You are on page 1of 61

PAGGALANG

SA
BUHAY
3 MINUTE CHALLENGE!
Sa loob ng tatlong minuto, bibigyan ng
pagkakataon ng guro ang mga mag-
aaral na balikan o alalahanin kung
paano ang tao nagkaroon ng buhay.
Pagkatapos ng tatlong minuto ay
ibabahagi ng mag-aaral ang kanilang
sagot sa klase.
3 MINUTE CHALLENGE!

1. Bilang nilalang na nilikha ng


Diyos, ano ang buhay para sa
iyo?
2. Sa paanong paraan mo
pinahahalagahan ang buhay ng
tao?
Ang buhay ang pinadakilang kaloob ng Diyos sa
tao. Sa pamamagitan ng buhay ay
naisasakatuparan ng tao ang kanyang layunin.
Sa lahat ng may buhay, espesyal ang tao
sapagkat nilalang siya ng Diyos ayon sa
Kanyang wangis. Dahil dito pinagkatiwalaan
Niya ang tao na pangalagaan nito ang sarili
nitong buhay maging ang buhay ng iba Niyang
nilalang.
Ang ibig sabihin ng paggalang sa
buhay ay pangangalaga sa
kalusugan, pagiging maingat sa
mga sakuna at pagsasaalang-
alang ng sariling kaligtasan at ng
buhay ng iba. (Macabeo, 2019
MGA ISYUNG
LUMALABAG SA
PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO
4 PICS 1 WORD
AOBSIYNOR
ABORSIYON
Mga Isyu Tungkol sa Buhay

Aborsiyon
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-
alis ng isang fetus o sanggol sa
sinapupunan ng ina. Sa ilang mga bansa,
ang aborsiyon ay itinuturing na isang
lehitimong paraan upang kontrolin o
pigilin ang paglaki ng pamilya o
populasyon, ngunit sa Pilipinas,
itinuturing itong isang krimen. (Agapay,
2007)
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
Dalawang Uri ng Aborsiyon:
1. Kusa (Miscarriage). Ito ay ang
pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20
linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa
natural na mga pangyayari, at hindi
ginamitan ng medikal o artipisyal na
pamamaraan.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
Dalawang Uri ng Aborsiyon:
2. Sapilitan (Induced). Ito ay ang
pagwawakas ng pagbubuntis at
pagpapaalis ng isang sanggol, sa
pamamagitan ng pag-opera o
pagpapainom ng mga gamot.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
• Makatuwiran ba ang aborsiyon o pagpapalaglag?
• Maituturing na bang tao ang sanggol sa sinapupunan ng ina?
• Siya ba ay nagtataglay na ng mga kapakanang moral at mga
legal na karapatan na dapat pangalagaan?
• Paano naman ang kapakanang moral at karapatan ng ina?
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
Pro-life at Pro-Choice
1. Pro-life. Kinikilala nito ang likas na karapatan at
dignidad ng tao na mabuhay mula sa konsepsiyon
hanggang kamatayan (Macabeo, 2019). Naniniwala
ang mga tagapagtaguyod nito na ang buhay ay
nagsisimula sa pagsasanib ng punlay at itlog mula sa
mga magulang (fertilization). (Gomez, 2016)
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-life)
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito
na:

a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa


sandali ng paglilihi; ito ay nangangahulugang ang
pagpapalaglag sa kaniya ay pagpatay, na tuwirang
nilalabag ang mga pamantayang moral at batas
positibo.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-life)
b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan
ng ina (halimbawa, hindi niya ginawa ang tamang
pag-iingat upang epektibong maiwasan ang hindi
nilalayong pagbubuntis), dapat niyang harapin ang
kahihinatnan nito. Tungkulin niya na iwasan ang
pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay
hindi nais magkaanak.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-life)

c. Kung magiging katanggap-tanggap sa


lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin
ito ng mga tao bilang regular na paraan
para hindi ituloy ang pagbubuntis.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-life)

d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay


na potensiyal; bawat isa na ipinalalaglag ay
maaaring lumaki at maging kapaki-
pakinabang sa lipunan o sa buong mundo.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-life)
e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng
pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control
dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa
layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang
sinumang batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos.
Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay
masama.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
Pro-life at Pro-Choice
2. Pro-choice. Ito ay tumutukoy sa pagpapasiya at pagpili batay
sa sariling paniniwala, kagustuhan, at iniisip na tama (Macabeo,
2019). Naniniwala ang mga tagapagsulong nito na ang fetus ay
hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong
kakayahang mabuhay sa labas ng sinapupunan ng kanyang ina.
Samakatuwid, umaasa pa lamang ito sa katawan ng kanyang ina
upang mabuhay. May karapatan at malaya ang ina na magpasiya
para sa sariling katawan (Brizuela, 2019)
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na:
a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan.
Ang tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay karaniwang
nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may
kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa
pisikal, emosyonal, at pinansiyal na aspekto.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-choice)
b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao
dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng
bahaybata ng kaniyang ina. Hindi maituturing na pagpatay
ang pagpapalaglag ng isang fetus dahil umaaasa pa rin ito sa
katawan ng kaniyang ina upang mabuhay. Ang unang
prayoridad samakatuwid, ay ang katawan ng ina, at may
karapatan siyang magpasiya para rito.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-choice)
b. Ang katawan ng isang babae ay
bahagi ng kaniyang sarili, at nararapat
siyang maging malaya na gawin kung
ano sa palagay niya ang kinakailangan
para sa kaniyang katawan at
pangkalahatang kalusugan sa anumang
sitwasyon.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-choice)
c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay
maaaring maging tagapagpaalala sa babae ng trauma
na kaniyang naranasan. Ayon sa ilang pananaliksik,
ang mga sanggol na ipinanganak bunga ng mga
ganitong kaso ay nahaharap sa mataas na panganib ng
kapabayaan o pang-aabuso mula sa kanilang mga ina.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-choice)

d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis


at magpasiya ang ina na dalhin sa
bahay-ampunan ang sanggol
pagkatapos, maraming bahay-ampunan
ang kulang sa kapasidad na magbigay
ng pangunahing pangangailangan.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (Pro-choice)
e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan. Mas
mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-21 na
linggo ng pagbubuntis ang nagresulta ng mga pangunahing
komplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon. Habang
itinuturing itong illegal, tiyak na maraming babae ang patuloy na
sasailalim nang palihim sa ganitong proseso at maglalagay sa
kanilang kalusugan sa di-tiyak na sitwasyon at maaaring mauwi sa
kamatayan.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
Suriin ang sitwasyon:
Isang ina na limang buwan nang nagdadalang-tao ang nagkaroon
ng malubhang sakit. Sa pagsusuri ng mga doktor, nalaman niya na
kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong
magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Kung hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot ito ng mga
komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon
PRINSIPYO NG DOUBLE EFFECT
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may mga oras
kung kailan ang isang kilos na nararapat gawin ay
maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto.
Bilang resulta, nagkakaroon ng isang problemang
etikal.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (PRINSIPYO NG DOUBLE
EFFECT)
Apat na Kondisyon
• Ang layunin ng kilos ay nararapat na
mabuti.
• Ang masamang epekto ay hindi dapat
direktang nilayon ngunit bunga
lamang ng naunang kilos na may
layuning mabuti.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Aborsiyon (PRINSIPYO NG DOUBLE
• Ang mabuting layunin ay hindi dapat
EFFECT)
makuha sa pamamagitan ng
masamang pamamaraan.
• Kinakailangan ang pagkakaroon ng
mabigat at makatuwirang dahilan upang
maging katanggap-tanggap ang
masamang epekto.
PGGAAIMT GN IPNIGABLAWABA AN
PAGGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA
Mga Isyu Tungkol sa Buhay

Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot


• Ito ay “isang estadong sikiko
(psychic) o pisikal na
pagdepende sa isang
mapanganib na gamot, na
nangyayari matapos gumamit
nito nang paulit-ulit at sa
tuloy-tuloy na pagkakataon.”
(Agapay, 2007)
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Ang Paggamit Ng Ipinagbabawal Na Gamot

DAHILAN
• Impluwensiya ng mga barkada
• Eksperimentasyon ng mapanuring
isip.
• May problema sa pamilya
• Nais magrebelde
Mga Isyu Tungkol sa Buhay

Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot

DAHILAN
• Impluwensiya ng mga barkada
• Eksperimentasyon ng mapanuring isip.
• May problema sa pamilya
• Nais magrebelde
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Ang Paggamit Ng Ipinagbabawal Na Gamot

MASAMANG EPEKTO:
• Hindi magandang epekto sa isip at
katawan.
• Nagiging dahilan ng mga
nagaganap na krimen
• Maaaring maghataid sa tao sa
maling landas.
MCREY KLILING o
MERCY KILLING O
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Euthanasia (Mercy Killing)
Ang salitang euthanasia ay galing sa salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay mabuting
kamatayan. Ang euthanasia o mercy killing ay
isang gawain kung saan napadadali ang
kamatayan ng isang taong may matindi at wala
nang lunas na karamdaman.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay

Euthanasia (Mercy Killing)


Ang euthanasia kung minsan ay tinatawag
ding assisted suicide, sa kadahilanang may
pagnanais o motibo ang isang biktima na
wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao
na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang
gagawa nito para sa kaniya.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Euthanasia (Mercy Killing)
DALAWANG URI NG EUTHANASIA
1. Active Euthanasia. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
paggamit ng gamot na nakakapagdulot ng kamatayan sa
isang tao. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa maraming
bansa dahil ito raw ay malinaw na suicide o murder kaya
itinuturing na immoral (Macabeo, 2019).
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Euthanasia (Mercy Killing)
DALAWANG URI NG EUTHANASIA
2. Passive Euthanasia. Ito ay pagtigil sa pagbibigay ng gamot at
mga medikal na serbisyo. Ilan sa paraan nito ay ang pagtanggal ng
makinang sumusuporta sa buhay ng pasyente o pagtigil sa
pagbibigay ng gamot na maaaring makapagpahaba ng kanyang
buhay. Ito ay itinuturing na lehitimo sapagkat tinatanggap lamang
na ang kamatayan ng tao ay hindi maaaring pigilan.
GAPAAPPAWITL
PAGPAPATIWAKAL
Mga Isyu Tungkol sa Buhay

Pagpapatiwakal
Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa
sariling buhay at naaayon sa sariling
kagustuhan. Dapat may maliwanag na
intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng
kaniyang buhay bago ito maituring na isang
gawain ng pagpapatiwakal.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Pagpapatiwakal
DAHILAN:

KAWALAN NG PAG-ASA
Ito ay tumutukoy sa pagkawala ng
tiwala sa sarili at kapuwa, gayundin
ang pagkawala ng paniniwala na may
mas magandang bukas pang darating
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Pagpapatiwakal
PAANO MAIIWASAN:
Ayon kay Eduardo A. Morato sa kaniyang
aklat na Self-Mastery (2012), upang
mapigilan ang kawalan ng pag-asa,
kinakailangang mag-isip ang isang tao ng
mga malalaking posibilidad at natatanging
mga paraan upang harapin ang kaniyang
kinabukasan
LAOKOHSILOM
ALKOHOLISMO
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Ang alkoholisom ay tumutukoy sa
labis na pagkonsumo ng alak. Ito
ay may masamang epekto sa tao
dahil unti-unti nitong pinahihina
ang enerhiya at napapabagal sa
pag-iisip ng tao.
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Alkoholismo
EPEKTO:
• nagpapahina ng enerhiya
• nagpapabagal ng pag-iisip
• sumisira sa kapasidad na maging malikhain
• naaapektuhan ng alak o alkohol ang
operasyon ng isip at kilos-loob
• masamang epekto sa kalusugan
Mga Isyu Tungkol sa Buhay
Alkoholismo

Ang labis na konsumo ng alak pati na rin ang


sigarilyo ay nagpapahina sa resistesiya ng tao.
Maaaring magdulot ito ng cancer, sakit sa atay,
baga, at kidney at maaaring mauwi sa
kamatayan (Brizuela, 2019).
“Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga
pinakamahihina at madaling matukso, mga may sakit, matatanda,
mga hindi pa isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na
ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay
magpakailanman, at karapat-dapat ng mataas na paggalang at
respeto.”
– Papa Francis ng Roma
SALAMAT SA
PAKIKINIG
Edukasyon sa Pagpapakato 10
PAYONG KAPATID!
Panuto: Mula sa natutunan mo,
punan mo ang hinihingi ng Hanay
A at mga
kaukulang kilos o payo na pwede
mong maitulong sa Hanay B
RUBRICS SA PAGBIBIGAY NG
20 18 PUNTOS 15
(NAPAKAHUSAY) (MAHUSAY) (HINDI MAHUSAY)
Ang sagot sa kabuuan ay Ang sagot ay naipapaliwanag Ang sagot ay hindi
naipapaliwanag nang lubos at kaayaaya, kaaya-aya, pili ang
at kaaya-aya, kayang gawin kayang gawin ninuman, pwedeng gagawa, hindi
ninuman, lubos na nagpapakita ng pagmamahal, lubos na nagpapakita ng
nagpapakita ng pagmamahal, paglilingkod, pagmamahal paglilingkod,
paglilingkod, malayang desisyon at may bunga ng sapilitang desisyon
malayang desisyon at may kaakibat na responsibilidad at walang kaakibat na
kaakibat na responsibilidad responsibilidad
PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at uanwaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Ibigay ang tinutukoy sa bawat
aytem. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
 
1. Isang uri ng pagpatay sa sarili na isinasagawa sa iba’t ibang
paraan. Ito ay labag sa ikalimang utos ng ating Panginoon
2. Ang gawaing nakakasira sa ating baga na kung hindi
maagapan ay magiging kanser sa baga
3. Nagdudulot ito ng negatibong epekto na maaaring
kinabibilangan ng balisang pagtulog, sobrang kalikutan,pagkaduwal, delusyon sa kapangyarihan, napatinding
pagka-agresibo at pagiging iritable.
4. Ang sinasadya o sapilitang pagkitil ng buhay sa sinapupunan.
5. Ito ay paraan ng pagpatay sa sarili sa tulong ng ibang tao, o ayon sa kagustuhan ng isang pasyente upang
wakasan ang nararamdamang sakit sa katawan, o sakit na nakakamatay o wala ng lunas.
PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at uanwaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Ibigay ang tinutukoy sa bawat
aytem. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
 
1. Isang uri ng pagpatay sa sarili na isinasagawa sa iba’t ibang
paraan. Ito ay labag sa ikalimang utos ng ating Panginoon (SUICIDE/PAGPAPATIWAKAL)
2. Ang gawaing nakakasira sa ating baga na kung hindi
maagapan ay magiging kanser sa baga. (PANINIGARILYO)
. Nagdudulot ito ng negatibong epekto na maaaring
kinabibilangan ng balisang pagtulog, sobrang kalikutan,pagkaduwal, delusyon sa kapangyarihan, napatinding
pagka-agresibo at pagiging iritable. (PAGGAMIT NG DROGA)
4. Ang sinasadya o sapilitang pagkitil ng buhay sa sinapupunan. (ABORSIYON)
5. Ito ay paraan ng pagpatay sa sarili sa tulong ng ibang tao, o ayon sa kagustuhan ng isang pasyente upang
wakasan ang nararamdamang sakit sa katawan, o sakit na nakakamatay o wala ng lunas. (MERCY
KILLING/EUTHANASIA)

You might also like