You are on page 1of 6

DALUMAT NG/SA FILIPINO (GE 12)

Modyul
2
PROYEKTONG
AMBAGAN

Inihanda ni:
MA. LUISA C. JACINTO
Instruktor
DALUMAT NG/SA FILIPINO (GE 12)
Matapos ang aralin, ng mga mag-aaral ay inaasahang:
Introduksyon 1. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng
piling makabuluhang konsepto at teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng
komunidad at bansa.
2. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang
Ang proyektong AMBAGAN ay proyekto ng FIT na ginaganap tuwing ikalawang taon larangan.
mula noong 2009. Ang pinakaunang kumprensiya nito ay ginanap noong ika-5 at 6 ng 3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
Marso 2009 na kinatampukan ng mga panayam ng mga eksperto hinggil sa mga salita mula analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
sa mga wikang Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Ifugao, Kinaray-a, Magindanaw,
Maranao, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog, Tausug, at Waray.

Kumikilala at tumatalima ang proyektong ito sa probisyong pangwika sa Artikulo XIV,


Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng Filipinas na nagsasabing “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa Panimulang Gawain
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

Nagpapanukala ito ng isang estratehiya sa pagpapayaman ng wikang Filipino—ang


paghalaw mula sa kaban ng bokabularyo ng iba’t ibang wika sa Filipinas upang ilahok sa
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
korpus ng wikang pambansa (mula sa Buenaventura, 2013) 1. Sa iyong palagay ano ang kahalagahan ng proyektong ambagan?
____________________________________________________________________
“Anupa’t ang proyektong Ambagan ay isang kongkretong interbensiyon upang
____________________________________________________________________
maisakatuparan ang atas ng Konstitusyon. Ipinahihintulot sa kumperensiyang ito ang ____________________________________________________________________
presentasyon ng mga katangi-tanging salita at karunungang nása mga wikang katutubo at ____________________________________________________________________
wala sa Tagalog/Pilipino. Marami pang ibang paraan. Ngunit kailangang pag-isipan natin. 2. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong ambag sa pagbabago ng mga dalumat-salita sa
Kailangang iproyekto natin. Ito lamang ang paraan upang masunod ang atas ng Konstitusyon. ating wika?
Payamanin natin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga karunungan at karanasang ____________________________________________________________________
nakaimbak sa mga katutubong wika ng Filipinas. Higit kaysa ibang sangkap pangwika, ito ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
ang hinahanap at inaasahan ng Konstitusyon na iaambag natin sa wikang Filipino.”

Pagtalakay
Layunin ng Aralin
DALUMAT NG/SA FILIPINO (GE 12)
Aktibong nagsusumikap ang mga akademista na ipauso o palaganapin ang pag-asimila sa • Mambabakaw – mangunguha o manghihingi ng isda o anumang bagay doon sa
mga salitang katutubo para sa mga salitang katutubo para sa mga salitang walang eksaktong palengke.
katumbas sa Tagalog.

Ating suriin ang mga tekstong walang katumbas sa Tagalog. MGA SALITANG FILIPINO NA KABILANG SA OXFORD DICTIONARY

“Ang Bug-at kang Lamigas


kag Bugas”
Dr. Genevieve L. Asenjo ng De La Salle University taong 2011

• Baliskad – pangalawang pag-aararo para mapino ang nabungkag na tigang na lupa.


• Binati – palayan na naararo na at napatubigan.
• Binangto – sinangag na mais. Low-class home-made popcorn
• Hamod – lupa na mabato.
• Hanalon – napakaitim na lupa.
• Inupong – bugkos ng mga naaning palay.
• Limbuk- bigas na sinangag mula sa bagong aning palay.
• Linas- Sayaw ng paa sa palay upang magkahiwa-hiwalay ang mga butil nito.
• Panudlak – ritwal bago ang pagbubungkal ng lupa at pagtatanim.

Hinggil sa Hanapbuhay
Roberto Añonuevo (2009) – Binangonan, Rizal

Hinggil sa Hanapbuhay
• Bangkis – Paraan ng pagtali na paagapay sa dalawang pinagdurugtong na kahoy o
kawayan.
• Baoy – bawiin ang isang bagay na ibinigay sa isang tao.
• Garautan – kargamento ng biyahero
• Tagapo – pook na pinagkukunan ng kawayan.
Hinggil sa Tao
• Barangkong – binti na malaki ang masel na parang atleta.
• Gurarap – pinaniniwalaang dinalaw ng kaluluwa o multo ang isang tao.Guni-guni
hinggil sa isang bagay na animo’y namamalikmata ang tumingin.
• Halugaygay – larong pambata na pinahuhulaan kung sino ang mga batan nakahanay
habang nag-aawitan.
• Tulatod – pinakabao ng tuhod.
Hinggil sa Pagkain
• Alibutdan – hilaw na sinaing.
• Balinggiyot – tawag sa hayop, isda o anumang bagay na napakaliit.
• Gango – hipong ibinilad sa araw para patuyuin.
DALUMAT NG/SA FILIPINO (GE 12)

SAWIKAIN/ IDIOMA
Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang
patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay,
kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Ito ay may dalang aral at kadalasan ay
nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.
Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang pangkaraniwang
tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.
Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo
sa ating wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita at
pagsusulat, gumagamit tayo nito.
Katulad ng sawikain, ang salawikain ay may ibang kahulugan bukod sa literal na ibig
sabihin ng mga salitang pinagkabit-kabit upang mabuo ito. Ito ay ginagamit din sa
pagpapahayag ng damdamin, ideya at kagustuhan sa paraang kaayaaya sa pandinig at
pagbasa.
Ang salawikain at sawikain ay napakalaking bahagi ng kasaysayan at kultura sa lahat
ng bansa sa mundo. Ito ang mga panitikang sumasalamin sa magkapareho at
magkasalungat na paniniwala ng iba’t ibang bansa. Sa mga panitikang ito
naipapahayag ang mga saloobin ng mga mamamayan ng mas malaya at hindi nila
kailangang magpaliwanag sa kahit sino.
Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng
Filipino. Ito’y may kahulugan na hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na
kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o tahasang pahayag.
Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay: malarawan, mapagbiro at
mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng
kahulugan.
Bunga nito, mahalagang malaman mo na kinakailangang maisaulo ang mga salitang
bumubuo ng idyoma gayundin ang ayos nito. Kung sakaling ang idyoma ay
ginagamitan ng pandiwa, ang bahaging pandiwa ay kailangang sumunod sa tatlong
panahunan ng pandiwa na gaya ng sumusunod:
DALUMAT NG/SA FILIPINO (GE 12)

Pangalan: ___________________ Petsa: _____________


Kurso/taon/seksyon: _________ Marka: ____________

Ibigay ang kahulugan at gamitin sa pangungusap angmga sumusunod:


1. Salvage
2. Sari-sari store
3. Sinigang
4. Sinangag
5. Kikay kit
6. KKB
7. Mani-pedi
8. Pan de sal
9. Pulutan
10. Suki

Pagpapalalim

1. Kung ikaw ay gagawa ng isang akdang pampanitikan, ano para sa iyo ang mas
madaling gamitin? Ang mga literal na salita o mga sawikain? Bakit?

Aplikasyon
Input
DALUMAT NG/SA FILIPINO (GE 12)
Maghanda para sa malayang talakayan at recitation sa susunod na lingo.

Pagtataya

Pangalan: ___________________ Petsa: _____________


Kurso/taon/seksyon: _________ Marka: ____________

Magsaliksik at magtala ng sampung sawikain sa Pilipinas. Bigyang kahulugan ang mga ito.

You might also like