You are on page 1of 15

10

Araling
Panlipunan 10
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Ang Kalagayan at Suliranin sa
Isyu sa Paggawa

1
Modyul Ang Kalagayan at Suliranin sa
3 Paggawa
Ikatlong Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya
tungo sa pambansang kaunlaran.

Pamantayang Pangkasanayan:
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pangekonomiyang
nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Kakayahan:
Nasusuri ang kalagayan at suliranin sa paggawa.

Paksa/Subject Code: Ang Kalagayan at Suliranin sa Isyu sa Paggawa

Subukin

Tayo na magsimula, subuking sagutin ang mga sumusunod na mga


katanungan at bigyan ng pagwawasto ang maling kasagutan sa pamamagitan ng ibat-
ibang aralin sa mudyol na ito.

PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag


munang basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag
kalimutan ang pagpapahalaga sa aralin.

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.


1. Ang mga manggagawang Pilipino ay nahaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin
at hamon sa paggawa. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Ang mataas na pasahod
B. Ang kontraktwalisasyon sa paggawa
C. Ang kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
D. Ang “job-mismatch” bunga ng mga “job-skills mismatch”

2. Si Donnie ay natanggal sa trabaho dahil sa naganap na pandemya. Sa anong


isyu sa paggawa napabilang ang nangyari kay Donnie?
A. Mura at flexible labor
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. “Job-mismatch” bunga ng mga “job-skills mismatch”
D. Iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa

2
3. Alin sa mga sumusunod ang positibong naidudulot ng globalisasyon sa
paggawa?
A. Ang pagkakaroon ng mura at mababa ang labor o pasahod sa mga
manggagawa.
B. Ang hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na
makilala sa pandaigidigang pamilihan.
C. Ang pagliit ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o
kasanayan sa paggawa na globally standard
D. Ang pagbabago dulot ng globalisasyon sa workplace at mga salik ng
produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT
programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa.

4. Alin sa mga sumusunod ang suliranin ng sektor ng agrikultra?


A. Ang job mismatch sa paggawaan
B. Ang modernong kagamitan sa pagsasaka
C. Ang hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
D. Ang pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga
subdibisyon.

5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga haligi (pillars) para sa isang
disente at marangal na paggawa?
A. Social Dialogue Pillar C. Worker’s Rights Pillar
B. Social Protection Pillar D. Unemployment Pillar

6. Ito ay tumutukoy sa paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay


na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga
manggagawa.
A. Social Dialogue Pillar C. Worker’s Rights Pillar
B. Social Protection Pillar D. Employment Pillar

7. Ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa


paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
A. Social Dialogue Pillar C. Worker’s Rights Pillar
B. Social Protection Pillar D. Employment Pillar

8. Naglalayong hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa


paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa,
katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.
A. Social Dialogue Pillar C. Worker’s Rights Pillar
B. Social Protection Pillar D. Employment Pillar

3
9. Ito ay naglalayong palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng
pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng
mga collective bargaining unit.
A. Social Dialogue Pillar C. Worker’s Rights Pillar
B. Social Protection Pillar D. Employment Pillar

10. Ito ay tumutukoy sa bahagi ng lakas paggawa na walang trabaho ngunit


naghahanap ng mapapasukang trabaho. Ito ay sitwasyon kung saan ang mga
mangagagawa ay walang mapapasukang trabaho kahit sila ay may sapat na
kakayahan at pinag-aralan.
A. Employment C. Overseas Filipino Workers
B. Unemployment D. Underemployment

11. Alin sa mga sumusunod na suliranin ng magsasaka ay dulot ng paglaganap o


pagdagsa ng dayuhan kompanya at produkto?
A. Ang kawalan ng suporta mula pamahalaan
B. Ang kakulangan para sa mga patubig o irigasyon
C. Ang kawalan ng modernong makinarya sa pagsasaka
D. Ang pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga
gusaling pangkomersiyo, pabrika at pagawaan.

12. Ayon sa ulat ng Philippine Statistic Authority sa taon ng 2018-2019. Ano ang
pinakamalaking bahagdan ng empleyadong manggagawa sa bansa?
A. Sektor ng Serbisyo C. Sektor ng Industriya
B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Mamumuhan

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa suliranin sa industriya?


A. Ang mataas na sahod at overtime pay
B. Ang mahabang oras ng pagpasok sa trabaho
C. Ang hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
D. Ang kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa

14. Si Maria ay isang call center agent sa isang Business Process Outsourcing na
kompanya sa ating lungsod. Alin sa mga sumusunod ang maaring suliranin
niya bilang maggagawa?
A. Ang mataas na sahod
B. Ang pagtaas ng posisyon o promosyon sa kompanya
C. Ang pagtaas ng matatanggap na incentives and allowance
D. Ang mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga
mga manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng
pagtatrabaho.

4
15. Si James ay nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ngunit sa kakulangan ng
mapapasukang trabaho ay nagtatrabaho bilang tagalinis sa isang kompanya.
Alin sa hamon ng paggawa maiiugnay ang sitwayon niya?
A. Ang paglaki ng ibang mga job-mismatch
B. Ang self-employed without any paid employee
C. Ang hard-to-fill o mga trabaho na mahirap punan
D. Ang mataas na bilang ng mga estudyante, mga full time mother at mga
taong umano’y tumigil na o nawalang na ng sigla sa paghahanap ng
trabaho

Alamin

Magandang buhay masinop at masipag na mag-aaral. Sa araling ito, malalaman


mo ang ibat-ibang hamon ng manggagawang Pilipino. Tatalakayin sa mudyol 3, ang
kalagayan at suliranin sa isyu sa paggawa at pagkatapos ng araling ito, ikaw
inaasahang na:
1. natatalakay ang kalagayan ang ibat-ibang sektor sa paggawa,
2. nasusuri ang mga suliranin at isyu sa paggawa, at
3. napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng Pilipinong manggagawa.

Panimulang Gawain

Tayo na magsimula! Suriin ang ilustrasyon sa ibaba ng isang manggagawang


Pilipino at ibahagi ang iyong pananaw at sagutin ang mga gabay na tanong at
gumamit ng sagutang papel.

5
Gabay na mga katanungan:
1) Ano ang mensahe ng larawan?
2) Magbigay ng mga karaniwang suliranin ng manggagawang Pilipino.
3) Ano ang ugnayan ng globalisasyon sa kinakaharap na mga isyu ng
manggagawang Pilipino?

Tuklasin/Suriin
Sa unang aralin ng modyul na ito ay nabatid mo ang naging epekto ng
globalisasyon sa bansa sa pagbabago sa kaisipan at perspektiba ng mga mamamayan
tungkol sa pandaigdigang komunidad at pangangailangan ng bawat bansa. Ngayon
masusuri mo ang iba’t ibang kalagayan at suliranin sa isyu sa paggawa. Tayo na
magsimulang tuklasin at suriin ang aralin.

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin


at hamon sa paggawa tulad ng mga sumusunod:
 mababang pasahod
 kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
 “job-mismatch” bunga ng mga “job-skills mismatch”
 iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa
 mura at flexible labor

Ang mga sumusunod ay naidulot ng globalisasyon sa paggawa:


 Ang paglaki ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan
sa paggawa na globally standard. Ang pangingibang bansa ng mga Pilipino na
propesyunal at skilled workers ay halimbawa nito.
 Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigang pamilihan. Halimbawa nito ay ang San Miguel Corp., Jollibee,
Bench at iba pa.
 Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba
pang makabagong kagamitan sa paggawa;
 Pagkakaroon ng mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa
kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa
laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa
mga produktong lokal.

Apat na Haligi (Four Pillars) para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa


(DOLE, 2016)
1. Employment Pillar - Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,
malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa
mga manggawa.

6
2. Worker’s Rights Pillar - Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng
mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng
mga manggagawa.
3. Social Protection Pillar - Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga
sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.
4. Social Dialogue Pillar - Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa
pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng
paglikha ng mga collective bargaining unit.

Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor


Talahanayan 1.1 Percent Distribution of Employed Persons by major Industry Group:
April 2019 and April 2018

Source : Phillipine Stattistics Authority, April 2019 and April 2018 Labor force survey
Panuto: Sagutin ang mga gabay na katanungan at gumamit ng sagutang papel.
1. Alin sa mga sektor ng paggawa ang may pinakamalaking porsyento noong Abril
2018 at Abril 2019?
2. Sa iyong pananaw, nakatulong ba sa daloy ng ekonomiya ang patuloy na
pagdami ng manggagawa sa sektor ng serbisyo? Ipaliwanag
3. Ano ang papel na ginagampanan ng globalisasyon sa patuloy na pagdami ng
manggagawa sa sektor ng serbisyo?

A. Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami
ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga
dayuhang produkto sa pamilihang lokal.

Mga hamon na kinakaharap ng Magsasakang Pilipino


- Kakulangan para sa mga patubig o irigasyon
- Kawalan ng suporta mula pamahalaan sa pagbibigay na ayuda lalo na kapag
may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot, at iba pa
- Pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon,
malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan, at
bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs
- Paglaganap ng iba’t ibang industriya sa bansa

7
- Patuloy na pagliit ng lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan
at kagubatan.

B. Sektor ng Industriya
- Saklaw nito ang mga manggagawa sa pagawaan ng produkto.
Halimbawa : Factory workers
Mga iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa sa
sektor ng industriya:
- Mahabang oras ng pagpasok sa trabaho
- Mababang pasahod
- Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
- Kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga
minahan, konstruksiyon, at planta na nagpoprodyus ng lakas elekrisidad na
kung saan may mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi.

C. Sektor ng Serbisyo
Saklaw ng sektor na ito ang manggagawa sa:
- Pananalapi - Komersiyo
- Insurance - Kalakalang pakyawan
- Retail o pagtitingi - Transportasyon
- Saving o pag-iimbak - Komunikasyon
- Medikal - Turismo
- Business processing outsourcing (BPO) - Edukasyon

- Ang sektor na ito ay ang pinakamalaking bahagdan na maraming


naempleyong manggagawa sa loob dalawang taon 2018 at 2019 ayon sa ulat
ng Philippine Statistic Authority (Talahanayan 1.1).
- Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil
tinitiyak nito na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto sa
bansa.
- Kaalinsabay nito ang iba’t ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon sa
pamamagitan ng patakarang liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok
ng bansa sa mga dayuhan kasunduan na kung binubuksan ng malaya ang
kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya o Transnational
Corporations (TNCs) kaya’t sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula
sa TNCs nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga
Pilipino sa pandaigdigan kalakalan.
- Ayon sa pagtataya sa 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation Summit na
naganap sa bansa na ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng serbisyo
ang patuloy na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa at tinawag
na, “emerging and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng
sektor ng serbisyo. Ang pagbukas ng bansa sa malayang patakaran ng mga

8
mamumuhunan, tax incentives ay nagbibay ng mga suliranin sa sector ng
pangserbisyo.
Ilang suliranin kaugnay ng sektor ng serbisyo ay:
 Over-worked
 Mababang pasahod
 Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga
manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng
pagtatrabaho.

Unemployment and Underemployment


- Unemployment – ito tumutukoy sa bahagi ng lakas paggawa na walang
trabaho ngunit nahahanap ng mapapasukang trabaho. Ito ay sitwasyon kung
saan ang mga manggagawa ay walang mapasukang trabaho kahit sila sapat na
ang kakayahan at pinag-aralan.
- Underemployment - Sila ang mga manggagawa na kulang sa walong oras ang
oras ng pagtatrabaho at kasama rin sa underemployed ang overqualified
workers.

Talahanayan 1.2 - Ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA, July 2020)

Source : Phillipine Statistics Authority (PSA)


May pagtaas ng porsyento ng nawalan ng trabaho noong Hulyo 2020 nasa 10
na porsyento, mas mataas kumpara sa parehong buwan ng nakaraang taon na 5.4 na
porsyento, ngunit mas tumaas ito noong Abril 2020 na record high 17.7 na porsyento.
Ang mga Pilipino na walang ng trabaho sa buwan ng Hulyo 2020 ay tinataya nasa 4.6
milyon, mas matas kumpara sa parehong buwan sa nakaraang taon nasa 2.1 milyon,
ngunit mas mababa kumpara sa buwan ng Abril 2020 na 2.7 milyon.

Panuto: Sagutin ang mga gabay na katanungan at gumamit ng sagutang papel.


1. Ayon sa ulat ng PSA noong July 2020, ilawaran ang mga pagbabago sa
unemployment at underemployment sa bansa sa nakalipas na mga buwan.
2. Ano kaya ang sanhi ng pagbabagong ito?
3. Nakatulong ba o nakasama ang pagbabagong ito sa mga manggagawa? Ibahagi
ang iyong kasagutan.

9
Mga hamon nakinakaharap kaugnay sa unemployment at underemployment ay
ang mga sumusunod:
o Ang paglaki ng bilang ng mga job-mismatch dahil sa hindi nakakasabay ang
mga college at vocational graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na
entry requirement ng mga kompanya na tinatayang aabot sa 1.2 milyon noong
2016 (TUCP 216).
o Ang hard-to-fill o mga trabaho na mahirap punan mula sa mga major at
emerging industries. Halimbawa, nito ay ang 2-D digital animator, agricultural
designer, clean-up artist, cosmetic dentist, cosmetic surgeon, cuisine chef, multi-
lingual tour guide, at mechatronics engineer.
o Self employed without any paid employee ay tumutukoy sa trabahong para-
paraan o sa sinasabing vulnerable employment tulad ng pagbebenta ng iba’t
ibang kalakal tulad ng kendi, sigarilyo, bote-dyaryo at iba pa.
o Mataas na bilang ng mga estudyante, mga full time mother at mga taong
umano’y tumigil na o nawalan na ng sigla sa paghahanap ng trabaho
(discouraged workers).

Isaisip

Malaki ang hamon na kinakaharap ng bansa sa ibat-ibang isyu sa paggawa


dulot ng globalisasyon. Ang kawalan ng trabaho, mababang sahod, at
kontraktwalisasyon sa paggawa ay iilan na kinakaharap na pagsubok ng
mangagawang Pilipino. Bilang mag-aaral ihanda ang sarili sa mga hamon upang sa
pagdating ng panahon magkakaroon ka ng sapat na edukasyon, kaalaman at
kakayahang teknikal upang harapin ang mga hamon at suliraning ito. Basahin at
suriing mabuti ang dalawang kataga sa ibaba at bigyan kasagutan ang tanong.

“Outsourcing and globalization of manufacturing allows companies to


reduce costs, benefits consumers with lower cost goods and services, causes
economic expansion that reduces unemployment, and increases productivity and
job creation”.
- Larry Elder

“The 1 to 2 billion poorest in the world, who don't have food for the day,
suffer from the worst disease: globalization deficiency. The way globalization is
occurring could be much better, but the worst thing is not being part of it. For
those people, we need to support good civil societies and governments”.
- Hans Rosling

10
Sagutin ang gabay na tanong at gumamit ng sagutang papel.
1. Alin sa mga kataga sa tingin mo, ang may katotohan tungkol sa globalisayon?
Ipaliwanag. ___________________________________________________________

Isagawa/Pagyamanin

Imbentaryo ng mga Manggagawa. Kompletuhin ang hinihinging impormasyon ng


imbertaryo ng mga maggagawa sa iyong tahanan o sa iyong pamilya. Isulat ang
gawain sa sagutang papel.

Pangalan ng mag-aaral :_________________________________________


Tirahan :_________________________________________

Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang hinihingi sa bawat hanay.

A. Bilang ng mga Manggagawa sa Pamilya o Tirahan:


Status:
Pangalan Relasyon Edad Edukasyon Natapos Hanapbuhay Regular/
na Kurso Kontraktuwal

B. Benipisyong Natatanggap
Lagyan ng tsik (/)
SSS/GSIS
Philhealth
Iba pang benipisyo

C. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong


hanapbuhay ang nais mong pasukan? Bakit?

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-anong uri o kategorya ng manggagawa mayroon sa inyong tirahan o sa
inyong pamilya?
2. Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang sakripisyo ng mga
mangagawang Pilipino? Ipaliwanag

11
Tayahin

Pagkatapos mong maunawan ang aralin tungkol sa mga isyu sa paggawa dulot ng
globalisasyon, natitiyak kong makakasagot ka sa inihandang pagsusulit sa ibaba.

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng sagutang papel.

1. Si Christian ay palaging nagpalipat-lipat ng kompanyang pinapasukan bawat


anim na buwan. Alin sa mga anyo ng suliranin at hamon sa paggawa
napabilang ang sitawasyong ito?
A. Ang job-mismatch
B. Ang mababang pasahod
C. Ang kawalan ng seguridad sa lugar na pinapasukan
D. Ang iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng “job-mismatch”?


A. Si Jade na isang registered Nurse na naging Call Center Agent.
B. Si Jake na bilang isang Certified Public Accountant sa pinapasukang
financial firm sa bansa.
C. Si Junel na isang NC II holder sa commercial cooking at ngayon ay
nagtratraho sa isang international cruise ship bilang kitchen assistant.
D. Si Albert na isang lisenyadong Civil Engineer na nagtratrabaho sa isang
construction firm bilang Project Manager.

3. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto dulot ng globalisasyon sa


manggagawa?
A. Ang pagpapatupad ng murang pasahod at paglimita sa panahon ng
paggawa.
B. Ang paglaki ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o
kasanayan sa paggawa na globally standard.
C. Ang nabibigyan ng pagkakataon sa mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigan pamilihan.
D. Ang binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon
tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex
machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.

12
4. Ang mga manggagawang Pilipino ay nahaharap sa iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa. Alin sa mga sumusunod ang kabilang dito?
A. Ang mataas na pasahod
B. Ang seguridad sa pinapasukang kompanya
C. Ang magiging regular sa kompanyang pinapasukan
D. Ang kawalan ng benepisyo tulad ng health insurance at Social Security
System.(SSS)

5. Alin sa mga sumusunod ang nagdudulot ng negatibong epekto ng globalisasyon


sa paggawa?
A. Ang pagdami ng opportunidad sa trabaho ng bansa
B. Ang nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala
sa pandaigidigan pamilihan.
C. Ang pagtaas sa bilang ng magagawa na walang ng trabaho dahil sa
pagkalugi ng lokal na mamumuhunan.
D. Ang pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o
kasanayan sa paggawa na globally standard.

6. Marami ang walang trabaho dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, sa anong


isyu sa paggawa nabibilang ito?
A. Murang pasahod
B. Flexible labor at under paid
C. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
D. “Job-mismatch” bunga ng mga “job-skills mismatch”

7. Alin sa mga sumusunod ang suliranin sa sektor ng agrikultura naaapektuhan


ng pagdami ng dayuhang kompanya?
A. Ang job mismatch
B. Ang modernong kagamitan sa pagsasaka
C. Ang hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
D. Ang pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga
subdibisyon.

8. Ito ay naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa


paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
A. Social Dialogue Pillar C. Worker’s Rights Pillar
B. Social Protection Pillar D. Employment Pillar

13
9. Ang Employment Pillar ay tumutukoy sa paglikha ng mga sustenableng trabaho,
malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa
mga manggawa. Alin sa sitwasyon ang patunay dito?
A. Ang pagkatanggal ni Paul sa trabaho
B. Ang kawalan ng overtime pay sa mga mangagawa ng kompnaya
C. Ang promosyon ni Karl bilang manager dahil sa kanya ipinakitang galing
at sipag sa kompanya.
D. Ang hindi pagbabayad at pagtupad ng sales at salary incentives ng
kompanya ayon sa nakapagsunduan

10. Ito ay naglalayong hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot
sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggaptanggap na pasahod, at oportunidad.
A. Social Dialogue Pillar C. Social Protection Pillar
B. Worker’s Right Pillar D. Employment Pillar

11. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa suliranin sa industriya.


A. Seguridad para sa mga manggagawa
B. Mababang sahod at kawalan ng overtime pay
C. Tamang pasahod at benepisyo sa mangagawa
D. Pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado

12. Ang mga sumusunod ay apat na haligi para sa isang disente at marangal na
paggawa (DOLE, 2016). Alin ang HINDI kabilang.
A. Worker’s Rights Pillar C. Underpaid Job pillar
B. Social Protection Pillar D. Social Dialogue Pillar

13. Ano ang pinakamalaking bahagdan ng empleyadong manggagawa ayon sa ulat


ng Philippine Statistics Authority noong Abril 2018 at 2019?
A. Sektor ng Serbisyo C. Sektor ng Industriya
B. Sektor ng Agrikultura D. Sektor ng Mamumuhan

14. Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong Hulyo 2020, nasa 7.3
milyon Pilipino ang nawalan trabaho sa buwan ng Abril 2020. Ano ang dahilan
ng pagtaas ng kawalan ng trabaho sa buwan ng Abril 2020?
A. Pagdagsa ng dayuhang mamumuhunan
B. Pagkalugi ng mga lokal na mamumuhunan dahil tagtuyot
C. Pagsara ng mga paliparan dahil sa banta ng terorismo
D. Ang lockdown na ipinatupad ng pamahalaan sa negosyo, paggawaan at
iba pang kauri nito dahil sa pandemya na Covid-19.

14
15. Ang pagpapatupad ng standard protocol sa pagawaan, opisina, malls at iba pa
ay isa sa hakbang ng pamahalaan sa panahon ng pandemyang Covid-19. Alin
sa mga sumusunod na kapakanan ng manggagawa ang ipinatupad ng
pamahalaan sa sitwasyong ito?
A. Sapat at tamang oras sa trabaho
B. Pagbibigay ng tamang sahod at overtime pay
C. Pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
D. Seguridad para sa mga manggagawa sa loob ng opisina, pagawaan at iba
pa.

Kagdagang Gawain

A. Panuto: Ibahagi ang iyong natutunan sa aralin at sagutin ang hinihingi sa


ibaba. Sa unang hanay magsulat ng tatlong isyu sa paggawa at sa ikalawa
naman ay maaring sanhi nito. Gumamit ng sagutang papel.
Mga Isyu sa Paggawa Sanhi

Pamprosesong Katanungan:
1. Alin sa mga isyu ang napili mo, ang may malaking epekto sa manggagawang
Pilipino? Ipaliwanag
2. Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawain upang maiiwasan ang isyung ito sa
hinaharap? Ipaliwanag.

Sanggunian

 DepEd LM, CG, TG


 https://www.bworldonline.com/by-the-numbers-overseas-filipino-workers/
 https://www.brainyquote.com/topics/globalization-quotes
 https://psa.gov.ph/content/total-employment-and-number-non-regular-workers-
establishments-20-or-more-workers-category-2
 https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-
survey/title/Employment%20Situation%20in%20April%202019

15

You might also like