You are on page 1of 1

Ang kwintas

I. Panimula
Uri ng panitikan – ito ay maikling kuwento mula sa France ni Guy de Mauopasant.
Bansang pinagmulan – Ito ay panitikan mula sa bansang France o French Republic. Ang france ay pangatlo sa
pinakamalaking bansa sa Kanlurang Europe at European Union.
Pagkilala sa may akda - Sinulat ng Pranses na manunulat na si Guy de Maupassant ang maikling kuwento
tulad ng " The Necklace " at "Bel Amim," ngunit nagsulat din siya ng mga tula, nobela, at mga artikulo sa
pahayagan. Siya ay isang may-akda ng naturalist at realistang mga paaralan ng pagsulat at pinakamahusay
na kilala para sa kanyang maikling kuwento, na kung saan ay itinuturing na lubos na maimpluwensyang sa
karamihan ng modernong panitikan.
II. Pagsusuring nilalaman
Tema - Ang paksa ng kwentong "Ang Kwintas" ay ang pagiging ambisyosa ni Mathilde, ang hangarin nitong
tingalain at sambahin ng lahat ng tao dahil sa kanyang kagandahan at karangyaang tinatamasa. Ang pagiging
hindi kontento at hindi pagtanggap ni Mathilde sa kung ano ang meron siya at ng kayang ibigay sa kanya ng
kanyang asawa.
Mga tauhan: Mathilde Loisel – Si Mathilde ay isang maganda at mapanghalinang babae ngunit siya ay
isinilang na mahirap. G. Loisel – Siya ang asawa ni Mathilde. Isang ordinaryong trabahador lamang sa isang
ordenaryong mangagawa lamang sa isang Instruksyong na pampubliko. George Ramponneau- siya ang nag
anyaya sa mag asawang Loisel sa isang sa isang kasiyahan mula sa Ministro ng Instruksyon Pampubliko.
Madam Forestier- siya ang matalik na kaibigan ni Mathilde na nagpahiram kay Mathilde ng kwintas na
ginamit niya sa pinuntahang kasayahan.
Tagpuan - Ang mga tagpuang nabanggit sa kwento ay ang bahay nina G. at Gng Matilde, ang sayawan sa
palasyo at ang bahay ni Madame Forestier. Sa bahay nina G. at Gng Matilde ay dito siya madalas naglalagi at
gumagawa ng mga gawaing pambahay. Dito din niya parating naiisip ang ang pagkahabag sa kanyang sarili
dahil sa uri ng buhay meron siya. Sa palasyo ginanap ang kasiyahan na dinaluhan ng mag-asawa kung saan
lubos na naging maganda at kapansin-pansin ang kanyang kagandahan dahil sa suot na bestida at kwintas.
Sa bahay ni Madame Forestier din nanghiram ng kwintas si Matilde para maisuot sa kasiyahan.
III. Pagsusuring kaisipan
Kaisipang taglay ng akda - Ang aral sa kwentong ito ay ang tao ang nagtatakda ng sarili niyang tadhana kaya
dapat na maging maingat sa pagpili ng landas na tatahakin. Maging kuntento rin tayo sa mga bagay na
mayroon tayo.
Estilo - Ang tagapagsalaysayay nagkaroon ng daan sa mga saloobin ng mga tauhan katulad ng nabanggit niya
tungkol kay Madame Loisel na malungkot dahil siya ay nagmula sa isang mababang angkan ng tagasulat.
Higit sa lahat, an tagapagsalasay ay nakasentro kay Madame Loisel.
IV. Buod
Mayroong kagandahang taglay si Mathilde na hinahangaan ng marami. Gayunman, ang magandang dalaga
ay mahirap lamang. Nakapangasawa rin siya ng isang lalaking kapos din at isang manunulat na maliit lamang
ang kita. Isang araw, pag-uwi ng asawa ni Mathilde na si G. Loisel ay sinabi nitong inimbitahan sila sa isang
piging ng kaniyang amo. Malungkot naman si Mathilde dahil wala siyang magarang dami. Binigyan siya ng
asawa niya ng pambili ng damit. Ngunit nais ni Mathilde na magkaroon siya nang maayos na alahas. Dahil
walang pambili ay nanghiram ito sa kaibigan at nakahiram naman. Namukod-tangi ang ganda ni Mathilde sa
piging. Marami ang humanga sa kaniyang ganda. Pag-uwi nila, masaya ang mag-asawa dahil sa atensiyon.
Ngunit nawala ni Mathilde ang kuwintas. Upang hindi masira ang relasyon sa kaibigan ay pinalitan nila ang
kuwintas kahit mahal ang halaga nito. Dahil sa pagbili ng kuwintas na mataas ang halaga, nabaon sa utang
ang mag-asawa. Dahil maliit lamang ang kita ni G. Loisel ay inabot sila ng sampung taon sa pagbabayad ng
utang. Lumipas ang sampung taon ay nakita ng kaibigan ni G. Loisel si Mathilde. Nagulat ito dahil ibang-iba
na ang hitsura nito mula nang makita sa piging. Sinabi ni Mathilde ang dahilan na naghirap sila dahil sa
kuwintas na nawala. Sinabi ng kaibigan na hindi naman daw tuna yang kuwintas na suot niya noong gabi at
isang imitasyon lamang.

You might also like