ng pagbasa ng printed na teksto kumpara sa teksto sa electronic
readers gaya ng Kindle at iPad. Baka magandang ireplicate ito sa Pilipinas.
Kaugnay nito, may mga saliksik na rin na nagpapatunay sa bisa ng aktwal na
note-taking sa retensyon ng impormasyon: “The Pen is Mightier Than The
Keyboard: Advantages of Longhand Over Laptop Note Taking” ni Mueller at
Oppenheimer (2014). Marahil, kasabay ng malalaking reporma ay back-to-
basics din dapat sa pedagohiya. Kaugnay ng pedagohiya, dapat muling pag-
aralan ang implementasyon ng K to 12.
82
11
Kritikal na Perspektiba
sa Relihiyon at
Ekonomya 83
Sa relihiyon, interesanteng pag-aralan ang pagsalansang ng
mga korporasyong kapitalista sa mga doktrina ng mga simbahan.
Halimbawa, ang mga mall na kariringgan ng Angelus sa tuwing
tanghali at alas sais ng gabi ay mga mall na notorious din sa
kontraktwalisasyon – bagamat itinatatwa nila iyon. Corporate social
responsibility laban sa social justice? Charity o social justice?
Maraming masasaliksik sa unique na sitwasyon ng Pilipinas bilang
bansang relihiyoso ngunit mababaw lamang ang pagunawa sa ubod
ng doktrina ng mga simbahan. 84
Samu’t Saring Hakbang
na Dapat Pang
Isakatuparan
85
Bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o
suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng
makabuluhang adyendang pananaliksik sa larangan ng
Araling Pilipinas, marami pang mahahalagang hakbang
na dapat isakatuparan sa ikauunlad ng pananaliksik
mula sa at para sa mga Pilipino.

86
Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-
cite ang pananaliksik ng kapwa Pilipubi. Paano
babasahin ng ibang bansa ang gawang Pilipino kung
hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo?
Nakalulungkot na hindi yata nasanay ang mga Pilipino
na i-cite ang mga kababayan kahit na binasa ang
gawa nila at kasama sa aktwal na sanggunian.
87
Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng narcis.nl ng
Netherlands at diva-portal.org ng Sweden. Sa pamamagitan nito, makatitiyak na
madaling mababasa at maipapalaganap sa buong bansa at sa ibang bansa rin
ang mga panananaliksik ng mga Pilipino. Mahalaga rin kung gayon ang
proyektong national broadband project na may potensyal na makapagpabilis at
makapagpalawak ng serbisyong internet sa buong kapuluan. Maaaring
obligahin ng CHED ang lahat ng unibersidad na magsumite ng digital copy ng
bawat thesis at disertasyon na naisusulat. I-aarkibo ito sa isang website para
madaling mag-search at mag-download.
88
Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na
libreng magagamit para sa mga mass translation projects.
Kailangang lansakang isalin ang mga pananaliksik na
naisusulat sa buong mundo tungkol sa Pilipinas para matiyak
na mapakikinabangan ang mga iyon ng mga Pilipino. Dahil
realidad ang kakulangan ng sapat na mga tagasaling
kompetent, mainam kung may magiging available na translation
software na libreng magagamit.
89
Bigyang-prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas
na edukasyon at ng mga programang gradwado. Dahil ito
ang makapagtitiyak na ang mga mananaliksik at eksperto
sa ating kapuluan ay may kakayahan nang makipag-usap,
makipagtalakayan atbp. sa mga ordinaryong Pilipino na
inaasahang makikinabang sa kanilang mga pananaliksik.
Kaugnay nito, dapat agad magbalangkas ng guidelines ang
CHED para atasan ang mga unibersidad na payagan at
hikayatin ang paggamit ng Filipino sa pananaliksik, lalo na
sa mga tesis at disertasyon. 90
Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng
Departamento ng Filipino at/o Araling Pilipinas. Kung paanong
bawat institusyong akademiko sa Estados Unidos ay may
American Studies Department o Center. Ang mga ganitong
departamento ang magbibigay ng sapat na espasyo at
maglilinang pa sa mga saliksik kaugnay ng Filipino at/o
Araling Pilipinas sa loob ng bansa.
91
THANKS!
SILVA, GLENN ALECSA M.
SISON, MA. BERNADETTE M.

92

You might also like