You are on page 1of 6

1

Learning Activity Sheets


Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Karapatan at Tungkulin

I. KASANAYANG PAMPAGPAKATUTO AT KODA

Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (Week 1a/EsP9TT-IIa-5.1)

II. PANIMULA
Ang konsepto ng Karapatan at Tungkulin.

Karapatan:

Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at


angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay.

Ito ay moral dahil hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na
ibigay sa kanya ng sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.

Saan nakabatay ang mga karapatan?

Ito ay nakabatay sa likas na batas moral. Ito ang batas na nagpapataw ng


obligasyon sa lahat na igalang ang mga kararapatan ng isang tao.

Anim (6) na Uri ng Karapatan na hindi Maaalis (Inalienable) ayon kay Sto.
Tomas de Aquino (Quito, 1989)

1. Karapatan sa buhay ito ang pinakamataas na antas ng mga karapatan.


Kung wala ito, hindi mapikananbangan ng tao ang iba pang mga karapatan.

2. Karapatan sa pribadong ari-arian kailangan ng tao ang mga ari-arian


upang mabuhay ng maayos at makapagtrabaho ng produktibo at
nakikibahagi sa lipunan.

4
3. Karapatang magpakasal ang tao ay may karapatang bumuo ng pamilya
sa pamamagitan ng kasal.

4. Karapatang pumunta sa ibang lugar kasama dito ang karapatang


lumipat o tumira sa ibang lugar na may opurtunidad, o ligtas sa anumang
panganib.

5. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya may


karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na makakatulong sa kanya upang
mapaunlad ang kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at
kapwa.

6. Karapatang magtrabaho o maghanap-buhay may obligasyon ang


lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho sa mga mamamayan upang
sila ay mamuhay ng maayos.

Tungkulin:

Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o


maisasakatuparan ng isang tao.

Kung maisasagawa mo ng maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti


sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at
ano ka bilang tao dito sa mundo.

Tungkulin sa Bawat Karapatan:

KARAPATAN TUNGKULIN
Pangalagaan ang kanyang
Karapatan sa buhay kalusugan at sarili laban sa
panganib.
Pangalagaan at palaguin ang
Karapatan sa pribadong pagmamay-ari kanyang mga ari-arian at gamitin ito
sa tama.
Suportahan at gabayan ang pamilya
Karapatang magpakasal
upang maging mabuting tao
Kilalanin ang limitasyon ng sariling
Karapatang pumunta sa ibang lugar Kalayaan. Pagsunod sa batas ng
linipatang lugar.
Igalang ang relihiyon at paraan ng
Karapatan sa pananampalataya
pagsamba ng iba.

Magpunyagi sa trabaho at
Karapatang maghanapbuhay
magpakita ng kahusayan sa gawain.

5
III. MGA SANGGUNIAN

Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pahina 79 - 92

IV. MGA GAWAIN

A. Paunang Pagtataya

Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang mga
sagot sa kwaderno.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyan kapwa?

a. karapatan
b. isip at kilos-loob
c. kalayaan
d. dignidad

2. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o


iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip


b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng
mga tungkulin

3. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod and hindi


ibig sabihin nito?

a. Hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa


kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang
kapuwa na igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa
ng moral na kilos.

6
4. Ano ang buod ng talata?

Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa


pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalan o
lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili
kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga
obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.

a. Mahalaga ang pananagutan ng indidwal na maging mabuting


mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang
magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihan kung may mamamayang hindi
tumutupad ng tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago
mahubog ng indibidwal ang sarili.

5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa


buhay?

a. Iniiwasan ni Anang kumain ng karne at matatamis na pagkain.


b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Rosa para sa mga batang
biktima ng pang-aabuso.
c. Sumasali si Dan sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. John Arroyo para sa mga batang
kalye.

Gawain 2: Ano ang mga itinuturing ninyong karapatan?


Panuto: Isulat sa kuwaderno ang anim na aytem na itinuturing mong
karapatan. Isulat ang mga ito ayon sa lumalabas sa iyong isip. Pagkatapos
iranggo mo ito 1 ang pinakamahalaga sa iyo at 6 ang hindi.

Mga Karapatan
1.
2.
3.
4.
5.
6.

7
A. Mga Batayang Tanong

1. Ano ang nararamdaman mo habang ginagawa ang gawain?


2. Ipaliwanag ang inyong batayan sa resulta ng pagraranggo ng ginawa mo.
3. Ano ang masasabi mo sa iyong pagkaunawa sa karapatan?

B. Batayan sa Pagbibigay ng Iskor sa Rubrik (kung kailangan)


15 10 5
Angkop at wasto May ilang
Walang kaugnayan at
ang mga salitang salitang ginamit
Pagkakabuo hindi wasto ang mga
ginamit sa na hindi angkop
salitang ginamit
pagbubuo at wasto
Hindi gaanong
Mabisang Hindi naipahayag
naipahayag ng
Nilalaman naipahayag ang nang mabisa ang
mabisa ang
mensahe nilalaman ng mensahe
mensahe

V. REPLEKSIYON
Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?
______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

5. C

4. A
3. B
2. A
1. A
GAWAIN 1

You might also like