You are on page 1of 5

Department of Education

Region VIII
Division of Biliran
CAIBIRAN DISTRICT I

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10


October 18-19, 2018

Name: __________________ Grade 10: _________ LRN :___________ Score : ______

Test I – Multiple Choice


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik na may pinakatamang sagot.

1. Ang ating bansa ay pumasok sa mga usapin at kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WB, at iba pang
pandaigdigang institusyong pinansyal na nagpalumpo sa ating mga lokal na magsasaka. Bakit hindi
nakinabang dito ang mga magsasaka?
A. Dahil sa kasunduan pinayagan ng ating pamahalaan na ibenta ang ating agrikultural na produkto sa
pandaigdigang kalakalan.
B. Bunsod ng pagpasok ng mga dayuhang produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng mas
mura kumpara sa mga lokal na produktong agrikultural.
C. Pagbenta ng mga hilaw na materyales ng mas murang halaga ayon sa kasunduan.
D. Pagpapataw ng malaking buwis sa mga magsasaka upang mabayaran ang utang sa IMF-WB o
International Monetary Fund-World Bank

2. Si Ana ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Makati. Ilang taon na siyang walang trabaho dahil sa hindi siya
nakakapasa sa interview. Upang may makunan ng pera napag isipan niyang magtinda ng barbeque sa
labas ng bahay nila. Anong uri ng trabaho meron si Ana?
A. Labor Only C. Self employed
B. Vulnerable Labor D. Self employed without any paid employee

3. Ayon kay Nayan Chanda (2007), Ang globalisasyon ay manipestasyon ng paghahangad ng tao sa
maalwan o maayos na pamumuhay. Paano ito natamo ng mga bansa sa Europa?
A. Bumili ng mga lupain sa mga bansa sa Asya at nagpatayo ng mga kolonya dito.
B. Nagnakaw ng mga likas na yaman kagaya ng mga spices na katumbas ng ginto.
C. Nakipagkalakalan at nagpakalat ng pananampalataya sa iba’t ibang panig ng mundo.
D. Nag-alsa laban sa kanilang pamahalaan upang mabigyan ng maayos na pamumuhay.

4. Umusbong ang globalisasyon dahil sa pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng globalisasyon?
A. Pagpunta ni Charlie sa ibang bansa upang doon magtrabaho.
B. Pagbabago ng ruta ng Pilipinas papunta sa iba’t ibang panig ng mundo
C. Pangunguna ng Estados Unidos dahil sa malakas na puwersang militar nito.
D. Pagsali ng Pilipinas sa mga pandaigdigang organisasyong kagaya ng NGOs para matulungan ang
mga mahihirap

5. Si Leo ay graduate ng engineering at pasado na rin sa board exam dito sa Pilipinas, ngunit nung
magtrabaho siya sa Singapore hindi siya itinuring na ganap na engineer dahil magkaiba ang pamantayan
ng pagiging engineer sa Singapore. Ang suliraning ito ni Leo ay hamon sa paggawa na may kinalaman sa
_________________.
A. Job-mismatch Skill C. Unemployment
B. Globally Standard D. Kontraktwalisasyon

6. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang
namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.

I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.


II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call
center agent.
IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.
Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?
A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

7. Si Rose ay mahilig gumamit ng Facebook, Instagram at Twitter upang doon ipahayag ang kaniyang mga
saloobin at i-post ang kaniyang mga larawan. Ano ang tawag sa mga taong kagaya ni Rose?
A. Netizens C. Millenials
B. Social Climber D. Social Networking Site Specialist

8. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon
ang inilalarawan dito.
I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang nagpupunta sa Pilipinas.
II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers
ng mga industriyang nabanggit.
A. Migration transition C. Peminisasyon ng Globalisasyon
B. Globalisasyon ng migrasyon D. Mabilisang paglaki ng globalisasyon

9. Ang globalisasyon ay itinuturing din bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao,
kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdigan. Bakit maituturing itong isang isyu?
A. Sapagkat nakilala ang mga lokal na produkto ng ating bansa sa pandaigdigang kalakalan.
B. Sapagkat maraming mga TNCs at MNCs ang nag invest sa bansa na may kasunduan na mag
produce ng mga skilled workers.
C. Sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial
institusyon na matagal nang naitatag.
D. Sapagkat maraming mga lokal na producer ang nalugi dahil sa pagpasok ng TNCs at MNCs at
kawalan ng suporta ng pamahalaan sa kanila.

10. Ang negosyo ni Pedro ay nalugi dahil sa pagdagsa ng MNCs. Dahil dito siya ay nagsara at nabaon sa
utang. Kung ikaw ang pinuno ng ating bansa, ano ang gagawin mo para hindi ito mangyari sa iba?
A. Pagpataw ng buwis sa mga produktong lokal.
B. Pagbibigay ng subsidies sa mga namumuhunang lokal.
C. Pagpapautang sa mga lokal na namumuhunan para makapagnegosyo.
D. Pagpapataw ng buwis at pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga dayuhang negosyante.

11. Ayon sa neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-
ekonomiyang sistema sa daigdig. Alin sa sumusunod ang layunin ng fair trade?
A. Mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo
B. Patas na negosasyon sa pagitan ng mga lokal na namumuhunan at MNCs.
C. Tamang pagpapasahod at pagtrato sa mga manggagawa sa MNCs at TNCs.
D. Magbigay ng pagkakataon sa mga MNCs na magnegosyo sa iba’t ibang bansa.

12. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible
labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng
kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad
na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.

13. Malaki ang bilang ng mga Pilipinong underemployed dahil sa mismatch skill. Alin sa ibaba ang
nagpapakita ng solusyong upang malutas ang suliraning ito?
A. Pagbabago ng kurikulum sa edukasyon.
B. Pagpapadala ng mga Pilipino sa ibang bansa.
C. Pagbibigay ng tulong o subsidiya sa mga manggagawa.
D. Pagpapatupad ng batas na pagbabawal sa mga manggagawa na underemployed.
14. Ang polisiyang pinatupad ng pamahalaan kaalinsabay sa guarded globalization ay ang pagpataw ng taripa
sa mga produktong galing sa ibang bansa. Ano ang mahihinuha mo tungkol dito?
A. Gustong magkaroon ng malaking kita ang ating pamahalaan.
B. Pabor ang pamahalaan sa mga dayuhang mamumuhunan sa bansa.
C. Pinoprotektahan ng pamahalaan ang mga lokal na namumuhunan sa bansa.
D. Pinapataas ang presyo ng mga lokal na namumuhunan upang magkaroon ng patas na
kompetisyon.

15. Suriin ang sumusunod na diagram. Alin sa sumusunod ang angkop na interpretasyon nito?

Ekonomikal

GLOBALISASYON

Politikal Sosyo-kultural

A. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan


B. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao
C. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, political at kultural
D. Magkaka-ugnay ang ekonomiya, political at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.

16. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang naitutulong ng OFW sa bansa?


A. Napapalaki ang kita ng bansa.
B. Natutulungan ang mga walang trabaho.
C. Nakatutulong upang maiahon sa hirap ang pamilya.
D. Nakapagbibigay ng oportunidad sa mga tao na makarating sa ibang bansa.

17. Si Juan ay isang magsasaka na may masaganang ani. Dahil sa panghihikayat ng kaibigan at kagustuhan
na makakita ng matataas na gusali siya ay nagdesisyon na magtungo sa lungsod para doon maghanap ng
trabaho bilang driver ng bus. Sa tingin mo maituturing ba itong suliranin sa paggawa?
A. Hindi, dahil mag aapply naman siya ng trabaho.
B. Hindi, dahil sinusunod lamang ni Juan ang kaniyang nais sa buhay.
C. Oo, dahil kumukunti ang bilang ng mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.
D. Oo, dahil magkakaroon ng maraming mag-aagawan na aplikante bilang bus driver.

18. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang
bansa. Ano ang mahihinuha rito? .
A. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya.
B. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.
C. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t
ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos.

19. Bilang tugon sa hamon ng globalisasyon, nagbigay ng subsidiya o tulong pinansyal ang pamahalaan sa
mga namumuhunang lokal. Kinilala ang United States sa malaking tulong na ibinigay nito sa magsasaka.
Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag?
A. malaki ang ibinabayad na buwis ng mga magsasaka sa United States.
B. kabilang ang United States sa Bottom Billion na nangangailangan ng tulong.
C. mayaman ang United States kaya malaki ang naibibigay na tulong sa mga magsasaka
D. mahalagang matulungan ang mga magsasaka upang hindi malugi ang mga produktong lokal

20. Ayusin ang mga sektor ng paggawa mula sa may pinakamalaking bahagdan na may maraming na
empleyong manggagawa ayon sa ulat ng DOLE -2016.
1. Sektor ng Agrikultura
2. Sektor ng Industriya
3. Sektor ng Serbisyo

A. 123 B. 231 C. 312 D. 321


Test II – Matching Type Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa salungguhit bago ang numero.

Hanay A Hanay B

___21. Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado


___22. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal A. Outsourcing
patungo sa ibang bansa maging ito ay pansamantala o permanent B. Migrasyon
___23. Probisyon na maaaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang C. Flow
kayang gampanan ng mga regular na manggagawa D. Irregular Migrants
___24. Pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya E. D.O.10 ng DOLE
na may kaukulang bayad. F. Knowledge Process
___25. Mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang Outsourcing
teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at G. D. O 18 ng DOLE
at serbisyong legal. H. Globalisasyon
___26. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon
sa ibang panig ng mundo.
___27. Dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa
isang takdang panahon.

Test III – Modified True or False


Panuto: Suriin ang mga pangungusap. Iguhit ang kung ang pangungusap ay TAMA
at kung MALI palitan ang salitang nagpamali at isulat ito sa salungguhit bago ang numero.

___________ 28. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
___________ 29. Ang pagbagsak ng ‘USSR at ng Soviet Union noong 1991 ang naghudyat sa
pag-usbong ng globalisasyon.
___________ 30. Ayon kay Therborn noong huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang unang bahagi ng ika-19
na siglo nagsimula ang globalisasyon sa Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Asya
____________ 31. Ang Multinational Companies ay ang pangkalahatang katawagan sa mga namumuhunang
kompanya sa ibang bansa na ang ipinagbibiling produkto ay hindi nakabatay sa
pangangailangang lokal
___________32. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi binabayaran ng karampatang sahod
at mga benepisyong ayon sa batas.
___________33. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi natatamasa ang mga benepisyo ayon
sa Collective Worker Association (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit
___________34. Nagaganap ang migration transition kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng
mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees.

35 – 40. Panuto: Bumuo ng angkop na hakbang na dapat gawin upang matugunan ang mga
suliraning dulot ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Prepared by: Evaluated by:
__________________________________________________________________________________
CORAZON O. CAÑETE HELENA CORAZON C. ADVINCULA
__________________________________________________________________________________
Teacher 3 Teacher 3
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
DIANA LYN DE PAZ
__________________________________.
Teacher 1
Noted by:

BIANITO D. AGANG
School Principal 3

You might also like