You are on page 1of 4

Fionna Roxas 10 - Sincerity

PAMAGAT: Ang Kuwintas


MAY-AKDA: Guy de Maupassant
TAUHAN:
G. Mathilde Loisel:
Kalakasan: Maganda at mapanghalinang babae
Kahinaan: Mabilis mainis at kapos sa buhay
Pangarap sa buhay: Maging mayaman at makaranas ng maginhawang buhay
Gng. Loisel:
Kalakasan: Pagiging matiyaga at pasensyosong asawa
Kahinaan: Kapos sa buhay
Pangarap sa buhay: Maging mayaman at makaranas ng maginhawang buhay
Madame Forestier:
Kalakasan: May kaya sa buhay
Kahinaan:
Pangarap sa Buhay:

MENSAHE:
Dapat tayong maging kuntento sa kung anong mayroon tayo at dapat nating pahalagahan ang
mga bagay na hiniram lamang natin.

SAGLIT NA KASIGLAHAN:
Nang dumating si Ginoong Loisel na may dalang sobre na nag-aanyaya sa mag-asawa sa isang
pagdiriwang.

TUNGGALIAN:
Dahil sa kagustuhan ni Mathilde na may maisuot na alahas ay nanghiram siya kay Madam
Forestier, subalit nawala niya ito.
KASUKDULAN:
Sa pagkawala ng kuwintas ay naghirap sila Mathilde sa loob ng sampung taon upang mabayaran
ang mga utang na siyang ipinagbili ng bagong kuwintas.

TEMA:
Ang tema ay ang pagiging mapaghangad ni Mathilde ng karangyaang hindi kayang ibigay ng
kanyang asawa sa kaniya.

SULIRANIN:
Pagkawala ng kuwintas ni Madam Forestier.

SAGABAL SA SOLUSYON:
Kakulangan sa pera ng mga Loisel para mapalitan ang nawalang kuwintas.

SOLUSYON:
Nanghiram ng pera, pumirma ng mga kasunduan, kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat
ng uri ng ng manghuhuthot upang makabili ng kuwintas na katulad ng kay Madame Forestier.

WAKAS:
Ang uri ng wakas ng kuwento ay Di-ganap.
Sa pag-amin ni Madame Loisel sa totoong halaga ng kuwintas ay siya namang pagkagulat ni
Mathilde. Tila ba nagsilbi itong aral na huwag ng basta-basta magwawala ng gamit at tiyaking
maibabalik ang hiniram sa maayos na kundisyon. Dahil na rin sa pagiging mahirap, nagsilbi itong
aral sa kaniya na lahat ay kaya niyang harapin ng may tiyaga at pagpupursigi. Kung kaya’t
ipinagpatuloy niya ang kaniyang nasimulan, hanggang sa lumaon ay nakaangat din sila sa
kahirapan.
h

BUOD:
Si Mathilde ay ang asawa ni Gng. Loisel, na nagtatrabaho bilang isang clerk, ang kanilang
pamumuhay ay simple lamang ngunit hindi ito ang pinangarap ni Mathilde. Isang araw ay may
uwing sobre si Gng. Loisel na naglalaman ng imbitasyon para sa isang pagdiriwang sa palasyo ng
Ministeryo. Nagalit si Mathilde sapagkat wala siyang maisusuot na damit at alahas, kaya’t
binigyan siya ni Gng. Loisel ng apat na raang prangko upang makabili ng damit. Nakabili ng damit
si Mathilde ngunit hindi pa rin siya nakuntento sapagkat nais niyang magkaroon ng kuwintas.
Pinayuhan siya ng kanyang asawa na manghiram sa kaniyang kaibigan na si Madam Forestier.
Naging matagumpay ang panghihiram ni Mathilde ng kuwintas, ganoon din ang kaniyang plano
na maging kapansin-pansin sa pagdiriwang. Ngunit sa kasamaang palad, matapos ang
pagdiriwang ay nawala ang kuwintas na kaniyang hiniram. Magdamag naghanap ang kaniyang
asawa ngunit hindi pa rin niya ito nakita. Dahil rito ay sampung taon silang naghirap upang
mabayaran ang mga utang na ginamit nila para mapalitan ang kuwintas na kaniyang hiniram.
Makaraan ang isang dekada ay nagkita muli sina Mathilde at Madam Forestier, kinuwento ni
Mathilde ang buong pangyayari at duon niya lamang nalaman na peke ang nasabing alahas at
nagkakahalaga lamang ng limang daang prangko.

SIMBOLONG NAIS IPAHIWATIG:


Mula sa litrato na sumisimbolo sa EJK noong taong 2013

PALIWANAG SA SIMBOLO:
Ito ang aking napiling simbolo sapagkat, dapat lang na maging kuntento ang mga pumapatay
at nanghuhuli sa mga “adik”. Dapat isaisip nila na hindi lahat ng tambay, mahirap, o simpleng
mamamayan ay pwede nilang pagbintangan basta-basta. Isa rin sa aking dahilan ay ang
pagpapahalaga natin sa buhay natin, na sa kuwento ay maari nating maihalintulad sa kuwintas.
Sapagkat ang ating buhay ay isang regalo at utang mula sa Diyos, kaya’t bilang may hawak nito
ay kailangan natin itong pangalagaan sa paraang alam natin ay tama. Sa huli, ay ibabalik din ang
ating mga buhay sa gumawa at nagbigay sa atin nito.

You might also like