You are on page 1of 5

DLP BLG Asignatura: Baitang: Quarter: Oras: Petsa:

1 Araling 2 4 40 mins. April 15,


Panlipunan Week - 3 2024
Kasanayang Naipaliliwanag na ang mga karapatang tinatamasa ay may katumbas na
Pagkatuto: tungkulin bilang kasapi ng komunidad.
I. Layunin: Napag-iisa ang mga ibat’- ibang mga
Pagkatapos ng Kaalaman responsibilidad bilang kasapi ng komunidad
araling ito ang Maisagawa ang mga ibat-ibang tungkulin bilang
mga mag-aaral Kasanayan mag-aaral sa komunidad
ay inaasahang: Mabibigyang halaga ang pagpapakita ng
Kaasalan responsibilidad bilang kasapi ng komunidad
II. Paksang Paksa: Mga kakayahan ng Mag-aaral sa pagpapakita ng responsibilidad
Aralin bilang kasapi ng Komunidad.
Sanggunian: MELC Gabay Pangkurikulum Aral. Pan 2 LM (Quarter 4-
Week 3)
Kagamitan: visual aids, laptop, television, marker, cartolina
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pranimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Ama namin, sumasalangit Ka. Sambahin
ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian
Mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ng aming makakanin sa
araw-araw. At patawarin Mo kami sa
aming mga sala. Para nang pagpapatawad
namin sa nagkasala sa amin. At huwag Mo
kaming ipahintulot sa tukso. At iadya Mo
kami sa masasama. Amen.

2. Pagbati

Magandang araw mga mag-aaral sa ika-


apat na baitang. Magandang araw din po Sir!

Kumusta kayo mg bata? Mabuti na man po.

Pakitingnan kung mayroon bang mga


nagkalat na basura sa ilalim ng inyong mga
upuan at paki ayos Ang inyong mga hanay.

Kung tapos na ay maaari na kayong Maraming salamat po Sir.


magsiupo.

3. Pagtala sa Lumiban

Sino ang lumiban sa ating klase ngayon? Wala po Sir.

Mabuti! Kaya bigyan ng tatlong


palakpak ang inyong mga sarili.

4. Mga Alintuntunin sa Klase

1. Makinig sa diskasyon.
2. Itaas ang kanang kamay kung
mayroon kayong mga
katanungan o klaripikasyon.
3. Umupo ng maayos.

Nagkakaintindihan ba tayo mga bata? Opo Sir!


A. Paghahanda

Balik - tanaw

Sabihin kung anong Karapatan ang sumusunod:


Bakit ito mahalaga sa buhay ng tao?

 Pagluluto ng masarap na pagkain sa


mga anak.
 Pagpapagamot sa may sakit na lola.
 Pagbibinyag ng batang bagong
isinilang.

B. Pagganyak

Ngayon may ipapakita akong mga larawan


sa inyu. Pag – uusapan natin ang nasa
larawan

Itanong:
Wala siyang pakialam Sir!
1. Ano ang masasabi ninyu tungkol sa taong Wala po siyang pakialam Sir!
ito?
2. Ano ang nais niyang maging: matulungin o
walang pakialam?

C. Paglalahad

Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang


tungkulin bilang kasapi ng komunidad (Guro,
Doktor, Pulis, kawani ng Barangay, Atbp.)

Pag-usapan ang bawat tungkulin.

Ano ang kanilang ginagawa sa komunidad?


Ano ang kahalagahan ng kanilang tungkulin?
Nagtuturo sa mga bata Sir!
Guro

Naggagamot sa may mga sakit Sir!


Doktor

Nagbabantay sa ating komunidad Sir!


Pulis

Namumuno sila sa ating komunidad upang


mapabuti ang ating komunidad Sir!
Barangay Opisyales

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction) Opo, sir!


(Naghuhugas, Nagdidilig ng mga halaman,
May tungkulin ba kayong ginagampanan Naglilinis ng bahay)
bilang kasapi ng pamilya o komunidad ? Ano
ang iyong ginagawa?

E. Paghahasa (Exercise)

Isulat sa malaking puso ang iyong


responsibilidad bilang mag aaral.

* Paglinis ng silid aralan


* Pagkukumpuni ng sirang upuan
* Pagwawalis sa lansangan
* Pakikilahok kung may pagpupulong sa
barangay
* Pagtatanim ng mga halaman
* Pagsunod s autos ng magulang
*Pagtulong sa mga gawaing bahay

F. Paglalahat: (Generalization) Maging mabuting ehimplo Sir!


Paano natin maipakita ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa mga responsibilidad bilang
kasapi ng komunidad?
Sa pamamagitan ng pagiging disiplinado at
maayos sa pag aaral at pakikipagkapwa- tao.

G. Paglalapat (Application)

Lagyang ng tsek kung tama √ at ekis x


kung mali.

___1. Pagdidilig sa mga halaman


___2. Pagtatapon ng patay na hayop sa ilog.
___3. Pagsisigaw sa labas ng silid-aralan.
___4. Pakikinig ng guro sa loob ng klase.
___5. Pagtulong sa mga gawain ng ating mga
magulang.

H. Pagtataya: (Evaluation)
Isulat ang titik ng tamang sagot.

1.Ano ang ibig sabihin ng “responsibilidad”?

a. Pagiging Malaya
b. Pagiging maalaga
c. Pagiging mapanagutan
d. Pagiging makatarungan

2.Ano ang kahalagahan ng pagpapakita ng


responsibilidad bilang kasapi ng komunidad?

a. Upang makapagpakita ng lakas ng loob


b. Upang maipakita ang kayamanan
c. Upang makapagbigay ng tulong sa iba
d. Upang maipakita ang kagandahang- asal

3.Paano natin maipapakita ang responsibilidad


bilang mag aaral sa komunidad?

a. Sa pamamagitan ng pagsira ng mga


pampublikong gamit
b. Sa pamamagitan ng pagtapon ng basura
kahit saan?
c. Sa pamamagitan ng pagiging disiplinado at
maayos sa pag aaral at pakikipagkapwa- tao

4. Ano ang maaring gawin upang mapanatili ang


kaayusan at kaunlaran sa ating komunidad

a. Pagigigng responsableng kasapi ng


komunidad
b. Pagiging walang pakialam sa kalagayan ng
ating komunidad
c. Pagiging pasaway sa mga kapitbahay.

I. Kasunduan/Takdang Aralin ( Agreement/


Assignment)

Sumulat ng dalawang responsibilidad ng


mga mag-aaral sa tahanan.

Cooperating Teacher:
MRS. DAISY A. BICAL
TEACHER

Inihanda ni:
MR. JIREH D. SOTEN
Tagapagpakitang-turo

You might also like