You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII - Central Visayas
Schools Division of Mandaue City
Centro, Mandaue City

Mga Suliranin at Pagtugon sa Isyu


ng Paggawa sa Bansa

Araling Panlipunan 10
Ikalawang Markahan
Gawain Bilang 4

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO AT CODE


Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

MGA LAYUNIN

• Natutukoy ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t-ibang suliranin sa


paggawa.
• Nasusuri ang mga dahilan ng mga suliranin sa paggawa.
• Naipapakita ang kahalagahan ng edukasyon para makakuha ng
magandang trabaho.

1
MGA DAPAT TANDAAN

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t-ibang anyo ng suliranin


at hamon sa paggawa tulad ng mga sumusunod;
ü Mababang pasahod ay ang pagbibigay ng pasahod sa mga manggagawa
na hindi man lang sapat bilang pantustos sa pang araw-araw na
pangangailangan ng isang tao.
ü Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya dito pumapasok
ang mga usapin tungkol sa kontraktuwalisasyon, hindi permanenteng
trabaho, seguridad sa mga benipesyo at karapatan ng bawat empleyado
tulad ng 13th month pay, rest day at iba pa
ü Job- skill mismatch hindi magkatugma ang kakayahan o natapos na
pinag- aralan na pinapasukan trabaho o kompanya.
ü Kontraktuwalisasyon isang sistemang pagkuha ng mga manggagawa sa
isang proyekto na may pre-agreed termination date. Ang mga
empleyadong ito ay madalas na walang matanggap na mga benipesyo at
walang seguridad.
ü Mura at flexible labor ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin
ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng
manggagawa.
ü Iskemang subcontracting tumutukoy sa paggawa kung saan ang
kompanya (principal) ay komukontra ng isang ahensiya o indibiduwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho sa isang takdang panahon.

KAKAYAHAN NA MAKAANGKOP SA GLOBALLY STANDARD NA


PAGGAWA

ARE YOU
GLOBALLY
COMPETITIVE?

Bunsod ng tumataas na demand para sa Globally Standard na paggawa


upang makatugon sa kasanayan nito, isinakatuparan sa panibagong kurikulum ang
pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-aaral na tinatawag
na Senior High.
Sanayin ang mga mag-aaral sa mga kasanayang pang ika-21 na siglo upang
maging GLOBALLY COMPETITIVE na nakabatay sa balangkas ng Philippine
Qualifications framework – ang basic education, Technological –Vocational
Education at Higher Education ( DepED, 2012)

2
Mga Kasanayan at Kakayahan na Kailangan na hinahanap ng
mga Kompanya
Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang
matiyak ang kaunlaran pang ekonomiya ng bansa kailangan iangat ang antas ng
kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa
(DECENT WORK)

Apat na HALIGI Para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa

1. Employment Pillar- tiyakin ang paglikha ng oportunidad sa paggawa, at


maayos na workplace.
2. Worker's Rights Pillar- naglalayong palakasin ang mga batas para sa
paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng
manggagawa.
3. Social Protection Pillar -hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at
mga sangkot sa paggawa na lumilikha ng mga mekanismo para sa
proteksyon ng manggagawa, katangap-tangap na pasahod at oportunidad.
4. Social Dialouge Pillar-Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa
pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa at kompanya

GAWAIN
Basahn ang mga sumusunod na mga pahayag at isulat mo ang titik ng tamang
sagot.
1. Uri ng Pillars na naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga
batas sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng
manggagawa.
A. Social Potection Pillar C. Employees Pillar
B. Employment Pillar D. Worker’s right Pillar
2. Uri ng Pillars na naglalayong tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng
trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na
workplace sa mga manggagawa.
3
A. Social Protection Pillar C. Employees Pillar
B. Employment Pillar D. Worker’s right Pillar
3. Uri ng Pillars na hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot
sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng mga
manggagawa, katangap-tangap na pasahod at oportunidad.
A. Social Protection Pillar C. Employees Pillar
B. Employment Pillar D. Worker’s right Pillar
4. Uri ng Pillars na palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pamamagitan
ng pamahalaan
A.Social protection Pillar C. Social Dialogue Pillar
B. Employment Pillar D. Worker’s right Pillar
5. Sino ang dapat na napapanigan ng pamahalaan sa panahon ng alitan ng
manggagawa?
A. Manggagawa dahil siya ay inaapi
B. Depende kung sino ang may kasalanan
C. Pangangasiwa dahil siya ay ang nagbabayad ng buwis
D. Manggagawa dahil siya ang nagsumbong sa DOLE
6. Isang suliraning sanhi ng paglabas ng mga propesyonal na manggagawa,
may kakayahan, kasanayan at kaalaman dahil namamasukan sa ibang
bansa. Anong suliranin maiiwan sa Pilipinas.
A. Brain Drain C. Migration
B. Brawn Drain D. Migrante
7. Isa sa mga kinakaharap sa isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iiral ng
sistema ng mura at flexible labor. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor.
A. Itoy paraan ng mga namumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga
manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya
B. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at
pagpahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa
D. Ito ay paraan ng mga namumuhunang ipantay ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon
ng mga manggagawa.
8. Ano ang tawag sa mga manggagawa na ngangailangan pa ng karagdagang
oras sa pagtrabaho o dagdag pang hanapbuhay na may mahabang oras na
pagtatrabaho.
A. Unemployed C. OJT
B. Kontraktuwal D. Underemployed
9. Sektor na naaapektuhan ng pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import
liberalizations, tax incentives sa mga TNC’s deregularisasyon sa mga polisiya
ng estado at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo

4
A. Industriya C. Serbisyo
B. Agrikultura D. Publikong sector
10. Ito ay paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang
kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang
pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa.
A. Mura at Flex Labor C. Mahal at Fixed Labor
B. Mahal at Flexible Labor D. Mura at flexible labor
11. Ang president na yumakap sa neo liberal na globalisasyon at kasunod nito,
ginawang bukas para sa mga dayuhang mamumuhunan ang kalagayang
paggawa
A. Corazon Aquino C. Benigno Aquino
B. Joseph Estrada D. Rodrigo Duterte
12. Tumutukoy sa trabahong para-paraan o sinasabing vulnerable employment
ng labor force survey (2016)
A. Contractor C. Casual employment
B. Seasonal Employment D. Self employed
13. Ang mga sumusunod ay mga implikasyon ng unemployment sa pamumuhay
at sa pag-unlad maliban sa:
A. Mataas na antas ng pamumuhay
B. Depresyon at iba pang suliraning pangkalusugan
C. Kakaunting buwis para sa limitadong mga proyekto
D. Pagtatrabaho nang mas mababa kaysa sa kakayahan
14. Ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o
serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may deriktang kinalaman sa
mga Gawain ng kompanya.
A. Labor contracting only C. Seasonal contracting
B. Work contracting D. Job contracting
15. Ano ang dahilan ng paglaki ng unemployment at underemployment?
A. Skills-Mismatch C. Work-Contracting
B. Un- skilled workers D. Job-Mismatch

MGA SAGOT:
Gawain 1

1. __ 2. B 3. __ 4. C 5. __ 6. A 7.__ 8. D 9. ___ 10.D


11. ___ 12. D 13. ___ 14. A 15. ___

5
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

ROSALIE S. COLIPANO
Writer

ANCIE U. DOMPOR
MENCY B. RABANES
MARITERR P. JUMAO-AS
Editors

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME P. RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

ESTELA B. SUSVILLA PhD CESE


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like