You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan II

(Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

I. Layunin
Sa pagtatapos ng 40-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. masasabi ang kahulugan ng karapatan;
b. maiisa-isa ang mga katumbas na tungkulin sa bawat karapatang
tinatamasa, at;
c. mapapahalagahan ang mga karapatang tinatamasa

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Mga Karapatan sa Komunidad
Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag na ang mga karapatang
tinatamasa ay may katumbas na tungkulin bilang kasapi ng komunidad
(AP2PKK-IVe-4)
b. Pangunahing Konsepto:
Ang karapatan ay mga bagay na ating nakakamtan bilang isang tao at
mamamayan upang makapamuhay ng masaya at payapa sa pamayanan.
Ang tungkulin ay ang mga pananagutang dapat gawin ng isang tao
katumbas ng mga karapatang kanyang tinatamasa.

c. Mga Sanggunian:

TG - TG_ARALING PANLIPUNAN 2_Q4. (n.d.). GDRIVE. Retrieved April 1,


2024, from
https://drive.google.com/file/d/1mEuKl468EHcq8kCA_N_2GqxLsmE0FRGJ/
view

Other - ARALING PANLIPUNAN 2 QUARTER 4 MGA KARAPATAN SA


KOMUNIDAD. (n.d.). Youtube. Retrieved April 1, 2024, from
https://www.youtube.com/watch?v=4PLqkSdAMz4

d. Mga Kagamitan: powerpoint presentation, mga larawan, printed letters

III. Pamamaraan sa Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paghahanda

1. Pagsasagawa ng mga pang


araw-araw na gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati

Magandang hapon, Grade 2! Magandang hapon din po, Teacher


Dona!
c. Pag-awit
d. Pagtatala ng mga pumasok at
lumiban sa klase

2. Pagsasanay
Bago tayo magsimula ay atin munang
sagutan ang maikling gaain na aking
inihnada. Panuto: Sabhin ang “hephep” kung
ang pangungusap ay tama at
“hooray” naman kung ito ay mali.
1. Ang kapitan ang nangunguna sa
barangay. “hephep”
2. Ang doktor ang humuhuli sa mga
nagkasala “hooray”
3. Ang kaminero ang naglilinis ng mga
kalsada. “hephep”
4. Ang magsasaka ang nagtatanim ng
mga gulay para may makain. “hephep”
5. Ang karpintero ang nag-aayos ng
mga sirang bahay. “hephep”

3. Pagbabalik-Aral
Natatandaan niyo pa po ba ang ating
aralin tungkol sa mga namumuno at
naglilingkod sa komunidad?
opo
Mayroon akong inihandang maikling
gawain. (babasahin ng mag-aaral ang
panuto)
Pakibasa nga po ang panuto. Panuto: Tukuyin kung sino sino
mga naglilingkod ang nasa larawan.

1. Bumbero po

2. Nars po
Basurero po
3.

Magsasaka po

4.

5.
Guro po
Mahusay!
At dahil diyan, bigyan ninyo ang
inyong sarili ng explorer clap.

4. Pagganyak
Bago naman tayo tuluyang dumako sa
ating aralin ay may inihanda akong
gawain.

Pakibasa nga po ang panuto.


Panuto: Ayusin ang mga
sumusunod na titik upang makabuo
ng isang salita. Magkaroon ng isang
representatnte na magpapaliwanag
sa klase kung ano ang nabuong
salita.
B. Mga Panimulang Gawain

1. Panimula
Ang maikling gawain na inyong
ginawa ay may kaugnayan sa ating
aralin ngayong araw.
Base sa mga salitang inyong nabuo,
ano sa tingin ninyo ang ating
tatalakayin ngayon? Tungkol po sa karapatan at tungkulin
po

Mahusay!
Ang ating aralin ngayong araw ay
tungkol sa Mga Karapatan sa
Komunidad.

Pakibasa nga pong muli ang paksa ng (babasahin ng mga mag-aaral ang
ating aralin ngayon. paksa)

2. Talakayan
Ano ba ang ibig sabihin ng karapatan? Mga bagay na nagagawa po natin

Tama. Pakibasa ang kahulugan ng


karapatan, Amara. Ang karapatan ay mga bagay na
ating nakakamtan bilang isang tao at
mamamayan upang makapamuhay
ng masaya at payapa sa pamayanan.
Kapag naman po sinabi nating
tungkulin, ano ang ibig sabihin nito?
Mga bagay po na dapat nating
tuparin
Magaling. Pakibasa ng sabay sabay
ang kahulugan ng tungkulin.
Ang tungkulin ay ang mga
pananagutang dapat gawin ng isang
tao katumbas ng mga karapatang
kanyang tinatamasa.
Ang karapatan ay dapat
tinataglay ng bawat isa sa atin. Wala
sa edad at wala sa katayuan ng buhay
ang pagkakaroon ng karapatan. Ibig
sabihin lahat tayo ay mayroong
karapatan.

Dumako naman tayo sa iba’t-ibang


karapatan ng tao.
Ano ang nasa larawan?
Ano kayang karapatan ang ipinapakita
nito? Kaparatang maipanganak po

Tama! Karapatang maisilang at magkaroon


ng pangalan.

Ang bawat batang katulad mo ay may


karapatang maisilang at mabuhay sa
mundong ito. Gayundin ang
karapatang mabigyan ng pangalan at
iparehistro ito sa inyong komunidad
upang masabi na kayo ay ganap na
isinilang ng inyong mga magulang.

Diba lahat naman tayo ay may iba't- opo


ibang pangalan? Tama po
ba?
Ngayon, ano naman ang tungkulin
natin o paano natin mapapahalagahan
ang karapatan nating ito?
Pangalaagan po natin ang ating
pangalan
Magaling!

Pagmasdan muli ang larawan.


Anong karapatan ang ipinapakita sa
larawan? Karapatang magkaroon ng maayos
na tahanan po
Magaling!
Karapatan natin na mayroon tayong
masisilungan o tinatawag
nating tahanan na ibinibigay sa atin ng
ating mga magulang.

Kayo ba ay may sariling tahanan? Mayroon po


Paano mo naman maipapakita ang
pagpapahalaga mo sa karapatan mong
ito?
Mahalin at igalang po ang pamilya
Mahusay!
Dumako naman tayo sa pangatlong
larawan, ano sa tingin ninyo ang
karapatang ipinapakita dito? Karapatang magkaroon ng
masustansiyang pagkain at maging
malusog po
Dito pumapasok ang ating kalusugan
mula sa ating physical na
pangangatawan. Karapatan natin na
makakain ng mga masustansyang
pagkain tulad ng gulay, prutas, at iba
pang pagkain na nakakapag palakas
ng resistensya ng bawat isa.

Sino rito ang kumakain ng gulay?


(magtataas ng kamay ang mga bata)
Ano naman ang gagawin mo para
mapahalagahan ang karapatan mong
ito?
Magpasalamat po sa mga pagkain na
natatanggap
Magaling!

Para naman sa pang-apat na


larawan.Ano kayang karapatan ang
ipinapakita dito?
Karapatang mag-aral po
Mahusay!
Katulad ng inyong nararanasan
ngayon kayo ay nasa paaralan upang
mag aral.
Paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga mo sa karapatan mong
mag-aral?
Mag-aral po ng mabuti
Tama!
At para sa panghuling larawan.
Anong karapatan kaya ang ipinapakita
dito?

Tama!
May mga ginagawang palaruan ang
ating punong barangay upang
magkaroon ng palaruan ang bawat Karapatang maglaro po
batang katulad niyo. Mahalagang
matamo ng bawat bata ang kaniyang
mga karapatan upang lumaki kayong
maayos at
kapaki-pakinabang sa inyong mga
sarili, pamilya, at komunidad.

Paano mo ipapakita ang


pagpapahalaga mo sa karapatang ito?

Magaling!

Tatandaan na ang bawat karapatan


natin ay may katumbas na Huwag sisirain ang mga palaruan
tungkulin. Ang bawat karapatan ay
dapat isagawa ng buong puso at
may pagkukusa. Tulad ng tungkulin
natin, pangalagaan ang ating
pangalan, tirahan, pag-aaral at
kapaligiran.
Naiintindihan po ba mga
bata?

3. Pagsasaayos ng Kasanayan
Isulat ang masayang mukha kung
tama ang isinasaad sa pangungusap Opo
at malungkot na mukha kung hindi.

1. Walang karapatan ang bata na


mabigyan ng pangalan.
2. Karapatan ng bata na
makapaglaro.
3. Karapatan ng bata na magkaroon
ng magulong pamilya.
4. Ang karapatan ay tumutukoy sa
C. Paglalahat mga bagay na tinatamasa ng isang
Muli, ano nga po ang ating naging tao.
aralin ngayong araw? 5. Ang isang tao ay may karapatan
na maging ligtas.
Tama! Ano ano ang mga karapatan na
nabanggit sa ating tinalakay?

Tungkol sa mga karapatan sa


Mahusay! Ano naman ang dapat komunidad po
nating gawin o tungkulin natin para
pahalagahan ito?
Karapatang isilang at magkaroon ng
Magaling! Ano pa po ang mga pangalan po
karapatan na ating tinalakay?

Mahusay! Paano naman natin


mapapahalagahan ang tungkulin Pangalagaan po ang ating pangalan
nating ito?
Karapatan pong mag-aral
Eksakto! Magbigay pa nga ng
karapatan na ating pinag-aralan.

Magaling! Paano mo naman Mag-aral po ng mabuti


maipapakita ang pagpapahalaga mo
sa karapatan mong ito?
Karapatang maglaro po

Tama! At dahil diyan, palakpakan


ninyo ang inyong mga sarili.
Huwag pong sisirain ang mga gamit
sa palaruan

D. Paglalapat
Ihanay ang mga karapatan na tinutukoy sa Hanay A sa mga larawan na
ipinapakita sa Hanay B.
HANAY A HANAY B

1. a. karapatang maglaro

2. b. karapatang makapag-aral

3. c. karapatang isilang

4. d. karapatang kumain ng
masustansiyang pagkain

5. e. karapatang magkaroon ng
tahanan

IV. Pagtataya
Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa
papel ang sagot.
1. Si Carlo ay nagkasakit at ipinagamot siya ng kaniyang mga magulang sa
ospital. Anong karapatan ang ipinakikita nito?
A. Karapatang Makapag-aral
B. Karapatang Mabigyan ng Kasuotan
C. Karapatan sa Pangangalagang Medikal
D. Karapatang Makapaglaro at Maglibang
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat ibigay sa mga bata upang sila ay
maging malusog na bata?
A. mga aklat
B. mga damit
C. mga laruan
D. mga masustansiyang pagkain
3. Pangarap ni Jhon na maging matagumpay na pulis pagdating ng araw.
Kaya pinapapasok siya ng kanyang mga magulang sa malapit na paaralan sa
kanilang lugar. Anong karapatan ito?
A. Karapatang Medikal
B. Karapatang Makapaglaro
C. Karapatang Makapag-aral
D. Karapatang Mabigyan ng Kasuotan
4. Tuwing Sabado ay nagpupunta sa parke ang pamilya nila Andrei para
mamasyal. Anong karapatan ang ipinapakita nito?
A. karapatang maglibang at maglaro
B. karapatang mag-aral
C. karapatang maipagamot
D. karapatang kumain ng masustansiya
5. Ito ay ang mga bagay o mga pangangailangan ng tao na dapat ibigay.
A. kalusugan
B. karapatan
C. edukasyon
D. Kayamanan

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang karapatan na tinatamasa mo ngayon at ipaliwanag kung
paano mo ito mapangangalagaan.

You might also like