You are on page 1of 1

Repleksyong Papel

Base sa aming talakayin na ang “Pagbasa at Pagsulat ng Tula” marami talaga akong
natutunan isa na rito ang laman ng Tula tulad ng, mga elemento/sangkap ng tula na
nagamit namin sa pagbuo ng aming tula. Isang anyo ng tula nasusuri ko ang mga
elemento/sangkap at teknik nito at sa pamamagitan nito na aking gabay, nakabuo ako ng
mga maikli at masining na tula. Sa aking mga pananaliksik tungkol sa mga halimbawa ng
tula doon ko natutukoy ang iba’t ibang elemento/sangkap, mga teknik, at kagamitang
pampanitikan sa panulaan at ito ay ang mga , Tema at tono.

Dito naman tayo sa mga elemento ng mga tiyak na anyo, una ang kumbensyunal na Tula
, halimbawa, ang mga maiikling tulang Tagalog tulad ng tanaga at diona, haiku at
soneto.Ang kumbensyonal na tula ay may rima/tugma at medida/sukat -metapora. Sa
pag gawa ng mga maiikling tula dulat ng Diona , Haiku , Tanaga at Soneto ay hindi
madali dahil ang mga pantig nila ay may sukat at taludturan na dapat mong sundin,
maikli ito na tula pero dapat ay tumpak ka sa pag gawa nito.

Ang Malayang taludturan dito ko nailalabas ang aking mga gustong isulat sa tula
sapagakat walang sukat at tugma ito malaya kang nakakasulat ng kahit anong
nasaisipan mo na patula . At ito ay dumadaloy sa natural na daan lamang kumpara sa
Kumbensyonal sa kumbensyunal na tula na may mga sinusunod ka na gabay. Dapat rin
na tandaan na ang pag sulat ng malayang taludturan ay hindi simple , ang pag sulat nito
ay hindi para sa lahat sapagkat may dapat tayo na isaalang-alang , dapat matulain at
matalinghaga sa kabila ng kawalan ng tugma at sukat.

Lage rin nating isaisip na ang pag sulat ng tula ay tulad ng isang manlilikha o kompositor
ng awit na nagkagiliw o naaliw muna sa pakikinig sa maraming awit na likha ng iba, tiyak
na naakit o natuwa muna sa tula ng kung sinong makata ang isang nagsusulat ng tula.
Napakahirap isipin na basta na lamang nagigising na isang makata o naghahangad nang
tumula ang sinuman.

You might also like