You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

J.H Cerilles State College


Tukuran Zamboanga Del Sur

First Semester, S.Y. 2020-2021

Filipino 301 (Introduksyon sa Pananaliksik Wika at Panitikan)

1. Ano ang wika para sa iyo?


Sagot: Para sa akin ang wika kay parti ng ating kultura , Ang wika ay isang
bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan.

2. Magbigay ng limang kahulugan ng wika na mula sa ibat-ibang mga


batikang manunulat.

Sagot: Ayon kay Henry Allan Gleason 'ang wika ay isang masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang
arbitraryo upang makamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.'

 Ayon kay Caroll (1973) 'ang wika ay masistemang estruktura ng


sinasalitang tunog at pagsasaayos nito sa paraang arbitraryo upang
makamit sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at ang
makabuluhang pagsasama-sama ng mga bagay, pangyayari at mga
karanasan ng sangkatauhan.'

 Ayon kay Benjamin Lee Whorf 'ang wika ay binubuo ng mga payak na


salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang
kalikasan ng sistemang panlinggwistika ng bawat wika ay di lamang
instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at kaisipan kundi tagahubog
din ng mga ideya na nagsisilbing gabay para sa mga gawaing
pangkaisipan.'  

 Ayon kay Sapir 'ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika.


Ginagamit niya ang wika bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung
walang wika, walang iiral na relasyong sosyal. Gumagamit ang mga tao
ng mga simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na nagbubunga ng
pagkakaroon ng solidaridad at pagkakaisa ng mga tagapagsalita ng
naturang wika.'
 Ayon kay Chomsky 'ang wika bilang isang sitema ay may kaugnayan sa
kahulugan at kabuluhan'.  

3. Bakit napagpasyahang magkaroon ng pagsusuri tungkol sa wikang


gagamitin para sa pakikipag-ugnayan?

Napagpasyahang magkaroon ng pagsusri tungkol sa wikang gagamitin para


sa pakikipagugnayan dahil sinusukat nila kung ang lahat ba ng mga tao sa
isang lugar ay pabor sa isang wika para sa pakikipagugnayan.At ang opisyal
na wika na ating gagamitin sa pakikipag-ugnayan ay makakatulong sa ating
pagkaka isa at mag ka intindihan tayo sa ating mga wikang ginagamit.

4. Bakit sinasabing “Wika ang nagsisilbing kaluluwa ng tao”

Sagot: Ang wika ay sinasabing kaluluwa na nagbibigay buhay sa isang tao.


Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa ating buhay . Sa pamamagitan
ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat,
nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t
ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpapabago at humuhubog sa
pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng
natatanging kultura ng isang bansa.

5. Paano nag karoon ng ibat-ibang wila ang Pilipinas?

Sagot: Tinatayang limang libong taon na ang nakaraan, ang ating mga ninuno
na kung tawagin ay Austronesyano ay nagsimulang maglakbay mula Timog
Tsina sa direksyong pa-timog sa Taiwan hanggang sa makarating sa mga Isla
ng Batanes. Sa taong 3000 BC, nakarating ang mga Austronesyano sa
Pilipinas at pinalaganap ang kanilang wika. Kasama rito ang lahat ng ating
mga wika tulad ng Ilocano, Hiligaynon, Cebuano, Tagalog at iba pa.
Kapamilya rin ng ating mga wikang Malayo-Polynesian ang Bahasa sa
Indonesia at Malaysia, mga wika sa mga isla sa Pasipiko at iba pang mga
lugar na narating ng migrasyong pandagat.
6. Ano nga ba ang wikang Filipino ? Ano namn ang ang kaibahan nito sa
wikang tagalog?

Sagot: Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal


na wika ng Pilipinas ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at
pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba
pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo."
Ang wikang opisyal ay iba sa tagalog. Madalas nalilito ang tao ukol sa

dalawang salitang ito ngunit ang pagkakaiba ng Filipino sa Tagalog ay malaki.

Ito ay dahil ang wikang opisyal ay mayroong mga hiram na salita mula sa

ibang mga bansa, sa kabilang banda ang tagalog naman ay tumutukoy sa

lokal na wika na ginagamit ang ilang partikular na probinsya sa Pilipinas,

partikular na sa luzon

7. Ano ang nakasaad sa Saligang Batas ng Biak na Bato?

Sagot:Isinasaad sa saligang batas na biak na bato ang paghihiwalay ng


Pilipinas sa Espanya at ang pagtatayo ng Republikang Pilipino.Isinasaad rin
sa Saligang Batas ng Biak na Bato (1897) -Ang wikang Tagalog ang siyang
magiging opisyal na wika ng mga Pilipino

8. Ano ang ibig sabihin ng wikang opisyal?

Sagot: Ang opisyal na wika ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng


bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba
pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga
sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na
isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Ang isang wikang
opisyal na kinikilala ng isang bansa, tinuturo sa mga paaralan, at ginagamit sa
mga opisyal na komunikasyon ay hindi kinakailangang isang wikang opisyal. 

9. Ano naman ang nakasaad sa Saligang Batas 1987, Konstitusyon ng Artikulo XIV
Seksyon 7 ?

Sagot: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang
opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo
roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

10. Kung ang banal na aklat ang pagbabatayan,paano nagkakaroon ng wika ang
daigdig?

Sagot: Ayon sa kabanata 11 ng Aklat ng Henesis ng Lumang Tipanng Bibliya, ay


isang malaking toreng itinayo sa lungsod ng Babel, ang pangalang Hebreo para sa Babilonya
(saAkadyano: Babilu) . Batay sa salaysay ng Bibliya, isang nagkakaisangsangkatauhan, nan
agsasalita ng "iisang wika at salita" lamang at lumipat mula sa silangan, ang nakilahok sa pag
tatayo nito pagkaraan ngMalaking Baha. Tinatawag din ang pagtatayo ng Tore ng Babel bilan
g "simula" ng kaharian ni Nemrod(o Nimrod). Pinagpasyahan ng mga taong magkaroonng isa
ng mataas at malaking tore ang kanilang lungsod na "Magtayo tayo ng isang lunsod at ngisan
g tore na ang taluktok ay aabot sa mga langit!" Subalit, itinayo ang tore hindi para sa pagsam
ba at pagpupuri sa Diyos, sa halip para sa kaluwalhatian ng tao, na may hangarin omotibong 
gumawa ng "pangalan" para sa mga tagapagtayo: "Igawa natin ang ating sarili ng isang pang
alan, baka tayo magkahiwa-hiwalay sa balat ng lupa."  Henesis 11:4
Nang makita angginagawa ng tao, ginulo at pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika at 
"pinaghiwa-hiwalaysa balat ng lupa mula sa pook na yaon".

Inihanda ni:

Leah L. Lidon
Instructor

You might also like