You are on page 1of 64

BATAYANG NILALAMAN: MODYUL SA PAGKATUTO

GEC 10

ANG MASINING NA PAGPAPAHAYAG


INIHANDA NI:
VENANCIO C. DIAÑO MISSION

VISION
MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction,
research and extension service programs at all educational

UNANG SEMESTRE
levels as its monumental contribution to national and global
“MABINI COLLEGES, Inc. growth and

shall cultivate a CULTURE Specifically, it transforms students into:

OF EXCELLENCE in
education” TAONG PANURUAN 2020-2021 -
-
-
-
God – fearing;
MISSION
Nation Loving;
Earth-Caring;
Law-Abiding;

VISION
r MABINI COLLEGES aims - to provideProductive;
quality instruction,
and extension service- programs atLocally
monumental contribution to national
and
all educational levels
and Globally
research
as its
competitive
and global growth and
persons.

MABINI COLLEGES INC.,


development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shallFormat:
Course Packet cultivate Adapted
a CULTURE
from Ave. Maria College - God – fearing;

OF EXCELLENCE in COLLEGE OF EDUCATION -


-
-
Nation Loving;
Earth-Caring;
Law-Abiding;
education” -
-
Productive; and
Locally and Globally competitive persons.

i
LIHAM SA MGA MAG-AARAL

Sa mga mag-aaral,

Pagbati mula sa inyong guro!

Ikinagagalak kong ikaw ay isa sa maraming mag-aaral na kumuha ng


asignaturang GEC 10, Masining na Pagpapahayag. Bagama’t nasa gitna tayo ng
pakikipaglaban sa kasalukuyang pandemya ay hindi nito mapipigil ang layunin ng
Dalubhasaang Mabini na bigyan kayo ng kaalamang magagamit ninyo sa pagtahak
sa landas ng buhay. Kalakip ng liham na ito ang kaalamang dapat ninyong malaman
at maunawaan sa asignaturang inyong kinuha. Layunin ng guro na sa pagtatapos ng
semestre ay taglay ninyo sa inyong sarili ang karunungang hindi mananakaw
ninuman. Kasama ninyo ang Dalubhasaang Mabini at ang masisigasig nitong mga
guro sa lalong pagpapatalas ng inyong mga isipang magiging sandata ninyo sa
pakikidigma sa buhay.

Ang mga nakaraang asignaturang natutunan at napag-aralan ninyo ay


nagbigay ng karanasang nagpamulat sa inyo sa kahalagahan ng kursong inyong
kinukuha. Ngayon naman ay maghanda kayo at tayo ay papalaot upang sisirin ang
lawak ng mga pananalitang dapat ninyong taglayin sa pakikipagtalastasan
Makatutulong ito upang lalo ninyong mahasa ang husay sa pakikipagkomunikasyon
sa kapwa Pilipino. Nais kong magtulungan tayo sa lalong ikatatagumpay ninyo sa
pag-aaral ng asignaturang ito.

Tiyakin lamang ninyo bilang mga mag-aaral na masagutan at


maisakatuparan ang lahat ng mga gawain sa bawat modyul sa takdang panahon.
Ang mga gawaing ito ang magsisilbing panukat sa inyong mga natutunan maging ng
hindi pa nalalaman upang sa gayo’y mabatid ng guro ang mga hakbang na dapat
niyang isagawa sa lalong ikauunlad ng inyong pagkatuto.

Handa ka na ba? Kunin ang sagwan at tayo’y papalaot na.

Ang inyong guro


Sir Ven

ii
MISSION

VISION
DALUBHASAANG MABINI
MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction,
research and extension service programs at all educational
levels as its monumental contribution to national and global
“MABINI COLLEGES, Inc. growth and

shall cultivate a CULTURE Daet, Camarines Norte Specifically, it transforms students into:
OF EXCELLENCE in
education”
KOLEHIYO NG EDUKASYON -
-
God – fearing;
Nation Loving;
- Earth-Caring;
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive
persons.

TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman Pahina

Pabalat i

Liham sa mga mag-aaral ii

Talaan ng Nilalaman iii

Gabay Pangkurikulum v

PRELIM

Una hanggang Ikalimang Linggo 1


Modyul 1: Ang Retorika sa Masining na Pagpapahayag

Gawain 1: Maikling pagsusulit kaugnay ng mga pinag-aralang aralin.

Gawain 2: Pagsagot sa mga katanungan ng Guro sa google meet.

Gawain 3: Paggawa ng ng flow chart bilang pagbubuod ng araling tinalakay.

MIDTERM

Ikaanim hanggang Ikapitong Linggo 9


Modyul 2: Mga Katutubong Pahayag at Idioma

Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa mga tinalakay na aralin

Gawain 2: Pagsagot sa mga katanungan ng Guro sa google meet.

Gawain 3: Interaktibong Tanong-sagot.

Gawain 4: Paglikha ng sariling sanaysay at hagdan ng kaantasan.


Ikawalo hanggang Ikasiyam na Linggo 18
Modyul 3: Mga Tayutay

Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa mga tinalakay na aralin

Gawain 2: Pagsagot sa mga katanungan ng Guro sa google meet.

Gawain 3: Paglikha ng ven diagram kaugnay sa araling nabasa.

Gawain 4: Pagsusuri ng isang tula at pagpapalutang ng ideya ng mga tayutay.


PREFINAL

Ikasampu hanggang Ikalabing-isang Linggo 25


Modyul 4: Mabisang Pangungusap

Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa mga tinalakay na aralin

Gawain 2: Pagsagot sa mga katanungan ng Guro sa google meet.

Gawain 3: Paglikha ng ven diagram kaugnay sa araling nabasa.

iii
Gawain 4: Pagsusuri ng isang tula at pagpapalutang ng ideya ng mga tayutay.
Ikalabindalawa hanggang Ikalabintatlong Linggo - Modyul 5: Ang Pagsulat ng 32
Komposisyon

Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa mga tinalakay na aralin

Gawain 2: Pagsagot sa mga katanungan ng Guro sa zoom up o google meet.

Gawain 4: Pagkikritik ng isang halimbawang komposisyon.


FINAL

Ikalabing-apat hanggang Ikalabinlimang Linggo 42


Modyul 6: Pagsulat ng Komposisyong Gamitin, Popular at Literari

Gawain 1: Paglikha ng islogan

Gawain 2: Kolaboratibong Pagtalakay Gamit ang zoom app.

Gawain 4: Paggawa ng sariling komiks gamit ang mga gabay at batayan sa paglikha.

Ikalabing-anim hanggang Ikalabing-pitong Linggo 50


Modyul 7: Pagsasaling-Wika

Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa mga tinalakay na aralin.

Gawain 2: Pananaliksik at paglikha ng presentasyon kaugnay ng mga panuntunan


sa pagsasalin.

Gawain 3:Pagpapaliwanag ng mga panuntunan gamit ang google meet.

Gawain 4: Pagsasalin ng mga halimbawang ibinigay ng guro patungo sa Filipino.

iv
MISSION

VISION MABINI COLLEGES, INC. MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research
and extension service programs at all educational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

Daet, Camarines Norte


development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Specifically, it transforms students into:
shall cultivate a CULTURE
OF EXCELLENCE in -
-
God – fearing;
Nation Loving;

education” -
-
Earth-Caring;
Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive pe rsons.

GABAY PANGKURIKULUM
Guro VENANCIO C. DIAÑO
Titulo ng Kurso Gec 10 – Ang Masining na Pagpapahayag
Saklaw ng Kursong ito ang pag-aaral sa wikang Filipino na nakatuon sa higit na
pagpapa-unlad ng kasanayang pangkomunikatibo. Masusing pag-aaralan dito at
Diskripsyon ng Kurso
lilinangin ang wastong pag-gamit ng mga salita na siyang unang salalayan upang
makabuo ng masining na pagpapahayag sa paraang pasulat man o pasalita.
Pangkaalaman
 Natatalakay ang mga simulaing batayan sa mabisang pakikipagtalastasan
Pansaloobin
 Nagagamit ang angkp na repertwa ng wika sa pagpapahayag ng kaalaman,
Pangkalahatang karanasan at saloobin.
Layunin ng  Nakapagpapahayag ng sariling saloobin sa mga paksang kaugnay ng
Kurso masinining na pagpapahayag.
Pansaykomotor
 Nakapagsasagawa ng isang pagtatanghal gamit ang masining na
pagpapahayag. at
 Nakikritik ang sariling likha gayundin ang awtput ng iba.

Bilang ng Oras 54 oras.

Talatakdaan Nilalaman ng Kurso


Kaparaanan ng Guro sa Pagtuturo
a. On-line c. Kombinasyon ng a at b
Prelims (1-5 na Linggo)
b. Modular

Mga Aralin (kalakip ang gawain) at Gawain Mga gawain ng mga mag-aaral
Bilang ng Linggo
ng Guro

Oryentasyon ng VMGO ng Kolehiyo at


Pagbibigay ng mga tuntunin sa klase

Pag-unawa sa mga oryentasyon at


Modyul 1
tuntuning ibinahagi ng guro.
Ang Retorika sa Masining na Pagpapahayag
Pagkuha ng Modyul
Gawain 1: Maikling pagsusulit kaugnay
 Pagpasa ng mga gawaing
1-5 itinakda ng guro
ng mga pina-aralang aralin.
 Paglikha ng grapikong
Gawain 2: Pagsagot sa mga
representasyon sa
kabuuhang pinag-aralan.
katanungan ng Guro sa google meet.

Gawain 3: Paggawa ng ng flow chart


bilang pagbubuod ng araling tinalakay.

PRELIM EXAMINATION

v
Kaparaanan ng Guro sa Pagtuturo
Mid- Term a. On-line c. Kombinasyon ng a at b
(6-9 na Linggo) b. Modular

Mga Aralin (kalakip ang gawain) at Gawain Mga gawain ng mga mag-aaral
Bilang ng Linggo
ng Guro
Modyul 2
Mga Katutubong Pahayag at Idioma

Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa mga


tinalakay na aralin
 Pagsagot sa mga gawaing
ibinigay ng guro.
Gawain 2: Pagsagot sa mga
 Pagsusuri ng mga tayutay.
katanungan ng Guro sa google meet .
6-7  Pakikilahok sa talakayan
online.
Gawain 3: Interaktibong Tanong-
 Paglikha ng mga grapikong
sagot.
representasyon.
Gawain 4: Paglikha ng sariling
sanaysay at hagdan ng kaantasan.

Modyul 3
Mga Tayutay

Gawain 1: Pagbibigay ng maikling  Pagsagot sa mga gawaing


pagsusulit sa mga tinalakay na aralin ibinigay ng guro.
 Pagsusuri ng mga tayutay.
Gawain 2: Pagbibigay ng katanungan  Pakikilahok sa talakayan
8-9 sa mga mag-aaral sa google meet . online.
 Pagsusuri ng tula at
Gawain 3: Paglikha ng ven diagram pagbabahagi ng ideya ng
kaugnay sa araling nabasa. tayutay na ginamit.
.
Gawain 4: Pagsusuri ng isang tula at
pagpapalutang ng ideya ng mga
tayutay.
MID-TERM EXAMINATION

Kaparaanan ng Guro sa Pagtuturo


Pre-final a. On-line c. Kombinasyon ng a at b
(Weeks 10-13) b. Modular

Modyul 4
 Pagsagot sa mga pagsusulit
Mabisang Pangungusap
na ibibigay ng guro
.
Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa
 Aktibong pakikilahok sa
mga tinalakay na aralin
mga talakayan at resitasyon
sa google meet o zoom app.
Gawain 2: Pagsagot sa mga
10-11 katanungan ng Guro sa google
 pagbuo ng ven diagram
meet.
kaugnay sa mga itinakdang
gawain ng guro.
Gawain 3: Paglikha ng ven diagram
kaugnay sa araling nabasa.
 Pagsusuri ng isang tula at
pagpapalutang ng ideya ng
Gawain 4: Pagsusuri ng isang tula at
mga tayutay
pagpapalutang ng ideya ng mga
tayutay.

vi
Modyul 5
Ang Pagsulat ng Komposisyon  Pagsagot sa maikling
pagsusulit na ibibigay
Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa ng guro
mga tinalakay na aralin  Pakikibahagi sa mga
talakayan at
Gawain 2: Pagsagot sa mga kolaboratibong tanong-
12-13
katanungan ng Guro sa google sagot sa zoom app.
meet.  Pagsusuri at Pagkikritik
sa halimbawang
Gawain 4: Pagkikritik ng komposisyong ibibigay
halimbawang komposisyon gamit ng guro gamit.
ang mga batayang katanungan.

PRE-FINAL EXAMINATION

Kaparaanan ng Guro sa Pagtuturo


Final
a. On-line c. Kombinasyon ng a at b
( 14-17 na Linggo)
b. Modular

Modyul 6
Pagsulat ng Komposisyong Gamitin,  Gagawa ang mga mag-aaral ng
Popular at Literari islogan kaugnay ng mga
paksang ibibgay ng guro.
Gawain 1: Paglikha ng islogan  Makikiisa ang mga mag-aaral
14-15 sa kolaboratibong pagtalakay
Gawain 2: Kolaboratibong at pagsagot sa mga
Pagtalakay Gamit ang zoom app. katanungan ng guro.
 Paglikha ng sariling komiks
Gawain 4: Paggawa ng sariling
komiks gamit ang mga gabay at
batayan sa paglikha.
Modyul 7: Pagsasaling-wika
 Pagsagot sa maikli at
mahabang pagsusulit na
Gawain 1: Maikling Pagsusulit sa
itinakda ng guro.
mga tinalakay na aralin.
 Mananaliksik ang mga mag-
aaral at lilikha ng
Gawain 2: Pananaliksik at paglikha
presentasyon kaugnay ng
ng presentasyon kaugnay ng mga
mga panuntunan sa
panuntunan sa pagsasalin.
pagsasaling-wika
16-17
 Ipaliliwanag ng mga mag-
Gawain 3: Pagpapaliwanag ng mga
aaral ang mga panunutunan
panuntunan gamit ang google
sa guro.
meet.
 Isasalin ng mga mag-aaral ang
mga halimbawang ibinigay ng
Gawain 4: Pagsasalin ng mga
guro mula sa Ingles patungo
halimbawang ibinigay ng guro
sa Filipino.
mula sa Ingles patungo sa Filipino.

FINAL EXAMINATION

18 Linggo
Ang huling linggo ng semestre ay magsisilbing susi upang matapos at maipasa ng mga mag-aaral
ang mga kahingian kasama na ang mga proyekto na itinakda ng guro.
PANGUNAHING PROYEKTO
Gawaing Pampagtataya
1 Pamanahong Papel (Term Paper)

vii
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pangkalahatang Pamantayan sa Prelim- 20%; Midterm – 20%; Pre-final -30%; Final – 20%; and Others
Pagmamarka (General) (output) 10%
Pamantayan sa Pagmamarka
Bawat Pagsusulit (Per Rating Periodical Examination- 40%; Class Standing – 30%; Quizzes – 20%; and
Period) Attendance -10%
Pamantayan sa Pagmamarka ng
mga gawain (outputs) Makikita sa Modyul
Pamantayan sa Pagmamarka ng
mga Proyekto (Project) Makikita sa Modyul

ORAS NG KONSULTASYON

M-S 12:00-1:00pm

MGA SANGGUNIAN

 Bendalan, Nilda B. 2013. Retorika:Susi sa Mabisang Pagpapahayag,


Wiseman Books Trading Inc.
 Austero, Cecilia S. et, al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino 3
 Belvez, Paz M. Et, Al. 2001. Retorika: Mabisang Pagsasalita at Pagsulat
Rex Book Store Inc.
Aklat
 Abad, Marietta A. 2003. Retorika (Filipino III) National Book Store
 Arrogante, Jose A. 2007. Retorika:Masining na Pagpapahayag.
National Book Store
 Bendalan, Nilda B., Retorika: Mabisa at Masining na Pagpapahayag at
Pagsasalin para sa mga Milenial
 http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2012/07/halimbawa-ng-tula-
na-may-tayutay.html
Pook-sapot (website)
 http://academia.edu.com

viii
MISSION

MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


VISION and extension service programs at all educational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

DALUBHASAANG MABINI
development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shall cultivate a CULTURE


- God – fearing;
OF EXCELLENCE in - Nation Loving;
Earth-Caring;
education”
-
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive persons.

MODYUL 1
Ang Retorika sa Masining na Pagpapahayag

A. Panimula
Ang pokus ng modyul na ito ay ibahagi sa mga mag-aaral ang kahulugan, maikling
kasaysayan, layunin, simulain at saklaw ng retorika. Masusi ring pag-aaralan at ibabahagi
ng guro sa modyul na ito ang relasyon ng balarila at retorika maging ang mga wastong
gamit ng mga salita na siyang mga unang salalayan sa mabisang pakikipagkomunikasyo
at pakikipagtalastalasan.

B. Layunin
Matapos na mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo ng
mga mag-aaral ang mga sumusunod na layunin;

1. Natutukoy ang wastong gamit ng mga salita.

2. Naiisa-isa ang ugnayan ng balarila at retorika maging mga pagkakaiba nito sa


bawat isa.

3. Naipaliliwanag ng mahusay ang ideya at kaalamang natutunan sa modyul na ito.

4. Nakalilikha ng sariling konseto gamit ang mga kaalamang natutunan sa modyul na


ito.

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalamang dapat na mabatid ng mga mag-
aaral sa modyul na ito. Basahin at makiisa sa mga pagpapaliwang na itatakda ng guro
gamit ang google meet.

“Wika ang pangunahing behikulong ginagamit sa pagpapahayag ng


nararamdaman at naiisip.”

Kahulugan at Maikling Kasaysayan ng Retorika


 Ang salitang retorika ay galing sa salitang rhetor na
nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati
 Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit,
kaigaigaya at epektibong pagsasalita at pagsulat.
 Sining ng maaayos at pagpili ng wastong salita sa loob ng isang
pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga
nakikinig o bumabasa.
 Isang mabisang lapit ng pagsasaayos ng mga salita sa pagbuo ng
diwang may kahulugan, kabuuhan, lalim at kariktan.

1
 Mabisang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na taglay ang
kariktan sa wastong paggamit ng salita.
Layunin at Simulain ng Retorika
 Layunin
o Makapagpahayag ng mahusay pasulat at pasalita.
o Magkaroon ng isipang mapanuri.
o Makabuo ng makabuluhang ideya.
o Makapamahala sa angking kakayahan.
 Simulain
o Maging matapat – huwag baguhin ang ideya at tangkaing
pagandahin o pasamain ang pahayag.
o Maging malinaw – huwag lituhin ang mga mambabasa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalye na
magdadala sa mga mambabasa sa kung saan saan.
o Maging matipid at tiyak sa sasabihin – Huwag paligoy-ligoy
o Sikaping magkaroon ng barayti – magiging kabagot bagot
ang pahayag na walang pag-iiba sa paraan ng
pgpapahayag.
o Langkapan ng humor, talino, sigla at imahinasyon –
nakadaragdag rin ang mga ito sa mas mahusay na
pagpapahayag.
Saklaw ng Retorika
 Sining – sinumang nagpapahayag ay gumagamit ng simbolo at
imahinasyon upang bigyan-buhay ang ideya at akitin ang
kaniyang tagapakinig o mababasa.
 Pilosopiya – gumamit g retorika ang isang nagpapahayag upang
ipakita na ang mga argumento niya ay pardon ng sensibilidad at
katwiran upang maunawaan ng iba.
 Lipunan nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang
usapin o konsern sa lipunan. Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan
kaya‟t hindi niya maiiwasang magpahayag ng kanyang saloobin
ukol sa mundong kaniyang ginagalawan.
 Wika – ang pangunahing behikulong ginagamit sa
pagpapahayag ng naiisip at nararamdaman.

Sangkap ng Retorika
 Ang kasipang gusting ipahayag – ito ang pangunahing sangkap
ng retorika – ang ideyang nais ipahayag.
 Ang pagbuo ng organisasyon – ang kaayusan at lohikal na paraan
ng pagpapahayag ang nagbibigay ng sining at bias ng
ipinapahayag na kaisipan.
 Ang istilo ng pagpapahayag – may sariling paraan o istilo ang
manunulat sa pagpapahayag upang maakit ang kaniyang
tagapakinig o mambabasa. Ang anumang istilo niya sa
pagpapahayag ay tanging sa kaniya lamang

2
Paglalangkap ng gramatika at retorika

Mayroong dalawang sangay ng pag-aaral ng


wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban at ito
ay ang Gramatika at Retorika

GRAMATIKA O BALARILA RETORIKA


ito ay agham sa paggamit ng salita at ito ay mahalagang karunungan sa
kanilang pagkakaugnay-ugnay. pagpapahayag na tumutukoy sa kasiningan
Isinasaalang-alang nito ang bahagi at ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat
tungkulin ng mga salita sa isang upang maunawaan, mahikayat at
pangungusap; ang kawastuhan ng kaluguran ng mga nakikinig o bumabasa.
pangungusap na gagamitin, pasalita man o Ang masining na pagpapahayag ay hindi
pasulat na kailangang umayon sa tamang sinusukat sa haba, hindi rin sa pagiging
gramatikal na istruktura; kaayusan o sintaks, maligoy kundi sa bisa nito sa mambabasa o
kahulugan o organisasyon o pagkakabuo at tagapakinig.
maging ang panahunan ng mga salita.

Ang mahusay na pagpapahayag ay


gumagamit ng pili at angkop na salita
batay sa kahulugan at damdaming ibig
ipaabot subalit dapat ding wasto ang mga
salita batay sa tuntunin ng gramatika.
Samakatuwid, ang sining ng
pagpapahayag ay naipapamalas sa
mabisang paglalangkap ng gramatika at
retorika. Ang gramatika ay gagabay sa
kawastuhan ng pahayag at ang retorika
naman ay titingin sa kagandahan ng
pahayag na ito.

Wastong Gamit ng mga Salita


 Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang
kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings
alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan
ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At
dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na
pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag. Ilan sa mga salitang ito ay
ang mga sumusunod:
1. NANG AT NG
Gamit ng NANG
a. Katumbas ng salitang when sa Ingles
Hal. Nang pumutok ang bulkan, marami ang nabago.
b. Tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan.
Hal. Tumakbo siya nang matulin
c. Tagapagpakilala ng pang-abay na pamanahon.
Hal. Umalis siya nang maaga.
d. Tagapag-ugnay ng pandiwang inuulit.
Hal. Magsanay nang magsanay upang gumaling.
e. Katumbas ng “so tha” , “in order to” sa Ingles
Hal. Magsaya ng hindi agad tumanda.
f. Pinagsamang pang-abay na NA at pang-angkop na NG
Hal. Tapos ng magturo ang guro.

3
Gamit ng NG
a. Katumbas ng “of” sa Ingles
Hal. Maliwanag ang sinag ng araw.
b. Tagapagpakilala ng tagaganap ng pandiwa.
Hal. Ginamot ng bata ang sugatang aso.
c. Tagapagpakilala ng layon ng pandiwa
Hal. Namitas ng bulaklak ang mga hardenero.
d. Pang-ukol na kasingahulugan ng “sa”
Hal. Umuuwi ako ng probinsya tuwing katapusan.

2. MAY AT MAYROON
Gamit ng MAY
Ginagamit ang may kung ito‟y sinusundan ng mga sumusunod na
bahagi ng pananalita.

a. Pangngalan
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Panghalip na Paari
e. Pantukoy na Mga
f. Pang-ukol na Sa
g. May prutas siyang dala.
h. May kumakatok sa labas.
i. May matalino siyang anak.
j. May kanila silang ari-arian.
k. May mga lalaking naghihintay sa iyo.
l. May sa-ahas pala ang kaibigan mo.

Gamit ng MAYROON
Ginagamit ang mayroon kung ito‟y:
a. Sinusundan ng isang kataga o ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
Mayroon nga bang bagong Pajero sila?
b. Sinusundan ng panghalip palagyo
Hal. Mayroon siyang kotse.
Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.
c. Nangangahulugang “mayaman”
Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.

3. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may
kailanang isahan. Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon
ng pandiwa. Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa
kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kita ay tumutukoy
sa kinakausap, at ang kata naman sa magkasamang nagungusao at
kinakausap.
Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.
Kata nang kumain sa kantina.

4. KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.

5. DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.
Hal. May sayawan daw sa plasa.

4
Sasama raw siya sa atin.

6. KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito
ang if sa Ingles; ang kong ay panghalip panao sa kaukulang paari.
Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasâ ang binili kong aklat.

7. KUNG DI at KUNDI
Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang
kundi naman ay except.
Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may
tiket lamang.

8. PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at
ibinubukas. Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging
kinalalagyan ng pinto.
Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.

9. HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at
binababaan. Samantala, ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging
kinalalagyan ng hagdan.
Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN


Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o
tanggalin.
Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

11. OPERAHIN at OPERAHAN


Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na
bahagi ng katawan na titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy sa
taong sasailalim sa pagtitistis.
Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

12. WALISIN at WALISAN


Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay
na aalisin o lilinisin samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa
lugar (to sweep the place).
Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.
Walisan ninyo ang sahig.

13. IKIT at IKOT


Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa
labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa
labas.
Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo
sa loob ng kuweba.
5
Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob
nito bago nila nakita ang daan palabas.

14. SUNDIN at SUNDAN


Ang sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo
o pangaral; ang sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan
ng iba.
Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin
iyon sa iyong kabutihan.
Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa
bayan.
Sundan mo siya baka siya maligaw.

15. SUBUKIN at SUBUKAN


Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang
bagay o gawain;
Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-
eespiya sa kilos ng isang tao
Hal. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko
bilhin.
Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa
likod-bahay.

16. HATIIN at HATIAN


Hatiin (to divide) – partihin;
Hatian (to share) – ibahagi
Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan.
Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

17. IWAN at IWANAN


Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama;
Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan
Hal. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.
Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

18. NABASAG at BINASAG


Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di
sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng
sariling pagkukusa.
Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang
mga plato.

19. BUMILI at MAGBILI


Bumili (to buy);
Magbili (to sell) – magbenta
Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang
gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang
kasangkapan.

20. KUMUHA at MANGUHA


Kumuha (to get);
Manguha (to gather, to collect)
Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

21. DAHIL SA at DAHILAN


Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;
6
Dahilan – ginagamit bilang pangngalan
Hal. Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang
lagnat.
Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong
pananalita.

22. TAGA at TIGA


Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang
gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi.
Hal. Si Juan ay taga-Bikol.
Taganayon ang magandang babaeng iyon

D. Mga Katanungan
Unang Gawain
Panuto: Makikita sa ibaba ang mga pangungusap o pahayag. Piliin ang
angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag. Salungguhitan ang tamang
salita.

1. Mag-ingat ka anak (kapag, kung) nagmamaneho ka.


2. Huwag kang humarang sa (pintuan, pinto) at (ng, nang) maisara na ang
(pino, pintuan)
3. Akyat-panaog ang ama sa (hagdan, hagdanan) (habang, samantalang)
hinihintay ang paglabas ng panganay nila.
4. Hindi siya nakapasok kahapon sa trabaho (dahil sa, dahil) sumakit ang
kanyang ulo.
5. (Bitiwan, Bitawan) mo ako (kundi, kung di) ay sisigaw ako
6. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng masakit na salita sa kapwa.
7. (Umikot-ikot, Umikit-ikit) muna sila sa loob ng tunnel bago nila nahanap ang
daan palabas.
8. Wala siyang(kaimik-imik, kakibu-kibo) kung matulog.
9. (Kumibo, Umimik) (nang, ng) bahagya ang apo ng kandila.
10. Iniibig(kata, kita) (nang, ng)walang hanggan.
11. Papunta kami (kina, kila) Juanita at Job.
12. Tiga-Manila, Taga-Manila) ang kapitbahay naming (tag-isang, tig-isang )
sasakyan.
13. Siya ang (tagaluto, tigaluto, taga-luto) sa kanilang kampo.
14. Abutin, Abutan) ng lingap ang mga mangangailangan.
15. Ibig (agawan, agawin) ng China ang ating bansa ng lupa.

Ikalawang Gawain
Panuto: Ang mga sumusunod na katanungan ay ibabahagi ng guro gamit
ang zoom app. Ang mga mag-aaral ay aktibong makikilahok sa gawaing tanong-
sagot. Magtatalaga ang guro ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga mag-
aaral para sa pagsagot at pagtatanong rin sa guro upang maiwasan ang sobrang
ingay sa online na pagtatanungan.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang retorika?


2. Sa paanong paraan nagkakapareho ang retorika at balarila?
3. Mabigay ng isang simulaing dapat taglay ng isang nagpapahayag, ipaliwanag
ito.
4. Anu-ano ang maaring maging resulta o bunga ng hindi pag-aaral ng retorika.
5. Ano ang kabutihang maidudulot ng pag-aaral na ito sa iyo bilang mag-aaral at
bilang isang Pilipino.
6. Mahalaga bang dapat na alam ang wastong gamit ng mga salita?
7. Pangatuwiranan na ang retorika ay kaugnay ng wika.
8. Bakit saklaw ng retorika ang Pilosopiya at Sining?

7
E. Pagtataya
Panuto: Ang mga mag-aaral ay lilikha ng isang flow chart batay sa apat na
saklaw ng retorika. Ipapasa ito ng mga mag-aaral sa gmail sa itatakdang araw ng
guro. Ang mga gabay sa paggawa ay makikita sa ibaba.

Kung ikaw ay nahirang bilang isang Pangulo ng Pilipinas, ano ang mga hakbang na
gagawin mo upang masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap ng mga
sumusunod, pumili lamang ng isa.

1. Lipunan (pagkakaroon ng sobra-sobrang populasyong magiging resulta ng


kahirapan at kawalan ng edukasyo.)
2. pagkamakasarili, resulta ng matagal na proseso bago malutas ang isang kaso.)
3. Wika (sobrang demokrasya, resulta ng mga negatibong pananaw na
makakasira sa imahe ng bansa.)

Pamantayan sa paggawa ng flow chart


PAMANTAYAN PUNTOS
Linaw ng ideya 30%
Pagkakalahad ng konsepto 25%
Sining ng pagkakabuo 20%
Pagkakasunod-sunod 15%
Wastong gamit ng mga terminolohiya 10%
Kabuuan 100%

F. Takdang-Aralin
Panuto: Manaliksik tungkol sa mga kahulugan ng mga sumusunod na katutubong
pahayag.
1. Salawikain
2. Kawikaan
3. Sawikain
4. Kasabihan

8
MISSION

MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


VISION and extension service programs at all educational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

DALUBHASAANG MABINI
development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shall cultivate a CULTURE


- God – fearing;
OF EXCELLENCE in - Nation Loving;
Earth-Caring;
education”
-
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive persons.

MODYUL 2
Mga Katutubong Payahag at Idyoma

A. Panimula
Ang guro ay naghanda ng isang modyul na makatutulong sa mga mag-aaral upang
lalong maunawaan nito ang kahalagahan ng wika. Sa modyul na ito ay ipaliliwanag
kung anu-ano ang mga katutubong pahayag at idyoma. Pokus nitong mabigyang linaw
ang mga mag-aaral sa pagkakaiba-iba ng mga katutubong pahayag at idyoma.

B. Layunin
Matapos na mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo ng
mga mag-aaral ang mga sumusunod na layunin;

1. Natutukoy ang pagkakaiba ng mga katutubong pahayag at idyoma sa bawat


isa.

2. Naiisa-isa ang mga aspetong masasalamin sa mga katutubong pahayag at


idyoma

3. Naipaliliwanag ng mahusay ang mga aspetong nangingibabaw sa mga


katutubong pahayag.

4. Nakalilikha ng hagdan ng kaantasan gamit ang mga aspetong masasalamin sa


mga katutubong pahayag at idyoma..

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalamang dapat na mabatid ng mga mag-
aaral sa modyul na ito. Basahin at makiisa sa mga pagpapaliwang na itatakda ng guro
gamit ang google meet.

 Karunungang Bayan
o Mayamang mayaman tayo sa mga karunungang bayan bago pa
dumating ang mga Kastila. Binubuo ito ng mga salawikain, sawikain,
bugtong, palaisipan, kasabihan at mga kawikaan.

 Salawikain-ito‟y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at


tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ayon sa
iba ito‟y paraang parabulang patalinhaga at nagbibigay ng
aral, lalo na sa mga kabataan.

Halimbawa:
1. Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo.
2. Ang maniwala sa sabi-sabi
Walang bait sa sarili.
3. Hamak mang basahan,
May panahong kailangan
4. Kung mayroon kang ibinitin
mayroon kang titingalain.
5. Sa paghahangad ng kagitna

9
Isang salop ang nawala.
6. Kung sino ang matiyaga
Siyang nagtatamong pala.
7. Hanggang maiksi ang kumot‟
Magtiis kang mamaluktot
8. May tainga ang lupa,
May pakpak ang balita.
9. Ang masama sa iyo,
Huwag mong gawin sa kapwa mo.
10. Kahoy na babad sa tubig
Sa apoy huwag ilapit,
Pag nadarang sa init,
Sapilitang magdirikit.
11. Ang buhay ng tao ay parang gulong
Magulungan at makagulong.
12. Ang walang pagod magtipon,
Walang hinayang magtapon.

 Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.


Halimbawa:
1. Nasa tao ang gawa
Nasa Diyos ang awa.
2. Ang tunay na kaibigan
Sa gipit nasusubukan.
3. Daig ng maagap
Ang masipag.
4. Ang sakit kapag naagapan
Madali itong nalulunasan.
5. Huwag mong ipagpapaliban
Ang magagawa sa kasalukuyan.
6. Minsan kang pinagkatiwalaan
Huwag mong pababayaan.
7. Ang tao ay matatalos
Sa kaniyang pananalita at kilos.
8. Ang taong matiisin
Nakakamit ang mithiin.
9. Ang mabigat na gawain ay gumagaan
Kug ikaw ay gumagawa ng paraan.
10. Sa pagsisikap ay nakasalalay
Ang pagtatagumapay ng buhay.

 Bugtog- ito‟y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli at


may sukat at tugma. Ang pantig naman nito ay maaring apat
o hanggang labindalawa.
1. Bungbong kung liwanag
Kung gabi ay dagat. (banig)
2. Dalawang batong itim
Malayo ang nararating. (mata)
3. Isang supot na uling
Naroo‟t bibitin-bitin. (duhat)
4. Isang tabo,
Laman ay pako.(langka)
5. Hinila ko ang baging
Nagkakara ang matsing.(batingaw)
6. Bumili ako ng alipin
Mataas pa sa akin.(sombrero)
7. Lumalakad ay walang humihila,
Tumatakbo ay walang paa.(bangko)
8. Dalawang katawan
Tagusan ang tadyang. (hagdan)
9. Nanganak ang aswang,
Sa tuktok nagdaan. (saging)
10. May ulo‟y walang buhok,
10
May tiyan ay walang pusod. (palaka)
11. Pinipilit, kiniternam
Pinutungan ng mainam. (buyo)

 Palaisipan-ito ay tulad ng bugtong ngunit walang sukat at


tugma, nasa tuluyang ayos ito ng pangungusap.
Halimbawa:
1. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano
nakuha ang bola nang hindi nagagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.
2. May isang Prinsesa na nakatira sa isang tore, maganda at
sikat sa buong kaharian. Bawal tumingala upang siya ay
tingnan. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa‟y mapatingala at
makita ang prinsesa.
3. Paano tatawa ang dalaga ng hindi makikita ang kaniyang
ngipin?
Sagot: Tatakpan ng kanyang mga palad ang kaniyang
mga ngipin.

 Bulong-ito ay ginagamit ng mga sinaunang ninuno bilang


pangkulam o pang engkanto.
Halimbawa:
1. Ikaw ang nagnakaw ng bigas ko
Lumuwa sana ang mga mata mo.
Mamaga sana ang mga katawan mo.
Patayin ka ng mga anito.
2. Dagang malaki, dagang maliit,
Ayto ang ngipin kong sira na‟t pangit,
Sana ay bigyan mo ng bagong kapalit.
3. Huwag magagalit kaibigan, aming pinuputo
Lamang ang sa ami‟y napag-utusan

 Kasabihan-karaniwan itong ginagamit sa panunukso o


pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:
Putak,putak
Batang duwag
Matapang ka‟t
Nasa pugad.

 Kawikaan- ay kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay


laging nagtataglay ng aral sa buhay.
Halimbawa:
1. Ang panahon ay samantalahin
Sapagkat ginto ang kahambing.

2. Pag talagang palad


Sasampa sa balikat.

3. Ang kapalaran hindi man hanapin,


Dudulog, lalapit kung talagang akin.

4. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.

5. Ang di marunong magbata


Di magkakaroon ng ginhawa.

6. Walang ligaya sa lupa


Na hindi dinilig ng luha.

7. Ang kasipagan
Ay kapatid ng kariwasaan.
11
8. Ang taong matiyaga
Anuman ay nagagawa.

9. Walang batong sakdal tigas


Na sa patak ng ulan ay di-naaagnas.

10. Ang ulang tikatik


Siyang malakas magpaputik.

 Mga Idyoma o Pasawikaing Pahayag


o Ang mga pasawikaing pahayag ay nagbibigay ng kulay, bias at
ginagawang mas makabuluhan ang mga pahayag.
o Ang idyoma (idiomatic experiences) ay salita o mga salita na
may sariling kahulugang wari‟y lihis sa pahayag at hindi
matatanto sa mga salita na bumubuo nito dahil may sarili itong
kahulugan.
o Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga idyoma at ang mga
kahulugan nito.
 Butas ang Bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

 ilaw ng tahanan – ina


Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

 alog na ng baba - tanda na


Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

 alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

 bahag ang buntot – duwag


Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?

 ikurus sa noo – tandaan


Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

 bukas ang palad – matulungin


Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.

 kapilas ng buhay – asawa


Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

 nagbibilang ng poste - walang trabaho


Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

 basag ang pula - luko-luko


Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .
12
 ibaon sa hukay – kalimutan
Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.

 Ahas - taksil; traidor


Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina
ay isa pa lang ahas.

 anak-dalita - mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

 alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at


pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa
katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

 balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.


Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa
mga balitang-kutsero.

 balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa


likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting
kaibigan.

 Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan


Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

 basa ang papel - bistado na


Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating
prinsipal na si Ginang Matutina.

 buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang tubo


Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo
bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa
makatulong sa iyo?

 bukal sa loob - taos puso tapat


Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga
nangangailangan.

 busilak ang puso - malinis ang kalooban


Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at
binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

 di madapuang langaw - maganda ang bihis


Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

 di makabasag-pinggan - mahinhin
Halimbawa:
13
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor
na si Nena.

 Hampaslupa - lagalag, busabos


Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
 isang kahig, isangtuka - kakarampot na kita na hindi makasapat sa
ibang pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang
kalagayan ng buhay.

 itaga sa bato - tandaan


Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano
man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa
bato.

 itim na tupa - masamang anak


Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang
nagiging itim na tupa.

 kalapating mababa ang lipad - babaing nagbibili ng aliw, babaing


puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng
sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

 kakaning-itik - walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan


Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa
pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin
ang kinikita.

 pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan


Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng
uwak.

 pagiisang dibdib - kasal


Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa
Oktubre 18 sa darating na taon.

 pusong-bakal - hindi marunong magpatawad


Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong
may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

 tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin


Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa
kalabang pulitiko.

 tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob


Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman...
iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

 maamong kordero - mabait na tao


Halimbawa:

14
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging
pinupuri ng kanyang guro.

 Mahangin ang ulo - mayabang


Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging
mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

 matalas ang ulo - matalino


Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may
karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

 mahina ang loob - duwag


Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga
kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

 malakas ang loob - matapang


Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na
holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

 makapal ang bulsa - mapera


Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi
nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

 makapal ang palad - masipag


Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay.
Isa na siyang milyonaryo.

 magdilang-anghel - magkatotoo sana


Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala,
magdilang-anghel ka sana.

 kapit-tuko - mahigpit ang hawak


Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang
kompanya at malapit ng magsara.

 kidlat sa bilis - napakabilis


Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang
pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

 kilos-pagong - makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

 mababaw ang luha - iyakin


Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa
radyo o pelikula ay iniiyakan.

 mabigat ang dugo - di-makagiliwan


Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa
baguhang si Norma na isang probinsiyana.

 maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali


15
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid
sa loob ng sampung taon.

 malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan


Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay.
Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

 malawak ang isip - madaling umunawa, maraming nalalaman


Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip.
Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

D. Mga Katanungan
Unang Gawain (pagtatapat-tapat)
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga kahulugan ng mga idyomang nasa
Hanay A.

HANAY A HANAY B
_____1. Hanap sa tubig. a. Pinakamagarang damit
_____2. Lagot ang pisi b. Kararating lang
_____3. Basa ang papel. c. Matanda na
_____4. Nakadikit sa balintataw. d. Kaibigan
_____5. Sapin ng baul. e. Mabagal, makupad
_____6. Paa‟t kamay. f. Mahalagang sinasabi
_____7. Nakikipagbulungan sa bulate. g. Mahina ang ulo
_____8. Mahaba ang kamay. h. Hindi matalino
_____9 bagong-ahon i. Laging laman ng guni-guni
_____10. Ahas na tulog j. Mahalagang katulong
_____11. Alog na ang baba. k. Naubos ang salapi.
_____12. Kahiramang suklay l. Magnanakaw
_____13. Isip-lamok m. Nalibing na.
_____14. Lutong-makaw n. Masama ang record
_____15. Bahag ang buntot. o. Kapalarang nakuha sa hindi
magandang paraan.

Ikalawang Gawain (pagbabahaginan ng sagot)


Panuto: Ang mga sumusunod ay mga katanungang magiging gabay ng mga
mag-aaral sa pagbabahaginan ng sagot. Ito ang mga katanungang hahanapan ng
kasagutan upang mabatid ng guro kung may mga dapat pang isagawa upang
matamo ng mga mag-aaral ang inaasahang layunin. Gamit ang google meet,
ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa mga kamag-aral at sa guro.

 Ano-ano ang mga aspetong nasasalamin sa mga katutubong pahayag na


napag-aralan?
 Paano ito nakatulong sa mga sinaunang Pilipino upang magkaroon ng
masining na panitikan?
 Ipaliwanag sa ang mga aspetong ito at kung paano ito nakaapekto sa
kasalukuyang lagay ng lipunan.
 Malaki ba ang epekto ng paniniwala at kultura sa wika ng isang bansa?
Ipaliwanag.
 Sa paanong paraan mo maisasagawa ang lalong pagpapayaman sa mga
katutubong pahayag at idyoma bilang isang Pilipino.
 Magbigay ng isang aspeto ng lubhang nakapukaw ng iyong atensyon at
ipaliwanag ito

16
E. Pagtataya
Panuto: Sa pamamagitan ng paglalarawan gamit ang hagdan, ilalagay ng
mag-aaral ang mga sumusunod na terminolohiya ayon sa bigat o antas ng
kahalagahan nito. Ang unang baiting ang may hindi gaanong halaga at ang nasa
taas na baiting ang siyang pinakamahalaga. Matapos na mailagay sa hagdan,
ipapaliwanang ng mga mag-aaral kung bakit iyon ang pagkakasunod-sunod ng
terminolohiya.

1. Kultura
2. Paniniwala
3. Tradisyun
4. Gawi
5. Kilos

17
MISSION

MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


VISION and extension service programs at all educational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

DALUBHASAANG MABINI
development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shall cultivate a CULTURE


- God – fearing;
OF EXCELLENCE in - Nation Loving;
Earth-Caring;
education”
-
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive persons.

MODYUL 3
Mga Tayutay

A. Panimula
Sa modyul na ito ay tutuklasin natin ang mga tayutay, uri at halimbawa nito. Pokus
nitong maipaliwanag ang kahulugan at mga pagkakaiba ng mga uri ng tayutay sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa upang higit na maintindihan at
maunawaan ang mga ito.

B. Layunin
Matapos na mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo ng
mga mag-aaral ang mga sumusunod na layunin;

1. Natutukoy kahulugan ng tayutay at ang pagkakaiba ng mga uri nito sa bawat isa.

2. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw hinggil sa mga tayutay na napag-aralan.

3. Nakasusuri ng isang akdang naglalaman ng mga tayutay.

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalamang dapat na mabatid ng mga mag-
aaral sa modyul na ito. Basahin at makiisa sa mga pagpapaliwang na itatakda ng guro
gamit ang google meet.

Tayutay
 Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang
kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit
ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan
diin ang kanyang saloobin.
 Ang mga sumusunod ay ilang lamang sa maraming uri ng tayutay, basahin ang
mga ito.

 Pagtutulad o Simili
 Ito ang di-tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang tao,
bagay, o pangyayari. Tinatawag din itong simile sa Ingles. Maaari
itong gamitan ng mga salitang tulad ng, paris ng, kawangis
ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, at magkasim-.

Halimbawa
Paris ng malamig na kape ang pakikitungo niya sa akin.
Tila may daga sa dibdib si Alison habang umaawit sa entablado.
Si Mang Mario ay kawangis ng aming ama ng tahanan.
Tila kalapating mababa ang lipad kung manamit itong si Elsa.
Magkasing-amo tulad ng kordero itong si Victor at Romeo.
 Pagwawangis o Metapora
 Ito naman ang tiyak o tuwirang paghahambing ngunit hindi na
kailangang gamitan ng pangatnig sa pangungusap. Nagpapahayag
ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain,

18
tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Tinatawag din
itong metaphor sa wikang Ingles.

Halimbawa
Si Elena ang may pinakamaamong mukha sa kanilang
magkakapatid.
Kinatatakutan ni Melchor ang kamay na bakal ng kanyang ama.
Siya ang ahas sa kanilang magkakaibigan.
Ikaw ang ilaw sa madilim kong buhay.
Binigyan mo ng kulay ang mundo kong matamlay.
 Pagtatao, Pagbibigay Katauhan o Personipikasyon
 Ito ay ginagamit upang pagtaglayin ng mga katangiang pantao
(talino, gawi, kilos) at bigyang buhay ang mga bagay na walang
buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos.
Ginagamitan ito ng pandiwa sa pangungusap. Kilala rin ito
bilang personification sa wikang Ingles.

Halimbawa
Niyakap ako ng malamig na hangin.
Pansinin ninyo ang galit ng kalikasan.
Ang buwan ay nagtago sa likod ng makapal na ulap.
Huwag kang magpatangay sa malakas na bagyong iyong
nararanasan.
Ang mga bulaklak ay sumasayaw sa pag-ihip ng hangin.
 Pagtawag, Panawagan o Apostrope
 Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay
isang tao. Kilala ito bilang apostrophe sa wikang Ingles.

Halimbawa
Pag-asa, nasaan ka na?
Lungkot, bakit lagi mo akong binabalot?
Kamatayan, bakit di pa wakasan yaring buhay?
Ulan, bumuhos ka‟t aking mundo‟y lunuring tuluyan!
O araw, sumikat ka at bigyang liwanag ang aking daraanan.
 Pag-uulit
 Mayroong anim na uri ng pag-uulit sa uri ng tayutay na pag-uulit. Ito
ay ang mga sumusunod:

 Aliterasyon
 Ito ang pag-uulit ng unang titik o unang pantig sa inisyal na bahagi
ng salita.
Halimbawa
Makikita mo sa mga mata ni Madel ang maarubdob na
pagnanais na mawakasan ang mahirap nilang
pamumuhay.
 Anapora
 Ito ang pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o
ng isang sugnay.
Halimbawa
Ang Pilipinas ay para sa iyo, para sa akin, at para sa lahat ng
Pilipino.
 Anadiplosis
 Ito pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o sugnay.
Halimbawa
Ikaw lang ang aking mahal,
Mahal na aking kailangan,
Kailangan sa aking buhay,
Buhay ko‟y ikaw lamang.
 Epipora
 Ito ang pag-uulit ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na
taludtod.
Halimbawa

19
Ang batas sa Pilipinas ay igalang mo, sundin mo, at
isapamuhay mo.
 Empanodos o Pabalik na Pag-uulit
 Ito ang pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
 Katapora
 Ito ay paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip at
tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
 Pagmamalabis o Hayperbol
 Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan
ang ipinapakita dito.
 Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag
kung iyong susuriin. Tinatawag din itong hyperbole sa wikang Ingles.
Halimbawa
Namuti na ang mga mata ni Johny kahihintay kay Myla.
Wala akong tulak kabigin sa abot-langit niyang pagmamahal sa
akin.
Pagbalik ko ay bumabaha na ng dugo sa kapitbahay.
Kitang-kita ko kung paanong umusok ang ilong ng kanyang ina sa
galit.
Handa kong kunin ang buwan at mga bituin mapasagot lang
kita.
 Panghihimig o Onomatopeya
 Ito ang paggamit ng mga salita kung saan ang tunog o himig ay
nagagawang maihatid ang kahulugan nito. Tinatawag din
itong onomatopoeia sa wikang Ingles.

Halimbawa
Labis na takot ang nadama ko matapos kong marinig ang
dagundong ng kulog.
Ang tik-tak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay parating na.
Napalingon ako sa lakas ng pot-pot ng trak.
Ang twit-twit ng ibon ay kaysarap sa tenga.
Alam kong gutom na ang pusa dahil sa sunud-sunod na
pagngiyaw nito.
 Pag-uyam
 Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o
mangutya ngunit ito‟y itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Tinatawag din itong irony sa Ingles.

Halimbawa
Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kapag nakatalikod.
Ang ganda ng kamay mo, parang aspalto.
Sa sobrang talino ni Sandra ay wala nang nakakaintindi sa
pinagsasasabi niya.
Wala nang mas babait pa sa kaibigan kong kasingbait ni Hudas.
Ang galing mong kumanta. Kaboses mo si Matutina.
 Pagpapalit-saklaw o Senekdoke
 Ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang
pagtukoy ng kabuuan. Tinatawag din itong synecdoche sa wikang
Ingles.

Halimbawa
Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan!
Huwag mong itutungtong ang iyong mga paa sa aking bahay.
Nang dahil sa sampung mga kamay ay natapos ng mabilis ang
aming gawain.
Maaari mo nang hingiin ang kamay ni Lita sa kanyang mga
magulang.
May walong mata na nakatitig kay Myra.
 Paglilipat-wika

20
 Ito ay tulad ng pagbibigay-katauhan na pinagsasabay ang mga
katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri. Tinatawag din
itong transferred epithet sa wikang Ingles.
Halimbawa
Ang silid na ulila ay naging masaya sa pagdating ni Mercy.
Ang mapagkalingang kumot ay maingat ng itinupi ni Leo.
Ang kaawa-awang puruntong ni Juan ay nanghihingi na ng
kapalit.
Siya ay nag-alay ng mga bulaklak sa libingan ng kanyang ama.
Masaya ang kulay ng palda ni Nina.
 Pagpapalit-tawag
 Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na
tinutukoy. Maaaring ito‟y sa pamamagitan ng paggamit ng
sagisag para sa sinasagisag, paggamit sa lalagyan para sa bagay
na inilalagay, o pagbanggit ng simula para sa wakas o wakas para
sa simula.
 Kilala rin ito sa tawag na metonymy sa wikang Ingles.

Halimbawa
Ang palasyo ay nagsabing hulihin ang naninigarilyo sa
pampublikong lugar.
Si Prinsipe William ang susunod na magmamana ng korona.
Ang bagong anghel nina Arnel at Melisa ay malusog.
Sila ang aking ikalawang tahanan.
Mas makapangyarihan ang panulat kaysa baril o espada.
 Pasukdol
 Ito ang pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa
kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa
pinakamataas na antas. Kilala rin ito bilang climax sa wikang Ingles.

Halimbawa
Nakita ko ang pagdilim ng paligid at paglakas ng ihip ng hangin
na tila nagbabadya ng isang malakas na bagyong paparating.
Ang malamig na simoy na hangin kasabay ng mga batang
nangangaroling ay nagsasabing ang pasko ay malapit na.
Humagis na sa pagkakabagsak ang takipsilim.
 Antiklaymaks
 Ito ang paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin o
kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng
kahulugan o ng ideya.
 Ito ay tinatawag na anticlimax sa wikang Ingles.
Halimbawa
Ang pagmamahal niya sa akin ay tila lumayo, nawala, at napawi.
Napagod na siya kakalaban hanggang nawalan na ng pag-asa.
Ang pagsisikap ni Lita ay nasayang dahil sa pariwarang anak.
 Pagtanggi
 Ito ay gumagamit ng salitang „hindi‟ na nagbabadya ng
pagsalungat o hindi pagsang-ayon. Ito‟y pakunwari lamang kung
saan ang nais ng nagpapahayag ay kabaligtaran ng ibig sabihin.
 Tinatawag ding litotes sa wikang Ingles.

Halimbawa
Hindi siya isang magnanakaw. Ibabalik niya naman daw ang
kinuha niya.
Hindi niya kayang kumapit sa patalim sa oras ng kagipitan pero
himdi niya asawa yung kasama niyang lalaki kagabi.
Hindi naman mahangin sa labas pero nagulo ang buhok ko.
Hindi naman siya nangongopya, tinitingnan niya lang ang
notebook sa bag niya.
Hindi ka talaga masarap magluto, napadami tuloy ako ng kain.
 Retorika na Tanong

21
 Ito ay hindi naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag
ng pag-aalinlangan. Wala itong inaasahang sagot kung saan ang
layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
 Ito ay tinatawag ding rhetorical question sa wikang Ingles.

Halimbawa
Saan matatagpuan ang pag-asa?
Nasaan ang tunay na pag-ibig?
Natutulog ba ang Diyos?
Bakit maitim ang iyong budhi?
Saan ako nagkulang sa pagpapalaki sa‟yo?
 Paralelismo
 Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga
ideya sa isang pahayag. Tinatawag din itong parallelism sa
wikang Ingles.
Halimbawa
Ang sabi ni Rina ay mapanglaw at matamlay raw siya.
Ang nais namin ay disiplinang militar: sama-samang lulusob sa
kaaway, sama-sama ring mamamatay o magtatagumpay.
 Paglumanay o Eupemismo
 Ito ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan
kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos.
Ginagamitan ito ng mga piling salita upang pagandahin ang
isang di-kagandahang pahayag.
 Tinatawag din itong euphemism sa wikang Ingles.

Halimbawa
Isama mo ang ating kasambahay sa parke.
Sumakabilang-buhay na ang pusa ni Carla.
Ang pamilya ni Randy ay kapos sa buhay.
Ako‟y tinatawag ng kalikasan.
Pagdating ko ay pantay na ang kanyang mga paa.
 Paghahalintulad
 Ito ay ang paghahambing na nagpapakita ng ugnayan ng
kaisipan sa kapwa kaisipan. Tinatawag din itong analogy sa
Ingles.
Halimbawa
Ang pagsikat ng araw sa umaga ay parang pag-asang sumisikat.
Ikaw ang tala at ako ang buwan na gusto ko laging kasama.
Ang paghalimuyak ng bulaklak ay katulad ng pag-ibig ni Baldo
kay Marta.
Ang mga dalaga ang bulaklak at kaming kabinataan ang mga
bubuyog.
 Pagtatambis
 Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na magkasalungat
upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Tinatawag din itong oxymoron sa Ingles.
Halimbawa
Gaano kadalas ang minsan?
Ano ba‟t paroo‟t parito ka?
Kung ikaw ay lalakad-hihinto ay siguradong aabutin ka ng siyam-
siyam sa pupuntahan mo.
Ang buhay ng tao ay parang gulong; minsan nasa ibabaw,
minsan ay nasa ilalim.
Sa buhay, pareho mong mararanasan ang liwanag at dilim, ang
tagumpay at kabiguan.
 Pangitain
 Ito ay naglalarawan sa mga laman ng isip na animo‟y tunay na
kaharap o nakikita ang nagsasalita. Kilala rin ito sa tawag
na vision imagery sa Ingles.

Halimbawa
Sa aking gunita ay natanaw ko ang aking sinisinta.
22
Sa sinapupunan ng aking ina ay hinugis mo akong bata.
Bukas ay luluhod ang mga tala.
Ang tubig at langis balang araw ay magsasama rin.

D. Mga Katanungan
Unang Gawain (maikling pagsusulit)
Panuto: Suriin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa sumusunod na mga
pahayag. Isulat ang wastong sagot sa nakalaang patlang bago ang bilang.

______________1. Sariwang hangin ang banayad na humahalik sa kaniyang mala-


rosas na pisngi.

______________2. Tuwing eleksyon, umuulan ng salapi.

______________3. Kandila siya sa aking paningin na unti-unting nalulusaw.

______________4. Ang luha sa kaniyang mga mata ay tulad sa batis na umaagos.

______________5. O, maawaing langit! Bakit ang buhay ko ay puno ng sakit?

______________6. Napakaganda ng kaniyang pagkakasulat, parang kinahig lang ng


manok.
______________7. Kasing bait ng kalabaw ang kaniyang kapit-bahay dahil sa siya‟y
kinagigiliwan ng lahat.
______________8. Siya ay isang ahas.

______________9. Dinadalaw siya ng kaniyang guni-guni.

_____________10. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita niya si Gino.

Ikalawang Gawain
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga katanungang magiging gabay ng mga
mag-aaral sa pagbabahaginan ng sagot. Ito ang mga katanungang hahanapan ng
kasagutan upang mabatid ng guro kung may mga dapat pang isagawa upang
matamo ng mga mag-aaral ang inaasahang layunin. Gamit ang google meet,
ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa mga kamag-aral at sa guro.

 Bakit kailangang pag-aralan ang tayutay?


 Gaano kahalaga sa iyo bilang mag-aaral ang pag-aaral ng tayutay.
 May maitutulong kaya ito sa iyo bilang isang mag-aaral o mamamayan man
sa pang-araw-araw na pamumuhay?
 Kung susukatin mula bilang 1 hanggang 10 paano mo mamarkahan ang
sariling natutunan sa modyul na ito.
 Magtanong sa guro ng anumang may kaugnayan sa modyul na nabasa at
natalakay.

Ikatlong Gawain
Panuto: Sa pamamagitan ng ven diagram ilalagay ng mga mag-aaral ang
pagkakaiba at pagkakapare ng mga uri ng tayutay. Pipili ang mga mag-aaral ng apat o
humigit pang tayutay upang pagkumparahin. Ang bawat dalawang tayutay ay gagawan
ng pagkukumpara at ipaliliwanag ito sa ibabang bahagi ng ven diagram na ginawa.

23
E. Pagtataya
Panuto: Ang tula sa ibaba ay nagtataglay ng mga tayutay. Pipiliin ito ng mga
mag-aaral at ipapaliwanag ang ideyang nais pangibabawin batay sa
pagkakagamit nito sa kabuuhang taludtod.

Pamantayan sa pagsusuri ng Tula


PAMANTAYAN PUNTOS
Pagpapaliwanag 30%
Mga tayutay 25%
Pagpapalutang ng Ideya 20%
Kasiningan ng pagkakalahad 15%
Wastong gamit ng bantas at salita 10%
Kabuuan 100%

AKO ANG INA NG AKING TULA


(I am the Mother of my Poems)
ni: Avon Adarna

Ang tula ay anak sa sinapupunan,


Di dapat angkinin ng gayun-gayon lang,
Kung ina'y agawan - sanggol sa kandungan,
Di ba't ilalaban kahit sa digmaan?

Kung karangalan ang pagtampisawan,


Ng kapwang uminog sa puso't isipan,
Bakit hindi naman bigyang karangalan,
Ang siyang may tunay' likhang kalagayan?

Kung karangalan man, gamitin ng iba


Ang paa't kamay ko pati kaluluwa,
Hindi ba nararapat na bigyang-halaga,
Ang may-ari nitong bahaging dakila?

Itong pagnanakaw sa pawis ng kapwa,


Ay tila pulitikong hindi nagtitika,
Ang ibig ay kabig na tila nga linta,
Tuloy ang sipsip kahit pigang-piga!

Ang pagmamahala'y magandang katwiran,


Ng mga nilalang na may kasalanan,
Hihingi lang ng awa at pag-iibigan
At balik sa gawi't nakaugalian.

Saan hahanapin itong katarungan,


Kung ibinabaon ng ilang nilalang?
Mauuwing bigo sa mundo ng kawalan,
Ang sikap at layon ng patas lumaban.

Ang nagsasabi ngang umibig ng lubos,


Ngunit hindi naman nakikita sa kilos,
Daig pa sa daan ang mga busabos,
Na hingi ng barya't kaunti pang limos.

Ibigay ang puri sa dapat purihan,


At sa nagkasala ay kapatawaran,
Ngunit dapat naman na maliwanagan,
At maipaalam, kanyang kamalian!

24
MISSION

MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


VISION and extension service programs at all educational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

DALUBHASAANG MABINI
development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shall cultivate a CULTURE


- God – fearing;
OF EXCELLENCE in - Nation Loving;
Earth-Caring;
education”
-
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive persons.

MODYUL 4
Mabisang Pangungusap

A. Panimula
Tutuklasin sa modyul na ito ang mabisang pangungusap. Iisa-isahing bigyang pokus
sa modyul na ito ang mga batayang pangungusap, mga bahagi, mga uri ng
pangungusap at maging ang ayos nito. Tiyakin lamang ng bawat mag-aaral na
masagutan ang mga katanungan at gawaing makikita sa katapusan ng modyul na ito.
Makibahagi rin sa mga talakayang isasagawa sa pamamagitan ng google meet at
zoom app.

B. Layunin
Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay matatamo ang mga
sumusunod na mga layunin;

1. Nabibigyang kahulugan ang pangungusap, uri ng pangungusap at ayos nito.

2. Naiisa-isa ang mga kayarian ng pangungusap maging ang pokus nito.

3. Nagagamit ang natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagsunod-sunod ng


pangungusap ayon sa kayarian.

4. Nakapagbabahagi ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa napag-aralang


modyul.

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalamang dapat na mabatid ng mga mag-
aaral sa modyul na ito. Basahin at makiisa sa mga pagpapaliwang na itatakda ng guro
gamit ang google meet at zoom app.

Ilang Panuntunang Panggramatika

Ang makaakit sa interes ng kausap o mga tagapakinig ang pangunahing pokus sa


maretorikang pagpapahayag. Nang-eengganyo ang retorika sapagkat isinasalaysay
nito ang kalinawang taglay, ang epektibong balak at ang di mapapasubaliang ganda
ng pagsasalita.

Dapatwat ang mg akatangiang nabanggit sa itaas ay mababalewala kung ang


kawastuhan sa paggamit ng mga salita ay hindi aalintanahin. Kailanagang ang mga
bahagi ng pananalita a mahusay na mapag-uugany-uganay.

25
Dito pumapasok ang kaalamang dapat pasaunang angkinin ng tagapagsalita o
nagsasalita para tiyak na makamit ang matalinong pagasasadiwa at ganap na
mapagtagumpayan ang gawang pagpapahayag, at ito‟y walang iba kundi ang
kaalaman sa grammar.

Sa tulong ng gramatika, mabisang napag-uugnay-ugnay ang mga bahagi ng pananali.


S akabatiran sa mga ito, higit na nabibigyang-diin ang mga sustantibo, matamang
naisasapokus ang mga pandiwa, naiaangkop nang husto ang mga pananda at mga
panuring, at magaling na nailalapit ang mga pang-ugnay tungo sa pagkakaroon ng
kaisahan, kaugnayan at kakipilan ng pagpapahayag.

Samakatuwid, maisasantabi ang kahalagahan ng gramatika sa maretorikang


pagpapahayag. Magkakambal ang dalawang ito kaya hindi dapat maghiwalay,
lagging magkaakma, para sa lalong mabisang pagsasalita.

ANG PANGUNGUSAP
-Ngapapahayag ng isang buong diwa o kaisipan.
Ito‟y maaring::

Isang salita lamang Isang Parirala

Halimbawa: Halimbawa:

1. Halika. 1. Si Nena?
2. Takbo! 2. Tungkol dito.
3. Dali! 3. Mabuti pa.
4. Saan? 4. Kung gusto mo?
5. Minsan. 5. Buhay o puri?

Lipon o Kalipunan ng mga Salita

Halimbawa:

1. Lagi kaming namamasyal sa pasigan.


2. Sasapi ba kayo sa KKK?
3. Ang kayo‟y mapaglingkuran ay amin na ring
kasiyahan.
4. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makararating sa paroroonan ay isang
malaganap na salawikaing Pilipino.
5. Naku! Nahulog ang bata!

Tandaan:
Ang bawat pangungusap ay nangangailangan ng bantas. Ang bantas, bukod sa
pinaghihiwa-hiwalay ang bawat kaisipang ipinapahayag, ay nagpapakilala rin sa mga
uri ng pangungusap ayon sa kanilang gamit.

26
KAYARIAN NG PANGUNGUSAP
Payak na Pangungusap
- Ang payak na pangungusap ay isang ganap na
sugnay na maaring may simuno at panag-uri,
dalawang simuno at isang panag-uri, isang simuno
at dalawang panag-uri o dalawang simuno at
dalawang panag-uri.

Hal.
1. Nagtanim ng palay ang magsasaka.
2. Ang magsasaka at ang kaniyang anak ay
nagtanim ng palay.
3. Nagtanim at nagpataba ng palay ang
magsasaka.
4. Ang magsasaka at ang kaniyang anak ay
nagtanim at nagpataba ng palay.

Tambalang Pangungusap
- Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng
dalawang Malaya o makapag-iisang sugnay.

Hal.
1. Si Pangulong Duterte ay nagtalumpati at ang
unang Ginang ay nakaupo at nakangiti.

2. Tumakbo ang bata at ang kaniyang aso ay


tumahol.

Hugnayang Pangungusap
- Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang
malayang sugnay at isang sugnay na di-makapag-
iisa.

Hal.
1. Ang buhay a parang gulong kung umiikot ito
nang pailalim at paibabaw.

2. Ang ina ay namamaypay habang ang ama ay


nananabako.
.

Langkapang Pangungusap
- Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng isa o
mahigit pang sugnay na makapg-iisa at dalawa o
higit pang sugnay na di-makakapag-isa.

Hal.
1. Nangangahig ang tandang, nanunuka ang
dumalaga habang ang inahin ay pumuputak at
ang mga sisiw ay nagsisiyap sa di-malamang
takot.
2. Kung pupunta ka sa bayan, isama mo na si Boy,
at ako nama‟y tutungo kina kumara nang
maihingi ko ng pagkain ang mga baboy na
halos buto‟t balat na.

Tandaan: Ang sugnay ay kalipunan ng mga salita na may simuno at panag-uri.


Samantalang ang simuno ay ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap at ang panag-
uri ay ang naglalarawan sa simuno.
27
POKUS NG PANGUNGUSAP

Pokus sa Aktor o
Taga-ganap

 mula ito sa salitang Ingles na actor,ibig sabihin, ang tagaganap o gumagawa


ng badyang kilos ng pandiwa. Um, mag, mang, maka, at ma ang ginagamit
ditong mga panlapi.

Hal.
Lumagda si Pangulong Rodrigo Duterte ng kautusan na nagbabawal sa mga
edad 20 pababa at 60 pataas na na lumabas ng kanilang tahanan.

Pokus sa Layon

 ang tuwirang layon ang nagiging simuno ng pangungusap sa pokus na ito.


Ang mga panlaping karaniwang ginagamit sa pokus na ito ay i, in/hin, at an.

Hal. (base sa unang halimbawa)


Ang isang kautusan ay nilagdaan ng Pangulo.

Pokus sa
Benepaktib

 sa pokus benepaktib (benefactor o nakikinabang) ang nagiging simuno ay


ang di-tuwirang layon o tagatanggap ng layon. Ang mga panlapi ng pandiwa
rito ay iyong nababanghay sa i at ipag.

Hal.
Ang mga eskuwater ay ipinaglagda ng Pangulo ng kautusan.

Pokus sa Lokatib

 sa pokus lokatib (local, pook o lunan) ang pokus ng pangungusap ay ang


ginagamapanan o pinangyarihan.

Hal.
Sa Batasan ay nilagdaan ng Pangulo ang kautusan.

Pokus sa Sanhi

 ang sanhi o dahilan ng pagkilos sa pangungusap ang pokus ditto. Ginagamit


na pandiwa ang panlaping ika.

Hal.
Ang walang kapahintulutang paninirahan ng mga eskuwater sa lupa g
gobyerno ay ikinalagda ng Pangulo ng kautusan.

Pokus sa
instrumental

 ang kasangkapang ginagamit sa pagkilos naman ang nagiging pokus dito.


Binabanghay ang panndiwa sa panlaping ipang.
Hal.

Ang gintong pluma ay ipinanglagda ng kautusan ng Pangulo.

28
D. Mga Katanungan
Unang Gawain (pagsusunod-sunod)
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talataan at pagsunod-sunurin ang
mga pangungusap ayon sa kayarian. Ang sagot ay ipapasa sa google classroom
na mayroon ang klase.

“Bigyang-pansin ang mga katotohananng ito – maraming tao ang namatay


dahil sa pagpatay sa sunog. Isang babae ang nakuryente ng buhusan niya ng
tubig ang naglalagablab na fuse box. Isang batang lalaki ang bumulagta at
namatay nang tangkain niyang patayin ang nag-aapoy na saksakan o electrical
outlet sa pamamagitan ng tubig. Isang maybahay ang nasunog sa loob ng bahay
nang buhusan niya ng tubig ang nag-aapoy na mantika sa kawali. Kumalat ang
apoy at tinupok ang buong bahay. Hindi siya nakatakas. Malungkot na kasaysayan
na tulad ng mga ito ang nagaganap araw-araw sa iba‟t ibang parte ng ating
kapuluan. Ito ay patuloy na nagaganap hangga‟t ang ating pagkaalam sa apoy
ay mananatiling maliit lamang”.

- ni Abner A. Galang
“Ano ang dapat gawin
kung may sunog”
Liwayway, Abril 6, 1981 p. 6

Ikalawang Gawain (maikling pagsusulit)


Panuto: Sa patlang na nakalaan bago ang bilang, isulat kung ang pangungusap
ay payak, tambalan, hugnayan o langkapan at salungguhitang minsan ang sugnay na
makapag-iisa at makalawang ulit ang sugnay na di – makapag-iisa.

_______________1. Malalim kung matinik ang naglalakad nang matulin.

_______________2. Magtanim ay di biro sa maghapong nakayuko, hindi na nga makatayo


hindi pa makaupo.
_______________3. Nagdadalang-habag ako sa iyo.

_______________4. Pagsikat ng araw puso ko‟y sisigla na.

_______________5. Papunta si Petra sa palaisdaan nang biglang lumundag ang malaking


palaka sa pilapil na tiyempo namang napakapit sa kaniyang binti kaya si Petra ay nagulat,
napasigaw at nadapa.
_______________6. Ang mga guro ay magpapalabas ng dula, ang mga mag-aaral ay
maglalaro ng basketbol at ang mga namamahala ay magbibigay ng piging pagkatapos
ng gagawing pagdiriwang ng ika-25 na anibersaryo ng kanilang paaralan.
_______________7. Ang ina, kasama ng kaniyang mga anak, ay magbabakasyon sa
lalawigan sa darating na tag-araw, samantalang ang ama ay tutungo sa ibang bansa
upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
_______________8. Darating sila kung hihintayin ninyo raw.

_______________9. Ikaw ay tumugtog at ako ay aawit kung sila ay makikinig nang hindi
tatawa.
_______________10. Biruin mo nakuha pa niyang tumawa gayong nasamid na siya at
nagkandaugaga.

29
Ikatlong Gawain
Panuto: Basahin ang pangungusap na nasa ibaba, isulat ang iba‟t ibang pokus na
makukuha at magagawa bago ang bilang. Sa tapat ng bilang isulat naman ang mga
pangungusap makukuha.

_______________1.

_______________2.

_______________3.

_______________4.

_______________5.

_______________6.

Ikaapat na Gawain
Panuto: Uriin ang pokus ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa nakalaang
patlang ang sagot.

_________________1. Ang lapis ay ipinangdungkal ni Rico ng lupa.

_________________2. Sumusulat ng tula si Corazon.

_________________3. Ang labis niyang pagpapalayaw sa ikalawa niyang asawa ay


ikinalalayong-loob naman sa kanya ng dalawa niyang anak.
_________________4. Ang karetela ay sasakyan ng mga sagala.

_________________5. Binili ni Boy ang usong manok.

_________________6. Pinagtapatan ni Ed ng pag-iig si Linda.

E. Pagtataya
Panuto: Ang ilang katanungan sa ibaba ay ibabahagi ng guro sa mga mag-
aaral sa pamamagitan ng zoom app. Ito ang magiging gabay ng guro sa
paglilinaw ng mga paksang di gaanong naunawaan ng mga mag-aaral.
Bibigyang puntos ito gamit ang analitikal na pamantayan na makikita rin sa ibaba.

1. Ano ang alam mob ago at matapos mong mabasa ang paksa o aralin sa
modyul na ito.
2. Paano nakatulong ang modyul na ito sa iyo bilang isang mag-aaral ng
asignatura.
3. Isa-isahin sa guro ang mga pokus ng pangungusap at paano ito
nagkakaiba-iba sa bawat isa?
4. Mahalaga bas a isang tao ang kawastuhan ng isang pangungusap, Bakit?
5. Kung bibigyang puntos mo mula bilang isa hanggang sampu ang natutunan
mo sa aralin ilan ang puntos na ibibigay mo?
6. Magtanong sa guro ng anumang katanungang may kaugnayan sa paksang
nabasa at napag-aralan.

30
Pamantayan Sa Pagmamarka

HINDI
PAMANTAYAN GAANONG NANGANGAILANGAN
NAPAKAHUSAY MAHUSAY
MAHUSAY NG PAGPAPABUTI
5 PUNTOS 4 PUNTOS
3 PUNTOS 2 PUNTOS
Napakahusay Mahusay na May mga Lihis ang mga
sa pagsagot sa nasasagot ang pagkakataong kasagutan sa tanong
PAGSAGOT SA mga mga katanungan lihis ang sagot sa ng guro.
MGA KTANUNGAN katanungan ng ng guro. katanungan ng
guro. guro.

Organisado at Organisado ang Hindi gaanong Hindi kinakitaan ng


ORGANISASYON angkop ang ilan sa ideyang organisado ang organisasyon ng ideya
NG IDEYA ideyang ipinaliwanag. mga ideyang sa pagpapaliwanag.
inilahad. inilahad.
Nagtataglay Taglay ang May mga Walang taglay na
ang paliwanag kasiningan ng pagkakataong anumang kasiningan
PAGKAMASINING ng kasiningan ideya sa hindi gumamit ng ang pagpapaliwanag.
SA at malikhaing pagpapaliwanag. kasiningan sa
PAGPAPALIWANAG ideya. pagpapaliwanag.

WASTONG GAMIT Napakahusay Kinakitaan ng Hindi gaanong Hindi kinakitaan ng


NG MGA SALITA SA sa paggamit ng husay sa kinakitaan ng wastong gamit ng mga
PAGPAPALIWANAG wastong mga paggamit ng husay sa salita.
salita. wastong salita. paggamit ng
salita.

31
MISSION

MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


VISION and extension service programs at all educational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

DALUBHASAANG MABINI
development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shall cultivate a CULTURE


- God – fearing;
OF EXCELLENCE in - Nation Loving;
Earth-Caring;
education”
-
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive persons.

MODYUL 5
Ang Pagsulat ng Komposisyon

A. Panimula
Isa nanamang panibagong karunungan ang iyong tutuklasin sa modyul na ito. Pokus
ng modyul na ito ang maibahagi sa mga mag-aaral ang kahulugan, proseso ng
pagsulat, katangian at maging uri ng komposisyon. Tiyakin lamang ng bawat mag-aaral
na masagutan ang mga katanungan at gawaing makikita sa katapusan ng modyul na
ito. Makibahagi rin sa mga talakayang isasagawa sa pamamagitan ng google meet at
zoom app.

B. Layunin
Pagkatapos na mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang
makatatamo ng mga sumusunod;

5. Naiisa-isa ang kahulugan, proseso ng pagsulat, katangian at uri ng komposisyon.

6. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na may kaugnayan sa paksang pinag-


aralan.

7. Nakikritik ang ilang mga halimbawang komposisyon.

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalamang dapat na mabatid ng mga mag-
aaral sa modyul na ito. Basahin at makiisa sa mga pagpapaliwang na itatakda ng guro
gamit ang google meet at zoom app.

KOMPOSISYON

Ang kompsisyon ay isang pangkasanayang sulatin ng mga mag-aaral sa klase. Ito


ay isinasagawa ng malinaw at mabisa sa pamamagitan ng maselang pamimili, mahusay
na pagsasaayos at masinop na pagpapaunlad ng mga ideya sa pangungusap at talata,
sa gayon ay makabuo ng isang akdang may mabuti, kawili-wili at makabuluhang
nilalaman at may lohikal at orihinal na pormat.

LAYUNIN

Nagsusulat tayo sa kadahilanang tulad din sa kung bakit tayo nagsasalita – para
maihayag ang mga ideya sa kapwa. Mayroong dalawang pinaka-layunin ang
komposisyon;
 Mabigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral sa pagsulat na
nagpapahayag ng mga ideyang base sa katotohanan, sa wasto, angkop at
nauunawaang wika
 Malinang ang mga kasanayang kailangan sa pagsulat ng may kabuluhang
nilalaman at may orihinal na pormat.

32
PROSESO NG
PAGSULAT

 Sa anumang anyo ng sulatin, ang unang-unang pinag-iisipan ay ang


papaksain. Ang paksa ay ang isang ideyang matalinong pinauunlad sa
pamamagitan ng mabibisang pamamaraan ng pagtalakay. Pinakapipili ang
paksa ayon sa interes, kaalaman at karanasan ng magsusulat.
 Dapat isaalang-alang ang babasa, kaya kailangan ito‟y maging kaakit-akit
at kapaki-pakinabang sa kanya para pag-ukulan ng panahong basahin.
 Kalimitan upang maging kawili-wili sa babasa ang paksa dapat na ito ay may
kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay at napapanahon, maging tungkol
sa mga taong kilala, kaiba at kontrobersyal ganun din sa mga pakikibaka ng
tao sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan at sa lahat-lahat na.
 Kapag napili na ang paksa ang pangalawang pinag-iisipan ay ang
pagtalakay na rito. Nakapaloob sa pagtalakay ang layunin mo sa pagsulat;
 Magbigay impormasyon
 Mang-aliw
 Manghikayat
 Mambatikos at iba pa.
 Pagpasyahang mabuti ang iaanyo sa pagtalakay;
 Paglalahad
 Pagsasalaysay
 Paglalarawan at
 Pangangatwiran
 Kailangan na ang nabanggit sa itaas ay bumagay sa layunin, gayundin sa
paksa. Saka simulan ang pagsulat.

BAHAGI

Simula o intoduksyon, gitna o katawan, wakas o kongklusyon. Tatlong


mahahalagang bahagi ito hindi lamang ng koposisyon kundi ng bawat akda.
Matamang pinapansin ang pagsulat sa bawat bahagi para mabigyan ang mga ito
ng sapat na nilalaman at pare-parehong haba. Ang haba ng simula ay dapat na
proporsyon sa haba ng katawan hanggang wakas.

 Ang Simula o Introduksyon


- ang simula ang pinakamukha ng komposisyon. Dito hinahatulan, kung
magtatagumpay o mabibigo, ang isang katha. Kailangan, sa sulyap pa
lamang ng babasa, ito‟y kaakit-akit na, nakapupukaw, nakagaganyak,
nakahahatak ng kuryusidad para tuluyang titigan, tunghayan hanggang
sa ang malay, maaari pa ngang pati buhay ay matangay ng kasabikan.
- Narito ang ilan sa pinakagamiting mabibisang panimula.
 Pasaklaw na pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o ang
kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunod-sunurin
mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalaga ang
mga detalye.

Halimbawa:
a. Isang binatang guro ang dumalo sa kaarawan ng kaniyang
kaibigan ang brutal na pinatay makaraang saksakin ng
apatnapu‟t pitong beses ng apat na estudyante na nainis sa
ginawang pagbati ng una kamakailan sa Santo Tomas,
Batanga.
b. Isang vegetable nursery bawat barangay ang
pinagkakaabalahan sa Rizal, Laguna ngayon.
 Pagbubuod – ang panimulang ito ay naghahayag muna ng
pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.

Halimbawa:

33
a. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa kasipagan ng bawat
mamamayan.
b. Kahibangan nan gang matatawag ang pagmamatuwid sa
pananatili pa ng mga base militar ng mga Amerikano ditto…
 Pagtatanong – ang panimulang ito ay nagtataglay ng mga
katanungang makakaakit sa interes ng mga mambabasa. Isa ito sa
kadalasang ginagamit sa anumang anyo ng sulatin.

Halimbawa:
a. Langis at tubig nga ba ang interes ng kaguruan at iba pang
kawani ng Pamahalaan? Ito ang susing tanong sa mga
pagtatalo…..
b. Mahina ba ang disiplina o talagang walang disiplina ang mga
Pilipino? Katanungan itong base sa pagmamasid sa trapiko…
 Tuwirang Sinabi – ang panimulang ito ay karaniwang makikitang
nakapanipi sapagkat mulat ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na
pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad, at maari din
namang karaniwang taolamang ngunit ang sinabi‟y naghahayag ng
mahalagang bagay na magagamit sa lundayan sa pinakapaksa.

Halimbawa:
a. Isang sundalo ng Timugang Vietnam ang nagpahayag
kamakailan na, “Kung mamamatay ako‟y tiyak na mapupunta
ako sa langit, sapagkat tulad ng sa impyerno ang buong
buhay ko rito sa lupa.”
b. “Idiots are forever!” Ito ang pahayag ni Meriam Santiago sa
mga kabataan nagsisimula pa lamang sa karera.
 Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay ng
kahalagahang unibersal na maaring hanguin sa mga salawikain, sa
mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.

Halimbawa:
a. Minsan pang napatunayan ang matandang pamahiin na
“huwag tumuloy sa pupuntahan kapag may bumagtas na
pusang itim sa dinaraanan.
b. Walang pangalawang glorya, karaniwa‟y pangalawang dusa.
Dito ibinase ng isang biyuda ang naging karanasan niya sa
pag-aasawang muli.
 Paglalarawan – ang panimulang itoay ginagamit pag nagtatampok
ng tao. Sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at
maaksyong salita ang ginagamit.

Halimbawa:
a. Baliw daw si Mercy, ang babaeng may bigote‟t
balbas…..Marusing pero hindi marumi. Nakatali ang manipis na
buhok na lampas-balikat ang haba. Hanggang tuhod ang
pantalon kaya kampansin-pansin ang malago at kulot na
balahibo sa mga binti.
b. Si Rosella na yata ang pinakamabait sa klase. Malawak ang
kanyang pang-unawa. Mapagbigay at maalalahanin siya lagi.
Tapat na tapat siyang makisama. Lamang, hindi siya masalita.
Parang laging napakalalim ang iniisip. Ang pagiging walang
kibo niya‟y hiwagang pinakatitinginan ng lahat.
 Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimula kung ang
bibigyang-larawan ay pook.

Halimbawa:
a. Namamayani pa ang dilim, halos wala nang patlang ang
tilaukan ng mga tandang sa silong ng mga dampang
nangatirik sa tabing-dagat.
b. Unti-unting huminga ang kalye ng mga sasakya-kalesa, dyip,
kotse, bus, bisiklita, traysikel, pedikab at iba pa. Ilang sandali
34
pa, buhay na ang aspaltong kalye at ang mga sementong
gusali. Buhay na ang Abenida, ang daang tirahan ng ilan, ang
daang pinangingilagan ng marami.
 Pagsusumbi – bibihirang ang panimulang ito. Maikli lamang, na
karaniwan nang binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong parang
suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.

Halimbawa:
a. Sa Luneta
Sa Luneta natagpuan ni Deo ang kaniyang sarili.
Natutulog siya sa damuhan, mistulang pulubi.
b. Luha!
Salitang may apat na titik lamang datapwat
naglalaman ng isang libo‟t isang kahulugan.
 Pagsasalungat – sa panimulang ito, ang binibigyang diin ay ang
pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod ditto ay mas malaki ang
pagkakaiba, mas matindi ang bias.

Halimbawa:
a. Noong basketbolista si Jaworski, pikon, marumi, nananagi ng
kalaban maglaro. Ngayon , pag ganito ang gawa ng kanyang
basketbolista, dahil coach na siya, sinisibak niya.
b. Nang kararaang pitong buwan, humalakhak nang abot-langit
sa kaginhawaan ang buong Lungsod ng Angeles. Ngayon,
nanaghoy ito nang ubod-lalim sa pagkakalibing ng buhay sa
lahar.
 Pagsasalaysay – ang panimulang ito‟y anyong malumanay na
pagkukuwento.

Halimbawa:
a. Bago pa dumating ang jeans at levi‟s uso na ang maong.
b. Ika-9 pa lamang ng umaga ay napaupo na ako sa kama para
sagutin ang telepono.
 Makatawag-pansing pangungusap - ito‟y isang mapanggitlang
panimula dahil di-karaniwang sinasabi o naririnig sa araw-araw, ang
pamamariralang ginagamit ditto. Ito‟y isang patayutay na
pagpapahayag.

Halimbawa:
a. Sinakmal ng makapal na usok mula sa Taal ang buong
Batangas.
b. Masarap ang miryenda sa CR!
 Analohiya – ang panimulang ito ay nagtutulad o nagwawangis.

Halimbawa:
a. Hindi ko malaman kung anong di-matiyak na kapangalawahan,
di mawaring kalungkutan ang umiinis sa kaluluwa ko, katulad
ng malalim na kalungkutan ng mga lungsod pagkatapos ng
isang magulong kasayahan, ng isang lungsod pagkaraan ng
isang napakaligayang pag-iisa.
b. Ang buhay ay gulong, umiikot, mabilis, mabagal, pumapailalim,
pumapaibabaw.
 Anekdota – isang panimulang nagkukuwento ng maikling istorya para
pasiglahin ang nababasa, o di kaya‟y gamiting tularang lundayan
ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.

Halimbawa:
Ang paksa tungkol sa PANGUNGUMUNYON
Kinagawian nan g mag-ina ang pagsisimba tuwing linggo.
Ngunit minsan, nang oras na ng pangungumunyon at hinihila na
ng ina ang anak para pumunta na sila sa altar at kakaunti na
lang ang nakapila, nagulat na lamang ang ina sa pag-ayaw ng
anak.
35
“Bakit anak?” ang tanong ng ina.
“Kasi po hindi ko gusto ang ginagawa ng paring iyan.” Ang
sagot ng anak.

Piningot ng ina ang walong taong anak.

“Kahit na po dalawang tenga ko pa‟ng pingutin n‟yo ayoko


talaga!” pagmamaktol ng anak.

“Bakit ba?” galaiti ng ina.

“ Kasi po…suwapang ang paring iyan e! Di n‟yo po ba


napapansin, parang siya lang ang nauuhaw! Di man lang tayo
tirhan ng konting tubig. Siya lang nang siya ang umiinom,”
 Pagsasalitaan – ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o
diyalogo, na ayon kay Rufino Alejandro, mas mabuti itong gamitin sa
paglalahad ng pagkatao.

Halimabawa:
“Mabuhay! Mabuhay ang Presidente!” ang walang
kamayawang pagbati ng nagsisiksikang madla sa harap ng
Luneta Grand Stand nang humarap sa kanila ang bagong
halal ng pangulo na abot-tainga ang mga ngiti ng “Maraming
salamat mga kababayan! Maraming-maraming salamat sa
pagtitiwala ninyo!”
 Gitna o Diskusyon
- Ang gitnang bahagi o diskusyon ang pinakakatawan ng sulatin.
Dito makikita ang mga kalamnan.
- Binubuo ito ng mga talatang kinapapalooban ng
mgapangunahing kaisipan at mga pantulong o pamunong mga
detalyeng maayos ang masuring pagkakauri-uri at
pagkakasama-sama, at makatwiran ang pagkakahanay-hanay
at pagkakasunod-sunod tungo sa malinaw at ikapapaliwanag ng
paksa.
- Mabisa nag gitna kung bukod sa sinisiyasat munang mabuti ang
mga kaisipan bago isulat para matiyak ang mga katunayan at
mga kapaliwanagan, ang mga ito ay nakabalangkas na maigi.
- Higit pang napabibisa ang pagkakabuo ng gitnang bahagi ng
komposisyon kung ang pagsasaayos nito ay isinusunod sa mga
pamamaraang umaangkop sa paksa, layunin at pinag-uukulan
nito. Ang mga ito ay ang sumusunod:
 Pakronolohikal – pagsasaayos itong ang paraan ng pagpapaunlad ay
ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mulang
pinakamatagal na hanggang sa pinakakasalukuyan.

Halimbawa:
Kung ang paksa ay tungkol sa Unang araw sa Unibersidad, ito‟y
maaaring simulan sa oryentasyon patungo sa pagpapatala, tuloy-
tuloy sa mga pilang kailangang paghintayan para opisyal na
maasikaso ng kinauukulan.
 Paangulo – ang pamamaraan ng pagsasaayos na ito sy ibinabatay sa
personal na masasabi o reaksyon ng bawat tao na tungkol sa mga
bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa
isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat upang makabuo ng isang
komposisyon.

Halimbawa:
Kung ang paksa ay tungkol sa Bitay o Hatol na Kamatayan, ang
mga anggulo ay maaring kunin sa mga sumusunod;
 sa mga kriminal mismo na maasahan ang pagtutol o di
pagsang-ayon dahil sa buhay nila ang nakataya.
 ang mga naging biktima kasama na rito ang pamilya na
tiyak namang lubos itong sasang-ayunan.
36
 ang bawat sektor ng mamamayan na magkakaroon ng
iba‟t ibang pagpapasya.
Sa pamamagitan ng pagtitimbang –timbang sa bilang ng
reaksyong nakuha ang konklusyon ay madaling magagawa.

 Paespesyal o Paagwat – pagsasaayos itong pinauunlad ang


paglalahad sa pamamaraang sa malapit sinisimulan dahil ang mga
bagay-bagay dito‟y alam na alam na, patungong malayo o palayo
kung saan ang mga bagay-bagay ay hindi masyadong kilala o vice
versa.

Halimbawa:
Kung ang paksa at tungkol sa Kapitbahay, simulan ang
pagtalakay sa sariling bahay, tuloy-tuloy sa mga bahay na malayo sa
sariling bahay.
 Paghahambing - sa pamamaraang ito ang pagpapaunlad ay
isinasaayos nang paseksyon. Sa unang seksyon , sinisimulan muna ang
pagkakaiba tungo sa ikalawang seksyon na ang mga
pagkakapareho naman. Ito‟y vice versa o puwedeng paglipatin o
pagpalitin ang ayos, iyong pagkakapareho muna bago ang
pagkakaiba.
 Palamang/Pasahol – sa pamamaraang ito ang bagay munang lalong
mahahalaga ang binabanggit bago ang di-gaanong mahahalaga
o vice versa.
 Patiya/Pasaklaw – isinasaayos naman ito sa pamamaraang sinasabi
muna ang mga partikular o depinidong detalye bago ang
pangkalahatang mga pahayag. Ito‟y naisasa-vice versa rin.
 Papayak/Pasalimuot – gayundin sa tatlong sinusundan ang mga
pamaraang ito lamang sinisimulan itong iayos sa mga bagay na
komplikado kasunod ang mga bagay na simple o vice versa.

 Wakas o Kongklusyon
- Sa wakas nagtatapos ang kabuuan ng komposisyon. Ito ay sinasambit
sa ilang pananalita na lamang dahil kung pahahabain pa, bukod sa
hindi na kasisiyahan, ay hindi na magiging mabisa. Datapwat kung
pakasusundin ang alituntunin sa pagkatha, dapat ito ay kasinhaba
lang ito ng simula.
- Sa wakas napapaloob ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol
sa paksa base sa mga katibayan at mga katwirang inisa-isa sa
bahaging gitna.
- Tulad rin sa panimula, kailangan din ng isang komposisyonang
mabisang pangwakas, sa gayon hindi man matandaan ng mga
mambabasa ang buong paglalahad, ang isang impresyong titimo sa
damdamin at kritikal sa isipan ay sapat na para tagumpay na
maituring ang katha dahil tiyak na lagi itong maaalala.
- Narito ang mga sumusunod na mabibisang pangwakas. Ang ilan sa
mga ito ay naipaliwanag na sa dakong unahan dahil ginagamit ding
panimula. Obserbahan na lamang ang mga halimbawa.

 Tuwirang Sinabi

Halimbawa:
Mula ngayon at di na magtatagal ang bukambibig na sabi ni
Jose Rizal na “ Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan” ay
mapapatunayan na.

 Panlahat na Pahayag

Halimbawa:

37
Makabuluhan sa makatuwid ang palasak nating kawiakaang
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.”

 Pagbubuod – ito ang pinakagamitin sa mga pangwakas. Sa halip na


sa simula binubuod ang kabuuang diwa ng komposisyon, ditto
naman‟y sa katapusan.

Halimbawa:
Marahil, sa atin, napakaliit ng 50 pesos. Kulang pa ngang pambili
ng quarter pounder sa McDo. Pero sa mga kasama nating
manininda, isang puhunan na iyon para may makain bukas.

 Pagpapahiwatig ng Aksyon - ito‟y isang pangwakas na tuwiran o di


tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa ayon sa hinahangad na
inaakalang mahalaga sa ikatatamo ng kabutihan ng lahat.

Halimbawa:
Ang dapat sisihin ay hindi ang baying naging biktima ng
panggagahis, kundi ang pinunong kasangkapan sa hukbong
sandatahan upang gahisin ang bayan.

“Ang pagkakaisa ng mga estudyante ay karagdagang lubid na


bibigkis sa pinag-isang simulain – ang masagana at makatarungang
bukas para sa lahat”.

 Mahalagang Insidente – ito‟y isang madulang pangwakas na


maaaring magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at
sa katauhan ng mga nasasangkot sa katha.

Halimbawa:
Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang
naging mailap noong sila‟y nagsasama pa, nang magtagpo silang
muli……sa morge.

 Pagtatanong

Halimbawa:
Ano pa an gating hinihintay? Matatamad tamaran na lamang
ba tayo habang buhay? Kailan natin bubuksan ang pinto ng
maunlad na kinabukasan?

 Pagsisipi – pangwakas itong kumukopya ng isang taludtod o mahigpit


pa sa isang akda, patula man o patuluyan, na ang sinasabi ay
angkop sa tinatalakay na paksa.

Halimbawa:
Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging sa
mundo. Tila pagkawalang bahala sa mga kumbensyon ng lipunan.
Kalayaan na maihahalintulad sa paligid ng ibong pipit. Paglipad
upang salubungin ang umagang nagpapangako ng mas
magandang bukas.

Batayang Uri

 Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.


Hal. mga kasaysayan, mga balita

 Argumentativ- N a g l a l a h a d n g m g a p r o p o s i s y o n n a
n a n g a n g a i l a n g a n n g p a g ta l u n a n o pagpapaliwanagan.
38
Hal. mga editorial

 Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.


Hal. mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisement

 Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng


nagsasalayasay.
Hal. mga akdang pampanitikan

 Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar,


pangyayari atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

 Prosijural- Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang


sa paggawa ng isangbagay.
Hal:Ang pagluluto ng kahit anong uri ng pagkain.

D. Mga Katanungan
Unang Gawain (pagkilala)
Panuto: Sa kaliwa ng bawat bilang ay may dalawang hanay ng mga
patlang. Sa unang hanay, isulat lamang ang PN kung ang pangungusap ay
panimula at PW kung pangwakas. Sa ikalawang hanay naman, kikilalanin at dito
isusulat ang uri ng mga mabibisang panimula at pangwakas.

___________________1. ….Ang bawat mamamayang Pilipino ay dapat magkaisa sa


____________________ pagbibigay-tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

___________________2. Isang gabing matahimik ako ay naghihintay sa aking magandang


___________________ dilag.

___________________3. Dito ba ako naangkop sa paraiso na walang kumukopkop?


___________________

___________________4. …..Bago mo ipinikit ni Elias ang kanyang mga mata, tiim-bagang


___________________ niyang inusal ang “Mamamatay akong di ko nasisilayan ang
_ bukang liwayway.”

___________________5. Dumilim ang ktanghaliang tapat at umalinsabay ang maliliyab na


___________________ kidlat, ang nakabibinging dagundong at lagatakan ng mga bato sa
______________________bubong.

___________________6. Nagmistulang tabing dagat ang buong Pampanga sa buhangin.


___________________

___________________7. Batay sa mga naganap na pananalanta ng baha ang lahat ng ito


___________________ ay mawawakasan sa kawikaang “Hahanapin ng kalikasan ang sarili
_____________________nitong daan.”

___________________8. Triplet na duwende ang isinilang ng isang ginang sa Mexico,


___________________ Pampanga.

___________________9. Sobrang kamalasan ang inabot ng pamilyang Martin dahil na-QI ang
___________________ ina, na-Munti ang ama, na-Yakusa ang anak.

___________________10….. Ang lahat kaya ng paghihirap na ito ay mababago sa


___________________ pamamagitan ng dambuhalang LRT.

___________________11. 2010…..ang siglo ng paghuhukom ng Diyos.


___________________

39
___________________12. “Oras na! Oras na!” ang sigawan ng walang disiplinang manonood.
___________________“Matiwasay po sana tayong maghintay pa ng ilang sandali” ang
_____________________pakiusap ng emcee.

___________________13. Sa biglang tingin, santo mandin itong may sinag sa ulo, banayad
____________________ magsalita kung ngumiti ay may hiwaga.

___________________14. Noon, naliligo lang sa ulan si Amanda nang nakakamison sa tabi ng


___________________ riles. Ngayon, hayun siya sa gitna ng entablado naka-gown at
______________________naliligo sa ugong ng palakpakan.

___________________15. ….umagos ang dugo sa Mendiola.

Pangalawang Gawain
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga katanungang magiging gabay ng mga
mag-aaral sa pagsagot sa guro. Itatayp ng mga mag-aaral ang sagot sa kani-
kanilang laptop o anumang maaring gamiting gadget upang maitayp ang
kasagutan at maipasa sa gmail ng guro. Matapos na maipasa ay iisa-isahin ng guro
ang mga kasagutan ng mga mag-aaral at siya namang gagamitin ng guro sa
pagtalakay ng sa mga ito gamit ang google meet o zoom up.

1. Bakit sinasabing pangkasanayang-estudyante ang pagsulat ng komposisyon?


2. Paano isinasagawa ang komposisyon?
3. Bakit kailangang magsulat ang mga estudyante ng komposisyon?
4. Bakit kailangang piliin ang paksa ayon sa interes ng magsusulat? Ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa
5. Ipaliwanag kung bakit kailangan ding isaalang-alang ang mga mambabasa sa
pagsusulat rin ng anumang akda?
6. Isa-isang ilahad ang mga bahagi ng komposisyon at pag-ibahin ang mga ito
ayon sa nilalaman.
7. Sa anong mga kadahilanan at kailangang isulat ng mabisa ang panimula at
ang pangwakas?
8. Paanong binubuong mabisa ang gitnang bahagi ng komposisyon?

E. Pagtataya
Panuto: Ang mga mag-aaral ay mananaliksik ng isang halimbawa ng
komposisyon, at ito ay kanilang ikikritik ayon sa mga batayang makikita sa ibaba.
Gaya ng panuto sa ikalawang gawain ito ay itatayp rin at ipapasa ang kopya sa
gmail ng guro. Itatayp ito sa paraang pasanaysay.

Mga Gabay sa Pagkikritik ng Komposisyon


(Bilang Mambabasa)

1. Pagsusuri at pagtiyak sa mambabasa o audience.

 Napukaw ba ang interes ko sa binasa?


 Akma ba ang mga salita/pangungusap na ginamit sa pagpapaliwanag sa
mga konseptong nais ihatid?
 Ankop ba ang lenggwaheng ginamit ng manunulat?
 Salungat ba ang paniniwala ng manunulat sa mambabasa?
 May kaisahan ba ang kaisipang tinalakay mula una hanggang wakas?
2. Pagsusuri at pagtiyak sa mga layunin ng manunulat.

 Ano ang layunin ng manunulat sa paglikha ng komposisyon – (informasyon,


paliwanag, libangan o pagtulak sa kilos nila?
 Ano ang tugon na nais niya mula sa mga mambabasa?
3. Pagpili ng Persona/punto de vista

 Kapani-paniwala ba ang pagkakatatag sa sarili ng manunulat sa kanyang


sulatin?
 Makatuwiran bang kanyang sinasabi o isang pagmamalabis?
40
 Konsistent ba siya sa ginamit na punto de vista?
 Pormal ba o hindi pormal ang tonong ginamit ng manunulat?
 Anong emosyon ang napararating niya sa mambabasa?
 Paano niya naiparating ang kaniyang tinig?

41
MISSION

MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


VISION and extension service programs at all e ducational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

DALUBHASAANG MABINI
development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shall cultivate a CULTURE


- God – fearing;
OF EXCELLENCE in - Nation Loving;
Earth-Caring;
education”
-
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive persons.

MODYUL 6
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Komposisyonng Gamitin, Popular at Literari

A. Panimula
Sa nakaraang modyul ay tinalakay natin ang tungkol sa kahulugan, batayang uri,
proseso ng pagsulat at maging ang bahagi ng komposisyon. Ngayon naman, sa modyul
na ito ay ibabahagi ang pagsulat ng iba‟t ibang uri ng komposisyong gamitin, popular at
literari. Paka-unawain lamang mabuti ng ang nilalaman ng modyul na ito upang ng sa
ganun ay magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral upang masgautan
ang mga katanungan at ilang mga kahingiin ng guro kaugnay sa paksa.

B. Layunin
Matapos na mabasa ang nilalaman ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang
makatatamo ng mga sumusunod ;

1. Nakabubuo ng sariling islogan gamit ang mga natutunan sa aralin.

2. Nakapagbabahagi ng mga ideya at pananaw hinggil sa paksang tinalakay ng


guro.

3. Nakalilikha ng sariling komiks gamit ang pamantayan at gabay sa paglikha.

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalamang dapat na mabatid ng mga mag-
aaral sa modyul na ito. Basahin at makiisa sa mga pagpapaliwang na itatakda ng guro
gamit ang google meet at zoom app.

Minsan may nagtanong sa isang manunulat kung bakit siya sumusulat. “Para
mo na ring itinanong,” sagot niya, “kung bakit ako humihinga.” Para sa isang
manunulat, sumusulat siya sapagkat may nagpupumiglas sa kanyang kalooban na
kailangan niyang pakawalan. May nais siyang sabihin tungkol sa buhay at daigdig
ayon sa kanyang pagkakadama, at nasa kanya na ang paghubog upang maging
likhang-sining ang kanyang ihahayag.

42
Pag-aralan ang grapikong representasyong nagpapaliwanag ng mga pagkakaiba-iba ng
komposisyong gamitin, popular at literari.

PANITIKAN
(Naglalaman ng mga Komposisyon)

Kung si Plato ang pakikinggan, dapat Ayon kay Aristotle dapat ang
maging kapaki-pakinabang sa buhay panitikan ay magbigay ng kasiyahan,
ang panitikan, dapat magturo at manlibang at magpagaan ng
magpaliwanag. Ito ang tinatawag na kalooban. Ito ang tinatawag na
utile, tinatawag rin itong dulce. Ditto pumapasok ang
komposisyong gamitin. Ang layunin panitikang popular tulad ng komiks,
nito‟y magpaliwanag ng gayo‟t dulang pangradyo, dulang
ganitong gawain at karunungan. Ang pangtelebisyon at awit. Nakalilibang,
katotohana‟y literal, tahasan, hubad nakaaaliw, laganap pangmasa,
sa larawnag diwa. Ito‟y nagbibigay magaan sa bulsa.
kaalamang hindi nasasakop ang
damdamin.

Nang dumating si Horace ay pinagsama niya ang dalawang ideya ng


kapwa paham: utile at dulce. Ang alayon ay hindi lamang upang
magpahayag ng kaalaman o manlibang, kundi upang tuminag,
humimok at humikayat. Ito‟y ginagamitan ng mga larawang-diwa at
mga sagisag, nagpapasidhi ng mga damdaming bahagi ng pang-araw-
araw na buhay gaya ng pag-ibig, pagkapoot, paghihiganti,
pagpapatawad at iba pa na sa panitikang literari ay nagtutumining.

Pagsulat ng Islogan
 Ang islogan ay salita o lipon ng mga salitang ginagamit bilang battle
cry, rally cry, o catchword ng sinumang grupo, partido man o kilusan,
bilang pagpapahayag ng tanging paninindigan o hangarin, tunguhin
o plataporma na pinagsisikapang mapagtagumpayan.

 Sa paggawa ng islogan, maaring pagbatayan ang mg asumusunod:


1. Pamansag - public statement
2. Sawikain - maxim
3. Kasabihan - saying
4. Kawikain - adage
5. Tayutay - idiomatic expression

 Ang pananalitang ginagamit sa islogan ay makatawag-pansin,


makabuluhan at may nais ipabatid o ipahatid.
 Ang ilang halimbawa ng islogan ay:

43
 Sa ikauunlad ng bayan
Disiplina ang kailangan.
 Bayan muna bago sarili.
 Erap para sa Mahirap.
 Philippines 200
 Let‟s DOH it.
 Isang Bansa, Isang Diwa, Isang wika
 Tama na! Sobra na! Palitan na!
 Reformasi (kasalukuyang rally sa Malaysia ng gruo ni Anwar)
 Sa aking buhay ang Diyos ang nangingibabaw.
 Pagtutulungan at pagkakaisa, Hindi Kanya-kanya
 Kapag may Katwiran, Ipaglaban mo.
 Punong Bayan, LIngkod Bayan.
 Kung positibo ang pananaw, Kabuhayan at kaunlaran ay
malinaw.
 Magsalita ka at manindigan, Kabataan ng sandaigdigan.
 Upang magbago ang lipunan, Partisipasyon ng lahat ang
kailangan.

Pagsulat ng Lathalain
 Ang lathalain ay isang uri ng sanaysay na pampahayagan na
nagtatampok sa isang piling tao, pook, ritwal at mga paksang
kinalulugdang basahin ng mga tao. Isang uri ito na ang kawilihan ay
nasa ibang bagay sa halip na sa mahahalagang tala.

 Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lathalain:


 Batay sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa balita.
 Nakalilibang at nagbibigay ng kaalaman, nakikipagtalo, o
nagpapayo.
 Payak, madaling maunawaan , maaaring gamitan ng tayutay o
idyoma kung kailngan, at
 Maaring isulat sa anumang porma, anyo, istilo o pamamaraan.
 Ang lathalain ay naglalaman ng kuro-kuro ng may akda tungkol sa
isang balita ngunit ang binibigyang diin ay ang mga nalikom na tala at
ulat kaya‟t naiiba sa pangulong tudling. Naiiba rin ito sa balita na nag-
uulat lamang kung ano ang mga nangyayari.
 Nasa pagitan ito ng balita at pangulong tudling. Basahin ang
halimbawa ng lathalaing nasa ibaba.

Ang Pangulo ng Pagbabago

Tuwing ika-6 na taon ang ating bansa ay nagkakaroon ng halalan


para makapili tayo ng karapat dapat na mamumuno sa ating bansa.
Ngayong taon, naganap ang halalan 2016 at tayo‟y nagkaroon na ng
bagong pangulo. Magaganap na nga ba ang pagbabago sa ating bansa
dahil sa ating bagong pangulo? Masosolusyunan na kaya ang kahirapan at
mga krimen? Hanggad ng nakararami na Oo, ang kasagutan sa mga tanong
na ito.

Si Rodrigo Roa Duterte kilala rin sa palayaw na Digong, ang bagong


halal na pangulo ng Pilipinas. Ipinanganak noong March 28, 1945 sa Maasim
Leyte kay Vicente Duterte, dating Gobernador ng Davao, at Soledad Roa,
isang guro at civic lider. Siya ang kauna-unahang pangulo na galing sa
Mindanao.

Si Duterte ay kilala bilang pinakamatagal na alkalde ng Davao, na


may halos 22 taon na namahala. Kilala ang Davao City noon bilang “murder
capital” ng bansa, dahil sa pamamahala ni Duterte, naging malaki ang
pagbabagong tinatamasa na ngayon ng Davao na kapayapaan at
kaayusan na kung saan ay kinilala na ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas

44
kundi maging sa ibang bansa sa pagiging “the most peaceful city in
Southeast Asia”. Siya ang binansagang “The Punisher” ng Time Magazine,
dahil sa kanyang malakamay na bakal na pamamalakad at sa kaniyang
masidhing kampanya laban sa krimen tulad ng paggamit ng bawal na
gamut at pagnanakaw.

Maraming Pilipino ang nakapansin nitong pamamalakad ni Duterte at


sa pagbabagong ginawa niya sa Davao. Dahil dito naniwala ang mga
Pilipino sa katagang “change is coming”. Malaki kasi ang posibilidad na
tuluyan ng magbago ang pamahalaan ng bansan ngayong pangulo na si
Duterte. Sa katunayan, hindi pa nauupo si Pangulong Duterte sa kanyang
pwesto ay marami ng sumusuko na sangkot sa droga, ditto natin makikita na
mababawasan ang criminal at krimen sa bansa.

Lahat tayo ay inaasam na magkaroon ng isang pinuno na handang


gawin ang lahat para sa kanyang sinasakupan. Inaasam din nating lahat ang
pagbabago n gating bansa. Kaya ang pinuno natin ay kailangang gawin
lahat upang maipakita ang kaniyang pagpapahalaga at handang
magsakripisyo para sa kanyang bansa.

Pagsulat ng Manipesto
 Ang manipesto ay pagpapahayag sa publiko ng layunin, hangarin,
motibo o balak; sanhi o dahilan; ideya a anumang nais ipabatid sa
madla tulad pasasalamat o pahatid-mensahe.
 Maari rin itong paglalahad sa publiko ng patakaran, pamamalakad,
palakad o pasunod; pasya, payo o hatol; paniniwala at kuro-kuro o
palagay. Ang manipesto ay tinatawag ring proklamasyon o pahayag.
 Ang pagsulat ng manipesto ay katulad din ng pagsulat ng balita at
anunsyo tulad ng mga sumusunod:
a. Simpleng lingguwahe at tuwirang pamamaraan ang
kinakailangang gamitin,
b. Maikli ngunit makawag-pansing paglalahad ang nararapat,
c. Ang pamagat ay nagtataglay lamang ng ilang makatawag-
pansing salita.

Isang Manipesto para sa Kabataang Pilipino

Itinuturing ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng edukasyon bilang


isang kayamanan, kayamanan na hindi mananakaw kalian man,
kayamanang ipagmamalaki at magiging susi para sa kinabukasan.

Sabi nga n gating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang


Kabataan ang pag-asa ng bayan”, totoo ang sinabi ng ating pambansang
bayani ngunit magiging mas epektibo ito kung ang kabataan ay may sapat
na karunungan na makukuha lamang sa eskwelahan.

Kailangan mag-aral ang mga kabataan. Ito ang magdudulot sa atin


para sa kinabukasan. Iwasan ang mga masasamang bisyo at lumakad sa
ilaw ng pag-aaral. Magsikap ng maigi hangga‟t maaga pa, para sa huli hindi
tayo magsisi. Mabuti na ngayon tayo magsunog ng kilay kaysa bukas tayo ay
nakatunganga.

Mag-aral ng mabuti hangga‟t may panahon pa. Huwag ng hintayin


ang bukas na dumating at tayo ay magsisi dahil pinapalampas natin ang
pagkakataon para mag-aral. Ngayon, tayo ay may pagkakataon, minsan
lang ito dadaan kaya hangga‟t maari ay huwag tayong mapagod na mag-
aral dahil baling araw, ito an gating magiging sandata para harapin ang
bukas.

45
Pagsulat ng Komiks
 Ang komiks ay serye ng mga strip ng magkakaugnay na kartun na
nagsasaad ng kuwento.
 Ang bawat frame o kuwadro ay nagsasaad ng mga diyalogo ng
tauhan na nakasulat sa tinatawag na ballon o lobo ( ). May ilang
komiks na walang usapan.
 Ang pangunahing layunin ng komiks ay manlibang o makaaliw kaya
kailangan itong maging kaakit-akit at kapana-panabik.
 Ang unang labas ng komiks ay punong-puno ng katatawanan. Sa
ngayon ang komiks ay nagtatampok din ng mga kuwentong hango sa
Bibliya, kasaysayan, alamat at mga kuwentong pakikipagsapalaran at
dramatic.

 Dahil sa popularidad ng komiks, ginamit itong midyum sa paggawa ng


mga anunsyo.
 Sa paaralan ginamit itong lunsaran sa pagtuturo ng aralin.
Nagaganyak ang mga mag-aaral na basahin ito dahil sa mga
larawang nagpapahiwatig kung ano ang isinasaad ng kuwento.
 Ang komiks ay ginagawa ng isang taong mahusay gumuhit at sumulat
ng kuwentong pandiyalogo.
 May mga pagkakataong dalawang tao ang magkatulong na
gumagawa ng mga komik istrip. May mga manunulat na gumagawa
ng istorya at may kartunis na gumuguhit ng mga panel o larawan.
 Payak ay maikli lamang ang salitaan sa komik istrip. Madali itong
maunawaan at magaang basahin. Ito ay may permanenteng tauhan.
 Basahin ang mga halimbawa ng komiks sa ibaba.

46
D. Mga Katanungan
Unang Gawain (paglikha ng islogan)
Panuto: Gumawa ng islogan batay sa mga sumusunod na pahayag. Ang
paggawa ng walang sukat ay pahihintulutan ngunit kinakailangang mayroong
tugma.

Pamantayan sa Pagmamarka

Kaugnayan sa Pahayag………………………………..35%
Ideyang nais Pangibabawin…………………………...25%
Organisasyon ng ideya at mga salita………………...20%
Tugmaan……………………………………………………20%

Pahayag Blg. 1

Sabin ni Padre Mar DJ Arenas sa aklat niyang Isang Pastol, Isang Kawan, “Ang pag-
aaral ng kasaysayan ay hindi lamang upang malaman ang nakaraan. Ito ay
naglalayong ating maunawaan ang kasalukuyan. At sa ating pagkaunawa sa
kasalukuyan ay mapaghandaan natin nang nararapat ang hinaharap. ”
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pahayag Blg. 2

47
“Ang kadakilaan ay naipapakita ng isang tao sa pamamagitan ng pakikitungo niya sa
mga dukha,” pahayag ni Carlyle.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pahayag Blg. 3

Sabi ni Lord Chesterfield sa kanyang anak. “Kung magagawa mo, dapat kang maging
higit na matalino kaysa sa iba; ngunit huwag mong sasabihin iyon sa kanila”

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pahayag Blg. 4

“Walang taong masasabing mabuti….kung hindi siya naniniwala sa Diyos at kung hindi
niya sinusunod ang Kanyang mga utos,” ang sabi ni Lord Robert Baden-Powell.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Pahayag Blg. 5

Sabi ng isang dakilang awtor: “Ang paghahangad sa pagpapahalaga ng kapwa ay


isa sa mga ikinaiiba ng tao sa hayop.”

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ikalawang Gawain (kolaboratibong pagtalakay)


Panuto: Ibabahagi ng guro ang isang halimbawa ng lathalain sa
pamamagitan ng share screen sa zoom app. Ang mga katanungan naman ay isa-
isang sasagutan ng mga mag-aaral (oral recitation) kasabay ng pagmamarka rito
ng guro. Makikita sa ibaba ang mga katanungang sasagutan at ang pamantayan
ng pagmamarka.

1. Bakit ang kababasa mong teksto ay tinatawag na lathalain?


2. Anong lihim na sandata ng Iraq? Ipaliwanag
3. Sang-ayon ka ba sa kanilang germ-warfare program? Bakit?
4. Sang-ayon k aba sa economic sanctions na ipinatutupad laba sa Iraq? Bakit?
5. May epekto bas a iyo at sa daigdig ang ganitong uri ng labanan? Ipaliwanag.

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman ng Pagpapaliwanag……………………….30%
Kaugnayan sa Katanungan…………………………….25
48
Linaw ng Pagsasalita………......………………………...20%
Organisasyon ng ideya ………………………………...15%
Wastong gamit ng mga salita…………………………10%

E. Pagtataya
Panuto: Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang komik istrip gamit ang
kuwentong mababasa sa ibaba. Lagyan ng diyalogo at angkop na tauhan.

KUWENTO

Nakita ng gutom na pulubi ang isang kumpol na tsiko na nakabitin sa


puno. Pinagmasdan iyon ng pulubi. Mataas, hindi niya maabot kahit lundagin niya.
Pero siya‟y gutom na gutom, uhaw na uhaw. Umatras siya ng hakbang, bumuwelo
at tumalon, pero hindi niya naabot, hindi niya nakuha. Kung ilan pang talon ang
ginawa niya, pero talagang hindi niya maabot ang tsiko. Tatakam-takam na umalis
ang pulubi, bumubulong, “Kuuu! Siguradong matabang ang tsiko na iyon, walang
lasa!” Ang aral: Hindi masarap at walang kuwenta sa iyo ang isang bagay na hindi
mo makuha.

49
MISSION

MABINI COLLEGES aims to provide quality instruction, research


VISION and extension service programs at all educational levels as its
monumental contribution to national and global growth and

DALUBHASAANG MABINI
development.

“MABINI COLLEGES, Inc.


Daet, Camarines Norte
Specifically, it transforms students into:

shall cultivate a CULTURE


- God – fearing;
OF EXCELLENCE in - Nation Loving;
Earth-Caring;
education”
-
- Law-Abiding;
- Productive; and
- Locally and Globally competitive persons.

MODYUL 7
Pagsasaling-Wika

A. Panimula
Ang paksa sa modyul na ito ay siyang pinakahuling tatalakayin natin sa semestreng
ito. Ngunit hindi rito nagtatapos ang karunungang dapat ninyong matamo. Ang inyong
sariling karanasan ang siyang pinakamagaling na magtuturo sa inyo ng katotohanan ng
buhay. Pokus ng modyul na ito ang maipabatid sa inyo ang kahalagahan, katuturan,
mga simulain at tuntunin at ang paraan maging ang mga halimbawa ng pagsasaling-
wika.

B. Layunin
Matapos na mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito ay matatamo ng mga
mag-aaral ang tatlong pinakalayunin ng pagbahagi ng modyul na ito.

1. Natutukoy ang mga mahahalagang tuntunin at simulain na dapat isaalang-alang


sa pagsasaling-wika.

2. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsasalin sa pamamagitan ng google


meet.

3. Naisasagawa ang mga natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagsasalin ng


ilang mga halimbawang ibinigay ng guro.

C. Nilalaman ng Talakayan
Panuto:
Basahin at paka-unawaing mabuti ang nilalaman ng talakayan. Ito ang magsisilbing
salalayan ninyo upang maiugnay ang sarili sa mga online na pagtatalakay ng guro gamit
ang zoom app o google meet. Tiyakin lamang ng bawat mag-aaral na masagutan ang
mga gawain at katanungang inilaan ng guro at makiisa sa mga itatakdang online na
pagkaklase.

Kahulugan ng Pagsasaling-wika
 isang mahalagang gawaing pang-akademiko ang pagsasaling-wika.
Maraming magaganda at mahahalagang kaalaman ang nasusulat sa ibang
wika na kailangan maisalin sa ating sariling wika upang higit na maunawaan
ang nilalaman at taglay na mensahe nito.
 ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat mula sa isang wika patungo sa isa
pang wika. (English Tagalog Dictionary ni Fr. Leo James English)
 ito‟y paglilipat ng isang teksto mula sa isang wika tungo sa teksto ng isa pang
wika. (“A Linguistic Theory of Translation” ni J Clifford)
 ito‟y paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng
diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinalin. (Dr. Alfonso Santiago sa
kanyang “Sining ng Pagsasaling-wika”)

Simulain ng Pagsasaling-wika
 kailangang ganap na mauunawaan ng tagapagsalin ang nilalaman at
intesyon ng awtor ng akdang isinasalin.
 Kailangang may ganap na kaalaman ang tagapagsalin sa wika ng isinasalin
at may gayon ding mahusay na kaalaman sa wikang pinagsasalinan.

50
 Dapat iwasan ng ng tagapagsalin ang mga salin nang salita sa salita sapagkat
makasisira at makapipingas sa kagandahan ng pahayag.
 Kailangang gamitin ng tagapagsalin ang anyo ng mga pananalitang
karaniwang ginagamit ng nakararami.
 Sa pamamagitan ng kaniyang pagpili at pagsasaayos ng mga salita,
kailangang makabuo ang tagapagsalin ng pangkalahatang bias at angkop
sa himig ng pagsasalin.
 Kailangang makapagbigay ng ganap na salin ng kasisipan sa orihinal na akda.
 Ang istilo at paraan ng pagsulat ay kailngang may katulad na katangian ng
orihinal
 Kailangang magtaglay ang salin ng lahat ng luwag ng orihina.

Mga Paraan ng Pagsasalin


 Sansalita-bawat-sansalita (word by word translation)
- isa-sa-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita. Maganda itong gawin
bago gawan ng pinal na pagsasalin lalo na sa mga mahirap unawaing
teksto.

Halimbawa:
Orihinal
Each Citizen must aim at personal perfection and social justice
through education. (Quezon)

Salin
Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at
panlipunan katarungan sa pamamagitan edukasyon.

 Literal
- Sa pagsasaling literal ang pahayag ay isinasalin sa pinakamalapit na
gramatikal na pagkakabuo sa pinagsasalinang wika. Kung minsan,
nagiging masalita ito at nagiging mahaba ang pahayag. Tulad ng unang
paraan, labas sa konteksto at literal na isinasalin ang salita. Maari ring
gamiting panimulang hakbang o pre-translation process.

Halimbawa:
Orihinal
Father bought Pedro a new car.
Salin
Ang Tatay ay ibinili si Pedro ng isang bagong kotse.

 Adaptasyon
- Ang saling ito ay itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin. Madalas
gamitin sa salin ng tula at dula, na kung minsan at tila malayo na sa
orihinal.

Halimbawa:
Orihinal
Ah, woe! Celestial King
Who mortal from dost keep,
Would rather than be sovereign
Be shepherd of Thy sheep?
Salin
Kay lungkot! O Hari ng Sangkalangitan,
Nagkakatawang-tao‟t sa lupa‟y tumahan,
Hindi mo ba ibig na Haring matanghal
Kundi Pastol naming na kawan Mong mahal?

 Malaya
- Gaya sa taguri nito, Malaya ito at walang control at parang hindi na salin.

Halimbawa:
Orihinal:

51
From the last twenty years since he burrowed into this one-room
apartment near Baclaran Church, Francisco Buda often strolled to seawall
and down the stone breakwater which stretched from a sandy bar into
the murky and oil-tinted bay.
Salin
Mayroon nang dalawampung taon siyang tumira sa isang
apartment na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay
mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis.

 Matapat
- Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na
kahulugang kontekstuwal ng orihinal bagaman may suliranin sa
estrukturang gramatikal na nagsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng
eksaktong kahulugang kontekstuwal.

Halimbawa:
Orihinal
And like the old soldier of that ballad, I now close my military
career and just fade away, an old soldier who tried to do his duty.
Salin
At tulad ng matandang kawal sa kuwentong-awit na iyo,
itiniklop ko na ang aklat ng aking pagiging lingcod sa hukbo, upang
mawalang dahan-dahan, isang matandang kawal na sumubok
manuparan ng kanyang tungkulin.

 Idyomatikong Salin
- Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na tekstoang isinasalin. Hindi
nakatali sa anyo, ayos o estruktura ng isinasalin bagkus iniaangkop ang
bagong teksto sa normal at natural na anyo ng pinagsasalinan.

Halimbawa:
Orihinal
Still wet behind the ears
Salin
May gatas pa sa labi

 Saling Sematiko
- Sa paraang ito ng pagsasalin ay pinagtutuunan ng higit ang aesthetic
value o halagang estetiko, gaya ng maganda at natural na tunog, at
iniiwasan ang anumang masakit sa taingang pag-uulit ng salita o pantig
sa pagsasaling ito.

Halimbawa:
Orihinal
O Divine Master,
Grant that I may not so much seek
To be understood as to understand:
To be loved as to love
Salin
O Bathalang Panginoon
Itulot Mong naisin ko pa ang umaliw kaysa aliwin
Umunawa kaysa unawain;
Magmahal kaysa mahalin

 Komunikasyon Salin
- Sa komunikasyong salin, isinasalin ang eksaktong kontekstwal na
kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling
maunwaan.

Halimbawa:
Orihinal
All things bright and beautiful
All creatures great and small
52
All things wise and wonderful
The Lord God made them all.
Salin
Ang lahat ng bagay, maganda‟t makinang
Lahat ng nilikhang dakila‟t hamak man
May angking talino at dapat hangaan
Lahat nay nilikha ng Poong Maykapal

D. Mga Katanungan
Unang Gawain (pagsasanay)
Panuto: Lagyan ng T ang blangko sa unahan ng bawat bilang kung wasto
ang diwang isinasaad ng pangungusap at M naman kung mali ang
pangungusap:

_______________1. Sa pagsasalin ay isinasaalang-alang ang kahulugan ng salita o


parirala sa loob ng pangungusap.
_______________2. Pareho ang istruktura o balangkas ng pangungusap ng Filipino at
Ingles.
_______________3. Sapat nang makuha sa pagsasalin ang pinakamalapit na
pinagsasalinang wika batay sa kahulugan.
_______________4. Ang matematika at agham ay dapat ituro batay sa patakaran sa
edukasyong bilinggwal.
_______________5. Ang isang naninirahan sa isang komunidad na multilinggwal ay higit
na magiging mabisang mamamayan kung maalam siya sa mga
paraan ng pagsasalin-wika
_______________6. Sa wika ay maaaring pagbagu-baguhin ang pangungusap na hindi
nagbabago ang kahulugan, tulad ng matematika na ang sagot sa
isa‟t isa ay dalawa.
_______________7. Ang pagsasalin ay maari ring ipakahulugan na bersyon o halaw.
_______________8. Mas mahirap magsalin ng tuluyang anyo ng pangungusap kaysa
berso o tugma.
_______________9. Kung walang makuhang katapat o katumbas sa Filipino ng isinasaling
salitang Ingles, maaaring baguhin ang katumbas sa iba pang
katutubong wika sakaling may katumbas iyon.
_______________10. Ang paglikha o pag-imbento ng mga salita bilang panumbas sa
mga salitang isinasalin sa Filipino ay hindi nararapat.

Pangalawang Gawain (pagsasanay)


Panuto: Manaliksik tungkol sa mga panuntunan sa pagsasalin. Gawan ito
ng power point presentation at document copy. Ipapasa ito sa google
classroom na mayroon ang klase. Magtatakda ang guro ng pangkat upang
magtulungan ang mga mag-aaral sa paggawa. Tiyaking masasagot ng bawat
miyembro ang katanungan ng guro na may kaugnayan sa ginawa ng mga
mag-aaral. Makikita ang pamantayan sa ibaba.

53
HINDI
PAMANTAYAN GAANONG NANGANGAILANGAN
NAPAKAHUSAY MAHUSAY
MAHUSAY NG PAGPAPABUTI
5 PUNTOS 4 PUNTOS
3 PUNTOS 2 PUNTOS
Naglalaman ng Taglay ng May mga ilang Karamihan ay walang
NILALAMAN NG angkop at presentasyon ang ideya o paksa na kaugnayan sa paksa
PRESENTASYON wastong paksa ideya ng paksang hindi kaugnay sa ang nilalaman ng
ang presentasyon ibinigay ng guro ibinigay ng guro presentasyon

Kinakitaan ng May kasiningan sa


Ang presentasyon Hindi nakita ng guro
PAGKAMASINING husay sa pagiging paggawa ng ay kinakitaan ng ang sining sa
SA PAGGAWA masining sa presentasyon hindi gaanong paggawa.
paggawa kasiningan sa
paggawa
Napakahusay sa Mahusay na May mga Lihis ang mga
pagsagot sa mga nasasagot ang pagkakataong kasagutan sa tanong
PAGSAGOT SA katanungan ng mga katanungan lihis ang sagot sa ng guro.
MGA KATANUNGAN guro. ng guro. katanungan ng
guro.
WASTONG GAMIT Napakahusay sa Kinakitaan ng Hindi gaanong Hindi kinakitaan ng
NG MGA SALITA paggamit ng husay sa kinakitaan ng wastong gamit ng mga
SA wastong mga paggamit ng husay sa salita sa
PAGPAPALIWANAG salita sa wastong salita sa paggamit ng pagpapaliwanag.
AT
pagpapaliwanag. pagpapaliwanag. salita sa
PRESENTASYON
pagpapaliwanag.
TAKDANG ORAS Ipinasa ang Ipinasa ang Ang presentasyon Ipinasa ang
NG PAGPASA presentasyon presentasyon sa ay naipasa presentasyon
bago ang araw araw na itinakda matapos ang ikalawang araw
na itinakda ng ng guro. araw na itinakda matapos ang araw na
guro. ng guro. itinakda ng guro.

PUNTOS

24-25 100%

22-23 98%

20-21 95%

18-19 90%

16-17 88%

14-15 85%

12-13 80%

10-11 78%

8-9 75%

6-7 70%

4-5 68%

2-3 65%

1 60%

54
E. Pagtataya
Panuto: Isalin sa Filipino ang mga halimbawang makikita sa ibaba. Gamitin ang
lahat ng paraan ng pagsasalin maliban sa paraang sansalita-sa-sansalita at literal
na pagsasalin. Ang pinakamalapit na salin sa Filipino ay magtatamo ng gantimpala
mula sa guro maliban sa pinakamataas na gradong matatanggap (99%) sa
maikling pagsusulit (quiz). Makikita rin sa ibaba ang pamantayan sa pagmamarka.

Orihinal:
Vision

MABINI COLLEGES shall cultivate a CULTURE OF EXCELLENCE in Education

Mission

MABINI COLLEGES provides quality instruction, research and extension service


programs at all educational levels as its monumental contribution to the national
and global growth development.

Specifically, it transforms students into;


- God-fearing
- Nation-loving
- Earth-caring
- Law-abiding
- Productive, and
- Locally and Globally competitive persons

HINDI
PAMANTAYAN GAANONG NANGANGAILANGAN
NAPAKAHUSAY MAHUSAY
MAHUSAY NG PAGPAPABUTI
5 PUNTOS 4 PUNTOS
3 PUNTOS 2 PUNTOS
Napakahusay sa Mahusay sa Hindi gaanong Nangangailangan ng
HUSAY NG pagsasalin. pagsasalin. mahusay sa pagpapabuti sa
PAGSASALIN pagsasalin. isinasalin.

LINAW NG Malinaw at wasto Sapat lamang na Hindi gaanong Nangangailangan ng


PAGSASALIN ang isinalin, sapat nauunawaan ng malinaw ang pagpapabuti ang
upang mambabasa ang pagsasaling pagsasaling ginawa.
maunawaan ng isinalin. ginawa
mambabasa.
LAPIT NG Napakahusay na Mahusay na Hindi gaanong Lubhang nag-iba ang
IDEYANG napanatili ang nailapit ang ideya mahusay sa ideya ng orihinal sa
ISINALIN SA ideya ng orihinal ng orihinal sa pagpapanatili ng isinalin.
ORIHINAL sa salin. isinalin. ideya ng orihinal
sa isinalin.
WASTONG GAMIT Napakahusay sa Kinakitaan ng Hindi gaanong Hindi kinakitaan ng
NG MGA SALITA paggamit ng husay sa kinakitaan ng wastong gamit ng mga
AT BANTAS wastong mga paggamit ng husay sa salita at bantas sa
salita at bantas sa wastong salita at paggamit ng pagsasalin.
pagsasalin bantas. salita at bantas.
TAKDANG ORAS Ipinasa ang Ipinasa ang Ang presentasyon Ipinasa ang
NG PAGPASA presentasyon presentasyon sa ay naipasa presentasyon
bago ang araw araw na itinakda matapos ang ikalawang araw
na itinakda ng ng guro. araw na itinakda matapos ang araw na
guro. ng guro. itinakda ng guro.
55
PUNTOS

24-25 100%

22-23 98%

20-21 95%

18-19 90%

16-17 88%

14-15 85%

12-13 80%

10-11 78%

8-9 75%

6-7 70%

4-5 68%

2-3 65%

1 60%

56

You might also like