You are on page 1of 5

Commissioner Luis R.

Asis National High School


Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan X
KONTEMPORYONG ISYU
Pangalan______________________________________ Pangkat__________________ Marka_____________
Piliin ang titik ng tamang sagot.
______1. Ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang element, Ano ang element na tumutukoy sa dalawam o higit pang taong
may magkakatulad na katangian na nagkaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan?
a. Institusyon b. Gampanin c. Social Group d. Statu
______2.Ang kultura ay tumukoy sa kahulugan at paraan ng pamuuhay ng mga mamamayan. Ano ang element ng
kultura ang element ang kultura ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa
lipunang kaniyang kinabibilangan? a.Pagpapahalaga (Values) b. Paniniwala (Belief) c. Norms d. Simbolo (Symbols)
______3.Bilang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng pagkkaroon ng malawak na kaalaman sa mga Isyu at hamong
panlipunan?
a. Maipaalam sa pamahalaan at maigyan ng kalutasan ng mga isyung ito
b. Maunawaan na lahat tayo ay may bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliranng pangkapaligiran.
c. Makibahagi sa mga masusing pag-aaral at pananaliksik sa mga nasabing isyu
d. Magiging bahagi sa mga pakikibaka ng mga mag-aaral upang maiparating sa kinauukulan ang mga isyung ito.
______4.Ito ay maaring isang natural na pangyayari o kaya ay maari ding napabibilis o napalala dulot ng gawaiin ng tao
at isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming.
a. Transition in Climate b. Athmospherric Effect. C. Climate Change d. La Niña Phenomenon
______5.Ang Pilipinas sa Kalukuyan ay nakararanas ng matinding suliranin sa Solid Waste Management. Alin sa mga
sumusunod ang napapatindi rito?
a. Kawalan ng lalagyan ng basura sa bawat munisipyo c. Kawalan ng disiplina sa pagtapon ng basura
b. Makipot na daluyan ngbtubig gaya ng mga estero at kanal d. Pagputol ng mga punong kahoy
______6. Ito ang huling yugto ng Community-Based Disaster Risk-Reduction and Management Plan.
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Hazard Assesment
b. Disaster Response d. Recovery and Rehabilitation
______7. Ayon sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama(2008), Ang Pilipinas ay nakararanas ng epekto ng climate
change. Ang mga sumusunod ay patunay nito maliban sa_______.
a. Madalas at matagalan kaso ng El Niño at La Niña c. Malawakang pagbaha at pagguho ng lupa
b. Pagkakaroon ng malalakas na bagyo d. Pagpapasara ng boracay
______8.Sa ulat na pinamagatang Status Forests (2013) alisn sa sumusunod ang isa sa mga dahilan ng deforestration sa
Pilipinas?
a. Pagkakaroon ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at iba pa.
b. Mabilis at patuloy na pagtaas na populasyon ng bansa
c. Panganib sa kalusugan ng tao at iba pang nilalang sa kagubatan ng mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso
ng mga nahukay na mineral.
d.Nagkakaroon ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating kagubatan ay
ginagawang subdivision, paaral at iba pang imprastruktura
______ 9. Alin sa mgsa sumusunod ang HINDI katangian ng bottom up approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction
and Management (DRRM) Plan?
a. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay nagtutulungan sa pagtukoy sa mga balita na vulnerabilities na
nararanasan sa kanilang lugar.
b. Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan sa pamayanan
c. Ang pamumuno ng local na pamayanan ang nanatiling pangunahing kailangan para sa grassroots development
d. Ang mga NGO’s at pambansang pamahalaan ang nanginguna sa mga paghahanda at pagtugon sa
pangangailangan sa maga sakuna.
_____10.. Sa unang yugto ng Community Based Risk Reduction and Management na Disaster Prevention and Mitigation,
alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?
a. Hazard Assessment b. Vulnerability Assessment c. Risk Assessment d. Loss Assessment
_____11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naayon sa National Disaster Risk Reduction and Management
Framework?
a. pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito
b. tungkulin ng pamahalaan ang pagbuo ng Disaster Management
c. pinamumunuan ng mga NGO’s ang pagbuo ng Disaster Management Plan
d. Isinusulong ang Community Based Disaster Management Approach
_____12. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng Community Based Disaster Risk Reduction and Management?
a. gawing handa ang komunidad at maiwasas ang malawaknag pinsala sa buhay at ari-arian.
b. makibahagi sa pambansang pamahalaan sa pagtulong sa mga nasalantang ng kalamidad.
_____13. May ilang NGO sa Pilipinas ang sumsuporta upang malutas ang suliranin sa solid waste management. Aling
NGO ang gumagamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkakapaligiran at nangunguna sa
reforestration ng La mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project?
a. Bantay Kalikasan b. Mother Earth Foundation c. Green peace d. Clean and Green Foundation
_____14. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon
_____15. isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigaykahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.” Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag?
A. Ang kultura ang nagbibigay paglalarawan sa isang lipunan.
B. Bawat lipunan ay may kanikaniyang kultura.
C. Mahalagang bahagi ng isang lipunan ang kultura.
D. Pinapakahulugan ng kultura ang mga gawi ng tao sa isang lipunan
_____16. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isyung panlipunan?
A. Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay.
B. Ang isyung panlipunan ay karaniwang kumakatawan sa suliraning panlipunan. C. Ang isyung panlipunan ay
nakakaapekto sa malaking bahagi ng lipunan. D. Lahat ng nabanggit ay wasto tungkol sa isyung panlipunan
_____17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gampanin ng isang indibiduwal sa pagtugon sa mga isyu at
hamong panlipunan?
A. Ipagsawalangbahala ang mga isyung hindi ka apektado.
B. Iasa sa gobyerno ang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
C. Maging mulat sa lipunang ginagalawan.
D. Maghanap ng lipunang walang isyung kinahaharap.
_____18. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang
mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao.
Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing
pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa
sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang tinalakay sa talata?
A. Yamang tubig B. Yamng Lupa C. Yamang gubat D. Yamang Mineral
_____19. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 8742 C. Republic Act 7942 D. Republic Act 7586
_____20. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran
nito.
_______21. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster Risk
Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na
maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang
kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring
magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa
pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.
_______22. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob ang collaboration with
community and stakeholder?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo
B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan
C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor
D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan
_______23. Ano ang unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response C. Hazard Assessment D. Recovery and Rehabilitation
_______24. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan? A. Capability Assessment B. Hazard Assessment C. Loss Assessment D. Vulnerability Assessment
_______25.Nagtungo sa pamahalaang pambarangay at naglibot sa kanilang lugar sina Dexter, Jefferson, Angelito, at
Emmanuel upang itala ang mga naranasang kalamidad at hazard sa nakalipas na limang taon. Ang kanilang ginawa ay
isang halimbawa ng ____
A. Hazard Assessment
B. Capacity Assessment
C. Vulnerability Assessment
D. Disaster Assessment
26. Nagpagawa si Miguel ng dike upang dahil laging umaapaw ang ilog malapit sa kanilang bahay tuwing umuulan ng
malakas. Ang ginawa ni Miguel ay isang halimbawa ng ____
A. Hazard Assessment
B. Non Structural Mitigation
C. Disaster Prevention
D. Structural Mitigation
27. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan
28. Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istruskturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura
naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa
isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito. Binubuo ang kultura ng mga
paniniwala (beliefs), pagpapahalaga (values), norms, at simbolo
29.

Pasagutan ang gawaing ito upang magkaroon ng ideya kung natandaan ba ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng mga
konsepto na may kaugnayan sa disaster management. Gagamitin batayan ng mag-aaral sa pagsagot ang sumusunod:
NH – Natural Hazard D - Disaster
AH – Anthropogenic Hazard V - Vulnerability
NH1. Maagang umuwi ng bahay si Jerone mula sa kanilang paaralan dahil sa paparating na malakas na bagyo.
V2. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong gulang na anak dahil sa
maruming tubig baha sa kanilang lugar.
D3. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol na tumama sa kanilang
pamayanan.
AH4.Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan nito sa ilog ang mga kemikal na kanilang
ginagamit sa paggawa ng produkto.
R5. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng bawat barangay upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa
panahon ng kalamidad.

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B
kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama
ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.
_A_1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong
panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan.
_C_2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga tanong may magkakawing na ugnayan at
tungkulin. B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang
kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
_A_3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema ng
ugnayan sa isang lipunan. B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang
institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.
_D_4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit at impormal na ugnayan sa isa’t isa.
_A_5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang posisyong ito ay may kaukulang
gampanin o roles. B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang socialgroup ay
nakapagdudulot ng isyu at hamon na makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang konseptong tinutukoy ng bawat pahayag. ____Lipunan____1.
Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga. __Social Group__2. Tumutukoy sa dalawa o higit pang taong
may pagkakatulad na katangian ng nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa atn
bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
_____Status____3. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan.
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga summative assessment. Layunin ng mga gawain ito na mataya ang kabuuang
pagkatuto ng mga magaaral sa paksa. Ang resulta ng mga pagtatayang ito ay gagamitin ng gurong batayan sa
pagmaamrka sa mga mag-aaral.

27
_____Kultura___4. Isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay- kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng
isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan
Pagpapahalaga_5. Nagsisilbing batayan ng mga asal, kilos, o gawi ng isang indibiduwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.
_____Norms____6. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
_______________7. Tumutukoy sa isang pampublikong bagay na karaniwang kaugnay ito ng krisis o
suliranin sa mga institusyong panlipunan.
____Simbolo____8. Ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito.
_______________9. Kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao
at ang lipunang kanyang ginagalawan.
___Paniniwala___10. Tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo.
Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol sa Community-Based Disaster Risk Management Approach sa
pamamagitan ng paglalagay ng angkop na salita o parirala.
1. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay tumutukoy sa pamamaraan kung saan ang mga
pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay,
at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
2. Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung magtutulungan ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng lipunan
tulad ng mga mamamayan, NGO, at business sectors.
3. Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-Based Disaster
Risk Management Approachdahil kabilang sa framework ng Philippine National Disaster Risk Reduction and
Management ang paghihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga mamayan at paggamit ng lokal na kaalaman sa pagbuo
ng DRRM Plan.
4. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ang aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit ang
kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan.
5. Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran dahil hinihikayat nito
ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, mamamayan, business sectors, at NGO.
I. Knowledge level Identification Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag. Resilience1. Ito tumutukoy sa
kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
Vulnerability2. Tumutukoy ito sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga
hazard.
Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard3. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
Disaster 4. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga
gawaing pang-ekonomiya.
Hazard 5. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Natural Hazard6. Ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
Risk 7. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad
Community-Based Disaster Risk Management 8. Ayon kina Abarquez at Zubair (2004), ito ay isang pamamaraan kung
saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
top-down approach9. Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
bottom-up approach 10. Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan
sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.

You might also like