KALAYAAN? 2. Ano-ano ang pakinabang na natatamasa mo dahil ikaw ay nilikhang malaya? 3. Ano-ano ang tungkulin mo dahil ikaw ay malaya? Ang Mapanagutang Paggamit ng KALAYAAN Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay maipamamalas mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:
01
Nasusuri ang tunay
na kahulugan ng 02 kalayaan Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan Kalayaan “Ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaari nyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.” — Sto. Tomas de Aquino Ibig sabihin, ang tao ang nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya.
Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang
taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan. Bagamat may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi sakop ng kalayaang ito ang piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili nyang gawin. Ibig sabihin, palaging may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng kanyang piniling kilos.
Ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad
o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad. Dalawang pakahulugan ng PANANAGUTAN na d c a r d R e nakaaapekto sa ideya ng KALAYAAN Dalawang pakahulugan ng PANANAGUTAN na nakaaapekto sa ideya ng KALAYAAN
1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob
● Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako”. Ito ay kilos na nagmula sa “akin”. ● Sa puntong ito, ang kalayaan ay nakakabit sa “aking” sarili. ● Sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmulan ng kanyang kilos. Kaya may pananagutan siya sa kalalabasan ng kanyang ginawa. ● Nangangahulugan itong kailangan nyang harapin ang kahihinatnan ng kanyang ginawa (be accountable). Dalawang pakahulugan ng PANANAGUTAN na nakaaapekto sa ideya ng KALAYAAN
2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon
● Ang responsableng tao ay ang taong tinutuon ang kanyang kilos
bilang tugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan. ● Ang kakayahang kumilos nang may katwiran ay nangangailangan o humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. Ang pokus na ito ay ang pagpapahalaga sa kapwa at paglalagay sa kanila sa una bago ang sarili; ang tumugon sa kung ano ang kailangan ng sitwasyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at kapritso. Dalawang Aspekto ng Kalayaan Dalawang Aspekto ng Kalayaan
1. Kalayaang mula sa (freedom from)
● Kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng
tao ay hindi ang nagaganap sa labas nya o sa kanyang paligid kundi ang nagmumula sa kanyang loob. ● Ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ay ang mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t kahit mayroon syang kilos-loob, pumipigil ito sa kanya sa pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng kalayaan. ○ Makasariling interes ○ Katamaran ○ Pagmamataas ○ Kapritso Dalawang Aspekto ng Kalayaan
2. Kalayaan para sa (freedom for)
● Inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sariling kapakanan.
● Ito ang paggamit ng kalayaan para tumugon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal sa kapwa. ● Samakatuwid, kailangang maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kanyang kapwa - ang magmahal at maglingkod. “Ang tunay na kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang kabahagi ang kanyang kapwa sa sambayanan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan, ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapwa-tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapwa: ang magmahal at maglingkod.” (Lipio, 2004) d Blue car
Salamat sa pakikinig!
CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons