You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Sektor ng Agrikultura (Pagsasaka)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mark Anthony M. Salabao
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos
Tagasuring Teknikal:
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manny A. Laguerta, Ed.D.
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Sektor ng Agrikultura (Pagsasaka)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 4
para sa araling Sektor ng Agrikultura (Pagsasaka)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 4 para sa araling


Sektor ng Agrikultura (Pagsasaka)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:

1. Naipaliwanag ang konsepto ng pagsasaka;


2. Naisa-isa ang ang tatlong uri ng pagsasaka; at
3. Naipahayag ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng sektor ng
pagsasaka sa kaunlaran ng bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang T kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, at M naman


kung ito ay Mali.

_____1. Ang Pilipinas ay isang bansang industriyal dahil malaking bahagi nito
ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura.
_____2. Ang Sektor ng agrikultura ay binubuo ng paglililok, pangingisda,
paghahayupan at paggugubat.
_____3. Ang pagsasaka ay binubuo ng tatlong uri. Ito ay ang pagkakaingin,
paglilinang at pagtutubig.
_____4. Karaniwang produkto na matatagpuan sa sektor ng agrikultura ay
iyong mga produktong dumaan na sa pagproproseso.
_____5. Ang sektor ng agrikultura ang pangunahing pinagmumulan ng
pagkain ng mamamayan.

BALIK-ARAL

Panuto: Ilagay ang inyong mga pananaw tungkol sa mga estratehiya na


makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

ESTRATEHIYA NA MAKAKATULONG SA PAG-UNLAD NG BANSA


MAPANAGUTAN MAABILIDAD MAKABANSA MAALAM
1).
2.)
ARALIN

Ang Sektor ng Agrikultura

Humigit kumulang na 7, 100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak


at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil
malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan
malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor ng agrikultura.

Nahahati ang sektor ng agrikiltura sa paghahalaman (farming),


Paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery) at paggubat (forestry).

Ang pagsasaka ang sentro ng industriya ng mga sinaunang Pilipino.


Nagtatanim sila ng mais, palay, niyog at abaka, tubo at saging pati na rin ang mga
gulay at punong namumunga.

Mayroong tatlong uri ng pagsasaka, ang pagkakaingin, paglilinang at


pagpapatubig.

• Pagkakaingin – Hinahawan, sinusunog at pinuputol ang mga puno sa


kagubatan.
• Paglilinang – Binubungkal ang lupa ng araro at suyod para taniman gamit
ang kalabaw.
• Pagpapatubig - pinapaaugasan nila ng tubig ang lupang tataniman, ang tubig
ay galing sa mataas na lugar.

Kahalagahan ng Agrikultura

Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga


sektor ng eknomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat
ng sektor partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na
tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Dahil dito, ang agrikultura ay nararapat ng bigyang-pansin upang mapalakas


at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa
sumusunod na kahalagahan:

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmulan ng pagkain. Ang lupain ng ay


akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas at
iba pa. Mayroon din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag-aalaga ng
mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga
tao. Mayron ding sapat na mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa
katubigan. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil
ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.
2. Pinagkukuna ng material para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula
sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran at
karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na
pinagmulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang
mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at
dahon at ugat para sa pagkain, kemikal o gamot.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng
dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa
pandaigdigang pamilihan. Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na
pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka at iba pang
mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t – ibang produkto.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National
Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may
trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang
nagtatrabaho bilang mga, mangignisda, minero, o tagapag-alaga sa
paghahayupan.
5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor agrikultural
patungo sa sektor ng industriya at paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad
ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagpilit ng lupa
para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang
manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod
batay sa laki ng demand sa mga ito.

Sa pangkalahatan, ipinapakita nito ang sektor agrikultura ay isang


mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan
sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng
mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang
kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay
maaaring may positibong epekto ng isang bansa. Samantala, kung hihigit sa
pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging produkto na
ikakalakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na
sandigan ng bayan upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran.
PAGSASANAY.

Panuto: Ilagay ang tamang sagot sa loob ng bawat kahon.

Kahulugan ng
Pagsasaka

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_

TATLONG URI NG PAGSASAKA

_________________________________________ _________________________________________
_________________________________________ _________________________________________
_________________________________________ _________________________________________
_________________________________________ _________________________________________
_ _

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_
PAGLALAHAT
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag tungkol sa sektor ng pagsasaka

Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa at pagsasaka ang …


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

Mahalaga ang pagsasaka dahil…


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod katananungan na may kaugnayan


sa kahalagahan ng agrikultura .

Bilang isang student advocate ng inyong barangay, paano ka


makakatulong sa sektor ng pagsasaka sa kaunlaran ng ekonomiya ng
bansa? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa bawat patlang ang TITIK ng tamang sagot.

______________1.Ang Pilipinas ay isang bansang ___________.


A. Agrikultural
B. Industriyal
C. Komersyal
D. Residensyal

______________2. Alin ang HINDI kabilang sa sektor ng agrikultura?


A. Pagsasaka
B. Paggugubat
C. Pangingisda
D. Paglililok

______________3. Alin ang HINDI kabilang sa uri ng pagsasaka?


A. Pagkakaingin
B. Paglilinang
C. Pagkakaingin
D. Pagpapastol

______________4. Ang sumusunod ay kahalagahan ng agrikultura MALIBAN sa:


A. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmulan ng pagkain
B. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
C. Pinagkukuna ng material para makabuo ng bagong produkto.
D. Mataas na gastusin sa pagsasaka.

_____________.5 Ikaw ay naatasan maging student leader ng iyong paaaralan upang


tagapangala ng mga pananim. Paano ka makakatulong bilang student leader sa
inyong paaralan?
A. Pitasin ang mga bulaklak at bunutin
B. Ipagwalang bahala na lamang ito
C. hayaan na lamang ang mga panim na malanta at mamatay.
D. Gagawa ng isang grupo upang alagaan at proteksyunan ang mga
pananim
I.Paunang pagsubok
1. T
2. M
3. T
4. M
5. T
II. Balik-Aral:
Paalala: ang balik - aral ay nakabatay sa sariling opinion ng mag – aaral.
III. Pagsasanay:
Paalala: ang balik - aral ay nakabatay sa sariling opinion ng mag – aaral.
IV. Paglalahat.
Paalala: ang paglalahat ay nakabatay sa sariling opinion ng mag – aaral.
IV. Pagpapahalaga:
Paalala: ang pagpapahalaga ay nakabatay sa sariling opinion ng mag – aaral
V. Panapos Na Pagsusulit
1. A
2. D
3. D
4. D
5. D
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
• Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De
Guzman, Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar, Irene
J., mga manunulat. Department of Education, Ekonomiks, Modyul para sa
Mag-aaral, 2015.

• Balitao, Bernard R., Rillo, Julia D., Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad


Makabayan Serye, Quezon City, Vibal Publishing House Inc., 2004

• Baluyot, Emily B., Cruz, Jocelyn B., Fronda, Jennifer G., Liquigan, Rosario
M., Basic Economics with Agrarian Reform and Taxation: MUTYA Publishing
House Inc., Malabon, 2010.

• McConnell, Campbell R. Ekonomiks: Economics; Principles, Problems and


Politics: International Edition; The McGraw-Hill Companies Inc., New York,
2005.

You might also like