You are on page 1of 4

MODYUL 13: MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI

NG TRACK O KURSONG AKADEMIK, TEKNIKAL-


BOKASYONAL, SINING AT DISENYO, AT ISPORTS
Pansariling Salik:

1. Talino/Talento (Multiple Intelligences Theory) - Teorya ni Dr. Howard Gardner na


nagsasabing ang bawat tao ay maaaring magtaglay ng higit sa isang talino/talento.
a) Visual/Spatial – arkitekto, pintor
b) Logical/Mathematical – computer engineer, scientist
c) Verbal/Linguistic – manunulat, abogado
d) Musical/Rhythmic – DJ, song composer
e) Bodily/Kinesthetic – ballet dancer, sundalo, surgeon
f) Interpersonal – social worker, guro
g) Intrapersonal – researcher, novelist
h) Naturalist – farmer, clerk, agriculturist
i) Existentialist – theorist, philosopher

2. Kasanayan (Skills) - mga bagay kung saan mahusay o magaling. Ito ay madalas na
iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency)
IBA’T-IBANG KATEGORYA:
a) Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills)
b) Kasanayan sa mga Datos (Data Skills)
c) Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills)
d) Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills)

3. Hilig (Interest) - Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya dahil


gusto at buo ang puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng
pagod o pagkabagot
a) Realistic – mahilig sa tools at outdoor activities
b) Investigative – mahilig lumutas ng mga suliranin
c) Artistic – mahilig sa sining, makabago
d) Social – mahilig magtrabaho kasama ang iba
e) Enterprising – mahilig magpaliwanag/manghikayat
f) Conventional – mahilig sa datos, numero at detalye

4. Pagpapahalaga (Values) - Ito ay ang matibay na binibigyang importansya nsa buhay


ng isang tao. Madals, ito ang nagdidikta at kinunonsidera sa paggawa ng jsang
desisyon.

5. Mithiin (Goals) - ang bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit. Ito ay naaayon
sa pangangailangan ng isang tao. Ang mithiin ay makakamit kapag pinagsikapang
matamo sa abot ng makakaya.

6. Katayuang Pinansyal (Financial Status) - Makatutulong ang pansariling salik na ito


upang magpasya nang malaya at kumilos ayon sa ikabubuti ng sarili at pagiging
produktibong bahagi ng lakas-paggawa.
MODYUL 14: PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON
SA BUHAY
Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na magkaroon ka ng pansariling
pagtataya o personal assesment sa iyong kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay magiging
kapaki-pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat mong
isaalang-alang sa pansariling pagtataya:
1. Suriin ang iyong ugali at katangian
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan
3. Tipunin ang mga impormasyon

Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon ng kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito
ay:
1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya
bilang isang tao
2. Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang
natatanging nilikha
3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at
sa iba pang dapat gampanan
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.

Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa
kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na
may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.
 Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galing sa
salitang Latin na “vocatio”, ibig sabihin ay “calling” o tawag.
 Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay.
 Ang bokasyon ay katulad din ng propesyon subalit nagiging mas kawili-wili ang
paggawa para sa tao

S.M.A.R.T - ito ay mahalaga upang maging kongkreto sa iyo ang iyong tatahakin sa iyong
buhay.
 Tiyak (Specific)
 Nasusukat (Measurable)
 Naaabot (Attainable)
 Angkop (Relevant)
 Nasusukat ng Panahon (Time Bound).
MODYUL 15: LOKAL AT GLOBAL NA DEMAND
Ang “demand” sa trabahong lokal o pandaigdigan sa kasalukuyan ay hindi problema. Ang
lumilitaw na malaking suliranin ay ang kakulangan ng mga kwalipikadong aplikante na pupuno
sa mga posisyon na kailangan.

Ang mga sumusunod na uri ng trabaho ang “in demand” sa bansa at sa buong mundo, ayon sa
DOLE at sa mga search engine:

Key Employment Generators Mga Kaugnay na Trabaho


I. Hotel and Restaurant Baker, Food Server, Waiter, Bartender, Pastry Cook
II. Cyberservices Accountant, Call Center Agent, Medical Transcription
III. Banking and Finance Operation Manager, Teller, Auditor, Bookkeppers
IV. Overseas Employment Domestic Helpers and Related Workers
V. Agribusiness Animal Husbandry, Fisherman, Pathologist
VI. Health Wellness and Medical Nurse, Herbologist, Optician, Optometrist
Tourism
VII. Manufacturing Eletrical Technicians, Food Technologist
VIII. Ownership, Dwellings Building Manager, Construction Manager
Real/Retirement Estate Mason, Foreman
IX. Construction Fabricator, Piper Fitter, Welder
X. Mining Mining Engineer and Geodetic Engineer
XI. Transport and Logistics Pilot, Checker, Stewardess
XII. Wholesale and Retail Cashier, Merchandiser, Buyer

MGA TRACK O KURSO

1. STEM
 SCIENCE – Pharmacy
 TECHNOLOGY – Information Technology
 EGINEERING – Mechanical
 MATH – BS Mathematics

2. HESS
 HUMANITIES – Philosopy
 EDUCATION – Major in Subjects
 SOCIAL – Communication
 SCIENCES – Sociology

3. BAM
 BUSINESS – Business Management
 ACCOUNTANCY – Bookkeeping
 MANAGEMENT – Management Sciences

4. TEKNIKAL-BOKASYONAL – Auto Gas Mechanic, Auto Diesel Mechanic, Auto


Electrical Mechanic, Basic Barking, etc.
MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG
PAMUMUHAY
ANG SKILLED WORKERS AY DAPAT MAY:

1. Basic Skills - Mahalaga ang kasanayan sa pagbasa dahil sa ang mga manggagawa sa
ngayon ay kinakailangang gumamit ng impormasyon sa computer terminals, forms,
charts, instructions, manuals at iba pang impormasyong nakalathala o naka-display.

2. Technical Skills - Ang computer skills ay maaring maging isang pangunahing


kailangan o baseline requirements sa maraming trabaho sa hinaharap. Ang mga
manggagawa sa ngayon ay gumagamit ng patuloy na nagbabagong teknolohiya sa
pakikipagtalastasan

3. Organization Skills - Ang mga pagbabago sa estruktura at pamamahala ng mga


organisasyon gayon din ang mga pagbabago sa ugnayan sa pagitan ng manggagawa at
mga tagatangkilik o customer, ay nangangailangan din ng mga karagdagang kasanayan
sa mga manggagawa.

4. Company Specific Skills - Dahil sa patuloy na tumataas at nagbabagong teknolohiya,


nagbabagong merkado at dumaraming katunggali, ang mga kumpanya o industriya ay
napipilitang gumawa ng sariling mga inobasyon, pagbutihin at gawing napapanahon ang
mga produkto at serbisyo

IBA’T-IBANG URI NG CAREER PATH

1. Stead State – nangangailangan ng panghabambuhay na pananatili sa isang trabaho


lamang at patuloy na pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito

2. Linear – nagangahulugang patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon ding


patuloy na pagtaas ng posisyon at responsibilidad

3. Transistory – nagpapakita ng madalas na pagbabago at naghahanap ng sarisaring


karanasan at hindi nagpapatali sa isang pinapasukan lamang.

4. Spiral – nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o


pitong taon.

You might also like