You are on page 1of 15

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 5:
Ang Pagmamahal sa Bayan

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan – Modyul 10: Ang Pagmamahal sa Bayan
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Meriam B. Puegan, T I

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

“Ako ang susi sa minimithing pagbabago ng bansa, ang pagmamahal ko sa


bayan ang magdadala upang isakatuparan ang pangarap na ito.” Maaaring ang
mga salitang ito ay iyong yayakapin upang maging isang panata at mithiin sa
bawat pagtahak at pakikibaka sa araw-araw bilang isang kabataan, bilang isang
mamamayang Pilipino.

Ano-anong mga pansariling pagsubok at panalabas na salik ang iyong


pagtatagumpayan upang maisakatuparan mo ang panatang ito? Kailangan bang
humawak ng baril o kaya’y makibaka sa pamamagitan ng pagsulat o awit man
upang maipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyong bayan o sa ano pa mang
paraan?

Iyan ang ating bigyang sagot at repleksyon sa modyul na ito. Sa araling ito
ay iyong mapapatatag ang iyong makataong kilos at makilala ang tunay na
kahulugan ng pagmamahal sa bayan.

Sa modyul na ito, inaasahang malinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at


pag-unawa sa mga sumusunod:

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan


(Patriyotismo) –EsP10-PB-IIIe-11.1
2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na
umiiral sa lipunan-EsP 10 MK – II c – 6.1

Mga Layunin sa Pag-aaral:

1. Nakikilala ang kahulugan ng Patriyotismo


2. Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
3. Nakikilala ang mga indikasyon ng pagmamahal sa bayan
4. Nakikilala ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan
Simulan

Gawain 1: Ako ba ito?


Panuto: Suriin ang bawat pahayag kung angkop sa iyo ang mga katangian o
gawain na nakatala sa bawat aytem. Isulat ang AKO kung ito’y iyong naisasabuhay
at HINDI AKO kung hindi naisasabuhay.

__________ 1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong ang adbokasiya ay


protektahan ang buhay at kalusugan ng mamayang Pilipino.
__________ 2. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga nangangailangan.
__________ 3. Tinatapos ko at ginagawa ko ang lahat ng makakaya upang magawa
ang Gawain nang higit pa sa inaasahan.
__________ 4. Inihihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri nito.
__________ 5. Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at binibigkas na may
paggalang ang Panunumpa sa Watawat at Panatang Makabayan.
__________ 6. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako nakikipag-unahan o
sumisingit sa pila.
__________ 7. Nakikihalubilo ako sa mga kabataang nagpapalitan ng kuro-kuro sa
kung anong maaaring gawin upang makatulong sa kapwa Pilipino.
__________ 8. Nakikibahagi sa mga patimpalak sa barangay man o sa paaralan
upang mahasa at maipakita ko ang aking talent at kakayahan.
__________ 9. Tinutupad ko ang mga alituntunin at patakaran ng aming barangay.
__________ 10. Nakikialam ako sa mga panukala at balita tungkol sa bansa.
Aralin
1 Pagmamahal sa Bayan

Lakbayin

Ang Pagmamahal sa Bayan

Ang Pagmamahal sa Bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gamapanan


ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong Patriyotismo, mula sa
salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang
pinagmulan o pinanggaglingan.
Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng
trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o
kabutihang panlahat, pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral.

Ang Patriyotismo ay iba sa nasyonalismo. Ang Nasyonalismo ay tumutukoy


sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumubigkis sa isang tao at
sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura at mga kaugalian o tradisyon.
Ang patriyotismo ay ay isinasaalng-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rito
ang pagkakaiba-iba sa wia, kultura at relihiyon na kung saan tuwiran nitong
binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.

Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan

1. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang layunin.


2. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan.
3. Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at
dignidad ng tao.
4. Napapahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang kultura, paniniwala at
pagkakakilanlan.
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang
pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapwa. Alam niya kung kalian siya
kikilos dahil sa angking karunungan, ibinibigay ang nararapat para sa iba, at
kokontrolin ang sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lang ang makikinabang.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

Dimensyon ng Mga Pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa


Tao bayan mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas

Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay

Pangkaisipan Katotohanan

Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa

Ispiritwal Pananampalataya

Panlipunan Paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan at pagkalinga


sa pamilya at salinlahi

Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran

Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan at pagsunod sa batas

Lahat ng Pagsulong sa kabutihang panlahat


dimensyon

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan

1. Mag-aral nang mabuti


2. Ang oras ay mahalaga kaya huwag magpahuli
3. Pumila nang maayos
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng basura kahit
saan.
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong.
8. Bumili ng produktong sariling atin; huwag sa mga peke (pirated) o smuggled
9. Kung pwede nang bomoto, isagawa ito nang tama.
10. Alagaan at igalang ang nakatatanda.
11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.
Galugarin

Gawain 2: Isula’t ko’t Baguhin


Panuto: Magtala ng apat na gawain na hindi nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan. Gamitin ang sagutang papel.

Hindi
Pagpapakita
ng
Pagmamahal
sa Bayan

Gawain 3: Susuriin Ko!


Panuto: Pag-aralan at suriin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga kasunod
na tanong.

Laging hinihintay ni Luis ang oras ng uwian upang makasama ang kaniyang
mga kaibigan sa isang internet café na malapit sa kanilang paaralan. Sa mga
araw na nagmamdali siya, lagi niyang kinakausap ang kaniyang mga kaibigan
na pasingitin siya sa pila upang din a maghintay at pumila nang matagal. Sa
tuwing siya ay pumunta sa mall, tumatambay siya sa isang sikat na kapehan
upang doon manigarilyo at makigamit ng wifi.

Sa mga araw na umuulan ay maaga siyang nagigising upang manood ng balita


upang malaman kung may pasok o wala. Mas marami ang oras na ginugugol
niya sa pakikipagpalitan ng mensahe sa Facebook at Twitter kaysa sa
pagbabasa ng kaniyang mga aklat. Dahil hindi pa sinasabi ang araw ng
pagsusulit may nakausap na siyang kamag-aral na magpapakopya sa kaniya.
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Nangyayari ba ito sa totoong buhay?
___________________________________________________________________________
2. May pagkakaugnay ba ito sa iyong buhay bilang isang mag-aaral?
___________________________________________________________________________
3. Anong pagkakatulad na kilos ang ipinakita sa mga sitwasyon sa iyong pang-
araw-araw na gawain?
___________________________________________________________________________
4. Ano-anong angkop na kilos ang ginagawa ng pangunahing karakter na
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan?
___________________________________________________________________________
5. Anong mga kilos ang dapat mong tuluran at anong mga kilos ang dapat
mong baguhin sa sitwasyon kung ikaw ang pangunahing karakter upang
maipakita ang pagmamahal sa bayan?
___________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagsagot sa mga Tanong

Mahusay Nangangailangan pa ng
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
Mahusay ang Maligoy ang sagot. Hindi
NILALAMAN pagkakabuo ng sagot. tiyak ang punto.
(2 puntos) Malinaw at tiyak ang
punto

Palalimin

Gawain 4: Mensahe ko, Ipinta ko!

Panuto: Gumawa ng isang poster-slogan na nagpapakita ng pagmamahal sa


bayan. Maging maparaan at malikhain sa paggawa.

Pamantayan Puntos

Kalinisan sa pagkagawa 4

Nilalaman o mensahe 6

Kabuuang hitsura 5

Kabuuan 15
Aralin
Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng
2
Pagmamahal sa Bayan

Nag-aaral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang


sa iyo? Kailangan bang lumabas ka ng bayan mo para maipakita mo ang
pagmamahal mo sa bansa? Ano-ano ang mga bagay at sitwasyong nakakabawas sa
pagmamahal mo sa bayan mo?
Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, nakaplano ito ayon sa kagustuhan ng
Diyos bilang isang indibidwal na sumasakatawang diwa. Maisasakatuparan ito at
magiging bahagi ng kasaysayan kung mag-iisa tayo bilang mamamayang may
pagmamahal sa bayan.
Ang bayan ay ang siyang kanlungan natin kung kaya’t nararapat na ipakita
ang pagmamahal sa bayan sa kung paanong paaran mo ito maisasabuhay. Hindi
ka kabilang sa mga nagpapakita ng paglabag sa pagmamahal sa bayan kundi ikaw
ang isang tagapagtaguyod ng pagmamahal sa lupang iyong sinilangan.

Narito ang mga tanong na susuri sa iyo kung naipapakita mo ba ang pagamamahal
sa bayan:
1. Kung mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong kapwa:
Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba?
2. Nag-aaral ka ba nang mabuti? Iniisip mo bang ang mga pagod at puyat mo
sa pag-aaral ay hindi para lang iyo kundi para maging kapakipakinabang
din sa ibang tao?
3. Bakit ayaw mong tumulong sa iyong kapwa? Sinusunod mo ba ang mga
payo ng iyong magulang, nakakatandang kapatid at mga opisyal sa iyong
barangay o kung ino mang nasa awtoridad? Nakikilahok ka bas a mga grupo
na may iisang layunin?
4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit
na may banta sa buhay mo? Kailan ka dapat tumahimik at dapat magsalita?
5. Ano ang nagawa mo para sa bansa? Ilang basura ang iyong itinapon na
lamang sa daan o sa maling lalagyan? Ilang beses ka nang sumingit sa pila?
Kailan ka tumulong sa isang taong nangangailangan ng iyong tulong? May
pagkakataon nab a, na nagging inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng
tama at mabuti?
6. Sumusunod ka ba sa health protocol at iba pang mga alituntunin ng
gobyerno o isa ka sa mga lumabag dito? Nanghihinayang a nalulungkot ka
ba sa mga sitwasyon na nakikita at napapanood sa balita tungkol sa
kalagayan ng bansa sa gitna ng pandemya?
7. Kailan mo huling ipinagdasal ang bansang Pilipinas?
Galugarin

Gawain 5: Sarili ko, Surrin ko

Panuto: Pumili sa unang kolum ng mga bagay na pinapahalagahan mo nang


mabuti at aktuwal mong ginagawa, pinapaniwalaan o isinasabuhay sa kahit
anumang sitwasyon sa buhay. Isulat ito sa sunod-sunod sa kung ano ang
pinakamahalaga. Sagutin ang mga kasunod na tanong.

I. Mag-aral nang mabuti


II. Ang oras ay mahalaga kaya huwag
magpahuli
III. Pumila nang maayos
IV. Awitin ang Pambansang Awit nang
may paggalang at dignidad
V. Maging totoo at tapat, huwag
mangopya o magpakopya
VI. Magtipid ng tubig, magtanim ng
puno at huwag magtapon ng basura
kahit saan.
VII. Iwasan ang anumang gawain na
hindi nakatutulong.
VIII. Bumili ng produktong sariling
atin; huwag sa mga peke (pirated) o
smuggled
IX. Kung pwede nang bomoto, isagawa
ito nang tama.
X. Alagaan at igalang ang nakatatanda.

Sagutin:
1. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa isang tao kung kaya’t minsan ay
hindi niya maipakita at maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
2. Paano ito mapagtatagumpayan?
Rubrik sa Pagsagot sa mga Tanong

Mahusay Nangangailangan pa ng
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
Mahusay ang Maligoy ang sagot. Hindi
NILALAMAN pagkakabuo ng sagot. tiyak ang punto.
(2 puntos) Malinaw at tiyak ang
punto

Gawain 6: Magtala-nilayan Ako

Panuto: Magtala ng 2 paglabag sa bawat dimensyon ng tao na nasa ibaba.


Maaaring ang mga paglabag na isusulat ay ang mismong ginagawa mo o nakita o
nababalitaan mo sa paligid. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Dimensyon ng Tao Mga Paglabag sa Pagmamahal sa Bayan


Halimbawa: 1. Pagkalulong sa bisyo at napabayaan ang pag-aaral
2. Palaging nagpupuyat dahil sa online games at
Pangkatawan pakikipag-chat, dahilan ng hindi pagkasagot sa
modyul
Ispiritwal

Panlipunan

Pampolitikal

Pagnilayan:
1. Paano mo maisasabuhay ang pagiging makabayan sa bawat araw upang
masabi mong hindi ka lumalabag sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

2. Sa paglabag na naitala mo sa itaas, paano mo tutugunan ang mga paglabag


sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

Rubrik sa Pagsagot sa Pagninilay na bahagi ng gawain

Mahusay Nangangailangan pa ng
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
Mahusay ang Maligoy ang sagot. Hindi
NILALAMAN pagkakabuo ng sagot. tiyak ang punto.
(2 puntos) Malinaw at tiyak ang
punto
Palalimin

Gawain 7: Pagnilayan Mo, Ibahagi Mo!

Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan hindi mo naipakita ang
pagmamahal sa bayan at itala ito sa ibaba.

Sitwasyon kung saan Rason kung bakit hindi Ang gagawin ko sa


hindi ko naipakita ang ko naipakita susunod na pagkakataon
pagmamahal sa bayan

1.

2.

Rubrik sa Pagsagot sa Gawain 7

Mahusay Nangangailangan pa ng
PAMANTAYAN Kasanayan
2 1
Mahusay ang Maligoy ang sagot. Hindi
NILALAMAN pagkakabuo ng sagot. tiyak ang punto.
(2 puntos) Malinaw at tiyak ang
punto
Sukatin

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?


A. Katatagan at kasipagan B. Kabayanihan at katapangan
C. Pinagkopyahan o pinagbasehan D. Pinagmulan o pinanggalingan

_____2. Alin sa mga sumusunod ang angkop na kilos na kailangang maipalas sa


pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
A. Mag-aral nang Mabuti B. B. Maglakwatsa
C. Magbigay limos D. Manlibre ng mga barkada

_____3. Alin ang hindi angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan?


A. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
B. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
C.Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain, at sa lahat ng
pagkakataon
D. Palagiang sumisingit sa pila at nakikipag-agawan sa likod na upuan sa
dyip

_____4. Si Rizal at Bonifacio ay nagbuwis ng kanilang buhay upang maging tapang


at hamon sa pagpursigeng makalaya ang Pilipinas mula sa mga dayuhan.
Anong birtud ang kanilang ipinakita?
A. Katapangan B. Pagtatanggol
C. Katarungan D. Pagmamahal sa bayan

_____5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng “Patriyotismo”?


A. Maging totoo at tapat
B. Bumili ng produktong sariling atin
C. Isama sa panalangin ang bansa at kapwa
D. Lahat ng mga nabanggit

_____6. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?


A. Pakikibahagi sa bayanihan
B. Pag-awit ng maayos ang pambansang awit
C. Alam ang mga pambansang simbolo ng Pilipinas
D. Paggamit nang palagian ng mga jejemon o wikang ingles

_____7. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sap ag-unlad ng


isang bayan?
A. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapwa
B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
D. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.

_____8. Alin sa mga sumusunod ang hindi indikasyon ng pagmamahal sa bayan?


A. Pagpapahalaga sa buhay B. Katarungan
C. Pananampalataya D. Kabaitan

_____9. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kaniyang bayan?


A. Utang natin sa ating bayan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang
ating pagkatao.
B. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na
hinuhubog sa kaniyang bayan
C. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at
pamayanang matitirhan.
D.Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay
upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.

_____10. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapwa?


A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan
B. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para mas mabuting pamumuno
C. Gumagamit ng midya at teknolohiya sa pagpapalwak ng kawilihan at
kaalaman
D. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa,
magtulungan at magdamayan

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral, pahina 184-208. Unang Edisyon 2015
Susi ng Pagwawasto

Sukatin
1.D
2. A
3. D
4. D
5. D
6. D
7. A
8. D
9. A
10. D

You might also like