You are on page 1of 20

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT CITY

Pangalan: _______________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ____________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan – Ika-limang Linggo
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan

I. Panimula
Tayong lahat ay may pananagutan sa ating Inang Bayan. Kaya dapat
natin siyang mahalin at ingatan. Mula sa ating pagkabata, habang tayo ay
tinuturuang magbasa, magsulat at magbilang ng ating mga magulang at
guro, tayo rin ay kanilang minumulat at hinhuhubog upang maging isang
mamamayang maka-Diyos, maka-kalikasan, maka-tao, at maka-bansa. Alam
at nararamdaman nating lahat kung gaano tayo kamahal ng ating Inang
Bayan, at bilang mga anak niya, nararapat lang na ating suklian at ibalik sa
kanya ang pagmamahal na iyon.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1.Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo). EsP10PB-IIIe-11.1
2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na
umiiral sa lipunan. EsP10PB-IIIe-11.2

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatutong ito, ikaw ay inaasahang:
1. maipamamalas ang pag-unawa sa pagmamahal sa bayan;
2. mahuhusgahan ang angkop na kilos o tugon sa mga sitwasyong
kailangan ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapakita ng
pagmamahal sa bayan; at
3. makikilala sa sarili ang mga indikasyon ng pagmamahal sa bayan.
IV. Pagtalakay
Magmula nang tayo ay tumuntong sa paaralan, kasama na sa mga
itinuturo sa atin ang mga tungkol sa ating bansang Pilipinas. Mula sa ating
mga magulang, hanggang sa ating mga guro sa kasalukuyan, tayo ay
iminumulat tungkol sa mga natatanging kaganapan sa kasaysayan ng ating
bansa. At bukod sa mga ito, ipinakilala rin nila sa atin ang ilan sa mga
mayayamang kultura, tradisyon, mga paniniwala at sining, mga taong
nagbuwis ng kanilang buhay upang ipagtanggol ang ating Inang Bayan laban
sa mga mananakop at mapang-abuso, at mga taong nagbigay-karangalan
mula sa iba’t ibang larangan sa iba’t ibang dako at sulok ng daigdig. Ngunit,
sa panahong ngayon na teknolohiya na ang umiiral, at nangingibabaw sa
halos lahat ng kalakaran at tayo ay nagiging moderno na, nakakalimutan na
kaya ng ilan sa atin ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan? Sa
asignaturang Sibika at Kultura, HEKASI at Araling Panlipunan na lamang ba
tayo napaaalalahanan tungkol sa totoong ibig sabihin ng “nasyonalismo” at
pagiging maka-bayan?

Napakaganda ng ating bansang Pilipinas. Hitik siya sa mga likas na


yaman at napakabuluhan ng kanyang kasaysayan at pinagdaanan. Siya,
bukod sa ating sariling mga pamilya ang sumasalamin sa ating pagkatao.
Kaya nararapat lang na siya ay ingatan, pagyamanin at mahalin. Ang ating
mga magigiting na mga bayani ay inialay ang kanilang dugo, pawis at buhay
upang makamit natin ang ating kalayaan na ilang beses nang sinubukang
agawin at kunin ng mga mananakop. Bawat isa sa atin ay may pananagutan
o responsibilidad na dapat tandaan at isakatuparan sa lahat ng oras sa bawat
araw. Ang pagmamahal na dapat nating ibigay sa Inang Bayan ay tulad ng
pagmamahal na ating ipinapakita at nadarama mula sa ating mga pamilya at
kaibigan. Kung walang pagmamahal, tayo ay magkakawatak-watak at
magkaka-gulo.

Halimbawa, sa isang pamilya: kung ang mga magulang ay hindi


nagmamahalan, ano ang maaaring mangyari sa loob ng tahanan? Marahil ay
madalas silang nakikitang nag-aaway, naririnig na nagsisigawan at
nagkakasakitan ng damdamin. At ano ang maaaring maidulot nito? Sa
kinatagalan ay maaari silang maghiwalay at tuluyan nang masisira ang
pamilyang sinumpaan nilang buuin.

Sa isang grupo ng mga musikero o banda, o kahit anong grupo; kung


walang pagmamahalan sa bawat kasapi, sa palagay niyo ba ay
maisasakatuparan nila ang kanilang mithiin na makagawa at makatugtog ng
musika at manalo sa mga kompetisyon? Gayun din sa mga magkakaibigan,
kung walang pagmamahal, walang saysay o kabuluhan ang pagkakaibigan.

2
Ito ay parang pagbabalat-kayo na lamang o pagpapakitang-tao habang
kasama ang iba.

Ang isang guro, kung wala siyang pagmamahal sa kanyang mga mag-
aaral o estudyante, ay hindi na niya gagawin ang lahat sa abot ng kanyang
makakaya na maturuan nang mabuti ang mga ito at mahubog ang kanilang
mga kaisipan sa mga dapat nilang matutunan sa mga asignatura at malinang
ang kanilang mga damdamin sa mga mabubuting asal.

Ang pagmamahal ay ang una nating natututunan sa ating mga


pamilya, sa loob ng ating mga tahanan, sapagkat sa ating mga magulang
unang nadama natin ito. Magmula nang tayo ay nasa sinapupunan ng ating
mga ina, hanggang sa ngayong may mga sarili na tayong pag-iisip at pag-
unawa, ay mararamdaman pa rin natin ang “sense of belongingness”; na ang
bawat isa sa atin ay mahalagang bahagi na bumubuo sa pamilya. Pangalawa
naman ay sa paaralan kung saan tayo ay minahal at inaruga ng ating mga
guro na tumayong pangalawang magulang natin at ang paaralan ang naging
pangalawang tahanan natin. Sa paaralan, tayo ay minulat tungkol sa
pagmamahal sa kapwa, pakikisalamuha, pakikipag-kaibigan at pakikipag-
kapwa-tao. Dito natin nararamdaman at naipadarama ang “sense of pride”,
lalo na kung tuwing may patimpalak at tayo ay kasapi at may naiaambag sa
iyong mga kasamahan, manalo man o matalo. Basta ang mahalaga ay
lumaban ang bawat isa, bilang iisa, na may iisang mithiin at iisang puso.

Ang pagmamahal sa bayan ang nagsisilbing daan upang makamit ang


mithiin. Pinag-iisa nito ang ang mga tao sa lipunan at iniingatan nito ang mga
karapatang pang-tao, integridad at dignidad ng bawat mamamayan. Ang
pagpapakita nito ay pagsasabuhay ng pagkamamamayang kasapi ng lipunan.
Ilan sa ating mga hinahangaan sa iba’t ibang larangan gaya ng musika, arte
(arts), agham at teknolohiya, medisina, palakasan o isports at iba pa, ay mga
huwarang indibidwal na ibinahagi ang kanilang talino at talento upang
maipakita at maipadama nila kung gaano nila kamahal ang bayan. Kung ang
isang tao ay nangangalaga sa integridad at dignidad ng kanyang kapwa,
binibigyang-halaga ang karangalan ng kanyang pamilya na may likas na
malasakit para sa layuning mapabuti ang kanyang bayan, siya ay nalinang
at nahubog bilang taong may pagmamahal sa bayan na pinangangalagaan
ang karapatan nito.

Madalas nating marinig ang linyang ito; “Kapag mahal mo ang isang
tao, alam mo kung ano ang makapagpapasaya sa kanya”. Gayundin sa
pagmamahal sa bayan. Ang pagmamahal sa bayan ay pagbibigay-halaga,
pag-iingat at pagpapa-unlad sa kultura, tradisyon, kasaysayan, sining, mga
paniniwala at may pagkakakilanlan sa kaniyang sariling bayan. Ito ang
pagmamahal na nanggagaling sa kaibuturan ng ating mga puso’t damdamin

3
na nanalaytay sa ating mga dugong-Pilipino at dumadaloy sa ating mga ugat.
Ito ang uri ng pagmamahal na handang itaya at ibuwis ang buhay para sa
lupang tinubuan, pangalagaan ang kanyang pangalan at handang
ipagtanggol ang kanyang dangal.

Ngayon, tayo ay nasa makabagong panahon na, na may makabagong


teknolohiya, modernong istilo at pamamaraan sa halos lahat ng mga bagay.
Kung pagmamasdan at susuriing mabuti, mapapansin na unti-unti nang
nawawala sa ilan sa atin ang pagmamahal sa bayan, aminin man natin o
hindi. Mapapansin ngayon sa mga social media, karamihan sa mga
tumatangkilik nito o mga netizens ay nahuhumaling sa mga kulturang
banyaga. Madalas ay mababasa sa mga “posts” o komento nila ang mga
pangalan ng mga grupong kinagigiliwan mula sa ibang bansa, mga pagkain,
musika, at mga palabas na galing sa bansang iyon. Kadalasan nga ay
nagpapaskil pa sila ng mga larawan ng mga ito samantalang ang sarili nating
mga alagad ng sining at ilan sa ating mga bayani ay hindi nila kilala. Mas
nakakabisado pa nila ang mga linya o “lyrics” ng mga kanta ng mga banyaga
kahit hindi nila ito naiintindihan at mas nahahabag ang kanilang mga
damdamin sa panonood ng drama mula sa ibang bansa habang binabasa ang
subtitle o wikang isinalin sa Ingles o Filipino. Alam nila ang ibig sabihin ng
mga simbolo sa watawat ng bansang iyon, ngunit ang sinisimbolo ng walong
sinag ng araw sa watawat natin ay hindi nila kabisado. Subukan mamasyal
sa mga liwasan, sa mga pamilihan o shopping malls, mas maraming
nagtutungo sa mga tindahan ng damit at gamit galing ibang
bansa samantalang ang mga tindahang mayroong produktong sariling atin
ay dinadaanan lang. Marahil ay dahil ito ang uso, ang viral, ang trending, at
ang fad.

Ang ating bayan ay mayaman sa sining, kultura at tradisyon. May sarili


tayong wika, pero bakit mas pinag-yayaman ng iba ang kanilang pagkatuto
sa ibang wika at di gamitin ang sariling atin? Pinag-aaralan nila kung paano
sumulat gamit ang mga letra at katagang banyaga kaysa pagtuunan ng
pansin ang ating Alibata. May sarili tayong mga sining, bakit hindi ang mga
ito ang pag-aralan at pagyamanin? Marami tayong mga magagandang awitin
at musika, bakit hindi ang mga ito ang kantahin at pakinggan? Marami
tayong masasarap na pagkain, bakit hindi kaya ang mga ito ang tikman at
pag-aralan lutuin? Napakaraming magagandang tanawin dito sa bayan natin,
bakit hindi muna pag-isipang ang mga ito ang unang puntahan upang
tanawin ang mga likas na yaman natin kaysa sa nangangarap na lumipad
papuntang ibang bansa?

Mahal mo ba ang bayan mo? Kung mahal mo, gagawin mo ang lahat para
maipakita at maipadama sa kanya, tama ba? Kung mahal mo ang bayan mo,

4
may gagawin ka para ito ay maisabuhay at maging inspirasyon ka bilang
isang huwarang mamamayang Pilipino sa iyong kapwa. Kung mahal mo ang
bayan mo, pahahalagahan, pangangalagaan, at pagyayamanin mo ang
kanyang kultura, tradisyon, kasaysayan, sining, paniniwala at
pagkakakilanlan. Kung mahal mo ang bayan mo, patunayan mo. Ang ating
pagiging Pilipino ay masasabing isang biyaya, kaya wag mong ikahiya ang
kulay mo, ang iyong itsura at ang iyong kultura. Nararapat lang na magkaisa
tayo at maging bahagi ng kasaysayan bilang isang mamamayan.

V. Mga Gawain
Gawain #1: Sino ako?
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na tauhan mula sa iba’t ibang
larangan. Piliin ang iyong sagot mula sa mga lupon ng mga pangalan sa loob
ng kahon at isulat ito sa patlang na nasa ilalim ng bawat paglalarawan.

Manny Pacquiao Juan Luna Melchora Aquino


Andres Bonifacio Efren Reyes Apolinario Mabini
Emilio Aguinaldo Lydia De Vega Gabriel Elorde
Emilio Jacinto Datu Lapu-Lapu Graciano Lopez Jaena
Manuel Quezon Liza Macuja Diego/Gabriela Silang
Sultan Kudarat Gregorio Del Pilar Lea Salonga
Francis Magalona GOMBURZA

1. Ako si “Tandang Sora”.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ako ang tao sa likod ng “Spolarium”.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ako ang heneral sa Pasong Tirad.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ako ang binansagang “dakilang lumpo”.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5
5. Ako ang tinaguriang “utak ng himagsikan”.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6. Ako ang tinawag na “the magician”.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7. Nakilala ako sa “Miss Saigon” at “Les Miserables”.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8. Binansagan akong “the Philippines’ fastest woman”.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9. Tinawag akong “the flash” sa larangan ng boxing.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10. Ipinadadama ko ang aking pagmamahal sa bayan sa aking mga rap.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11. Kami ang mag-asawang lumaban sa mga mananakop.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

12. Ako ang maharlikang hindi nagpasakop sa mga manlulupig.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

13. Kami ang 3 paring hindi natakot mamatay para sa bayan.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

14. Ang La Solidaridad ang aking naging sandata sa pagtatanggol sa bansa.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

15. Ang aking alyas ay “Magdiwang”


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
Gawain #2
Panuto: Basahing mabuti, suriin at unawain ang mga kaganapan.
Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan?

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka sa Gawain 2:


Sapat at akma ang nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Maayos na pagpapaliwanag sa mga ideya 7 puntos
Wasto at akmang mga salita ang ginamit 3 puntos
Kabuuang Puntos 20 puntos

1. May isang sikat na “tiktoker” ang hindi nakakakilala sa ating pambansang


bayani nung pinahuhula sa kanya ito sa isang laro at natawa pa siya nung
nalaman niya ang sagot.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Isang “vlogger” ang hindi nagpakita ng paggalang sa ating pambansang


awit. Sa halip, siya ay nagpatawa pa sa pamamagitan ng pagsayaw nito na
ang mga galaw niya ay hindi naaayon at may halong paglapastangan.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. May mga palabas o video sa “Youtube” ang nagpapakita ng ilang dayuhan


na iginuhit ang ating pambansang watawat. Matapos nila itong iguhit ay
dahan-dahan at unti-unti nilang pinunit, niyurakan at tinapakan.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. May narinig kang ilan sa mga kababayan mo ang nagsabing walang talento
ang mga artista natin sa larangan ng musika kaya ang pinakikinggan nila
ay musika mula sa ibang bansa.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
5. Nagkaroon ng patimpalak ng Tagisan ng Talento sa pagluluto. Humingi ng
mungkahi ang iyong mga kasama sa grupo kung anong mga putahe ang
inyong iluluto.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6. Nakasakay ka sa jeep at napansin mong pinahinto ito ng isang pulis sa


isang kanto. Nakita mong may inabot ang tsuper na salaping naka-tupi
nang maliit bago pinayagang makaalis ang jeep.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7. Ikaw ay isa nang rehistradong mamboboto. Sa iyong pagpunta sa paaralan


para bumoto, ikaw ay sinalubong ng isang kandidato at may iniabot sa
yong sobre na may halaga kapalit ng iyong pagboto sa kanya.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8. Araw ng pagsusulit sa inyong pangkat. Habang sinasagutan ninyo ang mga


katanungan ay napansin mong ang kaklaseng iyong kinagigiliwan ay may
nakaipit na maliit na papel sa kanyang palad at tumitingin siya doon
habang hindi nakatingin ang inyong guro.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9. Isa sa iyong mga kaibigan ay nag-paskil o nag-post sa social media na


nagpapakita ng kanyang paninira at tila ikinahihiya niya ang isa sa mga
kinagisnan nating paniniwala at marami ang tumawa dahil doon.

Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10. Nabalitaan mo sa social media na ang Kasaysayan ng Pilipinas (Philippine


History) ay aalisin na sa listahan ng mga asignatura sa sekundarya.

8
Ipaliwanag ang gagawin: ___________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain #3
Panuto: Sumulat ng isang maikling liham sa ating Inang Bayan tungkol sa
mga kaganapan o pangyayaring nakikita sa mga social media. Sabihin at
iparating sa kanya ang iyong saloobin ukol sa mga napapansing mga
pagsasa-walang bahala at hindi pagbibigay halaga sa pagmamahal sa kanya.

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka sa Gawain 3:


Sapat at akma ang nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Maayos na pagpapaliwanag sa mga ideya 7 puntos
Wasto at akmang mga salita ang ginamit 3 puntos
Kabuuang Puntos 20 puntos

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain #4
Panuto: Gumawa ng Akrostik gamit ang salitang PATRIYOTISMO.

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka sa Gawain 4:


Sapat at akma ang nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Maayos na pagpapaliwanag sa mga ideya 7 puntos
Wasto at akmang mga salita ang ginamit 3 puntos
Kabuuang Puntos 20 puntos

9
P

Gawain #5
Panuto: Buuin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang salita na
sumasang-ayon sa iyong sagot at isulat ito sa patlang

1. Tayo ay iminumulat tungkol sa mga natatanging kaganapan sa __________


ng ating bansa.
A. tradisyon C. kasaysayan
B. kahalagahan D. nasyonalismo

10
2. Ipinakilala rin nila sa atin ang ilan sa mga mayayamang kultura,
__________, mga paniniwala at sining.
A. tradisyon C. kasaysayan
B. kahalagahan D. nasyonalismo

3. Nakakalimutan na kaya ng ilan sa atin ang __________ng pagmamahal


sa bayan?
A. tradisyon C. kasaysayan
B. kahalagahan D. nasyonalismo

4. Sa asignatura na lamang ba tayo napaaalalahanan tungkol sa totoong ibig


sabihin ng __________ at pagiging maka-bayan?
A. tradisyon C. kasaysayan
B. kahalagahan D. nasyonalismo

5. Siya, bukod sa ating sariling mga pamilya ang __________ sa ating pagkatao.
A. kabuluhan C. pananagutan
B. likas na yaman D. sumasalamin

6. Bawat isa sa atin ay may __________ o responsibilidad na dapat tandaan


A. kabuluhan C. pananagutan
B. likas na yaman D. sumasalamin

7. Hitik siya sa mga __________ at napakabuluhan ng kanyang kasaysayan at


pinagdaanan.
A. kabuluhan C. pananagutan
B. likas na yaman D. sumasalamin

8. Kung walang pagmamahal, walang saysay o __________ ang pagkakaibigan.


A. kabuluhan C. pananagutan
B. likas na yaman D. sumasalamin

9. Ito ay parang _______ lamang o pagpapakitang-tao habang kasama ang iba.


A. sense of belongingness C. pakikisalamuha
B. pagbabalat-kayo D. mithiin

10. Mararamdaman pa rin natin ang __________; na ang bawat isa sa atin ay
mahalagang bahagi na bumubuo sa pamilya.
A. sense of belongingness C. pakikisalamuha
B. pagbabalat-kayo D. mithiin

11
VI. Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti, suriin at unawain ang tula at sagutin ang mga
katanungan.

"Pahimakas ni Dr. José Rizal"


translation by Andrés Bonifacio

1
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
lupang iniirog ñg sikat ñg araw,
mutiang mahalaga sa dagat Silañgan,
kalualhatiang sa ami'y pumanaw.

2
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging mariñgal man at labis alindog
sa kagaliñgan mo ay akin ding handog.

3
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ñg iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

4
Saan man mautas ay di kailañgan,
cípres ó laurel, lirio ma'y patuñgan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ñg Bayan.

5
Ako'y mamatay, ñgayong namamalas
na sa silañganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ñg luksang nagtabing na ulap.

6
Ang kulay na pula kung kinakailañgan
na maitim sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabog at siyang ikinang
ñg kislap ñg iyong maningning na ilaw.

12
7
Ang aking adhika sapul magkaisip
ñg kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silañgan hiyas na marikit.

8
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakás kunot ñg kapighatian
gabahid man duñgis niyong kahihiyan.

9
Sa kabuhayang ko ang laging gunita
maniñgas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyaw ñg diwa
pag hiñgang papanaw ñgayong biglang-bigla.

10
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniñga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalañgitan.

11
Kung sa libiñgang ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mañga labi mo'y mangyaring ílapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

12
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ñg lupa ñg aking libiñgan,
ang init ñg iyong pag hiñgang dalisay
at simoy ñg iyong pag giliw na tunay.

13
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlám at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hañging hagibis.

13
14
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa cruz ko'y dumapo kahi't isang ibon
doon ay bayan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

15
Bayaan ang niñgas ñg sikat ñg araw
ula'y pasiñgawin noong kainitan,
magbalik sa lañgit ñg boong dalisay
kalakip ñg aking pagdaing na hiyaw.

16
Bayaang sino man sa katotong giliw
tañgisang maagang sa buhay pagkitil:
kung tungkol sa akin ay may manalañgin
idalañgin Báyan yaring pagka himbing.

17
Idalañging lahat yaong nañgamatay,
nañgagtiis hirap na walang kapantay;
m̃ga iná naming walang kapalaran
na inahihibik ay kapighatian.

18
Ang m̃ga bao't pinapañgulila,
ang m̃ga bilangong nagsisipag dusa:
dalañginin namang kanilang mákita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

19
At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libiñgan't,
tañging m̃ga patay ang nañgag lalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

20
Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain:
kaipala'y mariñgig doon ang taginting,
tunog ñg gitara't salterio'y mag saliw,
ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.

14
21
Kung ang libiñgan ko'y limót na ñg lahat
at wala ñg kruz at batóng mábakas,
bayang lina~gin ñg taong masipag,
lupa'y asarolin at kanyang ikalat.

22
At m̃ga buto ko ay bago matunaw
máowi sa wala at kusang maparam,
alabók ñg iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

23
Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang pañganorin
m̃ga lansañgan mo'y aking lilibutin.

24
Matining na tunóg ako sa diñgig mo,
ilaw, m̃ga kulay, masamyong pabañgó,
ang úgong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ñg pananalig ko.

25
Báyang iniirog, sákit niyaring hirap,
Katagalugang kong pinakaliliyag,
dingin mo ang aking pagpapahimakas:
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

26
Ako'y patutuñgo sa walang busabos,
walang umiinis at verdugong hayop:
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo'y haring lubos.

27
Paalam, magulang at m̃ga kapatid
kapilas ñg aking kaluluwa't dibdib
m̃ga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.

15
28
Pag pasalamatan at napahiñga rin,
paalam estrañgerang kasuyo ko't aliw.
paalam sa inyo m̃ga ginigiliw:
¡mamatay ay siyang pagkagupiling!

1. Isulat ang saknong na nagsasabing ang may akda ay handang ibigay


ang kanyang buhay para sa Inang Bayan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Isulat ang saknong kung saan inilalarawan ng may akda ang nais
niyang maging kanyang huling hantungan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Isulat ang saknong kung saan humihingi ng panalangin ang may akda
para sa lahat ng mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa Inang
Bayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Isulat ang saknong na nagsasabing ang may akda ay handang humarap


sa Lumikha.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Isulat ang saknong na nagpapahiwatig ng pasasalamat ng may akda sa


kanyang pamilya.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Isulat ang saknong na nagsasabi sa atin na walang pagsisisi sa


kalooban ng may akda sa kanyang ginawa.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7. Isulat ang saknong kung saan mula pa sa kanyang pagkamusmos ay


hangad na ng may akda ang maging malaya ang Inang Bayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

16
8. Isulat ang saknong kung saan inihahambing ng may akda ang Inang
Bayan sa isang dalagang marikit.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9. Isulat ang saknong kung saan nagpaalam ang may akda sa lahat ng
kanyang mga inibig.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10. Isulat ang saknong na nagpapahiwatig na may munting kalungkutan


sa kalooban ng may akda sa kanyang paglisan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

VII. Repleksyon/Pangwakas
Panuto: Sagutin ang bawat tanong nang ayon sa iyong pagkakaunawa.

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka


Kaalaman tungkol sa hiningi ng bawat katanungan 10 puntos
Maayos na pagpapalalahad ng saloobin 7 puntos
Wasto at akmang mga salita ang ginamit 3 puntos
Kabuuang Puntos 20 puntos

1. Magbigay ng isang kaganapan na kung saan ipinagmalaki mo ang iyong


pagiging isang Pilipino at ang bansa at magbigay ng isang kaganapan
na kung saan ikinahiya mo ang bansa at ang iyong pagiging Pilipino.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bakit napakahalaga na maisabuhay natin ang mga pagpapahalagang


itinataguyod ng bansa? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral sa ika-10 baitang, anong kakayahan ang taglay


mo na maaari mong ibahagi sa bansa at maipakita ang iyong
pagmamahal? Patunayan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

17
VIII. Mga Sanggunian

Brizuela, Mary Jean B., et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 10. Modyul para sa Mag-
aaral. Unang Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing
Society (FILCOLS), Inc.

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021. Accessed on


May10, 2020. https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential- learning-
competencies_1.html

Bonifacio, Andrés. 1896. "Pahimakas ni Dr. José Rizal".


https://en.wikipedia.org/wiki/Mi_%C3%BAltimo_adi%C3%B3s

18
19
Maaaring
magkakaiba-iba
ang kasagutan
Isinasalang-alang
ang rubriks sa
pagbibigay ng
marka
Gawain 7
Maaaring Maaaring Maaaring
magkakaiba-iba magkakaiba-iba magkakaiba-iba
ang kasagutan ang kasagutan ang kasagutan
Isinasalang-alang Isinasalang-alang Isinasalang-alang
ang rubriks sa ang rubriks sa ang rubriks sa
pagbibigay ng pagbibigay ng pagbibigay ng
marka marka marka
Gawain 5 Gawain 3 Gawain 2
1. Melchora Aquino
2. Juan Luna
3. Gregorio Del Pilar
4. Apolinario Mabini
1. kasaysayan 5. Emilio Jacinto
2. tradisyon 6. Efren Reyes
3. kahalagahan 7. Lea Salonga
4. nasyonalismo 8. Lydia De Vega
5. sumasalamin 9. Gabriel Elorde
6. pananagutan 10. Francis Magalona
7. likas na yaman 11. Diego at Gariela Silang
8. kabuluhan 12. Datu Lapu-Lapu
9. pagbabalat-kayo 13. GOMBURZA
10. sense of belongingness 14. Graciano Lopez Jaena
15. Andres Bonifacio
Gawain 4 Gawain 1
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Christian Luis V. Dizon


Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Mercidita Saldero
Jacqueline C. Tuazon
Lorna V. Guintu
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

20

You might also like