You are on page 1of 4

EUPERFIA PUDA NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 10
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2023-2024

Name:____________________________ Date:__________________
Grade & Section:___________________
40
I. MULTIPLE CHOICE. Directions: BILUGAN ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.


A. Globalisasyon C. Urbanisasyon
B. Migrasyon D. Transisyon
2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya C. Migrasyon
B. Globalisasyon D. Paggawa
3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohikal
4. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pag-angat ng kanilang
ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib upang higit na maayos ang _________.
A. edukasyon, pamumuhunan at isports
B. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang political
C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal
D. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya
5. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-kultural maliban sa isa.
Alin dito?
A. paggamit ng mobile phones C. pagsunod sa KPop culture
B. E-commerce D. pagpapatayo ng JICA building
6. Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng pinsala.
D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa.
7. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa.
Ano ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan.
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay
makabago na.
8. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura at flexible
labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito?
A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa.
D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa.
9. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad upang ito
ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano
ang tawag dito?
A. outsourcing C. subsidy
B. fair trade D. pagtulong sa bottom billion
10. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
11. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang lugar ng
trabaho ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa.
D. Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM)
12. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon?
A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment
13. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod
at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. Subcontracting Scheme C. Mura at Flexible Labor
B. Kontraktuwalisasyon D. Underemployment
14. Ang lahat ay tumutukoy sa epekto ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. Ano ito?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaig-digang pamilihan.
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na
ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.
D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t
ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa.
15. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa?
A. Agrikultura C. Industriya
B. Impormal na sektor D. Paglilingkod
16. Bakit nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa
paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas
nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
17. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon ipinatupad nila ang mura
at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag
ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
18. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnay ng paglaki ng unemployment at
underemployment ay ang paglaki ng job-mismatch? Bakit ito nangyayari?
A. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
B. Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan.
C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng kompanya.
D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at kakayahan na
kailangan ng kompanya.
19. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang suliranin tulad ng paglitaw ng iba’t ibang
anyo ng kontraktuwalisayon. Paano madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang ito?
A. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan
B. Binigay ito na probisyon ng pandaigdigang institusyon pinansyal sa Pilipinas.
C. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalakalan, at batas paggawa.
D. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga kapitalista at mga collective bargaining unit.
20. Ayon sa ulat ng International Labor Organization (ILO) noong 1992 at 1997, mas dumarami ang bilang ng
na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontrakwal kaysa sa permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa
flexible working arrangement ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sekto ng serbisyo, sub-
sektor nito at ng mga TNC’s. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito? 21. Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing
hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at panganib.
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga
manggagawa upang maging regular.
B. Ito ay bunsod mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t
mura at flexible ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor
ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya nag awing kaswal ang mga
manggagawang Pilipino.
D. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang
subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuhang kompanya na
magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
21. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na
pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
isang lugar pansamantala man o permanente.
22. Sino ang binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang
pinagmulan.
23. Kailan nagaganap ang migration transition?
A. Nagaganap kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang manggagawa at ang kanyang amo dahil
sa hindi tamang pasahod.
B. Nagaganap kapag mas marami ang umaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) kaysa sa
dumarating o umuuwi dito sa Pilipinas.
C. Nagaganap kapag nawawala na ang pagkamamamayan ng isang manggagawa dahil sa pagkawalang-
bisa nito dahil sa haba ng paninirahan sa bansang pinuntahan.
D. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
24. Paano nagsimula ang migrasyon sa kulturang Pilipino?
A. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa.
B. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa pagdami ng mga Overseas Filipino Workers
(OFWs).
C. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa paglipat o pagdayo ng mga mamamayang taga-
baryo patungong lungsod.
D. Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa mga batas na ginawa upang mapagtibay ang
ugnayang-panlabas ng bansa.
25. Ano ang tawag sa mga pinapadalang pera ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na siyang
nakakatulong din sa paglago ng ekonomiya ng bansa at sa bansang pinagtatrabahuan nila?
A. forced labor C. subsidy
B. remittance D. tariff
26. Kung ihahambing noon, ang Pilipinas ay may maikling basic education kaya tinuturing na second class
professionals ang karamihan sa mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng reporma sa sistema ng edukasyon
noong 2010 na tinatawag na ____________.
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
27. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit may nagaganap na pag-alis o paglipat ng isang tao sa isang
lugar, maliban sa isa:
A. nahikayat ng mga kamag-anak na nakatira sa abroad
B. pag-aaral ng mga makabagong kaalamang teknikal
C. makapamasyal sa iba’t ibang tanawin sa mundo
D. maghanapbuhay para kumita ng malaki
28. Noong 1985, pansamantalang itinigil ang mga proyektong konstraksyon sa Gitnang Silangan, ngunit
humimok naman sila ng mga trabahong pangserbisyo, sila ay nangailangan ng mga lokal na manggagawa, nars
at iba pang manggagawa. Anong kasarian ang kadalasan nilang kinuha sa mga trabahong ito?
A. kababaihan C. kalalakihan
C. Kabataan D. miyembro ng LGBTQ+
29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga dahilan ng migrasyon?
i. digmaang sibil
ii. pagkawasak ng pamilya
iii. kawalan ng trabaho sa pamayanan
iv. mas magandang oportunidad sa ibang bansa
A. i lamang C. i,iii, at iv
B. i at ii D. i,ii, at iii
30. Si Lea ay nag-apply bilang isang domestic helper sa bansang Malaysia. Ngunit, pagdating ng Malaysia ay
hinarangan siya sa airport dahil sa bagahe niya na may laman na mga droga, at siya ngayon ay hinatulan ng
kamatayan sa bansang inakala niya ay magdudulot ng magandang oportunidad para sa kanyang pamilya upang
guminhawa. Ano ang tawag sa sitwasyon ni Lea?
A. forced labor C. sexual exploitation
B. human trafficking D. slavery
31. Noon ay itinuturing ang Pilipinas bilang isang ‘Tigre ng Asya.’ Alin sa mga sumusunod ang tamang
paglalarawan sa taguring ‘Tigre ng Asya’?
A. isang bansang maraming nabubuhay na tigre
B. isang bansang masagana sa pinagkukunang-yaman
C. isang bansang napapanatili ang paglago ang ekonomiya nito
D. isang bansang aktibong nakikilahok sa iba’t ibang samahang internasyonal
32. Noong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas sa kanilang bansa.
Ano ang mahihinuha rito?
A. mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
B. kahirapan ang namamayani sa Asya at hindi kaginhawaan ng pamumuhay
C. kakaunti ang oportunidad na makukuha ng mga Asyano sa kanilang bansa
D. mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ang mga Asyano bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na
mapapasukan na angkop sa kanilang natapos
33. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan, kaya
napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga kapatid. Hindi naman
siya nangulila, sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto
ng migrasyon sa buhay ni Jun-jun?
A. ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
B. ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid
C. ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
D. ang pagtangkilik sa gawang dayuhan
34. Si Anna ay isang domestic helper sa Macau at naiwan niya ang dalawang anak at ang asawang si Eloy sa
Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami siyang ginagawa ay nabibigyang oras niya
pa rin ang pamilya upang kausapin ang mga ito araw-araw. Sa sitwasyon nila, ano ang epektibong paraan
upang maiwasan at mapaghandaan nila ang epekto ng migrasyon sa kanilang pamilya upang hindi ito mauwi
sa paghihiwalayan?
A. ang pagkakaroon ng mga counseling centers
B. panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t-isa
C. ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
D. pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa

II. Thumbs-up o Thumbs-down. Panuto: Uriin ang mpa epekto ng migrasyon kung ito ba ay
mabuting epekto o di-mabuting epekto. Iguhit ang simbolong thumbs up kung ito ay mabuting
epekto at thumbs down naman kung ito ay di-mabuting epekto. Iguhit ang simbolo pagkatapos ng
pangugngusap.

35. Pagbabago ng populasyon


36. Pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang-pantao
37. Negatibong implikasyon sa pamilya at pamayanan
38. Pag-unlad ng ekonomiya
39. Brain drain
40. Integration at multiculturalism

“Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.”

-Salawikain

You might also like