You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Z est forP rogress

00 Edukasyon sa
Z eal of P artnership

Pagpapakatao
Ikatlong Markahan -
Modyul 7: Kahalagahan ng
Pagmamahal sa Bayan

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________


Baitang at Seksyon _______________________
Paaralan: ______________________________
ALAMIN
“Kapag mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang
mahalaga sa kaniya.” Wala itong ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang
mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura,
tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
a. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
Patriyotismo - Esp10PB-IIIe-11.1;

SUBUKIN
Panuto : Basahin, unawain, piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng “pater’’ na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a. Katatagan at kasipagan b. Kabayanihan at katapangan
c. Pinagkopyahan o pinagbasehan d. Pinagmulan o pinangalingan
Para sa pahina 2,3, at 4
Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal
nito sa kanilang koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo?
Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang
manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang ipanalo ang kanilang koponan?
2. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?
a. Pagmamahal sa laro c. Pagmamahal sa bayan
b. Pagmamahal sa Koponan d. Pagmamahal sa kapwa
3. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?
a. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa
mga manlalaro na isakatuparan ang mithiing manalo.
b. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang
maiwasan ang tunggalian at sakitan.
c. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro
ay mahalaga para makamit ang tagumpay.
d. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng
malusog na pangangatawan at isipan.
4. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?
a. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking pananagutan
sa tagumpay ng koponan o bayan.
b. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o
mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.
c. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng
bawat mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.
d. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay
ng coach ng koponan o Ang pagiging Pilipino ba ay isang biyaya?

2
5. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makaulong sa mga suliranin ng bansa
6. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga
pangangailangan ng taong bayan.
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad
ng sarili at kapuwa Pilipino.
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna
at kalamidad.
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang
turismo ng bansa.
7. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong
hubugin ang ating pagkatao.
b. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at
pamayanang matitirhan.
c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay
upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
d. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog
sa kaniyang bayang sinilangan.
8. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang
tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
a. Paggalang at pagmamahal b. Katotohanan at pananampalataya
c. Katahimikan at kapayapaan
d. Katarungan at pagkakaisaIto ay uri ng kilos na nagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan na kung saan ang isang tao ay marunong bumalanse
sa tamang oras, iniiwasan ang pagkahuli sa mga pagtitipon, programa, at ilan
pang gawain.
9. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?
a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan.
b. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at
kaalaman.
c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa,
magtulungan, at magdamayan.
d. NaBasahin ng mabuti ang mga sitwasyon at piliin kung alin dito ang
nagpapakita ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip
10. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng
isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

3
BALIKAN
Sa nagdaang modyul, binigyang diin ang mga konsepto tungkol sa makataong kilos
at mga salik na makatutulong upang makagawa ng mga pagpapasyang moral ang
isang indibidwal. Sa modyul na ito, inaasahang maunawaan mo nang mas malalim
na ang makataong kilos ay naipamamalas din sa pamamagitan ng pagmamahal sa
bayan.

Gawain 1: Ako ba ito?


Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na nakatala sa
ibaba. Lagyan ng tsek ( / ) ang angkop na kolum ayon sa mga katangian na iyong
isinasabuhay.
HINDI AKO
MGA KATANGIAN AKO ITO ITO
Halimbawa:
Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at
binibigkas na may paggalang ang Panunumpa
sa Watawat at Panatang Makabayan.
1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong
ang adbokasiya ay protektahan ang buhay at
kalusugan ng mamamayang Pilipino.
2. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di- ayon
sa katotohanan kahit sa simpleng
pagsisinungaling.
3. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga
Nangangailangan.
4. Lagi akong nagpapasalamat at humihingi ng
patnubay sa Diyos.
5. Nagmamano at humahalik ako sa kamay ng
mga nakatatanda sa akin.
6. Sinisigurado na nakukuha ko kung ano ang
dapat para sa akin at naibibigay kung ano ang
nararapat para sa iba.
7. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba
bilang tanda ng paggalang at pagkakaroon ng
kapayapaan at kapanatagan ng loob.
8. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa
paaralan at komunidad.
9. Sumasama ako sa pagbisita sa mga museo.
10. Tinatapos at ginagawa ko ang lahat ng
makakaya upang magawa ang gawain nang
higit pa sa inaasahan.
11. Inihihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri
nito.
12. Nakikiisa ako sa mga pagtitipong kailangan ang
aking pakikilahok upang ipaglaban ang aking
karapatan bilang mamamayan.
13. Nakihahalubilo ako sa mga kabataang
nagpapalitan ng kuru-kuro sa kung anong
maaaring gawin upang makatulong sa kapuwa
Pilipino.
14. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan

4
sa kabutihan sa kabila ng mga masasamang
impluwensiya sa kapaligiran.
15. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako
nakikipag-unahan o sumisingit sa pila.
16. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang
kapakanan ng lahat hindi lamang ang aking
sarili, pamilya, kaibigan, at kabaranggay.

Paraan ng pagmamarka

Balikan ang gawain at bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek sa kolum
na “Ako Ito”

PAGLALARAWAN / INTERPRETASYON

Nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa


0-4 Kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na
5-8 nangangailangan ng pagpapaunlad
May kasanayan sa pagsasabuhay ng kahalagahan sa pagmamahal
9-12 sa bayan
May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa
13-16 pagmamahal sa bayan na kailangang ipagpatuloy.

Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng


negatibong interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tayahin ang iyong
gawi o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. May magagawa
ka pa upang ito ay mapaunlad at tuluyang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.

Mga tanong na kailangang sagutin, isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

1. Naging madali ba ang paggawa sa gawain? Ipaliwanag.


2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong isagawa ang gawain? Ipaliwanag.
3. Ano ang puwedeng maging papel ng isang indibidwal upang maipamalas ang
pagmamahal sa bayan? Ipaliwanag.

5
TUKLASIN
Gawain 2 : Pag-aralan at Unawain!

Panuto : Pag-aralan at suriin ang sumusunod


na sitwasyon:

Sitwasyon 1
Laging hinihintay ni Luis ang oras ng uwian
upang makasama ang kaniyang mga kaibigan
sa isang internet cafe na malapit sa kanilang
paaralan. Sa mga araw na nagmamadali siya,
lagi niyang kinakausap ang kaniyang mga
kaibigan na pasingitin siya sa pila upang di
na maghintay at pumila nang matagal. Sa tuwing siya ay pumupunta sa mall,
tumatambay siya sa isang sikat na kapehan upang doon manigarilyo at makigamit
ng wifi. Sa mga araw na umuulan ay maaga siyang nagigising upang manood ng
balita upang malaman kung may pasok o wala.Mas maramiang oras na ginugugol
niya sa pakikipagpalitan ng mensahe sa Facebook at Twitter kaysa sa pagbabasa ng
kaniyang mga aklat at mga aralin.Dahil hindi pa sinasabi ang araw ng pagsusulit
may nakausap na siyang kamag-aral na magpapakopya sa kaniya. Lagi siyang
pinapayuhan ng kaniyang mga magulang na gumamit ng mga salitang po at opo sa
tuwing makikipag-usap sa mga nakatatanda sa kaniya, kilala man niya ito o hindi.
Madalas siyang nagpapaiwan sa bahay tuwing araw ng Linggo upang mabigyang laya
na mapakinggan niya nang malakas ang mga awiting ayaw pakinggan ng kaniyang
mga magulang.

Sitwasyon 2
Galit na galit ka sa kapit-bahay mo na
anak ng konsehal sa inyong baranggay
dahil nakuha niya ang trabaho na sana
ay dapat mapunta sa iyo. Alam mong mas
kuwalipikado ka kaysa sa kaniya kung
pinag-aralan at kakayahan ang naging
sukatan. lnireklamo mo siya sa inyong alkalde dahil sa palagay mo, ito ay hindi
makatarungan at sistemang palakasan ang pinairal. Naging negatibo ang pag-uusap
ninyo. Sa sobrang galit mo napagsalitaan mo ng di kanais-nais na salita ang inyong
alkalde. Sa iyong pag-uwi, di maalis ang galit na iyong naramdaman at di mo
napansin ang pagpalit ng kulay pula ng traffic light sa daan kaya nahuli ka ng traffic
enforcer. Sa pagnanais na di maabala, kinausap mo ang nanghuli sa iyo na pag-
usapan na lang ito at sinabi mong pamangkin ka ng isa sa mga kasama nila.

Sitwasyon 3

lnhinyero si Jean. lnialok sa kaniya ang isang


malaking proyekto na siguradong kikita at
makikinabang ang kanilang munisipyo.
Hindi ito pinalampas ni Jean sa kondisyon
na siya ang mamamahala sa lahat mula sa mga kagamitan at sa mga taong kukunin
at walang batas pangkalikasan ang malalabag
sa pagsasagawa ng proyekto.Kinausap ni Jean ang mga punong baranggay kung
may mga indibidwal sa kanilang nasasakupan anginteresado at maging katuwang

6
niya sa proyekto bago siya kumuha sa ibang lugar. Pagkatapos maayos ang mga
papeles na kailangan sa proyekto. Inumpisahan na ito at natapos nang maaga
kumpara sa inaasahan.Namangha ang alkalde ng bayan nang makita ang
pagkakayari ng proyekto mula sa pagkakagawa hanggang sa mga materyales na
ginamit Nang silipin ang aklat ng kuwenta ng mga gastusin, ang mga materyales
na ginamit na inaakalang mahal at imported ay gawa pala sa bansa. Ang budget
na inilaan sa proyekto ay sobra sa unang napag- usapan. Kinausap si Jean ng
alkalde na ideklarang nagastos sa proyekto ang lahat ng pondo. Ito ay upang
maipagawa ang sirang tulay na napabalitang mahina ang pagkakagawa, na ang
gumawa ay ang pamangkin ng alkalde. Bilang kapalit ipinangako sa kaniya na ang
lahat ng proyekto ng bayan ay ibibigay sa kaniya at ilalakad ang mga papel nito
upang mapasali sa mga natatanging inhinyero ng probinsiya.

Sagutin ang sumusunod na katanungan sa iyong papel o modyul.

1. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga sitwasyong nailahad? May


pagkakaugnayba ito sa iyong buhay bilang mag- aaral, miyembro ng pamilya at
mamamayan ng bansa sa kabuuan? Ipaliwanag.

2. May pagkakatulad ba ang mga kilos na ipinakita sa mga sitwasyon sa iyong


pang araw-araw na gawain? Kung ikaw, ang nasa sitwasyon, ano ang iyong
gagawin o magiging tugon? Ano ang epekto nito sa iyo sa kabuuan? Ipaliwanag.

3. Sa mga sitwasyong nabanggit, paano gagamitin ang mapanuring pag-iisip bilang


pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan?

4. Ano-anong angkop na kilos ang ginawa ng mga karakter na nagpapamalas ng


pagmamahal sa bayan?

5. Kaya mo rin bang isabuhay ang mga ito? Ano-anong hakbang ang iyong
gagawin? Ipaliwanag

SURIIN
Ikaw ba ay nakakita na ng damit o accessories na naglalarawan ng pagiging
makabayan? Sa ganitong paraan ba ipinakikita o naisasabuhay ang pagmamahal sa
bayan o ang pagiging makabayan? O, kailangan mong ibuwis ang iyong buhay tulad
ng ating mga bayani upang masabing mahal mo ang iyong bayan? Tunghayan natin
ang isang halimbawa.

Gawain 3: Basa-Unawa

Panuto: Basahin nang maigi ang teksto at unawain ang mga nilalaman nito
sapagkat ito ay labis na makakatulong sa iyong pagsagot sa mga inihandang
katanungan sa hulihang bahagi ng aralin.

Si Mang Ben ay tanod sa kanilang baranggay. Ang oras ng kaniyang ronda ay


mula ika-pito ng gabi hanggang ika-labindalawa ng madaling araw. Ang pasok niya
sa trabaho sa kabilang bayan ay mula ika-walo ng umaga hanggang ika-apat ng

7
hapon. Walang kapagurang ginagawa ito ni Mang Ben araw-araw. Hindi
nagrereklamo ang kaniyang asawa dahil alam niya na si Mang Ben ay talagang
matulungin at masipag. Aktibo rin siya bilang isang lay minister ng kanilang
simbahan. Maganda ang bonding nila ng kaniyang apat na anak. Isang araw, napili
siya ng kanilang munisipalidad bilang natatanging mamamayan ng kanilang bayan.
Nang tanungin ng mga hurado kung hindi ba siya nahihirapan sa kaniyang
ginagawa, walang pag- alinlangan na sinagot niya na “ito ay bunga ng
pagmamahal.” Hindi nagtatapos sa pamilya ang pagpapakita ng pagmamahal
kundi nagpapatuloy ito sa kapuwa at sa pamayanan. Sa pagsisiyasat at
pagtatanong ng mga hurado sa mga taong malapit at hindi gaanong kilala si Mang
Ben, lumitaw na siya ang huwaran bilang mamamayan. May pagmamahal ba sa
bayan si Mang Ben?

A. Ano ba ang pagmamahal sa bayan?


Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng
bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo,
mula sa salitang ”pater” na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang
iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan .

B. May pagkakaiba ba ang nasyonalismo sa patriyotismo?

Nasyonalismo - tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming


bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga
kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito ang
kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na
kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.

Mahalaga ba ang pagmamahal sa bayan?

Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal, gawin nating


halimbawa ang sumusunod:

Una, ano ang mangyayari sa isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal
ang bawat miyembro nito?

Ikalawa, ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi nila ipinamalas ang
pagmamahal sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang koponan? Maipapanalo ba nila
ang grupo?

Saan unang naituro ang pagmamahal?


Para sa isang koponan na nagpamalas ng pagmamahal sa grupo at miyembro nito,
hindi lang pagkapanalo sa mga laro kundi magkakaroon ng sense of pride at mataas
na tingin sa sarili. Ang pagmamahal na ito ang siyang magiging daan upang makamit
ang mga layunin na gusting maisakatuparan.

Ano kaya ang mangyayari kung isasabuhay ng bawat isa ang pagmamahal

8
sa bayan?

Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng


pagkamamamayan; isang indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba,
pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao, pinahahalagahan ang karangalan ng
pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may malasakit para sa adhikaing
mapabuti ang lahat.
Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang
taong may pagmamahal sa bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad.
“Kapag mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya at ang
mahalaga sa kaniya.” Wala itong ipinagkaiba sa pagmamahal sa bayan, ang isang
mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa
kultura,tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan.
Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan
“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na
maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa
kabutihan panlahat.” - San Juan Pablo XXIII.

Pag-aralang mabuti ang talahanayan na nasa ibaba, tungkol sa


pitong dimensiyon ng tao na nakalahad sa Batayang Konseptuwal
ng Edukasyon sa Pagpapakatao:

9
Dimensiyon ng tao: Mga pagpapahalaga na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan mula sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay

2. Pangkaisipan Katotohanan
3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapuwa
4. Ispiritwal Pananampalataya

5. Panlipunan Paggalang, katarungan, kapayapaan,


kaayusan, at
pagkalinga sa pamilya at salinlahi
6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at
kapaligiran
7. Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at
pagsunod sa
batas

8. Lahat ng Pagsusulong ng kabutihang panlahat


dimensiyon

ISAISIP

Gawain 4 : BOX – OF - KNOWLEDGE


Panuto: Ipaliwanang ang kahalagahan ng pagmamahal sa
bayan. Isulat ang iyong sagot sa loob ng box.

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________

Gawain 5 : ILAPAT-DAPAT

Panuto : Gumawa ng isang repleksiyon batay sa konseptong


natutunan sa modyul na ito. Tatayain ang iyong sagot batay sa
rubrik na nakahanda. Makatutulong ang mga pamatnubay na
mga tanong upang makabuo ka ng isang komprehensibong

10
sanaysay.
1. Ano ang iyong mga natutunan sa modyul na ito?
2. Anu-anong mga mungkahing kilos na
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na nais
mong ipahatid sa iba pang mga mag-aaral na
katulad mo.
3. Anu-ano ang mga dapat mong taglaying
katangian upang maipakita natin ang ating
pagmamalasakit sa bansa? At papaano mo ito
mailalapat.

Dito magsimula:

PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
SET : A Panuto: Basahin at unawain, bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming


bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika,
kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
a. Patriyotismo b. Nasyonalismo c. Ispiritwal d. Moral
2. Ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may
pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang
bayan.
a. Mali b. tama c. hindi alam ang sagot d. wala sa
sumusunod
3. Ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa ay anong dimensiyon ng
tao nabibilang?
a. Moral b. ispritwal c. Panlipunan d. Pampulitikal

11
4. “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na
maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-
ambag sa kabutihan panlahat.”
Ito ay ayon kay?
a. San Juan Pablo XXII b. San Juan Pablo XXIII c. Sa Juan XXXI d. San
Juan XXIII
5. Ito ay tumutukoy sa pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at pagsunod sa
batas.
a. Pampolitikal b. Moral c. Panlipunan d. Ispiritwal
6. Mahalaga ba ang pagmamahal sa bayan? Bakit?
a. Uo, dahil kung walang pagmamahal sa bayan ay wla ring pagmamahal sa
kapwa
b. Uo, dahil kapag mahal mo ang bayan ay mas marami kang tagahanga
c. Hindi, dahil walang mabuting maidudulot saiyo ang iyong pagmamahal
d. Hindi, dahil walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lamang
7. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa dimensiyon ng tao?
a. Pangkatawan b. Moral c. Pansarili d. Ispiritwal
8. Ito ay ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat
gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito.
a. Nasyonalismo b. Moral c. Patriyotismo d. Ispiritwal
9. Ito ay paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa
pamilya at salinlahi.
a. Moral b. Pangkaisipan c. Pampolitikal d. Panlipunan
10. Ang Pangkatawan ay isa sa dimensiyon ng tao, alin ang hindi nagpapakita
ng pagpapahalaga ng buhay ng tao?
a. Pagkain ng masustansiyang pagkain c. Pag-eehersisyo
b. Paninigarilyo at pag-inom ng alak d. Pagpunta sa doctor ng minsanan
SET : B : Panuto : Basahin, unawain, piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Ano ang kahulugan ng “pater’’ na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
a.Katatagan at kasipagan b. Kabayanihan at katapangan
c. Pinagkopyahan o pinagbasehan d. Pinagmulan o pinangalingan
Para sa pahina 2,3, at 4
Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang
pagmamahal nito sa kanilang koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro
ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa
tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos
upang ipanalo ang kanilang koponan?

2. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata?


a. Pagmamahal sa laro c. Pagmamahal sa bayan
b. Pagmamahal sa Koponan d. Pagmamahal sa kapwa
3. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?
a. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para
sa mga manlalaro na isakatuparan ang mithiing manalo.
b. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang
maiwasan ang tunggalian at sakitan.
c. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa
laro ay mahalaga para makamit ang tagumpay.
d. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog

12
ng malusog na pangangatawan at isipan.
4. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?
a. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking
pananagutan sa tagumpay ng koponan o bayan.
b. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro
o mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.
c. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng
bawat mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.
d. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay
ng coach ng koponan o Ang pagiging Pilipino ba ay isang biyaya?
5. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya.
d. Paggawa ng paraan upang makaulong sa mga suliranin ng bansa
6. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang
Pilipino?
a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan
ng taong bayan.
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng
sarili at kapuwa-Pilipino.
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at
kalamidad.
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang
turismo ng bansa.
7. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong
hubugin ang ating pagkatao.
b. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at
pamayanang matitirhan.
c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay
upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
d. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa
kaniyang bayang sinilangan.
8. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang
tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
a. Paggalang at pagmamahal
b. Katotohanan at pananampalataya
c. Katahimikan at kapayapaan
d. Katarungan at pagkakaisaIto ay uri ng kilos na nagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan na kung saan ang isang tao ay marunong bumalanse
sa tamang oras, iniiwasan ang pagkahuli sa mga pagtitipon, programa, at
ilan pang gawain.
9.Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang
pakikipagkapuwa?

13
a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema
ng bayan.
b. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at
kaalaman.
c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa,
magtulungan, at magdamayan.
d. NaBasahin ng mabuti ang mga sitwasyon at piliin kung alin dito ang
nagpapakita ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip
10. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng
isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

KARAGDAGANG GAWAIN

Pagmamarka sa paggawa ng Poster


Pamantayan Indikador Puntos

Kaisipang Inilalahad Naipapakita nang maayos ang 5


nais ipahiwatig na kaisipang
ipinababatid ng scrap book.
Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa 5
ng poster
Kaangkupan ng Maayos at angkop ang mensahe 5
konsepto sa paglalarawan ng konsepto
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang 5
(creativity) kombinasyon ng mga kulay at
nagpapakita ng mayaman na
imahinasyon sa nilalaman ng
konsepto.
Kabuuang Presentasyon Malinis at maayos ang 5
kabuuang presentasyon
Kabuuan 25
Panuto : Gumawa ng Scrap book ng mga angkop na kilos na nagpapamalas
ng Pagmamahal sa Bayan. Tatayain ang awtput batay sa rubrik na
nakahanda.

14
15
10.A 5.C 10. B 5. A 10.A 5.C
9.A 4.B 9.D 4.B 9.A 4.B
8.C 3.A 8.C 3.A 8. C 3. A
7.A 2. B 7. C 2. B 7.A 2. B
6.C 1.D 6.A 1.B 6.C 1.D
SET B SET A SUBUKIN
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral,
Pp 184-200

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Kristine P. Manzo-Sato, T-I


Pagadian City NHS, Pagadian City Division
Editor: Susan S. Baga, HT-I
Pagadian City Nat. Comprehensive High School
Tagasuri:
Tagaguhit: Kristine P. Manzo-Sato, T-I
Tagapamahala:
Danny B. Cordova, EdD, CESO VI
OIC – Schools Division Superintendent
Ma. Coleen L. Emoricha, EdD, CESE
OIC – Assistant Schools Division Superintendent
Maria Diosa Z. Peralta
CID Chief
Ma. Madelene P. Mituda
LR Supervisor
Jovita S. Dugenia
EPS – Edukasyon Sa Pagpapakatao

16
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn r eso und
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my co untr y, r aising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness.
11

You might also like