You are on page 1of 19

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 6:
Pagmamahal sa Bayan
\

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan- Modyul 6: Pagmamahal sa Bayan
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 20201


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jerby C. Rivera TI

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng

pag-ibig sa tinubuang lupa, Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.” – Andres

Bonifacio

Ito ang mga katagang nasambit ng ating magiting na bayani upang hikayatin

ang mga Pilipino na maging makabayan. Isa lamang ito sa mga maraming katagang

nagsisilbing paalala sa atin na tayo ay may tungkulin na kaylangang gampanan para

sa ating lupang tinubuan. Mainam din na taglayin natin ang mga ibat-ibang

pagpapahalaga at malaman ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng

pagmamahal natin dito na siyang magbubunga ng maunlad at maayos na lipunan.

Sa modyul na ito, inaasahang malinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at


pag-unawa sa mga sumusunod:

1. Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa

pagmamahal sa bayan EsP 10 – PB – IIIf – 11.3

2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa

bayan (Patriyotismo) EsP 10 – PB – IIIf – 11.4

Mga Layunin sa Pag-aaral:

1. Natutukoy ang mga pagpapahalagang na indikasyon ng pagmamahal sa


bayan.
2. Nakikilala ang mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa
bayan.
3. Nakabubuo ng paraan upang mapagyaman ang mga kilos na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan.
Mga Pagpapahalagang
Aralin
Indikasyon ng Pagmamahal sa
1
Bayan

Simulan

Gawain 1 : Gawin ang Tama para sa Bayan!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na kilos sa unang


kolum. Sa pangalawang kolum isulat ang “Oo” kung ito ay nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan at isulat ang “Hindi” kung hindi. Ipaliwanag ang sagot sa
pangatlong kolum.
Kilos Oo o Hindi Ipaliwanag

1. Nagtanim ng mga bakawan o mangrove


ang grupo nila JP malapit sa karagatan
upang magsilbing tirahan ng mga isda at
pananggalang sa malakas na alon.
2. Binoto ni Jayson ang pinunong sa tingin
niya ay makakatulong sa kanilang lugar at
piniling hindi ibenta ang boto para sa ibang
kandidato.
3. Mas tinatangkilik ni Junard ang mga
mga produktong galing sa ibang bansa at
hinihikayat niya ang kaniyang mga
kaibigan na gawin din ito.
4. Hindi pumapasok sa paaralan si Mico at
mas piniling uminom na lang kasama ang
mga barkada at maglaro sa kompiyuter
pagkatapos.
5. Isinasama ni Edmhar sa kaniyang
panalangin ang bansa at ang kapuwa
mamamayan.

Rubrik sa Paglalahad ng Sagot sa Kolum 3


Iskor Pamantayan
2 Napakahusay at napakalinaw ang sagot
1 Bahagyang mahusay at bahagyang malinaw ang sagot

Lakbayin

Bilang isang mamamayan napakahalagang isabuhay ng bawat isa ang mga


birtud na makakatulong upang makagawa tayo ng makataong pagpapasiya at kilos
tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapuwa at sa kapaligiran.
Ang mga sumusunod ay pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino
upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
1. Pagpapahalaga sa buhay. Ito ay isang moral na obligasyon sa Diyos sa
kadahilanang ang buhay ay mula sa kaniya kaya’t walang sinuman ang
maaaring bumawi nito kundi siya. Kaya’t mahalagang panatilihing malusog
ang katawan at isipan at gawin ang lahat ng makakaya upang protektahan
ito.
2. Katotohanan. Ang integridad, hindi maagkunwari, tumatanggi sa mga bagay
na di ayon sa katotohanan at ang walang kapaguran na paghahanap ng lahat
ng uri ng kaalaman.
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Pagtulong sa kapuwa na
walang hinihintay na kapalit at ipadama sa iba na sila ay bahagi ng ating
pagkatao bilang kapuwa tao.
4. Pananampalataya. Pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos na ang lahat ay
makakaya at possible.
5. Paggalang. Naipapakita ito kapag naigagalang ang karapatan ng isang
mamamayan at napangangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
6. Katarungan. Naibibigay sa isang tao ang para sa kaniya at para sa iba nang
walang pagmamalabis o pandaraya sa kapuwa.
7. Kapayapaan. Ang pagkakaroon ng katahimikan at kapanatagan. May
kapayapaan kapag ginagalang ang bawat isa at naipapakita ang katarungan.
8. Kaayusan. Pagiging disiplinado at organisado ang ideya, salita at kilos na may
layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa.
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang kasal ay mahalagang pundasyon sa
isang pamilya at ang mga magulang ay may responsibilidad na pangalagaan
ang bawat miyembro nito lalong-lalo na ang mga bata. Kasama rito ang
pagtuturo sa mga bata ng kultura, mga paniniwalang kailangang ipagpatuloy
at paggalang sa pagkakakilanlan ng bansa.
10. Kasipagan. Ang pagtapos sa mga gawain ng may tiyaga at ibinibigay ang
buong husay at pagmamahal sa paggawa nito. Ang paggamit sa talentong taglay
upang tulungan ang kapuwa.
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Responsibilidad nating
pangalagaan ang ating kalikasan at ng mga bagay na nilikha ng Diyos laban
sa pagkawasak at pang-aabuso.
12. Pagkakaisa. Ang pagtutulungan ng bawat isa na mapag-isa ang naisin at
saloobin tungko sa iisang layunin. Ito ay tanda ng pagiging mabuting
mamamayan.
13. Kabayanihan.Mga kilos na kaya nating gawin para sa ikabubuti ng bayan at
ng ating kapuwa.
14. Kalayaan. Ang malayang paggawa ng mabuti at katanggap-tanggap na kilos
na naaayon sa batas.
15. Pagsunod sa batas. Pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa
pagsasabuhay ng mga batas na mangangalaga sa karapatan ng bawat
mamamayan.
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ang sama-samang pagkilos upang
mahikayat ang lahat na lumahok para sa mga gawain na ikakabuti ng lahat,

Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa pitoong dimensiyon


ng tao na nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
Dimensyon ng Tao Mga Pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal
sa bayan mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay
2. Pangkaisipan Katotohanan
3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
4. Ispiritwal Pananampalataya
5. Panlipunan Paggalang, Katarungan, kapayapaan, kaayusan at
pagkalinga sa pamilya at salinlahi
6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
7. Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan at pagsunod sa
batas
8. Lahat ng Pagsusulong ng kabutihang panlahat
dimensiyon

Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo XXIII
(1818-1963), “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na
maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa
kabutihang panlahat.”

Bilang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan ikaw ay bukas na


maglingkod sa iyong bayan at kapuwa at dahil sa ating taglay na karunungan alam
natin kung kailan tayo kikilos, ibibigay ang mga bagay na nararapat para sa iba, at
kikilos para sa kapakanan ng lahat at hindi para sa sarili lamang.

Galugarin

Gawain 2: “Pagmamahal sa Bayan ko, Show ko!”


Panuto: Suriing mabuti ang larawan sa bawat bilang. Tukuyin ang mga
pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan na tumutugon sa mga
larawan. Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba at ilagay ito sa salungguhit na
nasa ibaba ng larawan.
1. 2. 3.
4. 5.

Mga Pagpapahalaga na Nagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan

-Katotohanan -Pangangalaga sa Kalikasan


-Pagkakaisa -Pananampalataya

-Paggalang -Pagmamahal sa Kapuwa

Sagutin ang sumusunod na tanong:

Ipaliwanag ang magiging epekto sa atin at sa ating bayan kung sakaling ang bawat
Pilipino ay magpapakita o magpapamalas ng pagmamahal sa ating bayan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Di- Nanganga- May


gaanong ilangan pa ng Panimulang
mahusay Kasanayan Kasanayan
5 4 3 2 1
NILALAMAN Napakahusay Mahusay May Nangangaila May ilang
(5 PUNTOS) ng sagot. ang kahusaya ngan ng naisulat na
Tiyak, sagot. n ang kahusayan salita
malinaw at Malinaw pagkakab ang sagot. ngunit
malawak ang at uo ng Hindi walang
kasagutan sa maayos sagot malinaw at diwa.
tanong. ang ngunit tiyak ang
pagkaka hindi mga salita.
ugnay ng gaanong
sagot sa malinaw
katanung at tiyak.
an.
Palalimin

Gawain 3: Galing ng Pilipino, Iwagayway!

Panuto: Basahin ang kuwento ng isang Pilipinong nagpakita ng pagmamahal


sa ating bayan batay sa kaniyang ginawang kilos. Punan ang tsart batay sa
ibaba pagkatapos basahin ang talata.

Inilunsad ng sikat na artista na si Angel Locsin ang #UniTENTweStandPH, isang


fund-raising campaignupang makabili ng karagdagang tents para sa mga
pasyente. Ang mga layunin ng nasabing proyekto ay upang madagdagan ang mga
kwarto para sa mga pasyente ng Covid-19 at para na rin sa kaligtasan ng mga
health workers. Naging matagumpay ang nasabing proyekto dahil sa tulong
pinansiyal ng mga donors. Nakalikom ang proyekto ng 11 milyon peso para sa
135 na hospitals dito sa Pilipinas sa loob lamang ng 19 araw. Bukod sa 246 na
tents, nakatanggap din sila ng mga donasyon na pagkain, PPEs, airconditioning
units at iba pang medical supplies.

Sino ang Ang Ano ang Ibigay ang Magbigay ng


personalidad kaniyang kabutihang epekto o kilos na
ang ginawa ay nagawa nila kahihinatnan iyong kayang
nagpakita ng maituturing para sa ng kaniyang gawin upang
pagmamahal bang mabuti bayan? ginawa. maipakita
sa bayan? o masama? ang iyong
pagmamahal
sa bayan.
Rubrik sa Paglalahad ng Sagot sa Kolum 3-5

Pamantayan
Iskor Naipapaliwanag ng mahusay at tiyak ang mga salik na
nakaapekto sa kilos at pasya.

2 Mahusay at tiyak ang pagpapaliwanag sa salik

1 Naipaliwanag ngunit hindi mahusay at hindi tiyak

0 Walang pagpapaliwanag

Mga Angkop na Kilos na


Aralin
Nagpapamalas ng Pagmamahal
2
sa Bayan

Simulan

Gawain 1: Pilipinas kong mahal!

Panuto: Magbigay ng limang kilos na sa tingin mo ay nagpapakita ng

pagmamahal sa bayan at ilagay sa pangalawang kolum ang magiging resulta

o bunga ng nasabing kilos.

Kilos na nagpapakita ng pagmamahal Resulta o Bunga ng nasabing kilos

sa bayan

1.

2.

3.
4.

5.

Rubrik sa Paglalahad ng Sagot


Iskor Pamantayan
2 Napakahusay at napakalinaw ang sagot
1 Bahagyang mahusay at bahagyang malinaw ang sagot

Lakbayin

Malaki ang magiging ambag ng kabataang tulad mo upang maghatid ng

pagbabago at makatulong sa problemang kinakaharap ngayon ng ating bayan. Ito

ang mga simpleng bagay na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa ayon

kay Alex Lacson:

a. Mag-aral ng mabuti. Ang isang taong may pinag-aralan ay gagamitin ang mga

natutuhan upang tumulong sa iba at sa mga kinakaharap na problema ng

bansa. Gagamitin ang pinag-aralan sa kapakinabangan ng lahat.

b. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga. Ang paggamit sa oras ng tama

gaya ng pagpunta sa mga pagtitipon at programa bago o sa mismong oras ng

napagusapan bilang pagpapakita ng paggalang sa oras ng iba.

c. Pumila ng maaayos. Isa sa mga kilos na nagpapakita ng disiplina ay ang

pagpila ng maayos ito ay nagbubunga ng kaayusan sa ating lipunan.

d. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Awitin ito

ng buong puso at may paggalang.


e. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya. Ang katapatan ay

isa sa mga magandang katangian na dapat taglayin ng isang tao. Bilang mag-

aaral maipapakita ito sa pag-iwas sa pangongopya o pagpapakopya.

f. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura

kung saan. Ang paggawa sa mga kilos na ito ay tiyak na makakatulong sa

lumalalang problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa sa ating

kalikasan.

g. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakakatulong. Ang kalusugan ng tao

ay yaman ng bansa kaya marapat na iwasan ang pag-inom, paninigarilyo at

labis na pagkahilig sa paglalaro sa kompiyuter.

h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang mga

produktong gawa ng mga Pilipino ay tiyak ngang maipagmamalaki. Ang

pagtangkilik sa mga produktong ito ay makakatulong upang mapalago at

maiangat ang ekonomiya ng bansa.

i. Kung puwede nang bumuto, isagawa ito nang tama. Pagpili ng tamang

pinuno at hindi pagbenta o ipagpalit sa kung anong pabor o materyal na

bagay.

j. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ang paggalang, pagmamano, paggamit

ng “po” at “opo” at pangangalaga sa mga matatanda ay mga kagandahang asal

na hindi dapat kalimutan ninoman bahagi man sila ng pamilya o hindi.

k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang

kapangyarihan ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang paghingi ng

patnubay upang maisakatuparan ang mithiin para sa sarili, sa bansa at

kapuwa mamamayan ay napakahalaga.


Galugarin

Gawain 1: Mahal kong Pilipinas!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na kilos. Tukuyin

sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan

at lagyan ito ng simbolong ☺, ilagay naman ang simbolong  kung ito ay

hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

________1. Nagpapakalat ng mga maling impormasyon o fake news sa Facebook

upang makakuha ng madaming likes o magdala ng takot sa ibang tao.

________2. Nakikipagusap sa katabi o kaya naman hindi tumatayo habang kinakanta

ang Lupang Hinirang.

________3. Mas tinanagkilik ang produkto na gawa ng mga Pilipino kaysa sa mga

produktong galing sa ibang bansa.

________4. Laging nagpapasalamat sa lahat ng biyayang ibinibigay ng Diyos.

________5. Sinusunod ang panuntunan sa komunidad at paaralan.

________6. Tinatapon ang mga basura kung saan-saan.

________7. Lumalahok sa mga usapin o pagtitipon na naglalayong itagayod ang

karapatan ng mga mamamayan.

________8. Nakikinig ng mabuti sa mga talakayan na ang paksa ay ang kasaysayan

ng bansang Pilipinas.

________9. Nakikiisa sa mga programa ng barangay o paaralan na may layong

tulungan ang mga ibang taong nasalanta ng bagyo o ng iba pang

kalamidad.
________10. Hindi nagpapakita ng paggalang sa magulang, guro o sa ibang mga

nakakatanda.

Palalimin

Gawain 2: “Piliin mo ang Pilipinas!”


Panuto:
1. Balikan ang iyong mga karanasan noong nagdaang araw at magbigay ng tatlong
kilos/pasiya na nagpapakita ng sa pagmam ahal sa bayan. Isulat ito sa unang
kolum.
2. Sa pangalawang kolum, isulat ang naging epekto nito sa iyo, sa mga taong
nakapaligid sa iyo o sa iyong pamayanan.
3. Sa pangatlong kolum, isulat kung paano pagyamanin ang nasabing kilos.
4. Pangapat na kolum, ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa
kanila ang kanilang puna at payo at palagdaan ito sa kanila.

Mga kilos na Epekto ng Gagawing hakbang Puna at Payo


nagpapakita nagawang kilos sa upang pagyamanin ng magulang
pagmamahal sarili, sa ibang tao ang nasabing kilos.
sa bayan na o sa pamayanan
nagawa
1.

2.

3.
Rubrik sa Paglalahad ng Sagot
PAMANTAY Napakahus Mahusay Di- Nangangailan May
AN ay gaanong gan pa ng Panimula
4 mahusay Kasanayan ng
5 3 2 Kasanaya
n
1
NILALAMA Napakahus Mahusay May Nangangailan May ilang
N ay ng ang sagot. kahusaya gan ng naisulat
(5 PUNTOS) sagot. Malinaw at n ang kahusayan na salita
Tiyak, maayos ang pagkakab ang sagot. ngunit
malinaw at pagkakaugn uo ng Hindi malinaw walang
malawak ay ng sagot sagot at tiyak ang diwa.
ang sa ngunit mga salita.
kasagutan katanungan hindi
sa tanong. . gaanong
malinaw
at tiyak.

Sukatin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at


isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay ang pagpapahalagang nagpapakita ng pakikipagtulungan sa iba upang
makamit ang iisang mithiin na makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan.
A. Pagkakaisa B. Kaayusan C. Katarungan D. Paggalang
2. Sinesegurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay at
naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa kaniya, hindi nandaraya sa
kapuwa.
A. Pagkakaisa B. Kaayusan C. Katarungan D. Paggalang
3. Ang mga sumusunod ay angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa
bayan maliban sa isa.
A. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga
B. Ipanalangin ang pamilya at ang sarili lamang.
C. Mag-aral ng mabuti
D. Pumila ng maayos
4. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
A. Katotohanan at pananampalataya
B. Katarungan at pagkakaisa

C. Paggalang at pagmamahal

D. Kaguluhan at pagkamakasarili

5. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?


A. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
B. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
C. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa at sa gawain sa lahat ng pagkakataon.
D. Pagiging maaksaya sa tubig at pagtapon ng basura kung saan-saan.
6. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod na kilos ang hindi
nakakatulong sa sarili at sa pagunlad ng bansa?
A. pag-iinom B. pagsusugal C. paninigarilyo D. lahat ng nabanggit
7. Ano ang magandang dulot ang naibibigay ng pagtangkilik sa mga produktong
sariling atin?
A. Mas madali ang pagbili ng mga ito.
B. Mas makakatipid ang pagbili nito dahil sa mababang presyo.
C. Matutulungan mong lumago at maiangat ang ekonomiya ng bansa.
D. Walang magandang maidudulot ang pagbili ng produktong sariling atin
8. Alin sa mga sumusunod ang solusyon sa lumalalang problema ng kapaligiran sa
ating bansa?
A. pagtitipid sa tubig B. pagtitipid sa kuryente
C. pagtatanim ng puno D. lahat ng nabanggit
9. Ano ang dapat gawin kung ikaw ay maaari ng bumuto?
A. ibenta ang boto sa isang kandidato
B. ipagpalit ang boto sa kung anong pabor
C. iwasan ang pagboto dahil hindi naman ito nakakatulong
D. pumili ng kandidato na may magandang hangarin at handang tumulong
10. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
A. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong
hubugin ang ating pagkatao.
B. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at
pamayanang matitirhan
C. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay
upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
D. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog
sa kaniyang baying sinilangan.

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin


kung anong pagpapahalaga ang tinutukoy. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

a. Pagpapahalaga sa buhay b. Kaayusan c. Kalayaan

d. Kasipagan e. Pananampalataya f. Kasipagan

11. Indikasyon ng pagmamahal sa bayan na na itinuturing na moral na obligasyon

sa Diyos. Kasama dito ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at

isipan.

12. Ito ay ang pagpapahalaga na resulta ng pagkakaroon ng katahimikan at

kawalan ng kaguluhan.

13. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos na ang lahat ay makakaya at possible.

14. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong

husay at may pagmamahal.

15. Ang pagiging malaya na gumawa ng mabuti at katanggap-tanggap na kilos.


Sanggunian

Mga Libro

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 198-203, Unang Edisyon 2015

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Gabay sa Pagtuturo, pahina 104-119, Unang Edisyon 2015

Internet

“Solving Some COVID-19 Crisis Problems Requires an Angel”. Retrieved June 3, 2020 from
https://www.choosephilippines.com/awesome-filipinos/inspiring-pinoys/6622/solving-some-
covid19-crisis-problems-requires-an-a

Google Images

https://www.flickr.com/photos/plant-trees/6642992037

Photo By: U.S. Embassy in Philippineshttps://www.pacom.mil/Media/Image-


Gallery/igphoto/2002237662/

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bayanihan_2.JPG

https://www.piqsels.com/en/public-domain-photo-sxxqk
Sukatin
1. b
2. c
3. b
4. d
5. d
6. d
7. c
8. d
9. d
10.a
11. a
12. b
13. e
14. f
Aralin 2 Gawain 1
15. c
1. 
2. 
3. ☺
4. ☺
5. ☺
6. 
7. ☺ Aralin 1 Gawain 3
8. ☺ Kolum 1. Angel Locsin
9. ☺ Kolum 2. Mabuti
10. 
Aralin 1 Gawain 2
1. Pagmamahal sa kapuwa Simulan
2. Pananampalataya 1. Oo
3. Pangangalaga sa kalikasan 2. Oo
4. Pagkakaisa 3. Hindi
5. Paggalang 4. Hindi
5. Oo
Susi ng Pagwawasto

You might also like