You are on page 1of 6

Palomique, John Daniel B.

06-15-21
9-Amphione Sir. Odon Asido Sulla
AP
4th Quarter - Week 1

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Aking napansin na ang dalawang larawan ay may malaking pagkakaiba kung saan ang larawan sa kaliwa
ay may pinapakita na mga building, may malalaking gusali, at may mga kotse, at iba pa. Habang ang
larawan naman sa kanan ay ang ipinapakita ay mga bahay na gawa sa kahoy, nakasakay sa kalesa, at iba
pa. Kung kaya't madaling masabi na ang larawan sa kaliwa ay nagpapakita ng kaularan sapagkat may mga
malaking gusali, kotse, kuryente, aspaltong mga daan, at teknolohiya na makikita dito na isang uri ng
pagsulong na bunga ng pag unlad kaya naman ating masasabi na mataas ang antas ng kanilang
pamumuhay kumpara sa isang larawan na kalesa, lupa ang daanan at mga bahay na kahoy lamang ang
matatagpuan kung kaya't kita sa larawan sa kaliwa ang pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na
antas ng pamumuhay. Bukod pa dito masasabi rin natin nagpapakita ng kaularan ang kaliwang larawan
dahil hindi dito makikita o halos di ganap dito ang kahirapan at mukang mataas ang antas ng pamumuhay
dito kumpara sa kabilang larawan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


1. Malawak at malaking pagbabago sa istraktura ng lipunan o ng isang bansa
2. Pagtaas ng antas ng pamumuhay
3. Pagbaba ng antas ng kahirapan
4. Progresibong proseso
5. Pagamit ng makabagong teknolohiya at makinarya
6. Marami ang trabaho
7. Pagginhawa ng pamumuhay ng tao o mamayan
8. Seguridad sa lipunan
9. Tuluyang pagsugpo at pagtangal sa di pagkakapantay pantay ng mga tao sa lipunan
10. May pagsulong
11. Maunlad ang yaman ng buhay ng tao
12. Pagkakapantay pantay sa lipunan
1. Ang mga salitang aking ibinigay ay may kauganayan sa salitang pag unlad sapagkat ang mga salitang
ito ay tumutukoy sa pagbabago ng pamumuhay ng mga tao kung saan tumutukoy ito sa pagbabago tungo
sa pagtaas ng pamumuhay ng mga tao o mamamayan o nagging mas maginhawa ito na kaugnay at
malinaw na nagpapakita ng pag unlad sa kanilang bayan o bansa.

2. Sa aking palagay ang mga salitang aking ibinigay ay aking maiaaplay at maiuugnay ko sa kalagayan ng
ating bansa bagamat hindi gaano kita ang pagbabago o pagginhawa sa pamumuhay ng mga tao o
mamamayan lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa ay tiyak na nagaganap pa rin ang mga
pagbabago, pagsulong o mga pag unlad na ito sa ating bansa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


1. Gumamit ang barangay ng mga solarcell kaya nagkaroon ng ilaw ang bawat tahanan

2. Nagkaraan ng linya ng tubig sa bawat bahay dahil nagpagawa ang Mayor ng mga tangke ng tubig sa
bawat
barangay

3. Gumamit ang mga mag-aaral ng mga computer sa paaralan kayo tupogas ang bahagdan ng kaalaman
ng mag-aaral sa teknolohiya.

1. Aking natukoy at naikahon ang mga salita na pag unlad sapagkat ang mga salitang pag unlad ay ang
mga pagbabago sa pamumuhay ng tao tulad ng paggamit ng bagong teknolohiya o makinarya at akin
naman binilugan ang mga salitang tumutukoy sa pagsulong sapagkat ang mga ito ay bunga naman ng pag
unlad. Tulad ng “gumamit ang barngay ng mga solarcell” na isang bagong teknolohiya kung kaya’t akin
itong ikinahon habang akin naman binilugan ang ”nagkaroon ng ilaw ang bawat tahanan” sapagkat ito
ang naging bunga ng pag unlad o nang pagamit nang barangay ng makabagong teknolohiya na solarcell.

2. Sa aking palagay ang palatandaan ng pag unlad ay ang pagbabago at paginhawa ng buhay ng tao tulad
ng pagamit ng makabagong teknolohiya o makinarya. Sapagkat ang mga pagbabago at paginhawa ng tao
ay naipapakita ang pagtaas ng pamumuhay ng tao o ng mga mamamayan na para sa akin ay isang
palatandaan na may pag unlad. Habang ang bunga naman ng pag unlad na ito ang aking ginagawang
palatandaan upang matukoy kung ano ang paglusong o kung ano ang naging pagsulong.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


1. ✔
2. ✔
3. ✔
4. ✔
5. ✖

1. Ang aking higit na nararanas na pag unlad sa aming lipunan ay ang pagkakaroon ng mga bago at
matataas na gusali at ang paggawa ng mga naglalakihang kalsada. Bukod pa dito ay nararanasan rin na
pagunlad sa aming lipunan ang pagkakaroon ng mga makabagong teknolohiya at mga makabagong
makinarya na nakatutulong sa mga mamamayan tulad ng mga magsasaka sa aming lipunan upang mas
pabilisin at padaliin ang pagtanim.

2. Sa aking alagay ay ang nagiging balakid sa pagpapatuloy ng pag unlad ay ang soyal o lipunan at pati na
rin ang aspeto ng politikal.

3. Kung ating babalikan ang larawan sa unang bahagi ay aking masasabi na ang mga palatandaan ng pag
unlad sa isang bansa ay ang pagbabago sa pamumuhay ng mga mamayan o tao dito kung saan nagiging
mas maginhawa ang pamumuhay ng mga mamayan dahil tulad sa larawan sa kaliwa na ipinapakita ang
mga pagsulong tulad ng pagkakaroon ng mga naglalakihang nga gusali, kotse, teknolohiya at iba na
pinagiginhawa at mas pina tataas ang antas ng pamumuhay ng tao o nagpapakita ito ng pag unlad. Pati na
rin dahil hindi dito masyado makikita o di ganap dito ang kahirapan na isa sa maraming palatandaan ng
pag unlad dahil kung di ganap ang kahirapan ibig sabihin ay may maraming trabaho o hanapbuhay at
maginhawa ang pamumuhay ng mga mamayan na nagpapakita ng pag unlad o kaunlaran ng lipunan.

4. Aking nakikita ang aking sarili limang taon mula ngayon bilang isang kabahagi ng mga palatandaan ng
pag unlad na masipag at maayos na nagtatrabaho at tumutulong o sumusuporta sa mga organisasyon sa
pag papaaral sa kabataan na makatutulong di lang para sa aking pansariling kaunlaran kundi pati sa
kaunlaran ng aking lipunan bilang isang kabahagi ng mga palatandaan ng pag unlad na aking natukoy
tulad ng pagkakaroon ng maginhawang buhay ng mga mamamayan at pagkakaroon ng mga trabaho sa
tulong ng edukasyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

EKONOMISTA KONSEPTO NG PAG-UNLAD PANANAW/PAGKAUNAWA

1. Feliciano R. 1. Ang kaniyang konsepto sa pag 1. Ang kaniyang pananaw ay ang


Fajardo unlad ay ito ay isang aktibo at pag unlad ay isang progresibong
progresibong proseso at ang prosesong pagpapabuti o
pagsulong ay ang bunga ng pag pagbabago ng kondisyon ng tao
unlad. gaya ng pagpapababa ng antas ng
kahirapan o mula sa kahirapan
tungo sa mas mataas o mas
maginhawang antas ng
pamumuhay.
2. Micheal P. Todaro 2. Tradisyonal na pananaw at 2. Ang kanilang dalawang pananaw sa pag
at Stephen C. Smith makabagong pananaw ng pag- unlad ay ang tradisyonal na pananaw kung
saan binigyang-diin nito ang pag-unlad
unlad
bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng
antas ng income per capita nang sa gayon
ay mas mabilis na maparami ng bansa ang
kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki
ng populasyon nito. At sa makabagong
pananaw naman, isinasaad na angpag-unlad
ay dapat na kumatawan sa malawakang
pagbabago sa buong sistemang panlipunan.

3. Amartya Sen 3. Development as Freedom 3. Ang kaniyang pananaw sa


kaunlaran ay matatamo lamang ito
kung “mapauunlad ang yaman ng
buhay ng mga tao kaysa sa yaman
ng ekonomiya nito”.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:


Ang pag unlad sa larawan ay tumutukoy sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim sa tulong o gamit ng
bagong makinaryang pang agrikultura at ang pagsulong naman ay ang pagdami ng ani o ng maaani.
Kung gagamit ng ganitong makinarya ang mga magsasaka sa ating bansa masasabi kong nagkaroon tayo
ng pag unlad sapagkat nagkaroon ng pagbabago upang maging mas maginhawa at mabilis ang proseso ng
pagsasaka sa tulong o sa paggamit ng makabagong makinarya sa agrikultura na nagpapakita ng pag unlad
na magbubunga o magsusulong naman ng mas maraming ani para sa mga magsasaka at sa ating lipunan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
"SA PAG-UNLAD NG BAYAN, MAMAYAN AY MAKIKINABANG"
Nangangahulugan ito na kung ang bawat mamamayan ay magsisikap, magtutulungan o magkakaisa,
gagampanan ng maayos ang gampanin sa bansa o magiging mapanagutan, magtyatyaga, at magiging
produktibo magkakaroon ng pag unlad ang bayan at ang mga mamamayan ang labis na makikinabang
dito kaya naman dapat tayo ay magsikap, magtyaga, gampanan ng maayos ang gampanin sa bansa o
bayan, at mas lalo na ang magtulungan o magkaisa, maging mapanagutan at maging produktibo sapagkat
ang pinabuting pamantayan ng pamumuhay ay ginawang posible kapag ang paggawa ay mas mabunga ng
bawat isa at magiging mapanagutan ang bawat isa tulad ng pagbabayad ng buwis sapagkat mahalaga ang
buwis sa pagpapatupad ng mga proyekto na makapagpapaunlad sa bayan o bansa at higit rin na
makatutulong sa mga mamamayan. Importante naman ang pagiging produktibo at pagkakaisa sapagkat
ang tanging napapanatiling paraan upang lumago ang isang ekonomiya o umunlad ang isang bayan ay sa
pamamagitan ng pagtaas ng pagiging produktibo ng mga mamamayan nito kaakibat ang pagkakaisa dito
sapagkat tulad ng isang walis ting ting dapat tayong magkaisa o magtulungan at magsama sama upang
ating mapaunlad ang ating bayan sapagkat kung nag iisa lamang ang kumkilos para sa kaunlaran ng ating
bayan maging isang ordinaryong mamamayan man ito o ang pamahalaan ay wala itong masyadong
magagawa tulad ng nagiisang ting ting sa paglilinis. Ang kapalit naman ng maunlad na bayan na ito ay
ang pagtaas at pagginhawa ng pamumuhay ng mga mamamayan kung kaya't ang pag unlad ng bayan,
mamamayan din lamang ang makikinabang.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Perfomans Para sa Mag-aaral


Gawain sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3
Bilang 4
Bilang 5
Bilang 6
Bilang 7
"As long as you've got passion faith and are
willing to work hard, you can do anything
you want in this life"

You might also like