You are on page 1of 5

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa KONTEMPORARYONG ISYU Grade 10

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang na inilaan.

_____1. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?


a. Malaya at malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong daigdig
b. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
c. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sa sistema ng pamumuhay ng mga
mammayan sa buong mundo.
d. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
_____2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
a. Ekonomiya b. Migrasyon c. Globalisasyon d. Paggawa
_____3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito maliban sa isa.
a. Ekonomikal b. Sikolohikal c. Sosyo-kultural d. Teknolohikal
_____4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na naging dahilan sa pag-usbong ng
globalisasyon?
a. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, transaksyon sa pananalapi at pagpapalaganap ng
kalakalan na transnational Corporation, transportasyon at komunikasyon, makabagong
teknolohiya, ideya at foreign direct investments.
b. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo at pagbaba ng sahod
ng mga manggagawa.
c. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng
mundo at pagdami ng pamilihan ng mga materyales na ginagamit dito.
d. Sinikap ng mapabuti ng mga local na kompanya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang
maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompanya o mga multinasyunal.

_____5. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa,
ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangan ng lokal.
a. Del Monte Corporation
b. Multinational Companies
c. Rebisco Corporation
d. Transnational Corporation
_____6. Ano ang isa sa mga pangyayari na makapagbabago sa buhay ng tao mula sa pagising, pagpasok sa
paaralan at maging sa hapag kainan?
a. Globalisasyon b. Lakas Paggawa c. Migrasyon d. Pagkamamamayan
_____7. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at
institusyong panlipunan?
a. Globalisasyon b. Lakas Paggawa c. Migrasyon d. Terorismo
_____ 8. Alin sa mga sumusunod na institusyon na itinuturing na perennial institusyon?
a. Tindahan, opisina, tanggulan
b. Limbagan, paggawaan, koreo
c. Pamilya, simbahan, paaralan
d. Sandatahan, kagawaran, musuleo
_____9. Ayon sa may akda ng ‘The World is Flat’ na si Thomas Friedman, ang globalisasyon sa kasalukuyan
ay__?
a. Mahirap at masalimoot
b. Mabilis, malawak, mura at malalim
c. Katulad sa mga nagdaang panahon
d. Maraming lumalabag at may kumpetisyon

_____10. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan ito?
a. Cuevas (2005) b. Nayan Chanda (200) c. Ritzer (2011) d. Therbon (2005)
_____11. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga tao, kompanya,
bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa
tulong ng teknolohiya at impormasyon.
a. Globalisasyon b. Lakas Paggawa c.Migrasyon d. Terorismo
_____12. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang pang- ekonomiya ang umiiral na
nagbibigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan?
a. Kapitalismo b. Monopolyo c. Monopsonyo d. Oligopolyo
_____13. Sino-sinong tao ang tinutukoy na nakatutulong o demand sa kasalukuyang globalisasyon?
a. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
b. Mga manggagawang sumama sa rally
c. Mga online seller
d. Mga skilled workers
_____14. Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon sa iba’t ibang prosesong
pandaigdig. Ito ay isang hamong pandaigdig na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at
institusyong panlipunan?
a. Epidemya b. Katiwalian c. Pangingibang bansa d. Terorismo
_____15. Ayon kay Therborn (2005) siya ay naniniwalang ang globalisasyon ay may ilang ‘wave’ o panahon?
a. 3 b. 4 c. 5 d.6
______16. Ito ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng isang manggagawa.
a. Employment b. Job-mismatch c. Job order d. Unemployment
______17. Si Pedro ay graduate sa kursong Nursing sa isang Unibersidad sa kanilang lugar ngunit siya ay
nagtratrabaho bilang isang sekretarya ng Law Firm. Ito ay isang
halimbawa ng______________.
a. Employment b. Job-mismatch c. Job order d. Unemployment
______18. Isa sa dahilan ng suliranin sa paggawa ay hindi angkop ang pinag-aralan o
kwalipikasyon sa dapat nilang pasukang trabaho. Halimbawa nito ay makapagtapos sa kurso sa kolehiyo
ngunit namasukang mas mababa kaysa pinag-aralan o kwalipikasyon.
a. Deflation b. Inflation c. Overqualified d. Underemployment
______19. Isang paraan ng kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
a. Mura at flexible labor
b. job-mismatch
c. unemployment
d. poor working conditions
______20. Ito ay uri ng unemployment kung saan nangyayari kapag ang trabaho ay pana- panahon o para lamang sa
tiyak na panahon.
a. Casual b. Frictional c. Seasonal d. Voluntary
______21. Ito ay uri ng unemployment kung saan nangyayari ang isang uri ng produkto ay hindi na kailangan sa
ekonomiya kaya hindi na rin kailangan ang mga
nagtratrabaho at namumuhunan.
a. Casual b. Cyclical c. Frictional d. Structural
______22. Isang kaugalian ng ating mamamayang Pilipino kaya maraming nag istambay at maghapong walang
trabaho.
a. Kaalaman b. Kaayusan c. Kagalingan d. Katamaran
______23. Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay suliraning kinakaharap ng ating mga mamamayan. Ilan sa
mga solusyon upang matugunan ang kawalan ng trabaho maliban sa __________________.
a. Pagbibigay ng kurso sa TESDA
b. Pagpaparami ng mga trabaho
c. Pagsasaayos ng sistema ng edukasyon
d. Paglimita sa mga mamumuhunan sa bansa
_____24. Ang mamamayang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa maliban
sa______?
a. Job mismatch
b. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
c. Mababang pasahod
d. Pagpili ng trabaho na may mataas na pasahod.
_____25. Hindi kabilang sa lakas paggawa ang mga ___________________.
a. Negosyante b. Mag-aaral c. Guro d. Nangingibang –bansa
_____26. Ang _____ ay mga taong kasalukuyang nagtratrabaho o naghahanapbuhay sa isang gawain o
negosyo.

a. Employed b. Tambay c. Mag-aaral d. Unemployed

_____27. Bahagi ng lakas paggawa na walang trabaho pero naghahanap ng mapapasukang trabaho?
a. Underemployed b. Worker c. Self- employed d. Unemployed
_____28. Maraming umiiral na suliranin sa sistema ng paggawa sa bansa. Alin sa mga sumusunod na kaayusan
sa paggawa kung saan ang kompanya ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo?

a. Iskemang sub-contracting
b. Job- contracting
c. Job- mismatch
d. Labor-only contracting
_____29. Anong sitwasyon ito, kung saan ang mga manggagawa ay walang mapapasukang trabaho kahit sila ay
may sapat na ang kakayahan at pinag-aralan.

a. Mataas na pasahod
b. Pagbibigay ng mga benepisyo
c. Unemployment
d. Seguridad sa trabaho
_____30. Anong uri ng unemployment kapag nanaganap ang pagkawala ng trabaho bunga ng pagbabago ng
panahon at okasyon?

a. Seasonal b. Reacreational c. Fictional d. Educational


_____31. Malaking hamon sa bansa ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng globalisasyon. Alin ang
hindi kabilang sa mga mabuting naidulot ng globalisayon sa paggawa sa bansa?
a. Binago ng globalisayon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t-
ibang gadyet at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
b. Demand ng bansa para sa iba’t-ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng globally standard.
c. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan.
d. Mapapaunlad nito ang maliliit na mga kompanya na pagmamay-ari ng mga lokal na mga
namumuhunan sa bansa.
_____32. Ang mga sumusunod ay mga suliranin sa paggawa. Alin ang hindi kabilang dito?
a. Underemployed b. Employed c. Underpaid d. Unemployed
_____33. Ayon sa PSA ang unemployment rate at underemployment rate sa bansa ay bumaba sa 4.7% sa taong
2016. Alin sa sumusunod na opinyon ang nababagay sa pahayag na ito?

a. Walang katutuhanan dahil hindi naman naramdaman.


b. Walang kabuluhan ang datos.
c. Tama, dahil ito sa mga programang nakakatulong.
d. Hindi sigurado, haka-haka lang ang lahat.
_____ 34. Ang mga mamamayang Pilipino ay humaharap sa iba’t-ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa
maliban sa________________?
a. Job- mismatch
b. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
c. Mababang pasahod
d. Pagpili ng trabaho na may mataas na pasahod
_____35. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng hamon sa paggawa MALIBAN sa
isa. Ano ito?

a. Kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa


b. Mataas na sahod na inaalok ng mga MNCs at TNCs
c. Kawalang ng seguridad sa pinapasukang kompanya
d. Mababang pasahod para sa mga manggagawang Pilipino

_____36. Ang ating mga manggagawa at empleyado sa iba’t ibang sektor ay nakararanas ng maraming hamon at
hindi mabuting kalagayan sa paggawa dulot ng iba’t ibang kadahilanan. Sa palagay mo alin sa mga ito ang
pinakapuno’t dulo sa mga hamong ito?
a. Kawalan ng edukasyon at kasanayan
b. Dahil sa kawalan ng diskarte sa buhay at katamaran
c. Dahil walang magawa ang pamahalaan na malutas ang mga problema sa paggawa
d. Dahil sa mga makabagong sistema sa paggawa na ipinakilala ng mga dayuhang kompanya na pabor
para sa kanila
_____37. Si Jun ay isang construction worker. Kamakailan lang ay aksidente siyang nahulog mula sa
ikatlong palapag ng gusaling kanilang itinatayo dahil wala siyang harness o tali sa katawan. Anong pang-aabuso sa
mga manggagawa ang ipinapakita sa pangyayaring ito?
a. Mababang pasahod
b. Mahabang oras sa paggawa
c. Kawalan ng sapat na seguridad sa paggawa
d. Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
_____38. Halos mapudpod na ang sapatos ni Armando sa paghahanap ng trabaho ngunit hindi pa rin siya
natatanggap. Maraming job fair na rin ang kanyang pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya
ito nangyayari kay Armando? Sadya ba talaga siyang walang swerte pagdating sa paghahanap ng trabaho?
a. Marahil ay kulang pa ang kanyang kakayahan at kasanayan
b. Marahil ay may kakulangan siya sa aspekto ng personal relations kaya hindi siya nagustuhan
c. Marahil ay hindi kaaya-aya ang kanyang pisikal na kaanyuan kaya hind siya natatanggap sa trabaho.
d. Biktima si Armando ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kanyang kakayahan at
kasanayan sa hinahanap ng mga kompanya.
_____39. Isa sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon ay ang sistema ng kontraktuwalisasyon o ang pagtatakda
ng kontrata sa pagtatrabaho na hindi lalagpas sa anim na buwan. Ano ang epekto ng kontratwalisasyon sa mga
manggagawa?
a. Tataas ang bilang ng mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
b. Inaasahang mas paghusayan pa ng mga maggagawa ang kanilang trabaho para ma-renew ang kanilang
kontrata.
c. Maraming mga manggagawa ang masisiyahan dahil hindi sa lahat ng panahon ay magtatrabaho sila bagkus
magkakaroon sila ng panahon na magbakasyon o magpahinga.
d. Hindi pangmatagalan o walang security of tenure ang mga manggagawa at hindi sila makatatanggap ng mga
benipisyong kagaya ng mga regular ng mga empleyado.

_____40. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na


“binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
a. Nagkaroon ng pag-angat sa kalidad ng manggagawang Pilipino.
b. Patuloy ang pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
c. Patuloy ang pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
d. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
_____41. Dahil sa globalisayon sa paggawa, ano ang isang bagay na binago ng mga dayuhang mamumuhunan at
korporasyon sa sistema ng pagtatrabaho sa bansa?
a. Maraming mga manggagawa ang nagkaroon ng maayos na pamumuhay.
b. Malaki ang naitulong ng mga ito sa pamahalaan dahil sa malaking buwis na ibinabayad nila.
c. Itinakda ng mga dayuhang ito ang mga kasanayan sa paggawa na globally standard para sa mga
manggagawa.
d. Maraming mga Pilipino ang hindi natanggap sa trabaho dahil mga dayuhang manggagawa ang kanilang
kailangan.
_____42. Bakit madali lamang para sa mga dayuhang mamumuhunan ang magpresyo ng mura sa kanilang mga
produkto?
a. Dahil malaki naman ang kanilang produksyon
b. Dahil mayayaman sila kaya hindi sila takot na malugi
c. Dahil sa hindi naman de-kalidad ang kanilang mga produkto
d. Dahil mura lamang ang pasahod nila sa kanilang mga manggagawa
_____43. Sa pangkalahatan, ano ang idudulot ng kawalan ng trabaho sa mga ama ng tahanan?
a. Kaginhawaan b. Kalituhan c. Kalungkutan d. Kasiyahan
_____44. Sa mahabang panahon ng pamamasukan ng iyong ama sa isang pabrika, kailanman man ay hindi siya
nabigyan ng pagkakataon na maging regular sa kanyang trabaho. Sa sitwasyong ito, paano ka mas higit na
makatutulong sa iyong pamilya para makaraos sa kahirapan?
a. Liliban ako sa klase upang magbenta ng pagkain sa lansangan.
b. Titigil na lamang ako sa pag-aaral para makapaghanap ng trabaho.
c. Titipirin ko ang aking baon at maghahanap ng mapagkikitaan kapag walang pasok.
d. Magpapatuloy pa rin ako sa aking pag-aaral dahil responsibilidad naman ng mga magulang ko ang papag-
aralin ako.
_____45. Ano ang katuturan ng transnasyonal na kompanya?
a. . Mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay
hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng pamilihan.
b. Mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa.
c. Mga Kompanay na nagtatatag ng pasilidad sa loob ng bansa.
d. Mga produkto at serbisyo na hindi nakabatay sa lokal na pamilihan.
______46. Sentro ng globalisasyon kung saan ang mundo'y umiikot sa iba't ibang produkto at serbisyo
a. . Politiko
b. Kultura
c. Ekonomiko
d. teknolohiya
______ 47. Ayon sa artikulong pinamagatang Top Filipino Firms Building Asean Empires, ilan sa mga MNCs at TNCs
sa Vietnam, Thailand at Malaysia tulad ng Jollibee, URC, Unilab, International Container Terminal Services Inc. at
San Miguel Corporation.Sino ang nagmamay-ari ng mga naturang
kompanya?
a. . Amerikano b. Aleman c. Hapon d. Pilipino
_______ 48. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang
bansa, na ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang loka?
a. Del Monte Corporation
b. Multinational Companies
c. Rebisco Corppration `
d. Transnational Corporation
______ 49. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng korporasyong multinasyunal (MNC). Alin sa mga ito ang hindi
kabilang sa grupo?
a. Google, UBER, GLobe Telecom
b. Mc Donalds, Starbucks, Seven-Eleven
c. Proctor and Gamble, Toyota, Unilever
d. Sony, Accenture, TELUS International Phils.
______ 50. Sa anong kompanya ang mga napabilang ang sumusunod: kompanyang Shell, Accenture, TELUS
International Phils., at Glaxo-Smith Klein (halimbawang produkto ay sensodyne at panadol).
a. Del Monte Corporation
b. Multinasyonal na kompanya
c. Rebisco Corppration
d. Transnasyonal na kompanya

Inihanda ni:

MARITES A. DELOS SANTOS Iwinasto ni:


Teacher 1, Araling Panlipunan 10 VERONICA A. DEL PRADO
Head Teacher III, Araling Panlipunan

Noted:
VIOLETA M. DATUIN, Ed.D
Principal IV

You might also like