You are on page 1of 31

Araling Panlipunan 10

Ikalawang Markahan- Modyul 5-8

Manunulat:
Hazzel F. Alvarez – Golden Acres National High School
Karen C. Baldovino – Golden Acres National High School
Richard L. Casas – Las Piñas Eas National High School
Rosalinda C. Petilla – Las Piñas Eas National High School

Balideytor sa Nilalaman:
Ma. Eirish S. Zulueta – Las Piñas National High School
Apollo D. De Guzman – LPENHS- Equitable Village Annex
Rosalinda C. Petilla– Las Piñas East National High School
Marietta Paa –LPC Tech Voc High School

Balideytor sa Wika:
Mariella P. Balboda- LPC National Science High School
Leonora L. Lustre – LPC National Science High School

Balideytor sa Pagkakaangkop:
Eliza J. Camposano- Las Piñas National High School
Almanza

Konsolideytor:
Eliza J. Camposano – Las Piñas National High School-
Almanza

1
Paano Gamitin ang Modyul

Bago simulan ang Modyul, Kailangan isantabi muna ang lahat ng iyong mga
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang
SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin
sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng Modyul.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkl sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa Modyul.
4. Hayaang ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang Mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang
dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na Gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa pag-aaral gamit ang Modyul.

2
Aralin
Salik at mga Dahilan ng Migrasyon
5

Layunin: Nasusuri ang salik o mga dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa aralin na ito, ating susuriin ang salik o mga dahilan ng migrasyon dulot ng
globalisasyon.

I. Tuklasin
Panuto: Suriin ang larawan. Tukuyin ang sinisimbulo o pinapahayag ng bawat larawan.

6
5
4
1

Pamprosesong Tanong:
1. Base sa ginawang pagsusuri sa larawan, ano mensaheng nakapaloob dito?
2. Maituturing ba itong isang isyung panlipunan?
3. Paano maiiwasan ang mga suliraning kaakibat ng isyung ito?

II. Suriin

MIGRASYON

Sa pag-iral ng globalisasyon hindi lamang produkto, bagay, at impormasyon ang


nagkaroon ng mabilisang pagdaloy o paggalaw sa iba’t ibang panig ng mundo kundi pati tao.
Dahil dito, marami ang umaalis o lumilipat ng ibang lugar o teritoryong pulitikal. Tinatawag
itong prosesong migrasyon. Ang pag-alis o paglipat ay maaring pansamantala o
pangmatagalan. Ang mga taong umaalis o lumilipat ng ibang estado o bansa ay tinatawag na
migrante o migrant na mayroong tatlong uri: Una ang Temporary Migrants, ito ay mga
taong may kaukulang papeles o dokumento upang magtrabaho o manirahan sa isang lugar na
nilipatan. Pangalawa ay ang Permanent Migrants, ito naman ang mga tao na lumipat ng isang
lugar o bansa na ang layunin ay hindi lamang upang magtrabaho kundi permanenteng manirahan
sa bansang pinuntahan. Ang ikatlo ay

3
ang Irregular Migrants, ito ay tumutukoy sa mga taong walang kaulang dokumento o permiso
upang magtrabaho o manirahan sa bansang pinuntahan. Umaalis ang mga tao upang
mandarayuhan; skilled workers, refugees, propesyonal, o bilang parte ng pamilya,
pinagsusumikapan ang makarating sa mga lugar o bansa kung saan nauna nang naninirahan ang
kanilang mga kaanak.

Sa migrasyon mayroong tinatawag na push at pull factors. Ang Push Factor ay ang
dahilan ng tao kung bakit gusto niya umalis ng kanyang bayan o bansa. Ang Pull Factor
naman ay dahilan ng tao kung bakit gusto niya pumunta sa ibang lugar o bansa. Ang mga ito ay
maaring pangekonomiya, pangkapaligiran, panlipunan at pampulitika.

Sa pag-aaral nina Stephen Castles at Mark Miller sa kanilang akdang The Age of
Migration, binigyang diin ng mga ito na meroon iba’t ibang anyo at daloy ng migrasyon
ang nangyayari bilang tugon sa pagbabago sa iba’t ibang aspekto ng lipunan.

Salik na Nakaapekto sa Migrasyon

Seguridad
Ang pag-iral ng pagiging mapang-usig (persecution) at diskriminasyon base sa
nasyonalidad, relihiyon, pulitikal na paniniwala o estado sa lipunan ay nagiging dahilan
upang lisanin ng mga tao ang kanilang bayan upang makahanap ng ligtas na lugar na kung
saan sila ay maaaring mamuhay ng mapayapa at may Kalayaan.

Pangkabuhayan
Ito ay ang pinakamadalas na dahilan ng migrasyon maging ito man ay pansamantala o
permamemte. Ang kawalan ng oportunidad para sa mas maayos na pamumuhay at
mababang pasahod ay dahilan upang hangarin ng mga tao na pumunta sa ibang lugar na
makapagbibigay ng mas magandang oportunidad at mataas na pasahod.

Pangkapaligiran
Pag-alis ng mga tao sa kanilang lugar na tinitirhan dahil sa pagbabago ng kapaligiran na
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay tulad nalang ng mga epekto ng pagbabago ng klima
(climate change).

Panlipunan
Dahil sa patuloy na pagtaas ng pangangailangan at paghahangad ng tao ng mas maayos
na kalidad ng pamumuhay ay nililisan nito ang kinagisnang lugar at lumilipat sa iba. Tulad
ng pagpunta sa mga siyudad na may mataas na kalidad ng edukasyon at dekalidad na
serbisyong pangkalusugan.

Ayon sa resulta ng 2019 Survey on Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa labas ng


bansa mula Abril hanggang Setyembre ng taong 2019, ay tinatayang nasa 2.2 na milyon ang
mga Overseas Contract Workers (OCW) o ang mga manggagawang may aktibong kontrata ay
nasa 96.8% at nasa 3.2% naman ang mga walang kontrata. (PSA,2020). Makikita sa tsart ng
Deployment of Land Bases OFW by Region 2015 na 64% ng OFW ay nasa rehiyon ng Gitnang
Silangan at sinundan ng rehiyon ng Africa na mayroong 28%.

4
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga mamamayan na nagingibang bansa at ang bawat
isa ay mayroong kanya kanyang dahilan. Ayon kay Crispin R. Aranda (2018), ang mga Pilipino
ay patuloy na umaalis dahil sa kawalan ng oportunidad na makapagtrabaho sa bansa,
korupsyon, kawalan ng seguridad sa hanapbuhay o trabaho, kawalan ng kaayusan at seguridad
sa pangkaligtasan at pangkalusugan.Naglahad si Fritz Natividad ng labing-isang dahilan kung
bakit ganon na lang ang pagnanais ng mga Pilipino na magtrabaho sa ibang bansa. Ang mga
dahilan na ito ay karaniwang maririnig sa mga manggagawang Pilipino na nagtratrabaho na o
nagnanais magtrabaho sa labas ng bansa.

1. Mas mataas na sahod at kita sa ibang bansa


2. Mataas na bilang ng walang trabaho sa Pilipinas
3. Hindi matatag na kalagayang pang-ekonomiya ng bansa.
4. Panghihikayat ng pamilya at kaibigan
5. Mapabuti ang karera at makilala sa kanyang larangan sa buong mundo.
6. Diskriminasyon sa paghahanap ng trabaho sa bansa.
7. Oportunidad na makapunta at maranasan ang buhay sa ibang bansa
8. Pagsuporta ng pamahalaan sa mga OFWs
9. Kawalan ng suporta ng publiko para sa mga lokal na namumuhunan.
10. Personal na pangarap mula pagkabata
11. Ito ang in-demand sa kasalukuyan

Ang kawalan ng oportunidad na makapaghanapbuhay at mababang pasweldo sa bansa


ang pangunahing dahilan ng mga Pilipino kung bakit napipilitan silang mangibang bansa kahit
pa malayo sa kanilang pamilya para mabigyan ng mas maayos na buhay ang mga ito. Malaki
ang pangangailangan ng mga manggagawa sa ibang bansa na ang hanap ay mga kababaihan
tulad ng domestic helpers, factory workers, nurse, caregiver, welder, office staff, at iba
pa. Dahil dito, tumataas ang bilang ng mga kababaihan ang umaalis ng bansa upang
magtrabaho. Noong 2012, 54.5% ng mga Filipino migrant laborers na nagtatrabaho sa ibang
bansa ay mga kababaihan (Philippine Commission for Women, 2012). Ang bilang ng mga
kababaihang manggagawa sa ibang bansa ay patunay na malaki ang ginagampanan sa usaping
migrasyon.

5
Ang pagnanais ng mga tao na makapamuhay ng mapayapa at ligtas sa kapamahakan ay
isa din sa mga dahilan ng migrasyon. Dahil sa kaguluhang pulitikal sa bansa tulad ng nangyari
sa bansang Syria, marami ang lumikas ng kanilang bansa patungo sa kalapit bansa bilang
refugee migrants. Mayroong pumupunta sa ibang bansa upang mag-aral o magsanay. Ang
mga ito ay pumupunta sa mga bansa na kung saan sa tingin nila ay makapagbibigay sa kanila
ng mataas na antas ng edukasyon at magandang kasanayan. Habang ang iba nman ay umaalis
ng bansa dahil narin sa panghihikayat ng pamilya at kaibigan. Sila ay pinipetisyon o kinukuha
upang doon manirahan nang sama-sama, at sa paniniwalang mas magkakaroon ng mas maayos
na buhay.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang dalawang salik na nakaapekto sa migrasyon?


2. Bakit umaalis o lumilipat ang tao mula sa teritoryong pulitikal patungo sa iba?
3. Kung ikaw ang tatanungin, nais mo ba na manirahan o maghanapbuhay sa ibang bansa?
Bakit?

III. Mga Gawain

Gawain 1: Panuto: Magbigay ng halimbawa sa bawat salik na nakaaapekto sa


migrasyon gamit ang konsepto ng Push and Pull Factor.

Salik na
PUSH FACTOR Nakaapekto sa PULL FACTOR
Migrasyon

Seguridad

Pangkabuhayan

Pangkapaligiran

Gawain 2: Panuto: Gumawa ng tula/kanta na tumatalakay sa mga dahilan ng


migrasyon sa Pilipinas. Gamitin ang Rubrik bilang batayan sa paggawa.

KRAYTIRYA 5 3 1
Nilalaman Kumpleto at Mayroong kulang at Maraming
komprehensibo ang maling impormasyon kakulangan sa
nilalaman ng kanta/ sa nilalaman ng kanta / nilalaman ng
tula. Wasto ang lahat tula. kanta / tula.
ng
impormasyon

6
Presentasyon Malikhaing nailahad Hindi gaanong Hindi maayos na
ang nilalaman ng maayos na nailahad nailahad ang
kanta / tula. Maayos ang kanta/tula. Hindi kanta/tula. Hindi
na daloy. gaanong nauunawaan gaanong
ang nauunawaan
nilalaman. ang nilalaman
Organisasyon Organisado, Maayos ang Hindi maayos
malinaw, simple at presentasyon ng mga ang
mat tamang pangyayari at ideya. presentasyon
pagkakasunod- May mga bahaging di- ng ideya.
sunod ang gaanong malinaw. Maraming
presentasyon ng bahagi ang
ideya sa kanta/tula hindi malinaw
sa paglalahad
ng kaisipan.

Pamprosesong tanong:

1. Ano-ano ang mga dahilan ng mga mamamayan sa inyong komunidad bakit sila
nangingibang bayan?
2. Bakit mahalagang malaman ang mga dahilan ng migrasyon?
3. Paano matutugunan ang mga isyu na nagiging dahilan ng migrasyon sa bansa?

IV. Tayahin
A. Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay Push Factor o
Pull Factor. Isulat ang Push kung ito ay push factor at Pull kung ito ay pull
factor.

1. Tapos ng engineering si Albert subalit wala siyang mapasukang trabaho na


akma sa kanyang natapos dito sa bansa kaya naisipan niyang mangibang bansa.

2. Pumunta sa Singapore si Nikki para mag-aral dahil batid nya na mayroong


magandang sistema ng edukasyon sa naturang bansa.

3. Dahil sa kahirapan sa bansa ay napilitang mangibang bayan ni Mang Narding


upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

4. Si Audry ay nagpasyang manirahan sa Canada dahil sa panghihikayat ng


kanyang mga kamag-anak na naninirahan doon.

5. Tuluyan ng nasakop ng teroristang grupo ang bayan ni Harry kaya nagpasya


silang lisanin na ito para sa kanilang kaligtasan.

B. Panuto: Basahin at intindihin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng


tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa migrasyon?
A. Ito ay ang paglipat ng mga tao ng tirahan.
B. Pagpunta ng mga tao sa ibang bansa upang manirahan.
C. Paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang maghanapbuhay at kumita ng
malaki para sa pamilya.
D. Paglipat ng mga tao mula sa isang lugar o teritoryong pulitikal papunta sa
iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

7
2. Ano ang tawag sa mga taong nagsilikas sa kanilang mga tirahan dahil sa
kaguluhang pulitikal sa kanilang bayan?
A. Immigrant C. Refugee
B. Permanent migrant D. Temporary migrant

3. Bakit lalong lumalaganap ang migrasyon sa buong daigdig?


A. Dahil sa kawalan ng kaunlaran sa mga mahihirap na bansa.
B. Dahil sa patuloy na paglakas at paglaganap ng globalisasyon.
C. Dahil sa kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan ng bansa.
D. Dahil madaming mamamayan ang nagnanais ng magandang buhay.

4. Madami ang umalis na mamamayan ng Afghanistan ng kanilang bansa dahil sa


banta ng kaguluhan na dulot ng teroristang grupo. Ano ang pangunahing salik
sa pangingibang bayan ng mga mamamayan?
A. Kabuhayan C. Pangkabuhayan
B. Kaligtasan D. Pangkapaligiran

5. Bakit malaki ang impluwensya ng globalisasyon sa pangingibang bayan ng


mga tao?
A. Dahil sa pangangailangan ng mga tao.
B. Dahil sa pagnanais ng mga tao na mabuhay ng marangya.
C. Dahil sa globalisasyon ay madaming nagbukas na oportunidad sa iba’t ibang
bansa.
D. Dahil sa globalisasyon ay nagkaroon ng mas madaming produkto at
serbisyo na pinagkakaloob sa bansa.

V. Karagdagang Gawain

Panuto: Upang higit maunawaan ang dahilan ng migrasyon sa bansa, gumawa ng


panayam sa kamag-anak o kakilalang nangibang bansa. Isulat ang transcript ng
interview sa long bond paper.

Mga impormasyon na kailangang malakap:


1. Pangalan
2. Edad
3. Natapos sa pag-aaral
4. Trabaho bago mangibang bansa
5. Dahilan bakit nangibang bansa
6. Kasalukuyang kalagayan ng pamumuhay

8
Aralin 6 Epekto ng Migrasyon dulot ng Globalisasy

Layunin: Nasusuri ang epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito ating susuriin ang epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

I. Suriin

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng isang tao mula sa isang
lugar patungo sa iba pa, maging ito man ay pansamantala o permanente. Isa sa mga itinuturing na
aspekto ng makabagong ekonomiya ay ang kakayahan ng mga mamamayan na makapagtrabaho
sa ibang bansa upang maghanap ng mga oportunidad para magkaroon ng magandang buhay. Ang
mga pinag-ugatan nito ay naaayon sa mga pangangailangan ng mga indibidwal at ng pamilyang
kanilang kinabibilangan sa usaping seguridad at pangkabuhayan. Ayon sa datos ng UN,
tinatayang mayroong 232 milyong migrante sa buong mundo, ang 59% nito ay nabubuhay sa
papaunlad na mga bansa at 48% ay binubuo ng mga kababaihan. Ang mga pangunahing bansa na
nagiging destinasyon ng mga migrante ay ang Australia, New Zealand, US, Europe at bansa sa
South America. Sa Asya nagmumula ang pinakamalaking bilang ng mga migrante, sinundan ng
Latin America, Carribean, Africa at Europe. Maraming sanhi ang paglabas ng mga Pilipino sa
ating bansa at taon-taon tumataas ang bilang nito. Isa sa mga salik ay ang kawalan ng trabaho
dahil sa krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng bansa. Maaaring magdulot ito ng mabuti at di-
mabuting epekto sa lipunan, politika at kabuhayan ng isang bansa. Ang mga hindi agad
nakikitang epekto ng migrasyon ay tinatawag na social cost.Sa epektong ito ng migrasyon,
kinakailangan ng mga taong nangingibang bansa na makiayon sa panahon o klima, kultura,
lenggwahe at kasuotan ng ibang bansa.

Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon


A. Forced Labor, Human Trafficking and Slavery
Maraming pangyayari ang nagaganap sa usapin ng migrasyon. Ang forced labor,
human trafficking at slavery ang ilan sa hindi magandang epekto nito. Nakararanas ang
mga manggagawa ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso tulad ng hindi pagtanggap ng sahod,
hindi pagkain, kinukulong sa bahay ng amo, pagbibigay ng sobrang trabaho at pang-
aabusong sekswal. Madami ang nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho, nagiging biktima
ng trafficking at mala- aliping kalagayan sa kagustuhang mabigyan ng maayos na buhay
ang kanilang pamilya.

B. Pag-angkop sa pamantayang internasyunal


Dulot ng globalisasyon, nagbabago din ang pamantayang internasyonal. Ilan dito
ay mga kasunduan ng iba’t ibang bansa at samahang internasyonal.
 Bologna Accord – Nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na
mga bansa sa Europa. Ito ay naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat isa
upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling

9
matanggap sa mga bansang nakalagda dito. Dahil sa kasunduang ito, mabilis na
naiakma ang kurikulum sa pagbabago na hinihingi ng industriya at sa mabilis na
pagdami ng mga migrante (manggagawa o propesyunal).
 Washington Accord - Isang internasyonal na kasunduan ukol sa akreditasyon
para sa engineering degree programs ng mga kasaping bansa. Ito ay itinatag
noong 1989 at nilagdaan ng mga bansa tulad ng Australia, Canada, Taiwan,
Pakistan, China, Hong Kong, India, Ireland, Japan, Korea, Malaysia, New
Zealand, Russia, Singapore, South Africa, Sri Lanka, Turkey, United Kingdom,
Philippines at USA.
 K to 12 – Ipinatupad ito sa ating bansa bilang tugon ng pamahalaan na
naglalayong iakma ang sistema ng ating edukasyon sa ibang bansa upang
matugunan ang mababang kalidad ng edukasyon at kawalan ng trabaho.

Epekto ng Migrasyon
Sa mga isyung kalakip ng migrasyon, madalas na napagtutuunan ng pansin ang mga
negatibo at positibong epekto nito sa lipunan na ating kinabibilangan. Ilan lamang dito ang mga
sumusunod:

A. Ekonomiya
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, malaki ang naitutulong ng remittances
ng mga OFW’s sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa.

B. Edukasyon
Nabibigyan ang mga mag-aaral ng mas may kalidad na edukasyon dulot ng mga
pagbabago sa ating kurikulum. Katulad na lamang ng K to 12 na ipinatupad sa
ating bansa upang matugunan ang mababang kalidad ng edukasyon, kawalan ng
trabaho at sa paniniwalang ito ang sagot upang ang mga Pilipino ay makasabay sa
mga mauunlad na mga bansa.

C. Pamilya at Pamayanan
Ang pagdami ng bilang ng mga migrante ay nakakatulong upang mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanilang mga anak ngunit sa kabila nito, hindi nila
nasusubaybayan ang paglaki ng mga ito.

D. Pagbabago ng Populasyon sa Bansa


Maaaring mabawasan ang bilang ng tao sa ating bansa dahil sa pagdami ng mga
Pilipino na mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa.

E. Pagbabago ng Gampaning Pangkasarian sa Isang Pamilya


Ito ang nagiging sitwasyon ng halimbawa ang mga kababaihan kapag ang asawa
ay nangibang bansa, ginagampanan nya ang pagiging ama at iba pang mga
inaasahang tungkulin ng isang ama ng tahanan. Kapag ang babae naman ang
umalis ng bansa upang magtrabaho, inaasahang ang asawang lalaki ang gaganap
bilang ina ng tahanan, Ang salitang ‘taga’ na madalas ginagawang biro sa mga
ama na ginagampanan ang pagiging tagalaba, tagaluto, tagalinis ng tahanan ay
tanggap na sa lipunan sa kadahilanang ito naman ay para mapaunlad at maiangat
ang katayuan ng kanilang pamilya,

F. Hindi Pantay na Oportunidad sa Trabaho at Pasweldo sa mga Babae


May mga trabaho na ang mga kababaihan ay hindi nabibigyan ng
pagkakataong umakyat sa mataas na posiyon, mabigyan ng mataas na sweldo,
mga gantipala o oportunidad.

10
G. Kaligtasan at Karapatang Pantao
Nagkakaroon ng direktang epekto ang migrasyon sa kaligtasan at karapatan ng
mga migranteng Pilipino. Halimbawa nito ay ang pang-aabuso ng mga
recruitment agency tulad ng illegal recruitment na talamak sa ating bansa
habang may mga nagiging biktima ng international syndicate o organized
crime syndicate.

H. Multiculturalism
Isang paniniwala na ang iba’t ibang lahi at kultura ay maaaring magsama nang
payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.

I. Brain Drain
Isa ito sa malaking problema ng ating bansa. Tumutukoy ito sa pag-alis ng mga
propesyunal na manggagawang Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa. Sa
Pilipinas, halimbawa, maraming propesyunal tulad ng doctor, guro, nurse,
inhinyero, at mga eksperto sa larangan ng Information Technology, Mathematics,
Chemistry at Physics ang nangingibang bansa. Magandang oportunidad, sahod at
benepisyo ang nag-uudyok sa kanila upang ibigay ang kanilang serbisyo sa mga
dayuhan. Ngunit nawawala ang oportunidad ng ating bansa na palaguin o
paunlarin ito dahil sa pagkawala ng mga manggagawang may mga kasanayan.

Upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa na nangingibang


bansa, may mga batas at kasunduan na binuo, ito ay ang mga sumusunod:

 UN Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and


Member of their Families – Tinatanggap ang pangunahing karapatang pantao sa lahat
ng mga migrante, nang walang pagkakaiba sa anumang uri at sa buong proseso ng
paglipat.

 International Labor Organization (ILO) Convention – Ito ay sumasaklaw sa mga


paksa na itinuturing na pangunahing mga prinsipyo at mga karapatan sa trabaho;
kalayaan sa asosasyon at ang epektibong pagkilala sa karapatan sa collective
bargaining; ang pag-alis ng lahat ng anyo ng sapilitang paggawa; ang epektibong pag-
alis ng child labor; at ang pagkawala ng diskriminasyon sa trabaho.

 Maritime Labour Convention – itinatag ang kombensyong ito na may panukala


upang matiyak na ang mga karapatan at pangangailangan ng mga seamen ay
mapangalagaan at makuha ang nararapat sa kanila ng hindi sinasamantala.

 Convention on the Elimination of Discrimination and Violence against


Women – ang kombensyon ay nagbibigay ng batayan para sa pagsasakatuparan ng
pagkakapantay-pantay sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan, sa pagtiyak ng pantay na
oportunidad sa politika, pampublikong buhay (karapatang bumuto at tumayo para sa
halalan, edukasyon, kalusugan at trabaho).

Mga posibleng gawain upang mabawasan ang paglobo ng bilang ng mga


Pilipinong migrante:

 Paggawa ng programa ng pamahalaan upang madagdagan ang trabaho sa ating bansa at


mangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.
 Pagpapalago sa ekonomiya ng ating bansa.
 Pagsasaayos sa sistema at kalidad ng edukasyon.

11
Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga mabuti at di mabuting epekto ng pangingibang bansa ng mga


Pilipino?
2. Paano hinaharap ng pamahalaan ang isyung “brain drain” sa bansa? Sa iyong palagay,
ano kaya ang mga paraan upang maiwasan ito?
3. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso sa mga manggagawa ay ninanais pa rin ng
mga Pilipino ang magtrabaho sa ibang bansa?

II. Isaisip
Gawain 1. Suri-Artikulo
Panuto: Basahin ang teksto ng may pag-unawa. Pagkatapos, sagutan ang mga tanong sa ibaba
ng teksto.

Mahigit 100K OFWs napauwi

Mahigit 106,200 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi sa kani-kanilang


probinsya ng pamahalaan sa gitna ng pandemyang coronavirus, ulat ng labor department nitong
Linggo.

Ang pinakahuling batch na 2,246 umuwing OFWs, na negatibo sa Covid-19 ay bumalik


sa kani-kanilang probinsiya nitong Hulyo 25, batay sa datos ng Overseas Workers Welfare
Administration (OWWA).

Nitong Mayo, mahigit 24,000 OFWs ang naiuwi, at karagdagang 72,000 pa ang nakauwi
ng mga sumunod na buwan.

Sa pagtaas ng bilang ng mga umuwing OFW, sinabi ni Labor Secretary Silvestre


H. Bello III na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang tulungan ang mga OFW na
maibalik muli sa trabahong nawala sa kanila dulot ng pandemya.

Nagbuo ang DOLE ng tracking system, ang OFW Assistance Information System
(OASIS), upang gawing mabilis at maayos ang pagpapauwi at pagbibigay ng tulong sa mga
umuuwing OFWs at mga paalis na manggagawa.

Maliban sa transportasyon, ang OWWA, sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya,


Philippine Recruitment Agencies, at Licensed Manning Agencies, nagbibigay din sila ng
pagkain, hygiene kits, at pansamantalang matutuluyan ng mga umuuwing OFW.
Binuo ito ayon sa DOLE ng humigit na sa 250,000 OFW-beneficiaries ng P2.5 billion
emergency fund para sa mga migranteng manggagawa na naapektuhan ng Covid- 19.
Makikita sa pinakahuling ulat mula sa overseas office ng DOLE at OWWA, tumanggap
ng 254,846 request for assistance sa ilalim ng programang Abot Kamay ang Pagtulong
(AKAP) ang naaprubahan, kung saan 214,619 OFW na ang nakatanggap ng emergency aid.

Ang AKAP ay tulong-pinansiyal na $200 o P10,000 at isang beses lamang matatanggap


ng mga OFW na nasa ibang bansa o iyong mga umuwi na dahil sa pandemya. May 554,966
migranteng manggagawa na ang humiling ng tulong-pinansiyal mula sa pamahalaan.

12
Nitong Hulyo 21, naipamahagi ng Labor Department ang P2.232 bilyon mula sa P2.5
bilyong pondo ng programa. Humiling na rin ito ng karagdagang P2.5 bilyon para sa
pangangailangan ng mga OFW na humihiling pa ng tulong.

Halaw sa: https://www.dole.gov.ph/news/over-100k-ofws-sent-home/

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang nilalaman ng teksto?
2. Bilang isang mag-aaral at isang Pilipino, ano ang iyong nararamdaman sa mga OFW
na napauwi? Ipaliwanag.
3. Paano kaya ito bibigyang solusyon ng ating pamahalaan?

III. Mga Gawain


Gawain 1. Epekto ng Migrasyon
Panuto: Ating natutunan ang iba’t ibang isyu kalakip ng migrasyon, alamin natin ngayon ang
mga negatibo at positibong epekto nito sa ating lipunan. Muling balikan ang mga impormasyong
nabasa sa parte ng Suriin. Maari din maghanap ng karagdagang impormasyon na makukuha sa
internet.

“Mga Negatibo at Positibong Epekto na Kalakip ng Migrasyon”

Epekto #1 Epekto #2 Epekto #3

Epekto #6 Epekto #5 Epekto #4

Gawain 2. Picture Analysis

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ano sa iyong palagay ang ipinapahiwatig nito?
Kilalanin kung ito ay negatibo o positibong epekto ng migrasyon. Punan ng kasagutan ang tsart
ukol sa mga larawang nakita at sagutan ang mga katanungan.

13
LARAWAN 1 LARAWAN 2
https://bit.ly/2WKws0Y https://bit.ly/3h2SnXR

LARAWAN 3 LARAWAN 4
https://bit.ly/3jHvTNP https://bit.ly/3n3PfPk

14
15
LARAWAN
TUNGKOL SAAN ANG BAKIT ITO MAITUTURING
LARAWAN NA NEGATIBO O
POSITIBO?

Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa iyong mga kasagutan sa tsart, ano ang iyong masasabi ukol sa epekto
ng migrasyon?
2. Ang mga isyung ipinapakita sa larawan ay nakakaapekto ba sa kaunlaran
ng bans ana iyong kinabibilangan? Bakit?
3. Paano mabibigyang solusyon ang mga isyu na ito sa ating bansa sa
panahon ng globalisasyon?

IV. Tayahin

Panuto: Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng isang tao mula sa isang lugar
patungo sa iba pa.
A. Globalisasyon C. Migrante
B. Brain Drain D. Migrasyon

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng konsepto ng Washington Accord?


A. Ipinatupad sa ating bansa bilang tugon ng pamahalaan na iakma ang sistema ng
ating edukasyon sa ibang bansa.
B. Naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng
kurso sa isang bansa ay madaling matanggap sa mga bansang nakalagda dito.
C. Tumutukoy ito kung sino lamang ang nakapagtapos ng mga kurso na may
propesyunal na lisensya ang maaaring matanggap sa mga trabaho sa ibang
bansa.
D. Internasyunal na kasunduan ukol sa akreditasyon para sa Engineering
Degree Programs ng mga kasaping bansa.

16
3. Piliin ang HINDI kabilang sa mga posibleng Gawain upang mabawasan ang
paglobo ng bilang ng mga Pilipinong migrante.
A. Pagsasaayos sa sistema at kalidad ng edukasyon.
B. Pagpapalago sa ekonomiya ng ating bansa.
C. Pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa upang magtrabaho.
D. Paggawa ng programa ng pamahalaan upang madagdagan ang trabaho sa ating
bansa at mangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa.

4. Bakit binuo ang International Labor Organization (ILO) Convention?


A. Nangangalaga sa mga pangunahing prinsipyo at mga karapatan sa trabaho,
kalayaan sa asosasyon at epektibong pagkilala sa karapatan sa collective
bargaining, pag-alis sa anumang anyo ng sapilitang paggawa at child labor, at
pagkawala ng diskriminasyon.
B. Tinatanggap ang pangunahing karapatang pantao sa lahat ng migrante nang
walang pagkakaiba sa anumang uri at sa buong proseso ng paglipat.
C. Matiyak ang karapatan at pangangailangan ng mga seamen ay
mapapangalagaan.
D. Pagsasakatuparan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng kababaihan at
kalalakihan.

5. Maraming pangyayari ang nagaganap sa usapin ng migrasyon. Ano ang madalas na


pang-aabuso na nararanasan ng mga manggagawa?
A. Slavery C. Human Trafficking
B. Forced Labor D. Lahat ng nabanggit

IV. Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag o pangungusap at MALI naman kung
hindi.
1. Ang brain drain ay tumutukoy sa pag-alis ng mga Pilipino na propesyunal para
magtrabaho sa ibang bansa.

2. Ang tinapos ng isang migrante ang magtatakda ng magiging hanapbuhay sa


bansang pupuntahan na nakapaloob sa Washington Accord.

3. Hindi nakakaranas ng pang-aabuso ang ilang manggagawa na


nagtatrabaho sa ibang bansa.

4. 48% ng mga migrante ay mga kababaihan.

5. Sa mga bansa sa Asya, Africa, Caribbean at Latin America nagmumula ang


malaking bilang ng mga migrante.

17
Epekto ng Globalisasyon sa Aspektong Pang- ekon
Aralin 7

Layunin: Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa aspektong pang-


ekonomiya, pangteknolohikal, panlipunan at sosyo-kultural.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa aralin na ito, naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa
aspektong pang-ekonomiya, pangteknolohikal, panlipunan at sosyo-kultural.

I. Tuklasin
Iden-test-tasyon ng Globalisasyon.

Suriin kung alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng globalisasyon. Lagyan ng ng


simbolong 😊 ang patlang kung tumutukoy ang pahayag sa konsepto ng globalisasyon at
simbolong ☹ naman kung hindi. Matapos ito, maglahad ng kaukulang paliwanag sa iyong
naging sagot.

1. Ang pagkapanalo ni John Arcilla bilang best actor sa Venice Film Festival.

2. Pagkakaroon ng kaibigang French sa Facebook.

3. Pagtitinda ng mga gamit na may tatak na Kate Spade, Lacoste, at Nike sa isang mall sa
Las Piñas.

4. Ang pagbubukas ng maraming outsourcing company sa Pilipinas ngayong may


pandemya.

5. Ang demand para sa serbisyong maibibigay ng mga Overseas Filipino Workers sa ibang
bansa.

Pamprosesong Tanong:
Ang mga pahayag sa itaas ay mga pangyayari sa kasalukuyan panahon sa ating bansa dulot ng
globalisasyon. Paano nakaiiimpluwensya ang mga ito sa pamumuhay ng bawat Pilipino?

II. Isaisip

Hindi maikakaila na halos lahat ng bansa sa daigdig ay bahagi ng globalisasyon.


Kaalinsabay ng mga mabuting epekto nito ay ang mga pangamba hinggil sa posibleng hindi
mabuting epekto nito sa isang bansa. Kaugnay nito, mahalagang maipahayag ang

18
saloobin hinggil sa iba’t ibang epekto ng globalisasyon sa mga aspektong pang-
ekonomiya, teknolohikal, panlipunan, at sosyo-kultural.

Aspektong Pang- Ekonomiya.

Ayon kay Guillermo De la Dehesa, isang globalists, “The Globalizing forces,


however, are not basically cultural but economic; the world market is not cultural
concept but an economic one.” Batay sa pahayag na ito, nilalayon ng globalisasyon na
magkaroon ng isang pandaidigang pamilihan na tutugon sa lahat ng mga pangangailangan
at kagustuhan ng tao. Dahil dito, nagkaroon ng mga proseso o pagdaloy ng kalakal at serbisyo sa
mga bansa. Mas higit itong isinulong dahil sa pagkakatatag ng mga pandaigdigang samahang
pang-ekonomiya gaya ng World Trade Organization (WTO) at International Monetary Fund
(IMF). Mayroon ding mga rehiyonal na samahan gaya ng European Union (EU) at
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Isa sa mga layunin ng mga samahang ito
ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa tungo sa isang organisadong sistemang pang-ekonomiya ng
mga bansang kasapi. May mga polisiya at patakarang ipinatutupad sa bawat kasapi batay sa mga
multilateral at bilateral agreements sa pagsusulong ng kalakalan at komersiyo. Bagama’t ito
ay may kapakinabangan, mayroon din itong negatibong epekto. Isa na rito ay ang pagkakaroon
ng financial crisis na maaring magdulot ng tinawag na “Domino Effect” sa isang rehiyon o
bansang kasapi. Halimbawa nito ay ang financial crisis noong 1997 sa Thailand dahil sa
pagbaba ng halaga ng baht. Sa nabanggit na financial crisis, hindi lang Thailand ang
naapektuhan kundi pati ang Malaysia, Indonesia, Singapore, at Pilipinas. Dahil sa paglaganap
nito sa halos mga bansang Asyano, tinawag din itong Asian Financial Crisis of 1997.

Kung gayon, may mga magkakasalungat na pananaw hinggil sa globalisasyon sa


aspektong pang-ekonomiya. May mga nagsasabing positibo ito sapakat daan ito upang magkaisa
ang rehiyon at mapaunlad ang yaman isang bansa. Sa kabilang banda, may nagsasabing negatibo
ito sapagkat ang mas nakikinabang dito ay ang mga bansang mayayaman na may mataas na
kapasidad sa pagkakaroon ng kapital. Ang mga bansang ito, ang siya ring may direktang
kapangyarihan para makontrol ang takbo ng kalakalan upang mas magkaroon sila ng mataas na
produksyon na siyang magbibigay daan para sa kanilang mas malaking kita.

Aspektong Pangteknolohikal

Ang paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng mabilis na transportasyon at


komunikasyon ng mga bansa ay nagpapakita ng positibong epekto ng globalisasyon. Ayon kay
Marshall Mcluham, isang Canadian Theorist noong 1960, “Ang mabilis na pagsulong ng
proseso ng teknolohiya ay ang pagwasak nito sa social boundaries sa daigdig. Pinipilit
ng teknolohiya na paliitin ang daigdig na para bang ito ay nagiging isang global village
na lamang”. Dahil dito, nagkakaroon ng dalawang katangian na positibong epekto nito. Una,
madaling makapagbahagi ng mga posts tungkol sa sariling kaligayahan, kalungkutan, at talento
na minsan ay sumisikat o nagiging viral at trending sa social media. Nakakalap din tayo ng
mga balita at kaalaman, nalilinang ang kakayahan, talento, at kasanayan, at nakasasabay sa uso o
trend sa kahit saang sulok ng mundo.

19
Sa kabilang dako, mayroon ding hindi magandang epekto ang teknolohiya at social
media sites sa kabataan pagdating sa kalusugan at pag-aaral. Ilan sa halimbawa nito ay ang
pagkakaroon ng mababang marka at pagbagsak ng grado ng mga mag-aaral dahil sa labis na
paggamit at kawalan ng social media responsibility at netiquettes sa facebook, twitter,
Instagram o Youtube Blog. Maliban pa rito, may ilang insidente rin ng cyber bullying. Kung
hindi maagapan o magagabayan ng tama ang mga kabataan sa responsableng paggamit ng mga
social media site, maaring mauwi ito sa pagkasira ng kanilang kinabukasan. Mahalagang
maunawaan ng mga gumagamit ng social media site at ng iba pang platform sa internet na
marapat na gamitin ang mga ito sa responsableng pamamaraan at para matuto sa mga online
class at mga pananaliksik.

Samantala, may mga negatibong epekto din ang teknolohiya at komunikasyon, gaya na
lamang na ginagamit ito ng ilang mga teroristang grupo upang makapagpakalat at magsagawa ng
mga gawaing terorismo. Ilan sa mga pangkat na ito ay ang terroristang Islamic State of Iraq
and Syria (o Levant) o ISIS sa Middle East, Boko Haram sa Nigeria, Al-Qaeda sa
Afghanistan at Pakistan, Jemaah Islamiyah sa ilang bansa sa Timog- Silangang Asya, at Abu
Sayyaf at Maute Group sa Pilipinas. (https://www.philstar.com/pilipino-star)

Maliban pa rito, ayon kina Ivo Daalder at James Lindsay, ang teknolohiyang kaakibat
ng globalisasyon ay naging kasakapan ng ilang mayayamang bansa gaya ng United States of
America (USA) para sa mas mabilis na pagpapalawak ng kapangyarihan at dominasyon sa
buong daigdig, yamang ang USA ay may impluwensya sa mga malalaking media outfit at
maging sa internet na nagsisilbing instrumento ng paglaganap ng kanilang sistemang
politikal, idelohikal, ekonomiko, kultural, at teknolohikal. https://tinyurl.com/y7stu2ng
)

Kung gayon, ang teknolohiya at social media ay nakatutulong upang mapabuti ang ating
pamumuhay. Subalit, kung ano mang bagay na sobra o hindi tama ang pagggamit ay maaaring
mauwi sa negatibong epekto.

Aspektong Panlipunan at Sosyo-Kultural


Ayon sa sanaysay na Localizing Culture na isinulat ni Jeremy Seabrook noong Enero
13, 2004, mayroong dalawang pangunahing reaksyon ang isang kultura sa globalisasyon:

Ang halimbawa ng reaksyong fatalistic ay ang mga dominanteng bansa na siyang mga
nanguguna sa proseso ng globalisasyon tulad ng USA at United Kingdom. Ito ay isang kritikal na
batayan ng mga desisyon o patakarang politikal. Dahil dito, ang nararapat

20
na reaksyon ng isang kultura sa globalisasyon ay sumabay o makibagay na lamang sa agos nito.

Samantala, ang reaksyong resistant, ay may dalawang pamamaraan na mauri ito bilang
positibo at negatibong pananaw. Positibong reaksyon kung ang paniniwala ay posibleng
paghiwalayin ang mga mabubuti at masasamang epekto ng globalisasyon. Sa ilalim ng ganitong
pamamaraan, nais ng isang bansa na panatilihin ang identidad ng kultura tulad ng sining,
kaugalian, pagpapahalaga, at wika. Sa kabila nito, natatamasa o natatanggap pa din ang mga
benepisyong pang-ekonomiya ng globalisasyon.

Ang negatibong reaksyon naman ay kung ang paniniwala sa globalisasyon ay isang


prosesong sadyang hindi mabuti at hindi maiiwasan ang epekto nito na labagin ang mga
identidad ng isang kultura. Halimbawa nito ay ang malayang pagpasok ng mga kaisipan at
impluwensiya ng dayuhan sa tradisyunal na kultura na lumilikha ng pandaigdigan panlasa, tulad
ng mga popular culture sa tulong na rin ng teknolohiya at internet. Isa pang halimbawa rito ang
pananaliksik ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pangasinan tungkol sa epekto ng Kdrama, BL
drama at fashion style sa kultura.

Samakatuwid, masasabi na sa epekto ng globalisasyon, hindi maiiwasan ang mga


pagbabagong mangyayari sa ating kultura. Hindi naman masama na manood o makisabay sa
pagkahilig sa panood ng mga KPOP, Kdrama, BL, at fashion dahil inaaral o inuunawa rin
natin ang kultura ng ibang mga bansang Asyano. Nakadepende pa rin sa atin kung saan tayo
dadalhin ng mga pagbabagong ito. Marapat na magkaroon ng matalinong pagdedesisyon at
damdaming makabayan at huwag kalimutan ang ating sariling pagkakakilanlan at kultura bilang
isang lahing Pilipino.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano mo mailalarawan ang bahaging ginagampanan ng globalisasyon sa aspektong


ekonomikal, teknolohikal, at sosyo-kultural?
2. Bakit mahalagang maunawaan ang mga epektong dulot ng globalisasyon?
3. Sa iyong sariling pamumuhay bilang mag-aaral at kabataan, paano nakaaapekto sa iyo ang
globalisasyon?

III. Mga Gawain


Gawain 1. MT-Muling Tukuyin!

Tukuyin kung sa aling aspekto ng globalisasyon maiuugnay ang mga sumusunod na pahayag.
Tukuyin ang sagot mula sa mga pagpipilian sa ibaba at isulat ito sa kaukulang patlang.

APE: Aspektong Pang-ekonomiya


AT: Aspektong Pangteknolohikal
APSK:Aspektong Panlipunan at Sosyo-Kultural

1. Ang World Trade Organization at International Monetary Fund ay nagpapaabot


ng kaukulang tulong sa mga bansa para matustusan ang mga pangangailangan ng
mga ito laban sa Covid-19 pandemic.

21
2. Isa sa mga tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ay ang K-POP. Kinabibilangan ito
ng mga grupong mang-aawit at mananayaw mula sa bansang South Korea.

3. May mga lehitimong International Organization na nagbibigay ng libre o


murang online tutorial session para sa iba’t ibang kurso.

4. Ang DepEd ay naglunsad ng iba’t ibang modality o pamamaraan sa pag- aaral


ngayong may pandemya. Ilan sa mga ito ay ang paggamit ng Television, Radio,
Internet at ibang platform.

5. Magpapatupad ng granular lockdown ang pamahalaan upang unti-unting


mabuksan ang mga negosyo sa bansa.

Gawain 2: Twitt Mo Nga!

Itala sa twitter box ang sanhi at bunga ng globalisasyon sa komunidad, pamilya, at sarili,
alinsunod sa gabay na tanong na “Paano nakaaapekto ang globalisasyon sa komunidad, pamilya
at sarili?”

#komunidad #pamilya

Sanhi Bunga Sanhi Bunga

#sarili
Sanhi
Bunga

22
IV. Tayahin

Basahin ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay maituturing na aspekto ng globalisasyon maliban sa


isa. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Ekonomikal
B. Ispiritwal
C. Sosyo-Kultural
D. Teknolohikal

2. Aling aspekto ng globalisasyon ang nakatuon sa layuning magkaroon ng isang


pandaigdigang pamilihan na tutugon sa lahat ng mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao?
A. Ekonomikal
B. Ispiritwal
C. Sosyo-Kultural
D. Teknolohikal

3. Bakit mahalaga ang reaksyong resistant sa pananaw na panlipunan at sosyo-


kultural?
A. Dahil sa pamamagitan nito ay malalaman mo ang mga pangangailangan sa
lipunan
B. Dahil nagbibigay gabay ito sa pagsugpo ng kurapsyon sa lipunan
C. Dahil sa pamamagitan nito ay maaaring mapanatili ng isang bansa ang
identidad ng kultura sa ibat ibang aspekto ng lipunan
D. Dahil nagbibigay ito katarungan sa lahat ng naapi sa lipunan

4. Alin ang hindi kabilang sa pangkat kung pagbabatayan ang globalisasyong pang-
ekonomiya?
A. Pagtatatag ng mga dayuhang korporasyon sa isang bansa
B. Pagkakaroon ng kasunduang militar sa pagitan ng dalawang bansa
C. Pagkuha ng isang kompanya ng mga manggagawa mula sa ibang bansa
D. Pakikipag-ugnayan ng isang kompanya sa isa pang kompanya upang
makuha ang serbisyo nito

5. Ano ang maaaring epekto pulitikal laban sa pamahalaan ng pagkakaroon ng


malaking kita ng mga TNC at MNC na nasa kanilang bansa?
A. Pag-unlad ng katayuang pang-ekonomiya ng mga bansang may TNC at MNC
sa kanilang teritoryo
B. Pananakot at pang-iimpluwensiya ng mga TNC at MNC sa pamahalaan upang
makuha ang kanilang gusto
C. Pagkakaroon ng mga TNC at MNC ng mas malaki ang kita kumpara sa
pangkalahatang ekonomiya ng bansa
D. Pagkakaroon ng higit na malaking kita ng pamahalaan dahil sa mga buwis na
maaaring ma kolekta mula sa mga TNC at MNC

V.Karagdagang Gawain
Tumukoy ng isang artikulo sa mga pahayagan, internet, at iba pang sanggunian na
maglalahad ng detalye hinggil sa epekto ng globalisasyon sa daigdig, bansa, komunidad o
pamilya. Iugnay ito sa mga konseptong napag-aralan sa araling ito. Matapos ito, suriin
ang nakalap na materyales gamit ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino ang sumulat ng balita o lathalain? Saan ito inilathala?

23
2. Batay sa nilalaman ng artikulo, makikita o mahihinuha ba ang epekto ng
globalisasyon sa aspektong pang-ekonomiya, teknolohikal, panlipunan o sosyo-
kultural?
3. Paano naapektuhan ng naging panananaw o dulog ng may-akda ang iyong sariling
pananaw ukol sa epekto ng globalisasyon?
4. Sa iyong palagay, paano kaya naapektuhan ng ulat ang kaalaman ng mga mamamayan
sa konsepto ng globalisasyon?

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PAGSASALIKSIK


Nakuhang
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Puntos
Nilalaman Angkop ang piniling lathalain sa 8
tema ng gawain

Sanggunian Gumagamit ng 4
mapagkakatiwalaang
sanggunian sa pananaliksik

Organisasyon Nasagot nang wasto ang mga 8


gabay na tanong

Kabuuan 20

24
Positibo at Negatibong Saloobin hinggil sa
Aralin 8

Layunin: Naipahahayag ang positibo at negatibong saloobin hinggil sa mga piling


aspekto ng globalisasyon.

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa aralin na ito, ipahahayag ang positibo at negatibong saloobin hinggil sa mga piling aspekto ng
globalisasyon.

I. Tuklasin
Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa mga ito. Ipahayag
ang iyong reaksiyon sa mga larawang ito. Maaaring gumamit ng hiwalay na sagutang
papel.

Mga Larawan Mga Katanungan at Kasagutan


Ano ang nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

Ano ang nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

Ano ang nakikita sa larawan?

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

Pamprosesong Tanong:
Batay sa iyong reaksyon sa mga larawan na nasa itaas, paano nagiging positibo at negatibo ang
dulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao?

25
II. Isaisip

`Dahil sa malawakang epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao, mayroong iba’t ibang


pananaw o perpekstibo ang nabuo tungkol dito. May mga nagpahayag ng saloobin na positibo at
mayroon din namang negatibo. Mahalagang masuri at maunawaan ang mga magkakaibang
pahayag upang magkaroon ng isang mas malawak na pang-unawa hinggil sa epekto ng
globalisasyon.

 Mga Saloobin Hinggil sa Epekto ng Globalisasyon

Ang mga globalists, o mga taong nagsusulong ng globalisasyon, ay nahahati sa


dalawang magkaibang pananaw: positibo o negatibong globalist. Ayon sa pahayag na nailathala
sa “Supporting Globalization”, ng isang positibong globalists na si Anne Krueger Deputy
Managing Director of International Monetary Fund (IMF), “Ang pagsuporta sa
globalisasyon ay isa sa pinakamahusay na pamumuhunan na maaari nating gawin
upang mapabuti ang kapaligiran ng seguridad ngayon”. Ito ay kanyang binigyang-diin
dahil sa paniniwala na ang globalisasyon ay isang proseso ng pagsasama ng mga bansa sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga ideya at ang pagsusulong sa pandaigdigang teknolohiya,
kalakalan, paggalaw ng lakas-paggawa at kapital.

Sa kabilang dako, batay sa mga negatibong globalists, mas matimbang ang mga hindi
magagandang epekto ng globalisasyon. Batay sa librong Against the Third Way: An Anti-
Capitalist Critique ni Alex Callinicos, ipinahayag na; “Here, then, is the central thesis of
globalization succinctly outlined. Global economic integration, most evident with respect
to financial market, has radically undetermined the autonomy of nation-states,
producing a world without borders.” Binigyang-diin niya rito na sa patuloy na pagpapatupad
ng mga neoliberal na polisiya sa ekonomiya ng mga bansang kabilang sa Third World, ang mas
higit na nakikinabang ay ang mga transnational at multinational corporation na lumalaki ang
kita at kayang idikta ng financial at trading markets.

Kung gayon, ang dalawang manunulat na ito ay ilan lamang sa mga nagbibigay ng
kanilang saloobin tungkol sa globalisasyon. Ang iba’t ibang pananaw ng mga globalists tungkol
sa globalisasyon ay nanatili bilang isang kontemporaryong isyu.

Makikita sa talahanayan ang mga positibo at negatibong epekto ng globalisasyon sa ilang


mga aspekto:

Aspekto ng
Positibong Pananaw Negatibong Pananaw
Globalisasyon
Trade  Pag-unlad ng kalakalan sa  Pagbaba ng kapital ng
pagitan ng iba’t ibang bansa sa mga lokal na industriya at
daigdig pagkawala ng ganap na
 Paglago ng pandaigdigang kompetisyon dahil sa
transaksyon sa pananalapi pagtanggal ng mga
 Paglaki ng pamumuhunan ng patakarang na nagbibigay
dayuhang pangangalakal na proteksiyon sa mga lokal
nakapagbibigay ng trabaho sa na industriya
mga mamamayan  Sa ilalim ng malayang
 Pagkakaroon ng world market kalakalan, hindi na
o pandaigdigang pamilihan bibigyan ng suporta ng
dulot ng paglaki ng

26
produksyon na makatutugon sa pamahalaan ang mga
pangangailangan ng mga tao lokal na industriya dahil
sa pagbaba sa taripa at
diskuwento ng buwis sa
mga produktong banyaga
 Naipagbibili ng mas
mura ang mga
produktong banyaga
kaysa sa lokal na
produkto

Employment  Paglikha ng pandaigdigang  Pagbaba ng halaga ng


merkado ng mga oportunidad sa sahod ng mga
trabaho at magtatrabaho, kaya't manggagawa dahil sa
nadaragdagan ang mga tao na mura (cheap) at flexible
maging masigasig sa sarili upang labor at iskemang
sa gayon ay madagdagan ang subcontracting
kanilang kakayahan  Pagtaas ng antas ng
 Pagtaas ng demand ng mga kahirapan sa ating bansa
propesyonal na manggagawa dahil sa mataas na antas ng
dahil sa antas ng kaunlaran sa kompetisyon sa trabaho sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pandaigdigang pamantayan
maraming oportunidad  Pagkakaroon ng brain
drain dahil sa
kakulangan ng
mahuhusay na
manggagawa na mas
pinipiling
maghanapbuhay sa
ibang bansa

Culture  Pinapagana ng globalisasyon ang  Pagkawala ng


isang antas sa pag-alam ng mga pagkakataon sa mga less
non-dominant culture upang dominant culture na
payagan ang mga pangkat na ito kilalanin ang kanilang
na kilalanin ang kanilang kultura kultura at tradisyon na
at mapalakas pa ang mga ito pinahahalagahan dahil sa
tinatawag natin na
western at consumer
culture.
Education  Pagdami ng mga estudyanteng  Pinapabuti ng
nakapag-aral sa ibang bansa sa globalisasyon ang access
pamamagitan ng mga exchange sa edukasyon para sa iilan
programme dahil na rin sa ngunit naiiwan ang
inisyatibo ng United Nations marami; binibigyang-diin
Educational, Scientific and ng dibisyong ito ang
Cultural Organization kawalang-halaga sa
(UNESCO) pagkakapantay-pantay ng
mayayaman at mahihirap
na bansa kung saan
malaking bilang ng mga
bata sa buong mundo ang
walang pagkakataon na
makapag-aral ng Basic

27
Education (Kinder-Senior
High School)
Science and  Pag-unlad ng pamamaraan sa  Pagkasira ng kalikasan
Technology paggawa sa pamamagitan ng dahil sa hindi maayos na
pagpapaunlad ng teknolohiya at paggamit ng mga likas na
paglago ng iba’t ibang sangay ng yaman na pinagkukunan
agham na nakatutuklas ng gamot ng mga sangkap sa
sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit paggawa at sa polusyong
at epidemya dulot ng
teknolohiya at
industriyalisasyon
Mga piling sipi:
http://www.unesco.org/education/tlsf/mods/theme_c/mod8.html?panel=5#top.

Sa kabuuhan, magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon:


may mga nag-iisip na nakatutulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na
nakapipinsala ito. Mahalagang isa-isip na hindi masama ang mag-asam ng kaunlaran sa
pamumuhay, tiyakin lamang na naisasaalang-alang ang kabutihang panlahat at hindi lamang
personal na interes.

Pamproseng Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit mayroong magkakaibang saloobin sa globalisasyon?
2. Batay sa magkaibang saloobin sa globalisasyon, ano-anong mga aspekto ang iyong
pinapanigan? Pangatwiranan ang iyong sagot.
3. Alin sa mga epektong ito ang sa pananaw mo ay nararanasan mo sa iyong pang- araw-
araw na pamumuhay o ng ating bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

III. Mga Gawain:


Gawain 1: PAGKUMPLETO SA TSART
Panuto:: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng paglalahad ng positibo at
negatibong epekto ng globalisasyon sa mga nakasaad na aspekto.

Aspektong Positibong Negatibong


Globalisasyon Epekto Epekto

Edukasyon

Pakikipakalakan

Kultura

Gawain 2: Proud Global Pinoy

28
Gumawa ng campaign advertisement na nagtataguyod ng pagka-Pilipino sa kabila ng
lumalaganap na impluwensya ng globalisasyon.Gawing gabay sa pagmamarka ng campaign ad
ang mga detalye na nakatalang rubrik.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG CAMPAGIN AD


Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Kaangkupan ng Angkop at makabuluhan ang mensaheng 10
nilalaman nakapaloob sa campaign ad sa
pagtataguyod ng pagka-Pilipino sa kabila
ng positibo at negatibong epekto ng
globalisasyon.

Kahusayan sa Mahusay na naipahayag ang mensahe sa 5


pagpapahag ng campaign ad.
ideya

Kahusayan sa Mapanghikayat at makapukaw-pansin ang 5


paggawa ginawang campaign ad. Malinis, maayos,
at malikhain ang pagkakagawa nito.

Kabuuan 20

IV. Tayahin

Isulat ang “P” kung ang pahayag ay naglalahad ng pakinabang na hatid ng globalisasyon at
“HP” naman kung hindi.

1. Nagsara ang maraming lokal na industriya dahil sa matinding


kompetisyon mula sa mga dayuhang kompanya.

2. Nagpadala ang isang kolehiyo ng mga mag-aaral nito patungo sa isang


unibersidad sa Japan bilang bahagi ng student exchange program.

3. Maraming mga guro ang nagpasiyang magtungo sa United States upang doon
magturo dahil sa mas malaking pasahod kumpara sa mga paaralan sa bansa.

4. Nagkaroon ng hiring ng mga bagong empleyado ang isang bagong tayong


pagawaan ng kotse na pag-aari ng isang Multinational Corporaration.

5. Hindi tinanggap si Rino sa posisyong tinangkang pasukan bilang engineer sa


isang pabrika sa North America dahil hindi tugma ang kanyang educational
credential sa standard na ipinatutupad sa bansa.

29
V. Karagdagan Gawain

Lagyan ng tsek ayon sa antas ng iyong pagkatuto sa bawat kakayahan. Isulat ang iyong
pananaw hinggil sa aralin sa bahagi ng komento. Maging tapat sa sagot sa gawain ito.

30
SANGGUNIAN:

Halaw sa: https://www.dole.gov.ph/news/over-100k-ofws-sent-home/


Sangunian: Natividad, Fritz (2012). 11 Reasons Why Filipinos Want to Work Abrod,
BusinessTips.Ph http://www.unesco.org/education/tlsf/mods/theme_c/mod8.html?
panel=5#top. (https://www.philstar.com/pilipino-star)
https://tinyurl.com/y7stu2ng )

31

You might also like