You are on page 1of 8

MODYUL 5: ANG MAKATAONG KILOS

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging
anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na
kanyang ginagawa ngayon at gagawin sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay.
Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang katulad ng kanyang taglay
tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihan na kumilos ayon sa kanyang nais at
ayon sa katwiran.
Ang kilos ang nagpapatunay kung ang isang tao ay may kontrol at may pananagutan
sa sarili.
2 Uri ng Kilos ng Tao

Kilos ng Tao (Acts of Man)


Ang kilos ng tao ay may mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o
ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilosloob.
Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama
kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ang isang kilos.
Halimbawa: Ang mga bayolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa
tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam
ng sakit mula sa sugat, paghikad at iba pa.
Makataong Kilos (Human Acts)
Ito naman ay kilos na isinasagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at
kusa.
Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob
kayat may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya, at kinusa sapagkat
isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang
kanyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at
pagsusuri ng konsensya.
Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang
piniling kilos.
Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos,
ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan.
Halimbawa: Narinig ni Jasmin ang kuwentuhan ng kanyang mga kaklase
tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-aral. Hindi sadya na
marinig ito at magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Kaya hindi na niya ito
inintindi at nagpatuloy sa paglalakad.(Pagsusuri: Maliwanag na walang
kamalayan si Jasmin sa tsismis sa loob ng kanilang klase. Kahit narinig pa niya
ang mga ito sa kanyang paglalakad patungo sa library, hindi ito tumimo sa
kanyang isip gayundin ang mga detalye ng kwento. Kaya, ang kilos na
pagkakarinig ay hindi sinadya. Ang kakayaham niyang tumugon sa mga
narinig ay hindi niya pinili. Kaya, ang kilos na pagdinig sa usapan ay hindi
malayang pinili.)
Halimbawa: Sa mga narinig mula sa umpukan habang naglalakad, nahikayat
si Jasmine at naengganyo nilang maagang nakapag-asawa. Siya ay lumapit sa
umpukan, tuluyang nakihalubilo sa kanila, at nagbigay pa ng mga reaksyon sa

usapan. (Pagsusuri: Si Jasmin ay nagkaroon ng kaalaman sa mga usapan sa


pamamagitan ng pagkakaroon ng interes sa tsismis. Binigyan niya ng mga
ideya ang kanyang isip na maengganyo sa tsismis at pagtanong pa tungkol
dito. Kaya, ang kilos na ito ay sinadya at pinag-isipan.)
Voluntary Act - Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos.
Degree Ang bigay ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang
makataong kilos.
Degree of Willfulness o Voluntariness Nasa lalim ng kaalaman at
kalayaan na tinatamasa.
Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan (Accountability)

Kusang-loob
Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay
may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
Halimbawa: Ang isang guro ay gumaganap ng kanyang tungkulin bilang
guro. Gumamit siya ng ibat ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kanyang
klase. Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin (lesson plan) bilang prepasyon
kanyang araw-araw na pagtuturo Naghahanda siya ng mga angkop at kawiliwiling kagamitang pampagturo upang mapaunlad ang kagkatuto ng mga
mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak
ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral. (Pagsusuri: Nagpapakita
ito ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa isang Gawain at kung
paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito
isakatuparan at maging matagumpay ito.)
Di kusang-loob
Dito ay may paggamit ng kaalamn ngunit kulang ang pag-sang-ayon.
Makikita ito sa kilos na hindi isinasagawa bagaman may kaalaman sa Gawain
na dapat isakatuparan.
Halimbawa: Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC
member para sa local at pambansang eleksyon. Binulungan siya ng kanyang
chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng dagdagbawas. Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin
kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa pa rin niya ang pabor na
hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod
bagaman labag ito sa kanyang kalooban. (Pagsusuri: Ang isinasagawang
kilos na mag dagdag-bawas ay naisasakatuparan bagaman labag sa taong
gumanap nito. Ito ay dahil may takot siya na matanggal sa kanyang posisyon
bilang miyembro ng COMELEC kung siya ay tatanggi. Ang kilos ay mag
pagkukusa (voluntary). Malaya siyang nagpasiya sa piniling kilos na tumulong
na gawin ang maling Gawain.)
Walang kusang-loob
Dito ang tao ay walang kaalaman kayat walang pagsang-ayon sa kilos.
Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kayat
walang pagkukusa.
Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa kanyang mukha. Madalas
ang pagkindat ng kanyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa
kanyang pagbabasa, pakikipagkwentuhan sa kaibigan, at panonood ng

telebisyon. Minsan sa kanyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at


nagalit sa kanyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na
nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin
si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya. (Pagsusuri: Bagaman may
kaalaman si Dean sa kanyang manerismo, hindi naman ang pagkindat ang
kanyang paraan ng pagpapahayag ng pagkagusto sa dalaga. Sa kanyang
pagkilos, makikita na wala siyang kaalaman na sadyang bastusin o magpakita
ng interes sa dalaga at magkusa siyang makipagkilala. Kung kaya, ang kilos
ay walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayon sa taong gawin ang
kanyang naisip dahil iyon ang kanyang manerismo.)
Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos
Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti. Dito
mapapatunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay.
Ayon kay Aristotle, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o
mabuti.
Ang pagiging mabuti o masama nito ay nakasalalay sa intension kung bakit ginawa
ang isang bagay.
Makataong Kilos at Obligasyon

Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay
obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang
mangyayari.
Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan ang kabutihan ng sarili at ng iba,
patungo sa pinakamataas ng layunin.

Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos


Ayon kay Aristoteles, may ekspresyon sa kabawasan sa kalalabasan ngisang kilos kung
may kulang sa proseso ng pagkilos.
1. Paglalayon Kasama ba sa nilalayon ang kinalabsan ng isang makataong kilos? Kung
sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na
sa kanya ang kapanagutan ng kilos.
2. Pag-iisip ng paraan ng makarating sa layunin Ang pamamaraan ba ay tugma sa
pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay
ginagamit ang tamang kaisipan at katwiran.
3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan Sa puntong ito, itatanong mo:
Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang
mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito?
Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pagiisip?
Ang lahay ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi
nagtataguyod ng kabutihan ng iba?
4. Pagsasakilos ng paraan Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas
ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa
pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa
kumikilos.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos


Ang matakataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging isang
ordinaryong kilos dahil sa mga salik na nakaaapekto rito.
1. Kamangmangan
Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) at nadaraig (invincible).
Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain
subalit may pagkakataon na maaaring itama kung gagawa ng paraan upang
malaman at matuklasan ito.
2. Masidhing Damdamin
Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos o
damdamin.
Maituturing ito na paglaban sa masidhing damdamin sa isip para bang ang
pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng
isip.
Ito ay ang malakas na utos ng senses of appetite na abutin ang kanyang layunin.
Tumutukoy ito sa pagsidhin o pag-asam o paghahangad na makaranas ng
kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng paghihirap
o sakit.
Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay
may pananagutan upang pangasiwaan ang kanyang emosyon at damdamin dahil
kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao.
Ang paghubog ng mga positibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga
limitasyon sa buhay ay isang daan upang mapangasiwaan ang damdamin.
Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna o kayay nahuhuli.
Ang nauuna ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob at
sinadya. Ito ay umiiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos sa ilalim ng
damdaming ito ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao o act of man.
Ang nahuhuli naman ay damdaming sinasadyang mapukaw at inalagaan kaya
ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa.
Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan
nang mas mataas na antas na kakayahan ang isip upang mawala ang sidhi ng
damdamin.
3. Takot
Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.
Ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kanyang buhay o mga mahal sa buhay.
Tumutukoy din ito sa pagpataw ng pwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap sa
Gawain ng isang tao ang kilos na labag sa kanyang kalooban.
4. Karahasan
Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin ang isang tao na
gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa.
Ito ay maaaring gawin ng isang taong may malakas na impluwensiya.
5. Gawi
Ito ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng isang
sistema ng buhay sa araw-araw.
Ito ang mga bagay na nakasanayan na gawin.

Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan


ng makataong kilos.
Tandaan:

Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil sa mga ito ay may bahagi
na pang-araw-araw na gawain ng mga tao.
Bilang bahagi ng Sistema, may posibilidad na ituring ang mga ito na katanggaptanggap na kilos na noong una ay hindi naman.
Nangangahulugan na may maliit at malaking pananagutan para sa mga maliliit ay
malalaking bagay na nagawa.

MODYUL 6: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya at Kahihinatnan ng Makataong Kilos


Ang Makataong Kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating
katangian.
Sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin.
Pinakahuling layuninang makapiling angDiyos sa kabilang buhay.
May mga salik na nakaaapekto sa resultang kilos (Mabuti o Masama)
Mga Batayan sa Paghuhusga ng Kilos (Moral o Immoral):
1 LAYUNIN
Panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos loob
Ito ay tumutukoy rin sa taong gumagawa ng kilos (doer).
Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan
kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong
gumawa nito.
2 PARAAN
Panlabas na kilos kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin
Ayon kay Sto Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos.
3 SIRKUMSTANSIYA
Isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa
kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Ibat ibang Sirkumstansiya:
a Sino - Taong nagsasagawa ng kilos o maaaring maapektuhan ng kilos
b Ano - Mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat
c Saan - Lugar kung saan ginawa ang kilos
d Paano - Paraan sa pagsasagawa ng kilos
e Kailan - Kailan isinagawa ang kilos
4 KAHIHINATNAN
Bunga o magiging resulta ng ginawang kilos

Lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan at may kaakibat ng


pananagutan.
Ang mga nakapagpapaalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang
kilos ng tao ay tinatawag na sirkumstansiya.
Angmabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa
motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginawa.
Mula sa layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan ng kilos ay madaling makikita
o masusuri ang kabutihan o kasamaan nito.

MODYUL 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong


Aral at Pagpapahalaga
I. Intro
Itinuturing ding batayan ng paghusga ng mabuti o masama ng isang kilos ang BUNGA
o KAHIHINATNAN nito.
II. Ang Kautusang Walang Pasubali (Categorical Imperative)
Ayon kay Immanuel Kant, anumang Gawain na taliwas sa mabuting kilos ay itinuturin
na masama.
Categorical Imperative kautusang walang kondisyon
Ang mismong tungkulin ay ang kondisyon
Bilang batayan sa pagkamabuti o pagkamasama ng isang kilos. Inoobliga ng
kautusang ito na gawin ang tungkulin sa ngalan ng tungkulin.
Balangkas ng Kautusan
1 Dapat kumilos ang tao sa paraan na maaari niyang gawing pangkalahatang
batas ang paninindigan.
PANININDIGAN
Ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon.
Nagtatakda sa kilos bilang isang tungkulin at mabuting dapat dawin.
Sa bawat sitwasyon na humihingi ng tugon sa pamamagitan ng mabuting kilos,
kinakailangang tayahin ang dahilan ng pagkilos na itinuturing na paninindigan.
a Universality
Q1. Maaari bang paninindigan ng iba ang paninindigan ng isa sa isang
sitwasyon?
Q2. Maaari bang ilapat ang paninindigan sa isang sitwasyon sa mga
kapareho nitong sitwasyon?
b Reversibility
Q1. Maaari bang ilapat ang paninindigang ito tulad sa iba tulad ng
paglapat mo nito sa iyong sarili?
2 Dapat mangibabaw ang paggalang sa bawat isa, pagtrato ayon sa kanilang
pagkatao bilang taong may dignidad, hindi lang bilang isang kasangkapan kundi
bilang isang layunin mismo.
III. Ang Gintong Aral (Confucius)
Ayon kay Confucius, mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at
kapakanan ng kapwa sa bawat kilos ng tao.

Itinuturing na matibay na batayan


RECIPROCITY/REVERSIBILITY.

ng

moral

na

kilos

ni

Confucius

ang

IV. Ang Pagnanais: Kilos ng Damdamin


Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga na
nakatutulong sa pag-unlad ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad.
V. Ang Pagpapahalaga Bilang Batayan sa Paghuhusga ng Kabutihan o Kasamaan
ng Kilos
Ayon kay Max Scheler, ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama
ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga.
PAGPAPAHALAGA
Obheto ng ating intensyonal na damdamin (puso)
Nagbibigay ng kabuluhan sa buhay ng tao
Ayon kay Scheler, nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan ang paghuhusga sa
pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao.
Ayon kay Scheler, hindi ang layunin o bunga ng kilos ang batayan sa paghuhusga ng
masama o mabuti ng kilos.
Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga (Scheler)
1 Kakayahang tumagal at manatili
2 Mahirap o hindi mababawasan ang kalidad ng pagpapahalaga
3 Lumilikha ng mga iba pang pagpapahalaga
4 Nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan
5 Malaya sa organismong dumaranas nito.
NOTE: Ang malalim na pag-unawa sa Kautusang Walang Pasubali, Gintong Aral at mga
pagpapahalaga ay magbibigay sa iyo ng matatag na kakayahan na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama.

MODYUL 8: Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na


Pagpapasiya
I. Intro
May pagkakasunod and pagsasagawa ng makataong kilos.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito na nahahati sa dalawang
kategorya ang isip at kilos-loob.
ISIP
Pagkaunawa sa layunin
Paghuhusga sa nais makamtan
Masusing pagsusuri ng paraan
PRaktikal na paghuhusga sa sarili
Utos
Pangkaisipang
kakayahan
ng
layunin
Ang moral na kilos ay nagtatapos

KILOS LOOB
Nais ng layunin
Intensyon ng layunin
Paghuhusga sa paraan
Pagpili
Paggamit
Bunga
sa ikawalong yugto.

II. Moral na Pagpapasiya


Ang mabuting pagpapasiya ay ang proseso kung saan malinaw na nakikilala o
nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay bagay.
Sabi ni Fr. Neil Sevilla, (Priest; Bulacan Parochial Church) simula ng magkaroon
ng isip ang tao hanggang sa kanyang kamatayan, nagsasagawa siya araawaraw ng pagpapasiya.
Sa anumang isinasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga namabigyan ito
ng sapat ng panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay
mapagninilayan ang bawat panig ng isinasagawang pagpili.
III. Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
Listen Process malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya at
magsisilbing gabay sa mga kinakaharap mo sa ngayon
Narito ang mga hakbang:
6 Magkalap ng patunay
7 Isaisip ang posibilidad
8 Maghanap ng ibang kaalaman
9 Tingnan ang kalooban
10
Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
11
Magsagawa ng pasya

You might also like