You are on page 1of 2

Matalam Polytechnic College Inc.

Poblacion, Matalam Cotabato


nd
2 Grading Periodical Examination
Araling Panlipunan 9sName: _____________________________________________ Score: ____________
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at Bilugan.
1. Isa ito sa pinakamahalagang salik sa produksyon na pinanggagalingan ng lakas at talino. Anong salik
ito?
a. Lupa c. entreprenyur
b. Puhunan d. paggawa
2. Ang yamang likas, yamang tao at yamang pisikal/ capital ay bumubuong [pinagkukunang-yaman ng
bansa. Ito rin ay tinatawag ng mga ekonomista bilang________?
a. Salik sa paggawa c. proseso ng produksiyon
b. Salik ng produksiyon d. paglikha ng kalakal
3. Ito ang perang natatanggap ng manggagawa bilang kabayaran sa pagggawang produkto at serbisyo?
a. Sahod/suweldo c. tubo
b. Upa/renta d. interes
4. Nag-aalaga ng mga baboy si Jhun upang ipagbili sa takdangpanahon. Kumuha siya ng mga
manggagawa na makatutulong sa kaniya sa panahonng bentahan. Ano ang magiging epekto ng mga
mangagagawa bilang salik ng produksiyon sa negosyo ni Jhun?
a. Dadami ang alagang baboy ni Jhun
b. Mapabibilis ang pagbebenta ng mga baboy ni Jhun.
c. Magkakarron ng kakompetensiya si jhun sa pag-aalaga ng baboy.
d. Madaragdagan ang puhunan ni Jhun.
5. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na sumisiguro sa mga benepisyong tinatanggap ng mga
manggagawang nagtatarabaho sa mga pribadong kompanya.
a. Pag-IBIG c. GSIS
b. SSS d. PhilHealth
6. Ang sumusunod ay karapatan ng mga manggagawa maliban sa_______?
a. Mabigyan ng 13TH month pay katumbas ng kaniyang sinasahod sa loob ng isang buwan.
b. Ang mga manggagawa ay may karapatang magtatag ng kanilang samahan o union.
c. Magtrabaho ng walong oras (8) lamang saloob ng isang araw. Kapag sumobra saw along oras ang
kaniyang trabaho, siya ay dapat bayaran ng overtime pay na hindi bababa sa 25% ng kaniyang
regular na sahod.
d. Mabigyan ng bunos bago matapos ang taon.
7. Ang mga manggagawa ay sa kalagayang ito ay hindi nagtatagal sa trabaho sapagkat sila ay tinanggap
lamang sa trabaho upang mapunan ang kakulangan sa paggawa at kung tapos na ang panahon na sila
ay kailangan sa trabaho, muli sila ay wala na naming trabaho. Anong kalagayan ito sa paggawa?
a. Kontraktuwal c. regular
b. Pansamantala d. kaswal
8. Ang probisyon ng Kodigo sa Paggawa ay ang sumusunod maliban sa _______.
.pagtanggap ng mga bagong kawani at paglagay sa kanilang mga angkop na kalagayan.
b.kalagayan ng mga manggagawa at kompanya.
c.pagtatag ng mga union.
d.pagwawakas,pagreretiro,at pagbibitaw ng mga manggagawa.
9. Ang mga babae ay may karapatang mag –file ng kanilang maternity leave sa oras ng kanilang
panganganak.Alin sa sumusunod na mga pahayag ang hindi tamang pahayag tungkol sa maternity
leave?
a. Kapag normal delivery,may 60 araw na leave ang babae at kapag caesarean,72 araw.
b. .walang bayad ang kanilang maternity leave.
c. Ang maternity leave ay may bayad
d. Maaaring I-file sa SSS ang maternity leave ng nagtatrabaho sa pribadong sektor.
10. Sa pagtugon sa mga pang-araw –araw na pangangailangan,ang isang pamilya ang nangangailangan
ng tinatawag na badyet.Subalit,ang badyet ay naapektuhan sa pagbabago ng presyo sa pamilihan.Ano
ang tawag sa itinakdang kita o halaga ng pamahalaan na kailangan ng isang pamilya para matugunan
ang pangangailangan sa buhay?
a. a. cost of living allowance c. poverty incidence
b. b. minimum wage d. subsistence wage
Para sa 11-12. Basahin ang tala na nasa kahon at sagutin ang mga katanungan.

Si Zacarias ay nagmula sa pamilya ng negosyante. Ipinamana sa kaniya


ng kanyang mga magulang ang mga makinaryang matagal na nilang ginagamit sa
negosyo. Napansin niya na mabagal ang produksiyon na gamit ang lumang
makinarya at pamamaraan. Kung hindi sa agarang pag-aaral ng makabagong
teknolohiya, baka nagsara na ang kanilang pabrika. Dahil sa mga pagbabagong
ginawa niya, unti-unti ang kanilang negosyo ay nagkaroon ng iba’t-ibang sangay
sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
11. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang negosyanteng tulad ni Zacarias?
a. May sariling diskarte sa negosyo
b. May malawak na pananaw at handa sa ano mang pagbabago
c. Mabagal gumawa ng mga desisyon at pakikipagsapalaran
d. May limitadong kaalaman sa larangan ng pag-unlad.
12. Sa ginawang pagpapalit ni Zacarias ng kaniyang dating ginagamit mula sa makabagong makinarya,
anong katangian ang kaniyang ipinakita?
a. Marunong makitungo sa kapwa-tao
b. Bukas ang isipan at handang tumanggap ng pagbabago
c. Sanay makipagkompetensiya sa kapuwa namumuhunan
d. Pabigla-bigla sa pagdedesisyon sa makabagong pamamaraan
13. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pag-unlad ng negosyo ni Zacarias, maliban sa isa. Alin ito?
a. Maayos siya sa pangangasiwa c. malawak ang kanyang kaalamn sa negosyo
b. Marami siyang kakilala at trabahador. d. mahusay siyang makitungo sa mga tauhan niya
14. Si Ms. Pasardoza ay may-ari ng pagawaan ng sapatos sa Marikina. Nagtatabi siya ng salapi na
gagamitin sa pagbili ng bagong makinarya. Ang unti-unting pagkaluma at pagkasira ng yamang pisikal
ay tinatawag na______?
a. Depresasyon c. debalwasyon
b. Depresyon d. deplasyon
15. Nais ni Gng. Ofelia na mapataas ang produksiyon ng kaniyang produkto kaya siya ay gumagamit ng
makabagong kagamitan sa produksiyon. Ano ang salik ng produksiyon na kaniyang ginamit?
a. Entreprenyur c. lupa
b. Lakas-paggawa d. teknolohiya
16. Ang produksiyon ay nagaganap sa mga bahay-kalakal. Ang namumuno sa isang bahay-kalakal ay ang
entreprenyur o negosyante. Ano ang mahalagang papel ng entreprenyur?
a. Taga-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
b. Tagapagpalaki ng negosyo
c. Tagapag-ugnay ng lahat ng salik ng produksiyon
d. Tagapag-utos sa lahat ng manggagawa
17. Sa kasalukuyan, ang bansa ay mayroong mataas na bilang ng mga walang trabaho o unemployed
dahil ayon sa kagawaran ng paggawa at empleyo o Department of Labor and Employment(DOLE) ,
ang trabahong kailangan ng pamilihan ngayon ay mga skilled worker. Alin sa sumusunod ang
tinatawag nilang skilled worker?
a. Si Dora ay lumuwas ng Maynila upang maging katulong sa pamilya Daza.
b. Nakapagtapos ng Edukasyon si Thelma kaya siya ngayon ay isang guro sa Toro Hills
Elementary School.
c. Nag-aral Si Fredo ng anim na Buwan sa TESDA ng Pagwe-welding. Ngayon, Siya ay nasa
Saudi Arabia at isa nang Welder.

You might also like