You are on page 1of 4

 

 
 
PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL 
 
Noong bata ka pa, naniwala ka ba na ang konsensiya ay isang anghel na 
bumubulong sa ating tainga kapag tayo ay gumagawa ng hindi mabuti? 
O itinuturing mo ito bilang “tinig ng Diyos” na kumakausap sa atin sa 
tuwing magpapasiya tayo? Anuman ang iyong paniniwala, hindi natin 
makalilimutan ang payo ng mga nakatatanda na sundin ang ating 
konsensiya. Pero paano natin masisigurado na tama ang sinasabi ng 
ating konsensiya? 
 
Sa ating buhay, humaharap tayo sa maraming katanungan gaya ng “ano,” 
“alin,” “paano,” at “bakit.” Kailangang gumawa tayo ng mga pasiya mula sa 
ating pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi 
 
KAHULUGAN NG KONSENSIYA  
 
Basahin at suriin ang spoken poetry "Konsensya"  
 
Tanong : 
1. Tungkol saan ang Sambitla?  
2. Anu-ano ang panlabas na pandamang ginamit sa sambitla? Bakit kaya 
ito ang ginamit na simbolo?  
3. Pamilyar ka ba sa mga eksenang binanggit sa sambitla? Nangyayari 
kaya ito sa totoong buhay? Magbigay ng halimbawa.  
4. Minsan ba ay inusig ka rin ng sarili mong konsensya? Patunayan.  
5. Ano ang kahulugan ng konsensya para sayo?  
 

 

 

ANO NGA BA ANG KONSENSYA?  


 
Waring bumubulong ito palagi sa tagong bahagi ng ating sarili na “ito ay 
mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin, ito ang nararapat” o kaya 
naman ay “ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.” Ang munting 
tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng mabuting dapat gawin o ng 
masamang dapat iwasan kundi nagpapahayag ng isang obligasyon na 
gawin ang mabuti. 
 
Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: Gawin mo ang mabuti, 
iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang 
mabuti ang pipiliin ng tao. Nagkakaroon ng pagtitimbang sa pagitan ng 
tama at maling katuwiran sa loob ng tao. 
 
MGA URI NG KAMANGMANGAN  
1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance). (gamot-sakit-hindi 
sigurado)  
Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong pamamaraan na 
magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng 
kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral. 
2.Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance). Ang 
kamangmangan ay di madaraig kung walang pamamaraan na magagawa 
ang isang tao upang ito ay malampasan. (limos-rugby boy) 
 
Ang hamon sa atin ay hindi lamang sundin ang konsensiya kundi hubugin 
ito. 
 
ANG APAT NA YUGTO NG KONSENSIYA 
Ang konsensya ay mayroong 4 na Yugto: 
1.) Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti 
-Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo. 
2.) Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan ng isang 
sitwasyon 

 

 

-May ilang gawaing kaugnay nito tulad ng pag aaral ng sitwasyon, 


pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng 
pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. 
3.) Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos 
-Ito ay ang oras ng paghatol ng konsensya. 
4.) Ikaapat na Yugto: Pagsusuri at Pagninilay 
-Pagninilayin natin ang ating paghatol upang matuto mula sa ating 
karanasan. 
 
ANG LIKAS NA BATAS MORAL BILANG BATAYAN NG KABUTIHAN AT NG 
KONSENSIYA  
 
Kaya may Likas na Batas Moral upang bigyang direksiyon ang 
pamumuhay ng tao. 
Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral 
ay ginagamit na personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang 
ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali.  
 
PARAAN UPANG MAHUBOG ANG KONSENSYA 
 
a.) Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa 
katotohanan. 
b.) Kilalanin at pagnilayin ang mga tunay na pagpapahalagang moral na 
sangkot sa isang kilos. 
c.) Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa 
mga mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes. 
d.) Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay. 
e.) Alamin at naisin ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong 
isyung moral at mga implikasyong panlipunan ang mga ito. 
f.) Maglaan ng panahon para sa regular na panalangin 
 
Sa proseso ng paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang 
sumusunod;  

 

 

 
1. Isip. Sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam 
at pagkuha ng mga impormasyon, paghingi ng payo, panalangin, 
pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip, pagiging 
maingat sa pagpapasiya sa kung ano ang pinakamabuting kilos na 
nararapat gawin, pag-unawa sa birtud  
2. Kilos-loob. Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo 
sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay 
patungo sa paglinang ng pagka-personalidad  
3. Puso. Pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa 
pagkilala ng mabuti laban sa masama, kahandaan na mas piliin ang 
mabuti  
4. Kamay. Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti, 
pagkakaroon ng pananagutan sa anumang kilos, pagsasabuhay ng mga 
birtud at pagpapahalaga, pakikihalubilo sa mga taong tunay na 
susuporta sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga. 
 
Ang ​layunin​ ng paghubog ng konsensya ay ​mahubog ang pagkatao​ batay 
sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at katotohanan upang 
matiyak na ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang 
tama at mabuti​.  

You might also like