You are on page 1of 10

1

Learning Activity Sheets

Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Karapatan at Tungkulin

I. KASANAYANG PAMPAGPAKATUTO AT KODA

 Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (Week 1a/EsP9TT-IIa-5.1)

II. PANIMULA
Ang konsepto ng Karapatan at Tungkulin.

Karapatan:

 Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at


angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay.

 Ito ay moral dahil hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na
ibigay sa kanya ng sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.

Saan nakabatay ang mga karapatan?

 Ito ay nakabatay sa likas na batas moral. Ito ang batas na nagpapataw ng


obligasyon sa lahat na igalang ang mga kararapatan ng isang tao.

Anim (6) na Uri ng Karapatan na hindi Maaalis (Inalienable) ayon kay Sto.
Tomas de Aquino (Quito, 1989)

1. Karapatan sa buhay – ito ang pinakamataas na antas ng mga karapatan.


Kung wala ito, hindi mapikananbangan ng tao ang iba pang mga karapatan.

2. Karapatan sa pribadong ari-arian – kailangan ng tao ang mga ari-arian


upang mabuhay ng maayos at makapagtrabaho ng produktibo at
nakikibahagi sa lipunan.

4
3. Karapatang magpakasal – ang tao ay may karapatang bumuo ng pamilya
sa pamamagitan ng kasal.

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar – kasama dito ang karapatang


lumipat o tumira sa ibang lugar na may opurtunidad, o ligtas sa anumang
panganib.

5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya – may


karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na makakatulong sa kanya upang
mapaunlad ang kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at
kapwa.

6. Karapatang magtrabaho o maghanap-buhay – may obligasyon ang


lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho sa mga mamamayan upang
sila ay mamuhay ng maayos.

Tungkulin:

 Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o


maisasakatuparan ng isang tao.

 Kung maisasagawa mo ng maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti


sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at
ano ka bilang tao dito sa mundo.

Tungkulin sa Bawat Karapatan:

KARAPATAN TUNGKULIN
Pangalagaan ang kanyang
Karapatan sa buhay kalusugan at sarili laban sa
panganib.
Pangalagaan at palaguin ang
Karapatan sa pribadong pagmamay-ari kanyang mga ari-arian at gamitin ito
sa tama.
Suportahan at gabayan ang pamilya
Karapatang magpakasal
upang maging mabuting tao
Kilalanin ang limitasyon ng sariling
Karapatang pumunta sa ibang lugar Kalayaan. Pagsunod sa batas ng
linipatang lugar.
Igalang ang relihiyon at paraan ng
Karapatan sa pananampalataya
pagsamba ng iba.

Magpunyagi sa trabaho at
Karapatang maghanapbuhay
magpakita ng kahusayan sa gawain.

5
III. MGA SANGGUNIAN

Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pahina 79 - 92

IV. MGA GAWAIN

A. Paunang Pagtataya

Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang mga
sagot sa kwaderno.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyan kapwa?

a. karapatan
b. isip at kilos-loob
c. kalayaan
d. dignidad

2. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o


iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip


b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng
mga tungkulin

3. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod and hindi


ibig sabihin nito?

a. Hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa


kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang
kapuwa na igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa
ng moral na kilos.

6
4. Ano ang buod ng talata?

Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa


pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalan o
lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili
kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga
obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.

a. Mahalaga ang pananagutan ng indidwal na maging mabuting


mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang
magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihan kung may mamamayang hindi
tumutupad ng tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago
mahubog ng indibidwal ang sarili.

5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa


buhay?

a. Iniiwasan ni Anang kumain ng karne at matatamis na pagkain.


b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Rosa para sa mga batang
biktima ng pang-aabuso.
c. Sumasali si Dan sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. John Arroyo para sa mga batang
kalye.

Gawain 2: Ano ang mga itinuturing ninyong karapatan?


Panuto: Isulat sa kuwaderno ang anim na aytem na itinuturing mong
karapatan. Isulat ang mga ito ayon sa lumalabas sa iyong isip. Pagkatapos
iranggo mo ito – 1 ang pinakamahalaga sa iyo at 6 ang hindi.

Mga Karapatan
1.
2.
3.
4.
5.
6.

7
A. Mga Batayang Tanong

1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang gawain?


2. Ipaliwanag ang inyong batayan sa resulta ng pagraranggo ng ginawa mo.
3. Ano ang masasabi mo sa iyong pagkaunawa sa karapatan?

B. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik (kung kailangan)


15 10 5
Angkop at wasto May ilang
Walang kaugnayan at
ang mga salitang salitang ginamit
Pagkakabuo hindi wasto ang mga
ginamit sa na hindi angkop
salitang ginamit
pagbubuo at wasto
Hindi gaanong
Mabisang Hindi naipahayag
naipahayag ng
Nilalaman naipahayag ang nang mabisa ang
mabisa ang
mensahe nilalaman ng mensahe
mensahe

V. REPLEKSIYON
Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?
______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

5. C

4. A
3. B
2. A
1. A
GAWAIN 1

8
Learning Activity Sheets

Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Karapatan at Tungkulin

I. KASANAYANG PAMPAGPAKATUTO AT KODA

 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,


paaralan, barangay/pamayanan lipunan o bansa (Week 1b/EsP9TT-IIa-5.2)

II. PANIMULA
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na
igalang at kapag nilabag ito magkakaroon siya ng damdaming pagsisi. Ayon kay Santo
Tomas de Aquino (Quito, 1989), May anim na uri ng karapatan na hindi pwede maaalis
(inalienable). Ang mga karapatang ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng
mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at maghanabuhay. Mayroon
din itong ilang karapatang pang-indibidwal na kinikilala sa encyclical na ‘Kapayapaan
sa katotohanan” Pacem in Terris. Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang Pacem in
Terris ay sumasalaim sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga karapatan ng
tao.Universal Declation of Human Rights.May 19 na artikulo (articles) ito. Narito ang
unang apat na batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan
( Fundamental Principles of Humanity )

Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi,estado sa lipunan,


opinion sa mga isyung political, wika, edad, nasyonalidad, o
Artikulo 1
relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa
paraang makatao.

Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi


makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling
Artikulo 2
pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng
kapuwa.

Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o pulisya ang


dapat mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat sundin
Artikulo 3
ang pamantyang moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod
ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.

4
Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat
tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya
Artikulo 4 at pamayanan, lahi, bayan at relihiyon nang may pagkakaisa:
Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw mong gawin nila
sa iyo.

Ibinatay ang mga karapatang kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa


dignidad ng tao, patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng
sangkatauhan bilang pundasyon ng kalayaan, katarungan, at kapayapaan sa buong
mundo.
Mayron ding tungkulin bilang obligasyong moral na ayon ky Dy, 2013, kasama
sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng tungkulin. Moral na gawain ito dahil ang
moral ang siyang nagpapanatili ng ating buhay-pamayanan, samakatuwid, ang
pagtalikod o hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan
na may malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan.

III. MGA SANGGUNIAN


Sangguniang aklat sa EsP 9. Pahina 79-92

IV. MGA GAWAIN

Gawain 1: PAGSUSURI SA SITWASYON


Panuto: Suriin ang mga sitwasyon. Tukuyin kung anong uri ng likas na karapatan ng
tao ang nilabag sa bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung bakit. Pagkatapos, sagutin ang
mga tanong sa ibaba ng gawain.

1. Isang buwan ng kasambahay si Claire.sa Pamilya Castro. Sa nakaraang isang


lingo, tatlong bahay sa kanilang kapitbahayan ang inakyat ng magnanakaw. Natakot
si Gng. Castro dahil hindi niya kilala ng ganap si Claire. Inisip ni Gng. Castro na baka
makipagkaibigan ang mga magnanakaw ky Claire at dahil dito, baka pasukin din ang
kanilang bahay kapag siya lang ang tao rito. Nagpasiya si Gng. Castro na huwag ng
palabasin ng bahay si Claire, kahit bumili sa tindahan sa loob ng subdivision.

2. Nagsabi na ang 35 taong gulang na si Ana sa kaniyang ina na mag-aasawa na siya.


Napagtapos na niya ang kaniyang dalawang kapatid at nasa Junior High School na
ang bunso. Ngunit sinabi na ng kanyang ina na kailangan munang magtapos ang huli
bago siya magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang ina.

3. Maraming sako ng bigas ang nakatago sa 50 container van ni Mang Lito. Bukod sa
nakikita sa kanyang tindahan sa palenke. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng
tulong sa pagkain, pera, at damit para sa mga biktima ng bagyong Yolanda,30 sako
ng bigas lamang ang pinadala niya sa Samar at Leyte.

5
Mga Tanong:

1. Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan ang inilalarawan sa


bawat sitwasyon?

2. Ano-ano ang maaring gawin ng kabataang kasing-edad mo upang pukawin ang


kamalayan sa kapuwa Pilipino sa mga paglabag nito?

Gawain 2: PAGNINILAY
Panuto: Sagutin ang mga tanong na napapaloob sa talahanayan upang lubusang
mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang ang


kaalamang pumukaw sa pagkaunawa at aking gagawin upang
akin? reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong
ito? ito sa aking buhay?
1. Tungkol sa karapatan
2. Tungkol sa tungkulin
3. Tungkol sa paglabag
sa karapatan

A. Mga Batayang Tanong


1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa mo ang gawain?
2. Ano ang naging reyalisayon mo sa iyong sarili pagkatapos mong sagutan ang
gawain?
3. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.
4. Kailangan bang ipagtanggol ang karapatan? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________

B. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik


KRAYTIRYA 15 10 5

May ilang salitang


Angkop at wasto ang Walang kaugnayan at
ginamit na hindi
Pagkakabuo mga salitang ginamit hindi wasto ang mga
angkop at wasto.
sa pagbubuo. salitang ginamit

6
Hindi gaanong
Mabisang naipahayag Hindi naipahayag ng
naipahayag ng
Nilalaman ang mensahe ng mabisa ang nilalaman
mabisa ang
sagot. ng sagot.
mensaheng sagot.

V. REPLEKSIYON

Bilang mag-aaral, mahalaga ba ang pagtupad ng tungkulin? Bakit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

Depende sa sagot ng mga mag-aaral.

You might also like