You are on page 1of 1

Lao-e, Xyna S.

9-Beryl

Panata KO!

Bilang isang mamamayang Pilipino panata ko na mamahalin ko ang aking bansa, ang aking
bansang Pilipinas. Ipapakita ko ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng pagtangkilik sa
sariling atin. Pagsisikapin kong maging isang mabuting mamamayan. Aking susundin ang mga
batas ng walang sapilitan. Pagsisikapin kong tumulong at gumawa ng pang komunidad ng
buong puso. Magiging magalang ako sa mga kapwa Pilipino at makikiisa sa kanilang mga
pamamaraan para umangat ang ating bansa. Aking haharapin ang mga anomang problema na
nangyayari at nagaganap para sa ikabubuti ng lahat, aking uunahing lilibutin ang bansang
kinabibilangan bago ko lilibutin ang bansang gustong bisitahin/puntahan. Uunawain ko ang mga
nangyayaring hindi gusto, at magtitiwala na magbabagorin ang mga ito sapagkat lahat naman
ng ating gustong marating ay kailangan lang ng tiwala. Bago ako gagawa ng mga bagay na
gagawin, iisipin ko muna kung ito ba ay pangkabutihan ng lahat at ating bansa. Panata ko na
tutupadin ang aking mga panata para mapapaunlad ang ating bansa.

Aking kapwa Pilipino tara na’t maging mabuting Pilipino ating gawin ang mga bagay na
ikabubuti nating lahat, tara na’t maging mabuting mamamayan, maging sundalo na sumasaludo
sa ating watawat na nasa itaas. At higit sa lahat tara na at MAHALIN an gating bansa, para
ating magagawa ang ikinabubuti nito. SALUDO, HhAAaaa!!!

You might also like