You are on page 1of 10

Ang modyul na ito ay espesyal na ginawa para sa mga mag-aaral sa

ika-9 na baitang upang higit na mas maunawaan ang bawat aralin. Ang
modyul na ito ay maaaring maging kasangkapan upang higit mong makilala
ang iyong sarili at maipahayag ang iyong mga saloobin.

Narito ang mga simpleng paraan kung paano mo gagamitin ang


modyul na ito. Maligayang pag-aaral!

Basahin nang mabuti at maingat na sundin ang mga panuto na nakalagay sa


bawat bahagi ng modyul na ito.
Sagutan nang may katapatan ang mga ibinigay na gawain.
Pag-aralan ang mga konsepto na nakapaloob sa modyul at gamitin ang iyong
natutunan sa pagsagot ng pangwakas na pagsusulit.

MGA INAASAHAN NA MAIPAMALAS MO

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan at gawain
na may kaugnayan sa paggawa at paglilingkod.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga


sumusunod na kasanayan:

 Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng


pamayanan at ng lipunan.
 Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng
kanilang buhay para sa pagboboluntaryo at pakikilahok.
 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin.
 Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor na may
partikular na pangangailangan (hal. mga batang may kapansanan o mga
matatandang walang kumakalinga).

Batid ko na nais mo ng magsimula, Kaya halika! sagutan mo na ang paunang


pagsubok.

1
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang
sagot.

1. Ang sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:


A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili, hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao
upang isagawa ito.
C. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
D. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.

2. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at


paggalang mula sa kaniyang kapwa.
A. Bolunterismo B. Dignidad C. Pakikilahok D. Pananagutan

3. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?


A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
B. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
C. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan.
D. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

4. Ano-ano ang mga katangian na dapat maipamalas ng isang taong may pakikilahok at
bolunterismo?
A. Bayanihan, Kayamanan, Talento
B. Kayamanan, Pagmamahal, Talento
C. Kayamanan, Panahon, Talento
D. Pagkakaisa, Panahon, Talento

5. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang:


A. Dignidad C. Pananagutan
B. Karapatan D. Tungkulin

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?


A. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
B. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na higit na makilala ang kanyang sarili.
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.

2
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo sa ugnayan sa iba.
7. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na
hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
B. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa
iyo.
C. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka
tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
D. Mali, sapagkat hindi dapat pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Dapat ito ay
manggaling sa puso.

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?


A. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-
aaral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
B. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan upang alagaan ang mga bata dito tuwing
bakasyon.
C. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay
na karapat-dapat na mamuno.
D. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang
makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga
kapit-bahay.

9. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya
ang kanyang bunsong kapatid na maysakit. Ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa
paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng
pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
A. Impormasyon
B. Konsultasyon
C. Pagsuporta
D. Sama-samang Pagkilos

10. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang
taos pusong pakikilahok at bolunterismo?
A. Kabutihang Panlahat
B. Pagkakaisa
C. Pag-unlad
D. Sama-samang Pagkilos

3
PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Basahin at unawain ang maikling dialog sa ibaba.

. Masaya ang ganyang mga Ako rin Kapitan! Sasali ako


gawain Kapitan! Marami dahil ayoko na may masabi
tayong matutulungan sa mga sa akin ang mga
kabarangay natin. kabarangay natin.
Maaasahan nyo po ako!

Matapos mong basahin ang kanilang naging usapan, ano sa iyong palagay ang

pagkakaiba ng layunin ng dalawang magkabarangay? Kung ikaw ang nasa sitwasyon,

ano kaya ang iyong magiging tugon?

Naranasan mo na ba ang gumawa ng makabuluhang bagay na makatutulong sa

iba ng walang hinihingi na anomang kapalit? Kung oo ang iyong sagot, maaaring

namayani sa iyo ang diwa ng bolunterismo, kung saan naipamalas mo ang paraan ng

paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa iyong kapwa. Maaaring naramdaman mo

na rin ang saya na naidudulot ng paglilingkod sa iba at boluntaryong pagbibigay ng oras

at panahon upang makatulong sa iyong kapwa.

Sa modyul na ito ay mapatutunayan mo na ang pakikilahok at bolunterismo ay

makatutulong sa pagkakaroon ng personal na pananagutan at sa pagkamit ng kabutihang

panlahat.

4
Basahin at unawain ang teksto. Matapos mo itong gawin ay sagutan ang mga
katanungang kaugnay nito.

#BagyoKaLangPinoyKami
ni Maybelline N. Orosco

Itininuturing na isa sa pinaka-mapaminsalang delubyo na humagupit sa


bansang Pilipinas ang bagyong Yolanda noong taong 2014. Ito na marahil ang
pinakamasalimuot na karanasan para sa maraming Pilipino. Sa mga probinsiya na
matatagpuan sa Visayas at Mindanao naitala ang pinakamaraming namatay at
pinsala na naidulot ng nasabing bagyo.
Maraming masasakit na alaala ang iniwan ng pangyayaring ito. Mga pamilyang
nawalan ng tirahan at ari-arian. Mga negosyong nagsara at nalugi. Mga hayop at mga
pananim na nalunod dahil sa baha. Higit sa lahat, mga pamilyang nawalan ng mga
mahal sa buhay. Malalim na pilat ang iniwan ng pangyayaring ito. Subalit hindi
nagtapos ang kwento sa masasalimuot na karanasan lamang.
Kasabay ng paglisan ng unos, ay ang pagsibol ng bagong pag-asa sa puso at
isip ng mga Pilipino. Nag-alab ang damdaming makatao ng karamihan, at sumiklab
ang bayanihan at pagtutulungan. Nagpakita ng katatagan, pagmamahalan, at
pagtutulungan ang bawat isa. Milyong tao ang nakilahok sa pagtulong, hindi lamang
sa Pilipinas kundi maging sa iba’t-ibang panig ng mundo. Dumagsa ang nagpa-abot
ng maraming tulong. Magmula sa relief goods, tulong medikal, at mga donasyon mula
sa iba’t ibang lugar ang dumating upang makatulong sa ating mga kababayang
nasalanta ng bagyo. Higit sa lahat, ipinamalas ng maraming Pilipino ang pakikilahok
sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos bilang mga volunteer, ito ay upang mas
mapadali ang paglikas, pagliligtas, at pagsasaayos ng kalagayan ng mga taong
naapektuhan ng bagyo. Ang iba nga’y isinugal ang sariling buhay upang mailigtas
lamang ang mas nakararami. Hindi natinag ng dumating na delubyo ang damdaming
makatao ng mga Pilipino.
Ngayon ay unti-unti nang bumabangon at nanunumbalik sa dati ang buhay ng
mga naapektuhan ng bagyong Yolanda. Subalit, nananatiling buhay sa puso’t isip ng
bawat isa ang larawan ng hindi matatawarang pagtutulungan at pagkakaisa na
namayani sa pagkakataong ito. Ang diwa ng pakikilahok at bolunterismo ay
nakapagpabago sa buhay ng maraming Pilipino.

GAWIN NATIN

Gawain 1. Basahin at sagutin ang sumusunod na katanungan

1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang teksto?


2. Sa paanong paraan ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtulong sa kapwa sa
pagkakataong ito?
3. Anong damdamin ang namayani sa mga Pilipino sa pagharap sa pagsubok?
4. Ano-ano ang mga katangian na ipinamalas ng mga Pilipino?
5. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga katangiang ipinamalas ng mga Pilipino
upang malampasan ang dumating na pagsubok?
6. Mahalaga ba na naipamalas ng mga Pilipino ang pakikilahok at bolunterismo sa
panahong ito?

5
Panuto. Ngayon naman, ay may pagkakataon ka na Makiisa, makilahok!
hikayatin ang maraming tao na makiisa sa isang COVID-19 ay IWASAN!
Tayo’y magtulungan!
gawaing nagpapamalas ng pakikilahok at bolunterismo. KALUSUGAN ay INGATAN!
Ipamalas ang iyong galing sa pamamagitan ng paggawa Upang higit na maiwasan ang pagkalat ng virus
na dulot ng COVID-19, makiisa sa
ng isang simpleng infographics na may temang: pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga

“Pakikiisa sa Panahon ng Pandemya”. Ilathala sa sa iyong sarili upang hindi na kumalat pa ang
virus.
timelime ng iyong Facebook page ang iyong nagawang
Ugaliing maghugas ng
infographics. iyong mga kamay

BE A VOLUNTEER
Tulungan natin ang mga
PAMANTAYAN kababayan nating
nangangailangan.
Nagtataglay ng malinaw na mensahe na may
10
kaugnayan sa paksa ALAGAAN ANG
SARILI. GAYUN DIN
Angkop na paggamit ng mga larawan 10 ANG IBA. Magtakip ng ilong
at bibig kung babahing sa
pampublikong lugar.

Nagpapamalas ng pagkamalikhain 10
SHARING IS
CARING…
Kabuoan 30 Kung sobra, ibahagi
natin sa iba.

Gawain 2. Sa pagkakataong ito, iyo namang basahin at suriin ang tunay na kwento ng
isang indibidwal na nagpamalas ng tunay na malasakit para sa mga kabataan upang
matutong bumasa, sumulat, at paunlarin ang kanilang sarili. Halika! Basahin natin ang
kanyang kwento.

Mga kabataang hindi nag-aaral, nasa lansangan, nakatira sa mga


pinakamahihirap na pamayanan, nagugutom, at pinabayaan na ng kanilang mga
magulang. Napukaw ng mga kabataang ito ang puso’t isip ni Efren Peñafloridad Jr.
isang guro sa Filipino. Higit niyang nauunawaan ang kalagayan ng mga ito sapagka’t
minsan niyang naranasan ang ganoon buhay. Subalit hindi ito naging hadlang upang
hindi niya maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Siya ay naging sponsored-child ng
World Vision at natapos niya ang kanyang pag-aaral ng may iba’t ibang parangal sa
tulong ng CLUB 8586, isang Youth Group na nagbibigay ng scholarship at suportang
pinansyal sa mga kabataan.
Taong 1977, Nasa sekondarya pa lamang siya ng sinimulan niya ang Dynamic
Teen Company na naglalayong maibaling ng mga kabataan sa slum areas ang
kanilang atensiyon sa pag-aaral, at mapaunlad ang sarili nilang kakayahan upang
makatulong sa komunidad. Tuwing Sabado, siya at ang mga kasama niya ay
pumupunta sa iba’t ibang lugar sa kanilang lungsod habang tulak-tulak ang kanilang
“Paaralang Kariton” kung saan mayroon iba’t ibang libro, laruan, at gamit pang-
eskwela. Tinuturaan nila ang mga batang lansangan na bumasa, sumulat, at alagaan
ang kanilang sarili. Mga simple, ngunit napaka-makabuluhang gawain ni Efren at ng
kanyang mga kasama upang makapagbigay ng pag-asa at upang makatulong sa iba.
Dahil sa ipinamalas niyang malasakit sa iba, ini-nominate siya ng Club 8586
ang Youth Group na tumulong sa kanya dati para sa CNN Hero of the Year. Mula sa
9,000 nominees, siya ang napili at pinarangalan bilang CNN Hero of the Year sa taong
2009. Tunay na kahanga-hanga ang buhay at sakripisyong ipinamalas ni Efren upang
bigyang pag-asa ang maraming kabataan upang makamit nila ang kanilang mga
pangarap.

1. Ano ang tawag sa ginawang pagtulong ni Efren Peñaflorida sa mga kabataan?

2. Anong katangian ang kanyang ipinamalas para sa mga kabataan? Paano niya ito
ginamit sa makabuluhang paraan?

3. Anong karanasan ang nakaimpluwansya sa kanya na nag-udyok upang tumulong sa


kanyang kapwa?

6
Narito ang isa pang kwentong buhay ng tinaguriang “Real Life Darna” na
si Angel Locsin. Tuklasin kung bakit siya ginawaran ng Forbes Magazine
bilang isa sa “Heroes of Philanthropy” noong 2019. Isulat sa iyong journal ang
iyong repleksyon at reaksyon tungkol sa kanyang kwento.

https://agoodcause.com/real-life-philanthropist-angel-locsin/

TANDAAN

 Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng


pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ang ilang benepisyo ng bolunterismo sa
taong nagsasagawa ng paglilingkod ay ang kasiyahan na kanyang
mararamdaman bunga ng paglilingkod, pagkakataon ng personal na paglago,
pagkakaroon ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan at
pagkakataong makabuo ng suportang panlipunan at relasyon sa iba.

 Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na


mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ang
pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao
upang isagawa ito.

Sa Pakikilahok at Bolunterismo dapat Makita ang 3 Ts


1. Time (Panahon). Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas hindi
na ito maibabalik.
2. Talent (Talento). Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talento at ito ay iyong
magagamit upang ibahagi sa iba. Iba-iba ang talento ng bawat isa.
3. Treasure (Kayamanan). Sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat
gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso
para sa nangangailangan.

Ang mga Antas ng Pakikilahok na makatutulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon


kay Sherry Arnstein:

 Impormasyon. Sa isang tao na nakikilahok mahalaga na matuto siyang


magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap na impormasyon.
 Konsultasyon. Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na kung saan
hindi lang ang sarili mong opinion o idea ang kailangang mangibabaw kundi
kailangan pa ding makinig sa mga puna ng iba na maaring makatulong sa
pagtatagumpay ng isang proyekto o gawain.
 Sama-samang Pagpapasya. Ito ay hindi lamang dapat gawin ng isang tao kundi
ng nakararami. Sa pagpapasya kinakailangang isaalang-alang ang kabutihang
maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi sa mas nakararami.
 Sama-samang Pagkilos. Hindi magiging matagumpay ang anumang gawain
kung hindi kikilos ang lahat.
 Pagsuporta (support). Hindi ito tumutukoy sa tulong pinansyal lamang. Ito ay
maaring ipakita sa pagbibigay ng talento o kakayahan o anumang tulong basta’t
ito ay nanggagaling sa iyong puso.

7
PAG-ALAM SA IYONG NATUTUHAN

1. Isulat mo sa loob ng kahon ang mga konsepto na nakapaloob at nagbibigay kahulugan


sa salitang Pakikilahok.

PAKIKILAHOK

2. Ngayon naman, iyong isulat ang mga konsepto o kahulugan ang salitang
Bolunterismo ayon sa iyong pagkakaunawa.

BOLUNTERISMO

A. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataang tulad mo?


B. Ano-ano ang maidudulot nito sa iyong kapwa? sa pamayanan? sa lipunan?
C. Ano ang pinagkaiba ng pakikilahok sa bolunterismo? Ipaliwanag. Magbigay ng
halimbawa ng pakikilahok at halimbawa ng bolunterismo.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang Batayang Konsepto. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.

pagbibigay pagtulong paggawa likas


pananagutan bolunterismo pagmamahal kapwa
dignidad pakikilahok

Bilang obligasyong ______________ sa _______________ ng tao, ang


________________ ay nakakamit sa ____________________ o ________________ sa
mga aspekto kung saan mayroon siyang ______________ na ________________

8
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa
modyul na ito?

PAGNINILAY

Ano ang iyong natuklasan tungkol sa tunay na kahulugan ng Pakikilahok at


Bolunterismo? Sagutin mo ang mga tanong at isulat mo ito sa iyong journal.

Petsa:

May nabago ba sa Paano ko ito


aking pananaw at maisasabuhay?
pagkaunawa ng
pakikilahok at
bolunterismo?

9
10

You might also like