You are on page 1of 7

BALAGUNAN NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 10
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2022-2023
Pangalan:__________________________________Baitang at
Pangkat:_____________________Iskor:_______________
Panuto: Basahin at unawain ang katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang
kasagutan.
1. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad. Alin sa mga sumusunod na
bagay ang iisang mayroon nito ang isang lipunan?
a. batas, tradisyon, at hanapbuhay c.batas,pamilya,atpagpapahalaga
b. batas, tradisyon, at pagpapahalaga d. gampanin, tradisyon, at pagpapahalaga
2. Ang institusyon ay isa sa mga elemento ng istrukturang panlipunan. Kinabibilangan ito ng pamilya, ekonomiya, relihiyon, at
pamahalaan. Ano ang institusyon?
a. isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
b. isang masalimuot na sistema ng ugnayan sa isang lipunan
c. isang hindi sistematikong ugnayan ng mga tao sa isang lipunan
d. isang hindi mapamaraang sistema ng ugnayan sa isang lipunan
3. May mga elemento ang istrukturang panlipunan. Isa sa mga elementong ito ay ang status. Ano ang status bilang
elemento ng istrukturang panlipunan?
a. tumutukoy sa pamilyang kinabibilangan ng isang tao sa lipunan
b. tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan
c. tumutukoy sa lugar na kinabibilangan ng isang indibidwal sa isang lipunan
d. tumutukoy sa partidong pulitikal na kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan

4. Suriin ang graph sa itaas. Isa sa mga suliraning pangkapaligiran ng ating bansa ay ang deforestation. Batay sa graph, anong taon
kung saan ay nasa may labing walong ektarya ng lupain ang forest cover ng Pilipinas?
a. 1900 b. 1934 c. 1969 d. 1986
5. Alin sa mga sumusunod ang ipinapahiwatig ng graph sa itaas?
a. Sa paglipas ng mga taon ay unti-unting lumiliit ang forest cover ng Pilipinas
b. Hindi nagbabago ang forest cover ng Pilipinas mula noong 1500 hanggang 2008
c. Pinakamalaking ektarya ng lupain ang naging forest cover ng Pilipinas noong 1934
d. Ang may pinakamaliit na bilang ng ektarya ng forest cover ng bansa ay nangyari noong 2008

6. Ang mga larawang ito ay ilan lamang sa mga naging epekto ng pananalasa ng bagyong Ompong sa ilang lugar ng bansa noong
ika-15 ng Setyembre 2018. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo mula sa mga nakita sa larawan?
a. Nasisira ang ilang imprastruktura ng bansa dahil sa bagyong Ompong
b. Isa sa mga mahihinang bagyo si Ompong na nakarating dito sa ating bansa
c. Nawawalan ng tirahan ang ilan nating kababayan dahil sa bagyong Ompong
d. Naaapektuhan ang agrikultura ng bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong
7. Isa ang kultura sa mahalagang pagtuunan ng pansin sa pag-aaral ng isang lipunan. Ayon kina Andersen at Taylor noong 2007, ang
kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan
o isang lipunan sa kabuuan. Ito ay may apat na elemento. Isa sa mga elementong ito ay ang norms. Ano ang tinutukoy ng elementong
ito?
a. asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan
b. kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo
c. paglalapat ng kahulugan sa isang bagay na ginagawa ng isang tao gaya ng pagmamano
d. batayan ng isang lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang
hindi
8. Isa sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ng bansa ay ang Solid Waste. Ito ay ang mga basurang nagmumula sa mga
tahanan at komersyal na establisimyento na nagdudulot ng polusyon at pagkakasakit ng ilan nating kababayan. Anong batas ang
ipinapatupad ng pamahalaan upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso sa pamamahala ng solid waste
sa bansa na kinikilala rin bilang Ecological Solid Waste Management Act?
a. Republic Act 9001 b. Republic Act 9002 c. Republic Act 9003 d. Republic Act 9004
9. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ngunit isa sa mga hamong pangkapaligiran ng bansa ay ang pagkakasira ng mga ito
gaya ng ating mga yamang gubat; na sa kabila ng kahalagahan nito ay pinangambahan na maubos o masira kung magpapatuloy ang
deforestation. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa direktang dahilan ng deforestation?
a. polusyon b. migration c. illegal logging d. fuel wood harvesting
10. Ang ilang suliraning pangkapaligiran na ating kinakaharap ay sanhi ng isang pangyayari na maaaring natural o napapabilis at
napapalala dulot na rin sa gawain ng tao. Isa sa mga suliraning ito ay ang Climate Change. Alin sa mga sumusunod ang naging
dahilan ng suliraning ito?
a. pagiging nasa hanay ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire
b. hindi tamang pagsagawa ng segregation ng mga tao sa kanilang mga basura
c. mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere
d. kawalan ng pagkakaisa ng mga tao sa ilang lugar ng bansa na nagdudulot ng digmaan
11. Ang lahat ng suliraning pangkapaligiran ay nagbubunga ng mga hindi magandang epekto sa tao at ekonomiya ng bansa. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa naging epekto ng pagkasira ng ating mga yamang gubat?
a. pagkakaroon ng mga lindol c. pagkawala ng tirahan ng ating mga “wildlife”
b. pagkakaroon ng mga pagbaha at landslide d. pagbaba ng bilang ng hilaw na materyal gaya ng kahoy
12. Ayon sa National Solid Waste and Management Commission, may ilang Local Government Units (LGUs) ng ating bansa ang
nagkakaroon ng best practices sa pamamahala ng kanilang solid waste. Isa na rito ang munisipalidad ng Sto. Tomas ng Davao del
Norte. Alin sa mga sumusunod ang naging best practices ng nasabing munisipalidad sa pamamahala ng kanilang solid waste?
a. No Segregation, No Collection b. Municipal-Wide Composting and Livelihood Projects
c. No Orientation and Implementation of (ESWM), No Issuance of Municipal Permits d. Lahat ng nabanggit
13. Ang National Greening Program ay isa sa mga programa ng pamahalaan. Anong likas na yaman ng bansa ang pinapangalagaan
at pinagtutuunan ng pansin sa programang ito?
a. Yamang-lupa b. Yamang-tubig c. Yamang-gubat d. Yamang-mineral
14. Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na disaster
management. May ilang mga termino na ginagamit sa pag-aaral ng disaster management. Isa na rito ang salitang vulnerability. Ano
ang tinutukoy ng salitang ito?
a. mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng tao
b. mga tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maaapektohan ng hazard
c. mga inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad
d. mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya
15. May proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan. Ano ang tawag sa prosesong ito kung saan ang pagbuo ng plano ay
dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business
sector, Non-government Organizations, at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad?
a. Community Based- Danger and Risk Management b. Community Based- Disaster and Risk Management
c. Community Basic- Devastation and Risk Management d. Community Based- Disaster and Resilience Management
16. May dalawang uri ng approach ang ginagamit sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran gaya ng pagbaha at iba pang uri ng
kalamidad. Isa sa dalawang ito ay ang top-down approach. Ano ang konsepto na ginagamit sa approach na ito?
a. Ang lahat ng pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniasa sa ibang bansa
b. Ang lahat ng pagpaplano sa dapat na gawin hanggang sa pagtugon ng kalamidad ay nagsisimula sa mga mamamayan at
iba pang sektor sa lipunan
c. Ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa
mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan
d. Wala sa nabanggit
17. Sa anong konsepto naman naayon ito, kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga
hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan?
a. cluster approach b. top-down approach c. bottom-up approach d. collaborative approach
18. May apat na yugto o bahagi ang napapaloob sa pagbuo ng disaster management plan. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod sa
mga yugtong ito?
1- Disaster Response 2- Disaster Preparedness 3- Disaster Prevention and Mitigation 4- Disaster Rehabilitation and Recovery
a. 3214 b. 1234 c. 3241 d. 2314
19. Sa bawat yugto ng pagsagawa ng plano sa pamamahala ng disaster ay may mga gawain, halimbawa nito ay ang pagtataya. Sa
anong yugto napapaloob ang Needs, Damage at Loss Assessment?
a. Disaster Response b. Disaster Preparedness c. Disaster Prevention and Mitigation d. Disaster Rehabilitation and Recovery
20. Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang konsepto ng DRRM plan ay ang
pagtuturo nito sa mga paaralan. Anong batas noong 2008 kung saan sa bisa nito ay binuo ang Disaster Risk Reduction Resource
Manual?
a. DepEd Order No. 45 b. DepEd Order No. 55 c. DepEd Order No. 65 d. DepEd Order No. 75

21. May apat na elemento ang kultura ng isang lipunan, ito ay ang paniniwala, pagpapahalaga, norms, at simbolo. Bakit naging
mahalagang bahagi ang kultura sa pag-aaral ng isang lipunan?
a. dahil nakakatulong ito na maunawaan ang ugat ng mga isyu ng isang lipunan
b. dahil nakakatulong ito sa pag-alam sa pagkakilanlan sa mga tao ng isang lipunan
c. dahil nakakatulong ito na makilala natin ang mga naging pinuno ng kanilang lipunan
d. dahil nakakatulong ito na maunawaan natin ang paniniwalang mayroon sa isang lipunan
22. Sa lipunang ating kinabibilangan, minsan ay may hindi pagkakaunawaan na maaaring magdulot ng iba’t ibang isyu. Ano ang
kaibahan ng isyung personal mula sa isyung panlipunan?

a. Ang isyung personal ay madali lamang lutasin habang ang isyung panlipunan ay isang kumplikadong isyu na mahirap
lutasin
b. Ang isyung personal ay nauukol sa pamilya lamang habang ang isyung panlipunan ay nauukol sa politika at ekonomiya
lamang
c. Ang isyung personal ay isang pampublikong bagay habang ang isyung panlipunan ay nagaganap lamang sa pagitan ng
isang tao at malalapit sa kanya
d. Ang isyung personal ay nagaganap lamang sa pagitan ng isang tao at malalapit sa kanya habang ang isyung panlipunan
ay isang pampublikong bagay
23. Ang top-down approach ay isa sa mga paraan sa pagsagawa ng plano kung ano ang mga dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad, na kung saan ay inaasa sa mas nakakataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang pagpaplano. Bakit
hindi gaanong epektibo ang paggamit lamang ng approach na ito?
a. dahil hindi nakikilala ng mga ahensiya ng pamahalaan ang mga taong maaaring biktima ng mga sakuna at kalamidad
b. dahil ang mga mamamayan ng isang lugar ay mas may karanasan at kaalaman sa mga kalamidad sa kanilang
pamayanan
c. dahil nahihirapang maabot ng mga ahensiya ng pamahalaan ang ilang lugar ng bansa na nakaranas ng mga sakuna at
kalamidad
d. wala sa nabanggit
24. Ang CBDRRM Plan ay planong dapat naisama sa programa ng lokal na mga pamahalaan upang magsilbing gabay sa pagharap
sa mga hamon sa lipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan kung bakit ang Disaster Prevention and Mitigation
ang nasa unang yugto ng plano
a. dahil ito ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura
b. dahil mahalaga rin munang matukoy ang lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung may
kalamidad o sakuna
c. dahil dito isinagawa ang Hazard, Vulnerability, Risk at Capacity Assessment na siyang dapat unang bahagi sa
pagsagawa ng plano
d. dahil dito nagaganap ang pagsukat sa kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap ng iba’t ibang hazard na
maaaring maranasan
25. Ang gampanin o roles ay isa sa mga elemento ng istrukturang panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng
tamang pagganap ng tungkulin sa isang lipunan?
a. pag-aaral nang mabuti ng isang mag-aaral
b. pagbibigay ng tamang serbisyo ng ating mga pinuno sa pamahalaan
c. palaging liban sa trabahong pinapasukan nang walang sapat na dahilan
d. pagtatrabaho ng tatay para matugunan ang pangangailangan ng pamilya
26. Bawat lipunan ay may kani-kanilang paraan ng pamumuhay. Ito ay napapaloob sa kanilang kultura. Ano ang dapat gawin upang
maiwasan ang suliraning panlipunan na may kinalaman sa kultura nito?
a. papairalin palagi ang sariling paniniwala at pagpapahalaga
b. igagalang ang paniniwala at pagpapahalaga ng isang lipunan
c. punahin ang mga paniniwala at pagpapahalaga ng isang lipunan
d. pilit na baguhin ang mga paniniwala at pagpapahalaga ng isang lipunan
27. Iba’t ibang isyu ang naririnig at nalalaman natin sa ating lipunan ngayon. Ang ilan sa mga isyung ito ay maituturing na personal, at
ang iba naman ay isyung panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa isyung panlipunan?
a. Si Tikboy lang ang walang hanapbuhay sa kanilang pamayanan.
b. Sobra sa kalahati ng mga mamamayan ng isang pamayanan ay walang hanapbuhay.
c. Makalat ang barangay nila Nene dulot ng kawalan nito ng maayos na sistema ng pagtapon ng basura.
d. Pagkakaroon ng isang digmaan ng isang pamayanan dulot ng agawan ng teritoryo o mga lupain.
28. Iba’t ibang uri ng hamong pangkapaligiran ang nararanasan ng ating bansa. Isa sa mga hamon na ito ay ang mga pagbaha dulot
ng mga bagyo at malalakas na pag-ulan. Papaano ka makakatulong sa simpleng pamamaraan sa pagharap sa hamong
pangkapaligiran na ito?
a. pagbahagi sa mga miyembro ng pamilya at kapitbahay ng mga nalalaman na safety measures na natutunan
mula sa mga “symposium” na nadadaluhan
b. Paglunsad ng mga programa na naglalayong magkaroon ng “ zero casualty” ang buong pamayanan kapag may
mga pagbahang nagaganap
c. Pagiging miyembro ng rescue team ng barangay na tumutulong kapag may mga pagbahang nagaganap
d. Wala sa nabanggit
29. May mga isyung pangkapaligirang kinakaharap ang ating bansa sa kasalukuyan. Ilan sa mga suliraning pangkapaligiran na
nararasan natin ngayon ay ang polusyon, illegal na pagmimina at pagtotroso, deforestation, paggamit ng dinamita sa pangingisda,
landslides, coastal erosion, wildlife extinction, global warming at climate change. Ano ang masasabi natin sa kalagayang ito?
a. simple lamang ang suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa
b. malala ang suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng ating bansa

c.maliit lang ang suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng ating bansa


d. hindi nakababahala ang mga suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng ating bansa
30. Sa kapabayaan at pag-aabuso ng ilan sa ating mga kababayan sa ating kapaligiran, unti-unti itong nasisira. Isa sa mga nagiging
bunga nito ay ang pagliit ng ating mga hilaw na materyal na nakukuha mula sa ating mga likas na yaman. Alin sa sumusunod ang
pangunahing epekto nito sa ating ekonomiya?
a. mababawasan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. hihina ang produksiyon na magbubunga ng pagtaas ng unemployment rate
c.lalakas ang ekonomiya ng bansa dahil sa ating pag-angkat ng mga hilaw na materyal
d. nagkaroon ng kakapusan sa suplay ng produkto na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
31. Ang mga NGOs ng bansa, ang pamahalaan, at ang mga pribadong sektor ay nagtutulungan upang mapangalagaan ang ating
kapaligiran sa pamamagitan ng paglunsad ng iba’t ibang mga proyekto at programa. Ano ang mahinuha natin dito?
a. Marami na ang mga grupong gustong sumikat at makilala dito sa ating bansa
b. Marami na ang nagkakaroon ng kamalayan sa kalagayang pangkapaligiran sa ating bansa
c. Marami ang mga taong walang pinagkakaabalahan dito sa bansa kaya naglunsad na lamang sila ng mga programa
at pagkilos upang mapangalagaan ang ating kapaligiran
d. Wala sa nabanggit
32. Palaging nakakaranas ng pagbaha ang isang barangay na malapit sa isang ilog. Dahil dito, nagsagawa ng pagpupulong ang mga
tao roon at aktibo nilang sinimulan ang pagsagawa ng plano kung ano ang dapat nilang gawin bago pa man at sa tuwing may pagbaha
sa kanilang lugar. Tinitingnan nila ang mga maaaring mangyari at tinutugunan nila ito. Dahil nito ay naiwasan ang malawakang
pagkasira tuwing may pagbaha hindi lamang sa kanilang ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, ang pagkawala ng buhay. Batay sa
pahayag, ano pinakamabisang paraan sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran?
a. paglaan ng malaking pondo c. pagtalaga ng mga magagaling na pinuno
b. paghingi ng tulong sa ibang bansa d. pagtutulungan ng mga apektadong mamamayan

33. Ang Bottom-Up Approach at Top-Down Approach ay maaaring magdulot ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang
komunidad, ngunit sa anong bagay nagkakaiba ang dalawang approaches na ito?
a. sa hamong pangkapaligiran na kanilang kinakaharap o mararanasan
b. sa mga kagamitan na ginagamit sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad
c. sa layunin na hindi mahaharap sa hamong pangkapaligiran ang kanilang pamayanan
d. sa grupo ng mga tao at ahensiyang magiging kabilang sa pagsagawa ng pagpaplano
Basahin ang maikling pahayag na ito sa ibaba:
Community-based disaster risk reduction management (CBDRRM) is a process, which leads to a locally appropriate
and locally ‘owned’ strategy for disaster preparedness and risk reduction.

34. Batay sa pahayag sa itaas, alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing salik sa pagbuo ng CBDRRM Plan o Community
Based Disaster Risk Reduction Management Plan?
a. klase ng kalamidad na nararanasan ng isang lugar c. ang ahensiyang nangunguna sa pagsagawa ng plano
b. ang nga sektor na nagbibigay ng tulong sa panahon ng sakuna d. kaalaman at karanasan ng mga mamamayan
35. Ang barangay Mahayag ay bihira lamang makaranas ng pagbaha. Ang mga tao dito ay nagsagawa ng proper waste segregation.
At bawat Linggo ay nagtitipon-tipon sila upang linisin ang kanilang mga kanal. Anong mabuting katangian ang nakikita natin dito sa
pagharap sa mga hamong pangkapaligiran?
a. disiplina at kooperasyon c.kayamanan at katanyagan
b. katapatan at katalinuhan d. katatagan ng pananalig sa Maykapal
36. Sa Community Based- Disater and Risk Management, ang pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtutulong, pagsuri at pagtugon, pagsubaybay at pagtataya ng mga risk na maari nilang danasin. Ano ang implikasyon
nito?
a. mahalaga ang mga batas at programang nangangalaga sa kalikasan
b. mahalaga ang papel ng pamahalaang sentral sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran
c. mahalaga ang papel ng buong pamayanang apektado sa pagharap sa mga hamong
pangkapaligiran d. mahalaga ang pagbibigay ng tulong sa mga pamayanang nahaharap sa
mga hamong pangkapaligiran
37. Ang layunin ng Community-Based Disaster Management ay mabawasan ang “vulnerabilities” at mapatatag ang kapasidad sa
pagharap ng mga hazards ng isang komunidad. Papaano isasagawa ito upang mas maging epektibo?
a. Pagbuo ng mga plano at gawain bago ang pagtataya
b. Pagtulong sa mga biktima ng sakuna o kalamidad sa isang komunidad
c. Masusing pagsagawa ng mga pagtataya sa isang komunidad at pag aanalisa sa mga ito
d. Paghahanda ng mga kagamitan para sa pagharap sa mga sakuna bago pa ang pagtataya
38. Iba’t ibang uri ng sakuna ang nararanasan natin dito sa bansa kaya nakakatulong ng Malaki ang pagsagawa ng plano sa pagharap
nito. Sa pagbuo ng plano para sa inyong pamilya, alin sa mga sumusunod ang dapat na nauuna?
a. Pagtalaga ng mga maging miyembro ng rescue team ng inyong barangay
b. Pagtalaga ng ahensiya na madaling matawagan sa panahon ng sakuna o kalamidad
c. Pagtalaga ng isang lugar kung saan ay makukuha ang mga relief goods para sa mga biktima
d. Pagtalaga ng isang lugart kung saan ay magtatagpo ang buong pamilya na madaling matunton
Isa sa mga malalaking suliranin na kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan ay ang polusyon sa ating kapaligiran na nagdudulot ng matinding pinsala
sa ating kalikasan at lipunan, kung saan ay 40% ng namamatay sa buong mundo ay dahil sa tubig, hangin, at polusyon sa lupa.
39. Batay sa maikling salaysay sa itaas, ano ang pinakamalaking epekto ng polusyon ng ating kapaligiran?
a. Pagkasira sa buhay ng ilang mga tao c. Pagkasira ng ating mga likas na yaman
b. Pagkasira ng ari-arian ng ilang mga tao d. Pagkasira ng mga imprastruktura at agrikultura
40. Kung pagbabatayan pa rin ang maikling salaysay sa itaas, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng tao sa kanyang kapaligiran
upang ito ay mapangalagaan?
a. Pahalagahan at linangin ang mga ito c. Pahalagahan ito at huwag ng gamitin
b. Pahalagahan at ingatan ang mga ito d. Pahalagahan at ipaglalaban ang mga ito
GOOD BLESS! 

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
TIN 000-863-958-712
Tel. No. (084) 216-6742 / Telefax (084) 216-6506
000

ANSWER KEY

DIVISION UNIFIED TEST

ARALING PANLIPUNAN 10

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

S.Y. 2018-2019

1. B
2. A
3. B
4. B
5. A
6. B
7. A
8. C
9. A
10. C
11. A
12. D
13. C
14. B
15. B
16. C
17. C
18. A
19. A
20. B
21. A
22. D
23. B
24. A
25. C
26. B
27. A
28. A
29. B
30. B
31. B
32. D
33. D
34. D
35. A
36. C
37. C
38. D
39. A
40. B
Republic of the Philippines
BALAGUNAN NATIONAL HIGH SCHOOL
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISIONAralingPanlipunan
OF DAVAO DEL NORTE Grade 10
TIN 000-863-958-712
UNANG
Tel. No. (084) 216-6742MARKAHANG PAGSUSULIT
/ Telefax (084) 216-6506
SY 2022-2023

TABLE OF SPECIFICATIONS

OF

NUMBER OF ITEMS

UNDERSTANDING
REMEMBERING
PERCENTAGE

EVALUATING
ANALYSING
COMPETENCIES

CREATING
APPLYING
ITEMS
A .Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito (AP10PKI- 2.5% 1
1
1a-1)
Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito (AP10PKI- 7.5% 3
2,3 25
1a-2 )
Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng lipunan 7.5% 3
7 21 26
(AP10PKI-1a-3 )
Naipapaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at 5% 2
22 27
isyung panlipunan (AP10PKI-1b-4 )
Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong 2.5% 1
28
panlipunang kinakaharap sa kasalukuyan ( AP10PKI-1b-5 )
B. MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas 15% 6
8,9,10 4,5 29
(AP10KSP-1c-6 )
Nasusuri ang epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ( AP10KSP-1c-7 ) 12.5% 5 11 6 30 39 40
Natatalakay ang mga programa at pagkilos ng iba’t ibang sektor upang 7.5% 3
12,13 31
pangalagaan ang kapaligiran ( AP10KSP-1c-8 )
Natataya ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas batay sa epekto at 7.5% 3
14,15 32
pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran ( AP10KSP-1d-e-9 )
Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa 5% 2
16 23
suliraning pangkapaligiran ( AP10PHP-1e-10 )
Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottom-up approach sa pagharap 5% 2
17 33
sa suliraning pangkapaligiran ( AP10PHP-1f-11 )
Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng 2.5% 1
34
CBDRRM Plan ( AP10MHP-1h-13 )
Naipapaliwanag ang mga hakbang sa pagsagawa ng CBDRRM Plan ( 7.5% 3
18,19 24
AP10MHP-1h-14 )
Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib 5% 2
20 38
na dulot ng suliraning pangkapaligiran (AP10MHP-1h-15 )
Naisasagawa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan ( AP10MHP-1i-16 ) 2.5% 1 37
Napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa 2.5% 1 35
pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran (
AP10MHP-1i-17 )
Nasusuri ang kahalagahan ng Community-Based Disaster Risk Reduction 2.5% 1
and Management Approach sa pagtugon sa mga hamon at suliraning 36
pangkapaligiran ( AP10MHP-1i-18 )
KABUUAN 100% 40 17 7 3 9 1 3

You might also like